Saan ba nagsimula ang hydra? Sino ang mga magulang nito?

Reading Time: 8 minutes

Isa ito sa mga favorite kong monster nuong naglalaro pa ako ng bringadine sa playstation ko nuon. tandang tanda ko pa pagdumadating ang 1am nagtitimpla na ako ng kape para di antukin. Hay, those were the days.

Marami sa atin ang pamilyar na sa halimaw na to. Lalo na’t ung mga nakapanood na ng hercules pamilyar na kayo dito. Pero saan ba galing ang hydra, sino ang mga magulang nya? Ayon sa alamat ang hydra ay mayroong nakalalasong hininga at maramii itong ulo. Kapag pinatay o hiniwa ang isang ulo, ang kapalit nito ay dalawa.

Description:

Ang hydra ay isang ahas. Pero mas nakakatakot at mas makamandag ito sa ahas. Ang hydra ay nakatira sa isang kweba at lalabas lamang ito kapag ito ay nagugutom. Kadalasan pumupunta sa mga bayan para maghasik ng takot at kumuha ng pagkain. Ang hydra ay mayroong 6 na ulo o higit pa at mayroon itong mahahabang leeg. Ito ay para mapalupot nila sa kalaban nila ang kanilang leeg habang ang iba ay umaatake. Meron din itong 2 o higit pang buntot na syang pinapanghampas nito sa kanyang kalaban.

Ang hydra ay pinalaki at tinuran ng diyosang si Hera. Ang alam lang ng hydra ay atakihin lahat ng makikita nito. Hindi lang makamandag ang hydra, nakakalason din ito. Ang kanyang dugo ay punong puno nito pati ang kanyang hininga. Kaya bago pa makapasok sa kweba nya ang mga nagtatakang pumaslang dito, namamatay na papasok pa lang sa kweba nito dahil ang kweba ay kulob at ang hininga nito ay patuloy na umiikot sa kweba.

Immortal din ang hydra at mayroong regenerative capabilities. When i say immortal mga boss, hindi sya basta basta namamatay by any normal means kagaya ng pagpugot sa ulo, mahika o ano pa man. Oo napatay ang hydra pero kinakailangan pang sunugin ang ulo.

Origins:

Ang hydra ay unang lumitaw sa Theogony ni Hesiod, Para sa mga hindi pamilyar, ang theogony ay isang tula ni hesiod na ginawa nuong 8th – 7th century Before Common Era, dito nakalathala ang pinagmulak ng mga greek gods. Ayon naman sa mga painting at pottery, ang alamat ng hydra as matanda pa dito. Posibleng ang karakter o nilalang na hydra ay mula pa sa sumerian, babylonian o assyrian.

Matapos mailathala ni hesiod ang hydra. Ayon sa orihinal na kwento, ang hydra ay mayroon lamang 6 na ulo at hindi ito nag reregenerate. Nakuha nito ang attention ng mga pamosong manunulat nuon kagaya nila alcaueus, ovid, seneca, plato at vergil kung saan mas pinalakas nila ang halimaw. Si Alcaeus binigyan ito ng 9 na ulo habang si Euripides naman ang kauna una unahang naglathala na kapag pinutol ang ulo ng hydra, dalawa ang tutubo mula dito.

Mayroon ding nakitang depiksyon ang halimaw na ito dating back 500 BCE kung saan meron itong dalawang buntot at mas maraming ulo, indicating na meron nga itong regenerative ability. Subalit, walang accounts na magpapatunay na ito nga ay ang hydra.

Ayon naman kay heraclitus, ang alamat ay tungkol lamang sa isang ulong hydra at kasama lang nito ang kanyang mga anak o kapatid kaya mas nagmukha itong maraming ulo.

Birth:

Ang hydra ay anak ng 2 pang halimaw. Si Typhoon na isang immortal na higanteng ahas na may pakpak at ang echidna, isang kalahating ahas at kalahating tao.

Nuong pinanganak ito, inadopt na ito ni Hera, ang asawa ni Zeus. Pinalaki nya ang nilalang na ito sa intensyong tapusin si heracles. Hinanapan nya ito ng lunga, pinrotektahan at pinalaki na isang nakakatakot na halimaw. Nuong nagtagpo si heracles at hydra, naging mahirap ito para kay heracles pero in the end nagapi nya din ang hydra sa tulong ng kanyang pinsan na si iolaus.

Legend:

Si Heracles ay anak ni zeus pero sa ibang babae. Take note mga boss, si Zeus ang asawa nya ay si Hera. Let us establish that first. Dahil yan ang magiging motibo ng labanan ng hydra at ni heracles.

Matapos ipanganak na ni heracles nalaman ni Hera ang kataksilan ni Zeus at inutos na palayasin ang anak nito sa Mt. Olympus. Napaalis naman si Heracles pero hindi pa ito sapat para sa madrasta dahil napalayas nya man ito pero si Heracles ay unti unting nakikilala bilang bayani habang lumalaki ito.

Sinabi sa kanya ng isang oracle na para maging immortal si Heracles, kailangan nitong mapagtagumpayan ang 12 imposibleng gawain o mas kilala natin sa tawag na 12 labours of heracles. Dito nakakita ng oppurtunidad si Hera. Nakakita ito ng hydra at kinupkop ito. Inalagan nya ito at sinanay para maging isang nakakatakot na halimaw, isang halimaw na imposibleng mamatay.

Fast forward, nuong si Heracles ay pumasok sa lungga ng hydra, sa may larnean swamp, napansin nyang punong puno ito ng nakakalasong hininga ng hydra. Kaya’t pumasok sya dito ng mayroong makapal na tela sa ilong at bibig. Dahan dahan itong lumapit sa natutulog na halimaw at inatake nya ito ng umaapoy na pana. Ang hydra ay inatake si Heracles hanggang sa makalabas na sila ng kweba. Si heracles naman nakahanda sa lakas ng hydra at pinag pupugot nito ang ulo. Napahiyaw ang hydra sa sakit pero hindi naman ito nakamamatay para sa hydra, sa katunayan mas lalo pa nitong pinapalakas ang halimaw dahil sa bawat isang ulong na pugot, 2 ulo ang tutubo kapalit nito.

Matapos ang ilang minutong pakikipagbuno sa hydra, napagtanto ni heracles na hindi nya mapapaslang ang halimaw. Dahil dito tinawag nya ang kanyang pinsan na si Iolaus at nagdala ito ng nagbabagang sulo. Habang si heracles ay pinupugot ang mga ulo ng hydra, si iolaus naman ay sinusunog ang napugot na ulo para hindi na ito tumubo pa.

Nuong nakita ni Hera ang paraan ni heracles para matalo ang halimaw, nagalit ito ng sobra at pinadala ang isang higanteng alimango para madistract si heracles.

Nuong napugot na ang natitirang ulo at natitira na lang ang nagiisang ulo ng hydra, pinugot nya ito gamit ang gintong espada na binigay sa kanya ni athena at nilibing ito sa isang malaking bato.

Kahit na napatay ni Heracles ang hydra, maraming tao na naniniwala na hindi nya talaga ito matatalo kung hindi sya humingi ng tulong sa kanyang pinsan.

Paghihiganti:

Nuong napatay na ni heracles ang halimaw, ginamit nya ang nakalalasong dugo nito para sa isa pa nyang kalaban.

Isang centaur na nagngangalang nessus ang isa sa mga nilalang na pinatay ni heracles gamit ang dugo ng hydra. Nuong malapit na itong mamatay, sinabi nito sa asawa ni heracles na ang kanyang dugo ay may kapangyarihan na kayang gawing faithful ang isang lalaki sa buong buhay nito.

Kumuha ng dugo ng centaur si deianeira, ang asawa ni heracles. Ipinahid nya ito sa balabal ni heracles. Si Heracles ay dumalo sa pagsasalo salo ng mga bayani. Nuong wala na si heracles, hindi sinasadyang natapon ni Deianeira ang dugo ng centaur at nagulat ito dahil bigla itong umusok nuong nasinagan ng araw.

Agad syang nagpadala ng mensahero para balaan si heracles subalit huli na ang lahat. Si Heracles ay unti unting namatay sa sakit habang ang kanyang katawan ay sinusunog ng lason. In the end, ang hydra din ang pumatay kay Heracles.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Midgard/World Serpent – Jormungandr

Mydoom