Saan ba galing ang Deadly Sins (7 Deadly Sins Part1)

Reading Time: 16 minutes

Alam na natin ang 7 deadly sins. Ilang beses na nating diniscuss ito, gumawa ako ng video sa hell at purgatoryo ng divine comedy ni dante at duon diniscuss din natin ang bawat kasalanan at kung saan ito mapupunta, i know i know wala ito sa bible but still it gives us an idea sa kung gaano kasaklap ang 7 deadly sins. Pero ano nga ba ang mga ito sa christian literature? Mga boss i would like to inform you that by no means i am a preacher, these information are available on the internet, so kung meron man ditong maling pagkakaintindi, please correct me and we would compile it also i would assume na dahil sa pagkorek mo sa akin, isa kang religous person and religious people talk in a nice way.

Theory:

Okay so ayon sa theory na ito, ang 7 deadly sins ay nakafocus sa inner spiritual state ng gumagawa kesa sa ugali nito. Halimbawa, nagtorture o pumatay ka dahil mahal mo ang isang tao at hindi dahil sa galit, hindi ito ganuon kasama. Kapag ikaw naman ay nasa mataas na posisyon at may kapangyrihan pero hindi ito dahil sa pride, kundi ginamit mo para sa panginoon ay hindi ito kasalanan  at hindi mo kailangan mag bago.

Ayon din sa theorya, posibleng pinopromote nito ang egalitarian society o ung equality. Halimbawa ang gluttony, ito ay kasalanan ng isang tao sa pag consume ng sobra habang ang iba ay wala ng natira para sa kanila. In practice, ang mga religious authorities ay bihira lang itong inaaply sa mga mayayaman at may kapangyarahin. So in short, ang 7 deadly sins ay more focus sa mga mahihirap para mailinya ang mga ito.

Pinopromote ng religion ang idolohiyang ito para tulungan ang mga tao na tanggapin kung anong meron sila imbes na maghangad ng mas mataas. Again ito ay theorya lamang.

Origins:

Sa christian tradition, ang kasalanan ay mayroong impact sa ating spiratual development kaya clinassify ito bilang deadly sins. Ang mga theologians nuon ay nagdevelop ng kani kanilang listahan para sa mga cardinal sins. Ayon kay John Cassian, meron itong 8 deadly sins, ang gluttony, fornication, avarice, anger, dejection, sloth, vainglory at pride habang si Gregory the Great ay mayroong 7 cardinal sins na nilathala pride, envy, anger, dejection, avarice, gluttony at lust.

Sins:

Pride:

Proverbs 16:18

“Pride goes before destruction, And a haughty spirit before 6 a fall.”

Ang pride ay ang mataas na tingin sa sarili, sa iyong abilidad at hindi mo man lang binigyan ng papuri o pasasalamat ang panginoon. Ayon kay aquinas, lahat ng mga kasalanan ay nagsimula sa pride.Ayon kay thomas aquinas “Inordinate self-love is the cause of every sin…the root of pride is found to consist in man not being, in some way, subject to God and His rule.”

Ito naman ay ang kabaligtaran ng paniniwala ni aristotle, ayon sa kanya, ang pride o respect for oneself ay ang pinakamataas na vidtues. Mas mahirap hawakan o pamunuan ang taong may rational pride.

Kaya against ang mga religious sa pride ay dahil gusto ng mga ito na mas maging submissive ang mga miyembro ng isang religious sect at mas lumakas ang kapangyarihan ng kanilang simbahan. Honestly speaking, wala naman problema sa pride as long as you can justify it. Halimbawa, nagaral ka ng sobrang tagal, say engineering, lahat un pinagpuyatan mo pinagsikapan mo, lahat ginawa mo. In a sense you can have your pride na ay wow natapos ko to isa na akong engineer but also give god a credit.

Totoo na ang overconfident dahil sa iyong abilidad kadalasan ay napupunta sa trahedya pero totoo rin na kapag wala kang kumpyansa sa sarili mo ay hindi mo aaachieve ang iyong full potential.

Envy:

1 Peter 2:1-2

Therefore, rid yourselves of all malice and all deceit, hypocrisy, envy, and slander of every kind. 2 Like newborn babies, crave pure spiritual milk, so that by it you may grow up in your salvation,

Ang envy ay ang pagkainggit mo sa isang tao, whether material man yan kagaya ng sasakyan, bag, alahas gamit o kahit emosyonal kagaya ng kahabaan ng pasensya, pagiging positive at iba pa.

Ang mga non christian philosphers kagaya nina aristotle at plato ay nagniniwala na ang envy o pagkainiggit ay napupunta sa pagkagusto ng isang indibidwal na masira ang isang tao. Para sa kanila, ang pagkainggit ay isang form of resentment.

Dahil nga sa ito ay kasama sa 7 deadly sins, ang simbahan ay pinapangaral sa mga miymebro nito na wag ng maghangad ng iba at maging kuntento sa kung anong meron ito.

Gluttony:

Proverbs 23:21

“For the drunkard and the glutton will come to poverty, And drowsiness will clothe a man with rags.”

Ang gluttony o pagkamatakaw ay laging naiuugnay sa pagkain ng sobra pero mas malawak ito mga boss. Hindi lang sya sa pagkain naapply, ang gluttony ay ang pagconsume ng sobra halimbawa, sa tubig, sa kuryente at sa mga iba pang bagay. Kasama na idin dito ang earthly things kagaya ng mga alahas, sasakyan, laruan at kung ano ano pa. Ang gluttony ay naiuugnay din sa excessive materialism.

Altho maganda pakinggan ang aral, ang gluttony ay naiienforce lamang sa mga mahihirap. Kagaya ng naunang mga turo, na makuntento sa kung anong meron at hindi maghangad dahil ito ay mas makasalanan. Subalit kagaya nga ng sinabi ko, this only applies sa mga mahihirap. Sa katunayan kahit ang mga religous leaders ay guilty din sa gluttony, altho yes we can say na justified ito dahil ito ay nilalagay sa simbahan. Pero mga boss, let me ask you this, may narinig ba kayo na isang religious leader na nag single out patungkol sa gluttony?

Halimbawa na lang dito sa atin, sa pilipinas, ilan dito sa atin ang nagsingle out ng candidate o persons in power at sinabing ipamahagi ang yaman nito sa mga mahihirap? Reality bites, siguro meron iilan pero majority, tikom ang bibig patungkol dito dahil kapag ito ay prineach, pati mismo ang religous sect na magppreach ay dapat iapply din ito.

Lust:

Matthew 5:28

“But I say to you that whoever h looks at a woman to lust for her has already committed adultery with her in his heart.”

Well obviously alam naman na natin ang lust. Ang kagustuhan para sa physical pleasure ay makasalanan dahil mas binabalewala natin ang mga spiritual needs o ang commandments. Ang sexual desire ay makasalanan din dahil ito ang naguudyok sa atin na makipagtalik basta basta at hindi ginagamit sa pagppaparami.

Ang pagbawal sa kahayukan sa laman at physical pleasure ay ginagawa ng simbahan para mas mapromote ang afterlife o ung buhay matapos ang kamatayan. Ayon sa simbahan, ang pakikipagtalik ay dapat ginagamit lamang sa pagpaparami at hindi dahil sa mahal mo ang isang tao o dahil sa gusto mo lang maibsan ang iyong nararamdaman.

Sa katunayan mas ineemphasize ito na isang matinding kasalanan. Hindi ba sinasabi ng iba sa atin o malamang narinig nyo na sa iba na masama ang makipagtalik, i am pertaining sa mga hindi magasawa.

Anger/Wrath:

Proverbs 15:1

“A a soft answer turns away wrath, But a harsh word stirs up anger”

Ang anger o galitay isang kasalanan na nirereject ang pagmamahal at pasensya. Na dapat ay inaaply natin sa iba bagkus ito ay napapalitan ng galit. Maraming mga pangyayari nuong unang panahon na kung titingnan natin ay motivated by anger imbes na pagmamahal. Lagaya ng Inquisition o ung mga crusades. Subalit ayon naman sa kanila, ginagawa nila iyon dahil sa pagmamahal sa panginoon, sa sobrang pagmamahal na kaya na nilang manakit dahil dito.

Ang paghatol sa galit bilang isang kasalanan ay isang paraan para mapigilan ang injustice, lalo na ang injustice ng mga religious persons.

Greed:

“Having lost all sensitivity, they have given themselves over to sensuality so as to indulge in every kind of impurity, with a continual lust for more” (Ephesians 4:19)

Ang greed o kasakiman ay ang pagkagusto sa materyal na bagay. Kaperahas ito ng Gluttony at envy. Pero imbes na consumption ang greed ay more on posession. Subalit ang mga religious authorities ay bihira lang tinuturo na ang mayayaman ay maraming mga kayamanan at ang mahirap ay halos wala na. Ang paghatol sa kasakiman bilang isa sa 7 deadly sins ay paraan para ang mga mahihirap ay hindi mag hangad pa ng mas sobra sa kung anong meron ito.

Sloth:

“The way of the sluggard is blocked with thorns, but the path of the upright is a highway” (Proverbs 15:19).

Hindi porket sinabing sloth, tamad na mga boss. Mas naiuugnay ito sa salitang apathy kung saan kapag ang isang tao ay apathetic, wala na silang pakialam sa panginoon at binabalewala na lang ang spiritual well being. Ang paghatol sa sloth bilang deadly sin ay isang paraan para ang mga miyembro ng simbaha ay mas maging actibo sa religious sect nito at mas mapalapit sa panginoon.

Punishment:

Dito na tayo sa punishment at for sure meron na namang magcocomment na wala yan sa bible ah. Well, mga boss ito ay mula kay Pope Gregory 1. Ayan ha clear tayo, this is not from the bible, ito ay mula kay pope gregory the 1st.

Ang mga taong guilty sa kasalanan ng pagkamataas o pride ay pinarurusahan sa impyerno sa pamamagitan ng broken wheel. Hindi klaro kung bakit broken wheel ang sinulat ni pope gregory pero inuugnay ito nuong medieval times kung saan ang mga taong tinotorture ay nilalagay sa broken wheel at nilalabas para makita ng mga ibang tao.

Ang parusa sa mga taong naging guilty sa pagkainggit ay ilulublob sa nagyeyelong tubig. Habang ang mga matatakaw naman ay pwepwersahing pakinin sa impyerno kahit hindi na nila ito kaya pa.

Ang mga taong guilty sa lust ay susunugin sa impyerno sa by fire and brimstone. MArahil ito ay dahil sa init ng katawan na nararamdaman kapag ikaw ay nakikiapgtalik, hence sa impyerno ay talagan init ang mararamdaman mo.

Medyo nakakatakot ang parusa para sa mga mainitin ang ulo dahil sa impyerno ay puputol putulin ang iyong katawan. Habang ang mga taong sakim ay papakuluan sa impyerno gamit ang isang mantika habang buhay. Lastly ang sloth, ang mga taong guilty rito ay itatapon sa isang hukay na punong puno ng ahas.

Protestant and Catholic Beliefs:

Sa mga previous religious videos ko, it seems hati ang mga tao regarding hell, deadly sins and purgatory. On one side, nagsasabi na once you sinned, impyerno na agad, there are no circles, straight hell. Ang iba naniniwala na merong purgatoryo habang ang iba naniniwala na wala, rekta impyerno na agad. Let me discuss this to you mga boss. First of all, bible has purgatory, albeit hindi ito sinabi directly, it hinted na meron.

1 Peter 3:20

To those who were disobedient long ago when God waited patiently in the days of Noah while the ark was being built. In it only a few people, eight in all, were saved through water,

Matthew 5:25-26

Make friends quickly with your accuser, while you are going with him to court, lest your accuser hand you over to the judge, and the judge to the guard, and you be put in prison; truly I say to you, you will never get out till you have paid the last penny

Base sa mga comments, there are two kinds na nakikita ko, catholic ang protestant. Ang catholic mga boss sila ung naniniwala sa scripture na binasa ko sa taas at yan din ang ginamit ni Dante sa libro nyang divine comedy. Ang mga protestant ay hindi naniniwala na mayroong purgatoryo. So anong konek? Kagaya nga ng sinabi ko, nabasa ko sa comments na iilan ang nagsabi na pantay pantay ang kasalanan. That mga boss ay isang protestant teaching, dont get me wrong, i am just comparing the two religious sect, ang mga catholics kasi naniniwala na bawat kasalanan ay may kanyakanyang parusa, depende sa bigat ng kasalanan mo.

Endpoint:

Bulalord, lahat yan nagawa ko na so saan ako pupunta jan? It depends mga boss kung anong paniniwala mo. Ang 7 deadly sins and its punishment was created by catholics, so kung ikaw ay isang protestant, then i would think na rekta sa dagat dagatang apoy regardless kung anong kasalanan yan kung maliit man yan o malaki. The commandment is absolute and the punishment is eternal.

Pero kung ikaw ay catholic, it will depend kung ano ang pinakamabigat mong nagawa, say naging sakim ka at the same time pumatay ka rin, it will be weighed down kung ano ang pinakamaraming nagawa mong kasalanan and then you will be thrown to your punishment.

So mga boss clear tayo jan ha, the punishment will depend on your belief but still we can agree na regardless of your belief, sa impyerno pa rin ang bagsak ng mga taong makasalanan.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Sino ang Prince’s of hell? -Part 1-

Ano ba ang Ygdrassil, Bakit ito tinawag na world tree?