Reindeer

Reading Time: 10 minutes

 

 

Obviously mga boss dahil nga pasko Reindeer ang animal of the week natin. Makikita na naman sila sa mga christmas lights, sa mga libro, decoration at kung saan saan pa.

Names:

Ang salitang reindeer ay galing sa old norse word na “hreinin” na ang ibig sabihin ay Horned animal. Habang ang caribou naman ay galing sa salitang french na ang ibig sabihin ay snow shoveler. Pinangalanan nila ito dahil sa ang mga reindeer ay naghuhukay sa snow para makahanp ng kanilang pagkain.

So to clear confusion boss, Ang reindeer kasi ay tinatawag ding caribou sa ibang rehiyon sa mundo. At hindi natin masisisi ang mga tao kasi historically boss ang european o asian reindeer at ang american caribou ay pinaniniwalaang magkaibang species pero sa katunayan iisa lang sila.

In short mga boss, ang european at asian kilala ito sa tawag na reinder at ang american naman ang tawag dito ay caribou.

Gender:

Karamihan sa mga species ng mga deer ang mga lalaki lang ang mayroong antlers o ung sungay pero iba ang reindeer. Although ang mga ibang babaeng reinder sa certain populations walang antlers, ang karamihan sa mga ito ay meron. So papaano natin malalaman ang kasiraan ng reindeer sa unang tingin? simple lang mga boss.

Ang mga lalaking reindeer ay nag sheshed o natatanggal ang kanilang antlers sa panahon ng winter o spring habang ang mga babaeng reindeer naman ay nagsheshed kapag summer. Ang sungay ng isang babaeng reindeer ay mas maliit kumpara sa lalaki pero hindi mo ito pwedeng gawing basis dahil may mga babaeng reindeer na malalaki at merong lalaking reindeer na maliliit. What i am pointing at boss, say parehas sila ng laki, obviously, mas magiging maliit ang sungay ng babaeng reindeer kumpara sa lalaki.

So ngayon mga boss pumunta tayo kay santa. Given the fact na ang mga reindeer ay nagsheshed ng antlers kapag winter, obviously hindi ito mga lalaki. Tama ba mga boss? Well, half oo. You see mga boss, base sa ating mga napapanood, ang mga reindeer ni Santa ay may mga antler pa rin so either ang reindeer ni santa ay mga batang lalaking reindeer, o hindi nman kaya mga babae ang mga ito. Ang mga matatandang lalaking reindeer lang ang nagsheshed ng antlers mga boss.

#3

Dahil nga ang klima ay pabago bago, ang paa ng isang reindeer ay nag evolve din para dito. Sa summer ang kanilang mga paa ay nagiging malambot para sa extra traction kapag winter naman ang kanilang mga pads ay liliit at sisikip kung saan maeexpose ang kanilang kuko, ito rin ang tumutulong sa kanila sa pagtakbo sa malamig na snow o hindi naman kaya para maghukay at maghanap ng pagkain.

#4

Hindi lang paa ang nagbabago sa reindeer, sa katunayan ang kanilang mga mata nila ay nag-aadapt din. Ang tapetum, ito yung parte ng kanilang mata sa likod ng iris. Kapag summer nagkukulay ginto ito, kapag winter naman nagiging asul ang kulay nito. Hindi mo ito basta basta mapapansin mga boss kung hindi mo iilawan ang kanilang mga mata.

Ayon din sa pag-aaral na ginawa ng university college london. Ang mga reindeer ay may kakayahang makakita ng higit pa sa nakikita natin. Oo mga boss, ang mga reindeer ay ang nagiisang mammal na may kakayahang makakita ng ultraviolet light. Ito ang tumutulong sa kanila para makita ang mga ibang kasama nila o hindi naman kaya mga pagkain. Sa normal na tao, mahirap makita ang kanilang balat dahil na din sa kulay ng nyebe o hinid naman kaya ang mga ihi pero sa kanila, isa itong malinaw na kulay.

#5

Ang mga Reindeer ay mga herds o mga grupo. Ang mga reindeer ay makikita mo mula 10 hanggang 1,000 ang nasa isang herd. Kagaya ng ibang mga herds, ang mga reindeer ay nag mimigrate din. Ang mga North  american Reindeer ay kayang maglakbay ng 3,100 miles per year. Ang average nyan mga boss ay 23 miles per day!

#6

Ang mga babaeng reindeer ay nagluluwal ng isang anak lamang pero merong mga rare occassion na naglalabas ito ng isa pa.  Ang bagong luwal na reindeer ay makakatayo agad ilang minuto bago ito ilabas at pagkatapos ng isa’t kalahating oras ay makakatakbo na ito ng mabilis. Gayunpaman, ng ialabas ito sa mundo, nasa panganib na ito agad. Dahil ang mga mata ng golden eagle ay nagmamatyag. Ito ang number one predator ng mga reindeer. Kayang kaya nitong dagitin ang mga baby reindeer ng walang kahirap hirap.

#7

Para sa mga mahihilig sa gatas jan, pinaniniwalaan ana ang mga reindeer ang may pinakamainam na gatas na napproduce ng isang terrestrial mammal. Sa katunayan, meron itong 22 % butterfat at 10% protein. I know puro numbers pero alam nyo ba mga boss na ang gatas galing sa dodo ng cow ay mayroon lamang 3-4% butterfat? Halos 7x ang dami ng gatas ng isang reindeer.

#8

Kahit na mayroon silang ultraviolet eyes, may pagkakataon na mahihirapan pa rin silang makita ang nasa paligid lalo na kapag malakas ang bagyo. Ang mga herds ay gumagawa ng isang clicking sound habang naglalakad ang mga ito. Isa itong signal sa kapwa nila reindeer na nasa herd pa rin sila at hindi maligaw. Kung sakali naman ang isang reindeer ay maiwan, susundan lang nito ang tunog ng mga paa ng kapwa nya reindeer para makabalik.

#9

Pag dumating ang July at august, ang mga ibang reindeer ay iniikot palagi ang kanilang ulo na parang pinapagpag, o di naman kaya ang kanilang mga paa binabagsak sa mga lupa. Habang ang ibang mga reindeer naman ay nagtatakbuhan. Ginagawa nila ito mga boss para iwasan ang mga parasitic flies, kasama na nga dito ang bot flies. Ang C. Trompe ay hindi nangingitlog, bagkus nilalaglag nito ang mga maliliit na uod sa ilong ng mga reindeer.

Ang mga larvae ay lalaki sa nasal passage ng mga reindeer bago humukay pailalim sa may sinus o sa may bandang lalamunan. Pagdating ng spring, ang mga larva ay malalaki na at dahil dito nagkakaroon na ng paghirap sa paghinga ang reindeer. Ang masaklap pa dito, hindi lang isa ang mga uod, karamihan umaabot ito ng 50 larvas kaya naman may pagkakataon na ang reindeer ay namamatay dahil nasosofucate.

Kapag malaki na ang mga ito, lalabas sila sa reindeer sa pamamagitan ng pagsinga o pagubo nito. Dito mapupunta sila sa lupa kung saan kokompletuhin ang kanilang life cycle.

#10

Ang mga reindeer ay mayroong air sac malaipit sa windpipe. Ang air sac na ito ay lumalaki kapag ang lalaking reindeer ay tumatawag ng babae para makipag mate o hindi naman kaya para sa kanyang dominance. Ang mga reindeer walang air sacs pagkapanganak nila. Ito ay tumutubo lamang habang tumatandan sila. Pag dating ng 2-3 years, ang mga air sacs ng mga babaeng reindeer ay tumitigil na sa paglaki habang ang mga lalaki ay dirediretcho pa din ang paglaki hanggang sa mag anim na taong gulang ito.

Ang mga air sac ng mga lalaking reindeer ay asymmetrical, ibig sabihin mga boss hindi balanse. Kadalasan nakikita ito na nasa kaliwa o hindi naman kaya extending sa right side sa ibaba ng kanilang leeg.

#11

Alam nyo ba mga boss na ang reindeer ay mahilig sa mga ihi nila? Oo mga boss. Karaniwan pag umiihi ang reindeer kinakaskas nito ang kanilang hind legs o ung paanan sa likod para ma spray ang ihi nila sa katawan. Hindi lang yan, may mga pagkakataon din na ang mga reindeer ay iihian ang isang parte ng luha at ikakaskas ang ilong nito sa pinagihian nya ng mga 10 minuto.

Hindi lang yan, gustong gusto rin nila ng ihi ng mga tao. Bakit nga ba? Kasi mga boss ang mga reinder ay defficient sa asin. Ibig sabihin kulang sila sa asin kaya naman gustong gusto nilang uminom ng mga tubig dagat pero sympre malalayo ang mga ito. Eh ano pa nga bang malapit na tubig na mayroong asin? Sympre ang ihi natin.

Sa katunyan ginagamit ito ng tozhu Tuvan ng russia. Ang mga ito ay nagaalay ng mga ihi nila para sa mga reindeer pero dahil nga malamig duon madaling nagyeyelo ang mga ito, kaya ang ginawa nila ay nagtayo sila ng mga make shift urinals para sa mga reindeer. Sa katunayan, kapag ang mga reindeer ay nakakita ng taong iihi, ang mga ito ay lalapit sa tao para abangan itong matapos at mainom ang ihi nito.

 

 

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Rudolph The Red Nosed Reindeer

1977 tv broadcast interuption by vrillon