Rudolph The Red Nosed Reindeer

Reading Time: 9 minutes

Mga boss kilala nyo naman si Rudolph diba? Alam natin ang kanta tungkol sa kanya, kung papaano nya tinulungan si santa. Pero kakaunti lang sating mga pinoy ang nakakaalam ng behind the scenes ni Rudolph, kung sino ang gumawa sa kanya at ang nakakalungkot na istorya ng gumawa.

StoryWriter:

Si bob may, depressed at broken hearted. Nakatulala ito sa bintana ng kanyang apartment ng isang gabi ng disyembre. Ang kanyang 4 na taong gulang anak na babae ay nakaupo sa kanyang hita at humihikbi.

Ang asawa ni bob si evelyn ay kinakain na ng cancer. Hindi ito maintindihan ni barbara. Hindi nya maintindihan kung bakit hindi makakauwi ang kanyang nanay. Tiningnan ni barbara ang kanyang tatay at tinanong kung bakit hindi pwedenge maging katulad ng ibang nanay ang kanyang nanay.

Napakagat ng madiin si bob at ang luha sa mata nya ay unti unti ng tumulo. Ang tanong ng kanyang anak ang nagbigay ng pighati sa kanya pero nakaramdam din sya ng kakaunting galit.

Mahirap ang naging buhay ni Bob, mas maliit sya kumpara sa ibang bata at dahil dito nagiging tampulan sya ng tukso. Hindi rin sya makasali sa mga sports dahil hindi pasok ang height nya at ang masaklap pa dito, binabansagan sya ng iba’t ibang pangalan. Simula pagkabata, si bob ay hindi bumagay sa mga nakapligid sa kanya.

Nuong natapos ni bob ang college, pinakasalan nya ang kanyang asawa at nagkaroon ng trabaho sa montgomery ward bilang isang writer nuong panahon ng great deppression.

Biniyayaan sila ng isang babaeng anak. Pero saglit na kasiyahan lang ito dahil nagkaroon ng cancer ang kanyang asawa at halos lahat na ng kanilang life savings ay nawala. Si Bob at ang kanyang anak ay walang nagawa kundi maniriahan sa isang apartment sa mahirap na lugar ng chicago.

Si evelyn naamataya bago pa mag christmas nuong 1938. Si bob ginawa ang kanyang makakaya para bigyan ng pag-asa ang kanyang anak. Hindi nya kayang bumili ng mga magagandang regalo o kahit nga simple lang dahil gipit na sila sa pera. Kaya imbes na bumili si bob, gumawa sya ng regalo. Isang story book!

Si bob sumulat ng isang istorya patungkol sa mga hayop na karater para magbigay ng pag-asa kay barbara at maging comfort nito sa gitna ng pagkawala ng kanyang nanay.

Alam nyo na kung sino ang karakter na yon. Yun mga boss ay si Rudolp. Ginawa nya si Rudolph, ang pagkatao ni Rudolp ay mula mismo sa kanya. Kung anong naranasan nya nuong bata pa sya, kung paano sya binubully at parehas naging outcast.

Natapos ni Bob ang libro na kanyang isinulat bago pa magpasko at naibigay nya ito sa kanyang anak. Pero hindi pa duon natapos ang istorya mga boss. Nalaman ito ng general manager ng montgomery ward at nagandahan sa kanyang waga kaya binili nito ang rights para ma reprint ang libro na ginawa ni bob. Nuong nareprint na ito, pinagay ng wards ang Rudolph the red nosed reinder sa mga batang bumibisita kay santa claus sa kanilang mga tindahan.

Sa parehas na taon, isang major publisher ang gustong bumili ng rights mula sa wards para maiprint ang mas updated version ng libro. As a gesture of kindness, ang CEO ng montgomery wards ay binalik ang rights kay Bob. Ang libro ay naging best seller at maraming toy at marketing deals ang pumasok sa buhay ni Bob May. Si bob ay nag-asawang muli at naging mayaman na sya dahil sa isang simpleng libro na ginawa nya para sa anak nya.

Song:

Pero hindi pa natapos dun ang blessing nya mga boss. Si Johnny Mars, ang bayaw ni bob may ay gumawa ng kanta mula sa ginawang libro nito. Ang kantang ginawa ni Mars at tinurndown ng mga kilalang singer nuon na sina Bing Crosby at Dinah shore. Si Gene Autry, isang singing cowboy ang syang naging unang singer ng nasabing kanta.

Ang Rudolp the red nosed reinder ay nirelease nuong 1949 at naging phenomenal success. Sa katunayan mas mataas ang sales nito kumpara sa ibang mga christmas song. Ang regalo ni bob may na pagmamahal para sa kanyang anak ay paulit ulit na bumabalik sa kanya. Kagaya ni Rudolph, hindi masama ang pagiging iba, in fact sa case ni rudolph at ni bob may, naging blessing pa ito.

Movie:

Nuong 1964 ang kanya ni Johnny Mark ang nagbigay ng inspirasyon sa stop-motion film. Prinoduced ito ng Rankin/Bass Production. Ang lahat ng mga voice actor ay mga canadian at nirecord ang kanilang mga voice over sa RCA Studio sa Toronto. Ang popularidad ni Rudolph ay hindi man lang bumagsak nuon sa katanuyan lagi na itong pinapalabas simula pa nuong 1964 at dahil nga dito, ito ang pinaka longest running christmas tv special sa history.

Red Nose:

Bakit nga ba umiilaw ang ilong ni Rudolph at bakit ito mapula? Well mga boss ito ang tinatawag na bioluminescence. Ang mga hayop ay mayroong kakayahan na gumawa ng sarili nilang ilaw sa pamamagitan ng pagmimix ng mga chemicals.

Pero iba naman ang sabi ng mga scientist. Ayon sa kanila, ang posibleng eksplinasyon ay dahil sa bigat ng binubuhat nito. Ang kanyang katawan ay naooverworked at dumadaan sa hyperhermia. ang kanyang ilong ang nagsisilbing cooling mechanism tinatawag itong nasal mucusa. Pero sympre hindi lang yan ang dahilan, posible ding dahil sa sipon, bioluminescence o hindi naman kaya parasitic infection.

Ako na magtatanong sa inyo mga boss, kung ito ay bioluminescence bakit si rudolph lang? Bakit ang iba wala? Well mga boss, isa itong trait. Tinatawag itong atavism. Ang atavism ay ang trait ng malayong ninuno na bigla na lang lumabalabas sa mga bagong anak. Halimbawa dalawang normal nag mag-asawa nanganak ng sanggol na puro buhok, in the distant past, alin sa mga magulang ay mayroong ganuong ninuno. So nagkataon lang na ang ativism ay naging aktibo sa kaso ni rudolph.

Nuong ginawa kasi no Bob May si Rudolph, pula talaga ang ilong nito pero naging problema ito nuong 1930’s kasi ang pagkakaroon ng mapulang ilong ay indikasyon na ito ay lango sa alak. Ayaw ng Montgomery wards na isipin ng mga tao na pinopromote nila ang alcoholism. Matapos ang mahabang pag-uusap nag bigay ng go signal ang kumpanya sa pagiging red nose nito. Oo nga pala mga boss, merong mga article na ginawa ni Bob May ang ilong ni rudolph na pula dahil ito ay paglalarawan nya na lasinggero ang reindeer, hindi po ito totoo mga boss, wala pong kaugnayan ang pagiging pula ng ilong ni rudolph sa alcoholism. Isipin nyo na lang, regalo nya sa anak nya ang librong ginawa nya at ang bida ay lasinggero? Malabo naman ata un.

Fun fact mga boss, Hindi agad Rudolph ang pangalan nya, Si Bob May ay nagkaroon ng 3 major names, ito nga ay si Reginald, Rollo at Rudolph. Eventually nagsettle din sya sa rudolph.

Gender:

Mga boss ang mga lalaking reindeer ay nagsheshed ng antlers early december pa lang. Ang mga antlers o mga sungay ng mga ito ay tutubo pagdating ng spring o tagsibol. Cycle to mga boss, ganito ang normal na nangyayari sa mga reinders. So sa kaso nila rudolph dahil nga december meron pa rin silang antlers. Posible ring gagawan ito ng powers ni

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Santa=Satan?

Reindeer