Pterosaurs

Reading Time: 11 minutes

Kapag pinakita sa inyo ang dinosaur na ito, ano ang una ninyong sasabihin? Pterodactyl hindi ba? Ayan kasi ang nakasanayan na natin. Ito, pterodactyl din, ito pterodactyl din at lastly ito pterodactyl din. Yan kasi ang naipunla na mindset sa atin na halos lahat ng lumilipad na dinosauray pterodactyl pero sa katunayan mga boss ang genus nila ay pterosaur. Tara mga boss at tuklasin natin ang “dragons of the sky”

Name:

Ang pterosaur ay mula sa Greek word na ang ibig sabihin ay winged lizards. Ang pterosaur ay grupo ng mga flying reptiles na nanirahan sa mundo 215 million years ago. Sila ang kaunaunahang vertebrates o yung mga backboned animals na nakakalipad. Naging extinct din sila kasama ng mga dinos nuong bumagsak ang asteroid 65 million years ago.

Kahit na wala tayong time machine para malaman ang eksaktong itsura, laki at kulay nila, meron naman tayong mga scientist at mga paleontologists na kayang pag-aralan at tukuyin kung anong charactersitics ng mga ito. Tinatawag din silang “dragons of the sky”.

Fossils

Ang mga fossils ng pterosaur ay talaga namang rare at kadalasan hindi kumpleto dahil ang mga fossils nito ay magagaan lamang at mabilis masira. Kaya kahit na makatagpo sila ng mgadang specimen, kadalasan nasisira ito kapag inextract, tinatransport o hindi naman kaya pinag-aaralan. Dahil dito, ang pterosaurs ay naging challenge para sa mga paleontologists.

Walang nakakaalam kung sino ang unang nakahukay ng unang pterosaur skeleton pero ito ay nakita sa isang 150 million year old limestone later sa germany sa pagitan ng 1767 at 1784

Ang specimen na ito ay napunta kay Cosim Alessandro Collini na isang italian natural scientist, subalit sa kasamaang palad, wala itong idea kung ano ito. Sinubukan nyang pag-aralan ang fossil at napagtanto nya na ang pang apat na daliri nito na mahaba ay ginagamit sa paglangoy. Well, ito ang naisip nya dahil ang fossil ay natagpuan sa isang lagoon kasama nito ang iba pang fossils ng aquatic creature kaya inakala nya na isa din itong aquatic na nilalang.

Dumating ang 1801 at pinag-aralan ito ni Georges Cuvier, isang french naturalist. Dito sinabi nya na hindi ito ginagamit sa paglangoy bagkus ito ay mga pakpak. Pinangalanan nya ang kanyang specimen ng “pterodactyl”. Fun fact mga boss, ito ang dahilan kung bakit tumatak sa atin ang mga species na lumilipad na kagaya nito ay tinatawag na pterodactyl.

Pero dahil nga ang mga fossils ay mabilis masira, ang attention sa bagong discovery ay agad nawala dahil nawalan ng interest ang mga paleontologists dahil na din sa kakulangan ng mga fossils nito.

Dumating ang 1970, at dito na umusbong ang modernong technique at mga theories kung saan bumalik ulit sa spotlight ang pterosaurs. Inaakala ng mga paleontologists nuon na ang mga flying reptiles na ito ay mga fish eaters dahil na din sa natgpuan nga ang unang specimen sa may lagoon o body of water. Pero dahil na din sa modernong technique, napag-alaman nila na kahit ano kinakain nito, mapa isda, maliliit na hayop at kahit mga maliliit na dinosaurs.

Eggs:

Ang mga paleontologists ay nakadiskubre din ng mga nesting sites at mga fossilized eggs kung saan pinapakita dito na ang mga pterosaurs ay nagsasamasama bilang grupo at nangingitlog sabay tinatabunan ang mga ito. Ang kanilang mga itlog ay soft shelled opposite ng sa mga dinosaurs. 1 itlog ang nadiskubre nuong 2004 kung saan hindi pa ito nakakalabas ng shell. Dito nalaman ng mga paleontologists na ang mga nilalang na ito ay kaya ng alagaan ang sarili nila matapos nilang makawala sa shell.

Types:

Kayo mga boss saan nyo unang nakita ang mga pterosaurs? Malamang ang mga oldies but goodies sasabihin sa king kong habang ang mga bagong generation naman sa jurassic park. Sa katunayan mga boss ang pterosaurs ay mayroong 130 species. Ang pinakamalaki ay ang quetzalcoatl na kasing laki ng isang eroplano habang ang pinakamaliit naman ay ang nemicolopterus na kasing laki lang ng isang ibon. Ang iba sa kanila may ngipin, ang iba may buntot.

So anong klaseng pterosaurs ang nasa mga movie? I hear you say. Well for sure hindi it pterodactyl. Mas closely resemble nito ang pteranodon. Isang specie ng pterosaur na mayroong wingspan na 22 feet o 7 meters at may mahabang tuka at wala itong ngipin at sympre meron din itong bony crest.

Ang pteranodon ay ang fossil na mostly nakukuha ng mga paleontologists. Ang unang nakakolekta ng fossil ng pteranodon ay si Marsh na isang paleontologists. Nadiskubre nya ito sa Western Kansas nuong 1870. At simula nuon nagkaroon na ng 1000 specimens ang nahukay, kaya naman ito ang pinaka accurate na magrerepresenta ng genus ng pterosaurs.

Hindi lang yan ang klase ng pterosaur, may iba pang matitindi, katulad na lamang ng tapejara imperator, isang perosaur na nabuhay nuong late cretaceous period. Ang head crest nito ay parang isang boat sail.

Kung pabonggahan lang ng head crest, isa na sa mga contenteder ang nyctosaurus. Ang headcrest nito ay parng sungay na. Sa katunayan 3 times ang laki nito kumpara sa bungo nya. Ewan ko pero feeling ko dito inspired ang mga antenna.

Crest:

Ang distinctive features ng isang pterosaur ay ang head crest nito. Isa itong hornlike material na mayroong soft tissue at buto. May ibang ebidensya na nagsasabing ang kanilang mga headcrest ay brightly colored. Pero hindi naman lahat ng pterosaur ay may head crest, sa katunayan ang mga sinaunang pterosaur ay wala pa nito, isa itong parte ng kanilang ebolusyon.

Walang may solidong ebidensya kung bakit nag evolve ang mga pterosaurs para magkaroon ng headcrest. Ayon sa theorya, ginagamit ito ng mga pterosaur sa pagidentify ng kapwa nila, pagpapalamig ng kanilang katawan, at tumutulong sa paglipad. Pinaniniwalaan din na ito ay ginagamit sa pang attract ng babaeng pterosaurs.

Bats and Birds:

Nuong pinagaralan ang mga fossils nuong 19th century, wala pa silang ganong idea sa kung anong nilalang ito at dahil dito, nabuo ang mga maling theories kung sa anong klaseng nilalang ang fossil na natagpuan nila. Nuong una inakala ng mga scientists na ang pterosaurs ay konektado sa mga ibon at paniki dahil parehas nga naman silang lumilipad.

Si Samuel Thomas Von Sommering na isang anatomy at surgen professor ang unang nagsuggest na ang nilalang na ito ay isang klase ng paniki nuong early 1800’s. Bakit nga ba hindi, ang pterosaurs at paniki ay may kaparehas na pakpak na gawa sa membrane na nakastretched sa kanilang mga kamay at paa.

Ang paleontologist naman na si Harry Seeley ay mas iniuugnay ang mga pterosaurs sa mga ibon kung saan ang mga ibon ay mga descendants ng mga pterosaurs. Binigyan nya din ito ng title na “dragons of the sky”.

Pero nuong dumating ang 1800, si Cuvier ang tumuklas na ang mga pterosaurs ay hindi mga ibon, hindi rin mga paniki, bagkus, sila ay mga reptiles. Pero sympre ang theoryang ito ay hindi agad tinanggap hanggang sa lumipas ang isa pang century. Simula nuon ang mga paleontologist ay sinubukan ng hanapin ang tinatawag na proto pterosaur, ibig sabihin nito mga boss, ang ninuno ng mga pterosaurs kung saan maiuugnay ito sa mga lizards.

Flight

isipin nyo na lang mga boss, isang pterosaur na kasing laki ng giraffe at lumilipad, you’d come to think na, paano nya napapanatili ang kanyang katawan sa itaas? Look no further mga boss, ang sagot ay nasa kanilang mga pakpak.

Kagaya nga ng nabangit kanina, ang kanilang mga papak ay gawa sa isang membrane na naka streatch mula sa kanilang kamay hanggang paa. Ang mga buto nila sa kanilang mga pakpak ay maninipis at magagaan pero matitibay din ang mga ito. Ang kanilang mga pakpak ay reinforced ng mga long fibers harap at likod. Dahil dito ang mga pterosaurs ay kayang iadjust ang tension kapag sila ay lumilipad.

Pero boss, paano sila nakakalipad kapag galing sila sa lupa, i hear you ask. Well mga boss hindi sila katulad ng mga paniki o ibon na basta na lang ipapagaspas ang kanilan mga pakpak at lilipad na. Sa katunayan ang mga paleontologist ay inakala na sila ay tumatalon muna tapos sabay ipapagaspas ang kanilang mga pakpak, ganun naman kasi ang ginagawa ng mga ibon.

Pero dahil na din sa modernong pagsusuri, napag-alaman na ang mga kamay ng mga pterosaurs ay mas malalakas kumpara sa kanilang mga paa. Fun fact mga boss, ito ay exactly opposite ng mga ibon. Dito rin napag-alaman na ang mga pterosaurs ay lumalakad gamit ang 2 kamay at 2 paa. Ito ang ginagamit ng mga pterosaurs para makalipad kung saan ginagamit nila ang kanilang mga kamay para itukod sa lupa at saka icacatapult ang kanilang sarili pasulong at ipapagaspas ang kanilang mga pakpak.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

The Deja vu Experience

Venom Types