Psychedelic experience

Reading Time: 20 minutes

Topic requested by the following:

Topics

Kung babalikan ang pag-uusap natin patungkol sa MK-Ultra, ang ginagamit ng mga doktor sa kanilang eksperimento ay ang drug na tinatawag na lysergic acid diethylamide(LSD).So alam naman natin na ang LSD ay nagcacause ng halllucination para sa mga taong gumagamit neto.

Ngunit sa panahon ngayon , ang mga tao ay ginagamit ito ng walang alinlangan.

History:

So kilalanin natin ang taong nagpasimuno ng bagay na ito,nariyan si Albert Hofmann.Ang taong ito ay isang Swiss Chemist na nagtatrabaho sa Sandoz Pharmaceuticals.Ayon sa balita at paniniwala , noong Novemaber 16 taong 1938.Ang taong ito ay sumubok na bumuo ng isang kalase ng Droga , at mula sa kanyang pag eeksperimento hindi niya inaasahan na makagawa siya ng isang klase ng acid.Ito ang lysergic acid diethylamide o LSD.

Ang bagay na kanyang nagawa ay sinubukan muna sa mga hayop.Kasama ang kanyang mga kapwa doktor , inobserbahan nila ang mga hayop na tinurukan nila ng nasabing droga.Lumabas sa resulta na mas naging active ang mga hayop , kahit na ganto ang naging resulta hindi ang boss niyang si Sandoz.Ang inaasahan ni Sandoz ay isang circulatory system stimulant.

Dahil dito hindi napagtuunan ng pansin ang gawa ni Hofmann.Dumaan ang limang taon, binalikan ni hofmann ang gawa niyang droga nang aksidente niyang malanghap ang halos 250 micrograms ng gamot na ito sa kanyang daliri.Dahil dito naranasan ni Hofmann kung nao ang epekto ng kanyang nagawa.

Dahil sa nanagyaring ito , pinag-aralan muli ni hofmann ang kanyang sariling imbensyon.Ayon kay Hofmann , nag LSD ay magagamit para sa mga taong may sakit sa utak.DAhil dito napansin ito ni Sandoz at sinimulang ipadala kasama ang ibang drug sa iba’t ibang clinic at mga unibersidad.

Magmula nito , nagsimula ang mga pag-aaral patungkol sa pag intinidi sa utak ng tao.Nagsimula din ang mga pag-aaral kung ano ang mga maaring gamitin at gawin upang gamutin ang mga taong may sakit sa utak.

Ayon kay Ahmed Kabil , pinadala ni Sandoz noong 1960 ang mga gamot sa kilalang harvard psychologist na nagngangalang Timothy Leary.

Ngunit sa pagsikat ng bagay na ito , at sa paglaganap nito sa iba’t ibang bansa.Ito ay ipinatigil at ipinagbawal kasama ng ibang droga na sumikat.Ipinagbawal ito kahit sa mga ospital upang gamitin sa iba’t ibang therapy sa kanilang pasyente.

Ngunit talaga nga namang Comeback is Real !

Matapos ang 50 years , ang mga gamot na nabanned noong panahon na iyon ay nagbabalik upang gamitin ng mga doktor sa kanilang mga pasyente.

Hindi lamang ito basta nagbabalik, ito ay aprobado pa ng FDA o Food and Drug Administration at nang DEA o Drug Enforcement Administration.Inaprobahan nila ang bagay na ito sa loob ng matagal na panahon , upang pag-aralan ng mabuti ang gamot.Sa pag payag ng dalawang grupo na ito , nais nilang malamang kung ano pa ang mga maariong epekto neto sa mga taong may sakit sa utak.

LSD:

Ano ang magagawa ng substance na ito ? well plural , dahil madami ang mga magagawa sa isang tao ng gamot na ito.

Kung sakaling makalanghap , maturukan o kahit ano upang mapasa ilalim ka ng gamot na ito.Maari netong baguhin ang pagtingin mo sa mga bagay , ang mga naririnig , nahahawakan , pang-amoy , panlasa.Maari din mabago ng gamot na ito ang pag interpret o pag intindi sa mga bagay na ating mahahawakan, magkakaroon ng pakiramdam na pagbabago ng oras , changes in the rate kasama na din ang pagbabago ng content of though; magkakaroon din mga hallucination ;Maaring makakita ng mga makakatotohan at malinaw na bagay habang nakapikit ang mga mata; magkakaroon din pagtaas ng pagtingin sa mga kulay; Dadalas din ang mga pabago bago na mood.

Ayon pa sa mga research , ang gamot na ito ay magagawang i enhance ang pag-alala sa mga bagay , depersonalization and ego dissolution; dual, multiple, and fragmentized consciousness; seeming awareness of internal organs and processes of the body; upsurge of unconscious materials; enhanced awareness of linguistic nuances; increased sensitivity to nonverbal cues at marami pang iba.

Ang mga sumusunod ay ilan pa lamang sa mga maaring maging hatid sa pag take ng gamot.

Magic Mushroom:

Ang Psilocybin ay isang hallucinogens na kung saan ang pinaka madaling gamting gamot sa psychedelic.Maari itong matagpuan sa halos 200 na klaseng fungi( o yung mga maliliit na mushroom).

Ayon sa mga nakakakilala dito ay tinatawag itong “Shroom”.Ayon sa mga research ang kabuteng ito ay matatagpuan sa mga tropical at subtropical area sa bansang mexico , South America , at pati na din sa United States.Ayon din sa Research na halos 20 million Americans ang gumagamit ng psilocybin na ng walang medical support , sa madaling salita.

Ayon sa mga pag-aaral , maari itong lutuin , kainin ng hilaw , at pakuluan upang inumin.DAhil sa mga Ancient Angerian Rock carvings na kung saan pinaniniwalaan na ginagamit na ito ng mga sinaunang tao magmula pa noong unang panahon.Isa pa sa pinaniniwalaan na ginagamit ito ng mga Native american upang gamitin sa kanilang mga religous ritual.

Magmula noong 1970’s , pinag-aaralan na ng mga eksperto kung ano pa ba ang mga maitutulong ng Psilocybin upang maging gamot sa isang pasyente; at noong 2006 , nakumpleto na ang pag-aaral patungkol dito.

Noong 2006 , gumawa ng isang test sa John’s Hopkins University.Gamit ang mga 36 na tao na kahit kailan ay hindi pa nakatikim ng gamot na ito ,ipinakain sa mga ito ang psilocybin upang makita kung ano ang magagawa ng gamot na ito sa isang malusog at maayos na katawan.

Matapos ang halos ling apat na buwan , lumabas sa pag-aaral na maganda ang naidudulot ng gamot na ito base sa mood , behavior at attitudes ng isang tao.Ayon sa findings , 67% ang rate ang nakaranas ng kakaibang pagbabago; magandang pagbabago sa kanilang buhay.Ang 64% naman ang nagsabing”Improve life satisfaction ang well being”.

5-MeO-DMT:

Ayon sa pag-aaral ang gamot na ito ang pinaka malakas ng psychedelic sa isang tao.Ayon sa mga naghahanap ng gamot na ito.Maari daw itong makita sa iba’t ibang klase ng mga halaman , tulad na lamang sa buto ng Anadenanthera Peregrina at maari din sa venom ng isnag Sonoran Desert Toad.

Ayon sa History ng gamot na ito , una itong nadiskubre noong 1936.Ayon sa paniniwala , ang mga eksperto noong panahon na iyon ay nagtatalo base sa mga epekto ng gamot.Ang iba ay nagsasabi na mas maganda ang epekto nito kung nanggaling mismo sa halaman , ang iba naman ay naniniwala na mas maganda kung ito ay nakuha sa isang palaka.Sa isang pag-aaral , hindi mahalaga kung saan nagmula ang gamot dahil parahes lamang ang epekto nito.Nag iiba lamang ito base sa pagtanggap ng isang tao.

Ito ay pinapakuluan upang umusok , at ang usok na ito ay ang nilalanghap.Maari itong isama sa isang Cannabis o ang tinatawag na marijuana.

Ayon sa mga eksperto , ang epekto nito ay mararansan ng halos lima hanggang sampung oras.Ang taong nasa ilalim nito ay nagsasabi na ang epekto nito ay medyo malakas, ayon sa kanila ang pakiramdam ay parang lumilipipad sa kalawakan sakay ng isang sobrnag bilis na spaceshift.Ang iba ay nagsasabi na nagkakaroon sila ng isang ego disolution at depersonalization kung saan ang nararamdaman nilang humihiwalay sila sa kanilang katawan.Ayon sa pag-aaral , hindi ito delikado kung hindi lalabanan ang epektong dala, ngunit magkakaroon ng ilang trauma kung ang mararanasan na epekto ay pipigilan at lalabanan.

So hallucination nga ang hatid ng gamot na ito at walang duda na ito ang pinaka malalang droga.
Ngunit ayon sa mga Doktor , ang tamang pag take ng droga na ito ay isang “Sure method” kung saan ang isang tao ay makakaranas ng isang Ego Dissolutio.

What is Psychedelic:

So ano nga ba ang Psychedelic ? ano ba nag nagagawa ng bagay na ito ?

Ayon sa mga doktor at iba pang eksperto , ang psychedelic ay isang paraan upang magkaroon ng bagong mundo ( well hindi ka gagawa ng mundo) Papasok sa ibang mundo na mabubuo sa utak mo.

Nabuo ang salitang “Psychedelic” ng isang pioneering British Doctor na si Humpry Osmond noong 1957.Ayon sa research , ang taong din ito ang unang Medical professional na gumamit ng gamot na lysergic acid diethylamide o (LSD).Ang LSD ay ginamit niya upang gamitin sa addiction treament treatment, at upang pag-aralan na din ang schizophrenia( o isang severe mental disorder ).

Ginamit ni Osmond ang greek words na “Psyche” na ang ibig sabihin ay “Mind” , at ang salitang “Delos” na ang ibig sabihin “Manefesting”.Kapag pinagsama ang dalawang ito ay mabubuo ang “Psychedelic” na ang ibig sabihin ay “Mind Manefesting”.Noong panahon ng 1950’s , kaunti pa lamang ang kaalaman ng mga Western Doctor pati ang mga scientist patungkol sa psychedelic.Hindi alam ng mga ito kung ano ba talaga ang nagagawa nito sa utak ng tao.

Ang gamot na ito ay hindi lamang nakaka apekto sa katawan ngunit nagdadala din ng kakaiba at kamangha-mangha sa ating isipan.

Microdosis:

Ayon sa research , ang microdosing ay nanagyayari tuwing gumagamit ng isang dose ng psychedelic.Isang maliit na dose of amount kung saan wala itong epekto masyado.

So kung matatandaan , kahit na maliit na amount ng isnaga droga ay maari nang makapag cause ng kahit anong epekto neto.Dahil sa dito , ito ay napagtuunan ng pansin ng mga researcher pati na rin ang iba’t ibang paaralan tulad nalanag ng Imperial College of London at Leiden University.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa mula noong taong 2016 hanggang 2017 na ginawa ng mga knikilalang Polito V. at Stevenson Rj sa kanilang research na ” A systematic study of microdosing psychedelics”.Sa lahat ng Participant na sumali at nag volunteer sa kanilang pag-aaral , lumabas na 98 katao ang nagsabing gamit ang microdose , nag improve ang kanilang psychogical functioning tuwing sila ay nagtatake ng gamot.

Sa 98 na taong ito , 63 sa kanila nag nagsabi na sa loob ng anim na linggo ay gumanda at nag improve ang kanilang mood, attention, well-being, personality, creativity, interconnectedness, at nakaranas ng mga mystical experiences.Nag iba din ang kanilang pananaw at paniniwala sa buhay.

Gamit ang microdose , halos hindi nakaramdam ng depression , stress , at distractability ang mga participant.

Ang pag-aaral na ginawa noong 2018 sa 38 volunteers ay pareho ang resulta sa ginawang pag-aaral nila polito at stevenson.Ayon sa mga eksperto na nag eksperimento ay hindi sila nag bigay ng Placebo sa mga nag volunteer(Ano ang Placebo ? sabihin na nating peke ang isang ito) , ang lahat ng participants ay nakatanggap ng tunay na microdose na kanilang ininom.

Ayon sa mga research , patuloy pa din ang kanilang pag-aaral kung bakit nagkakaroon ng magandang epekto ang isang maliit ng amount ng mga gamot.

Psychedelic as a treatment:

Ayon sa mga eksperto ang sychedelics ay isang klase ng drugs kung saan may kakayahan magpaisip ng sa isang tao ng mga kakaibang bagay , magparamdam ng ibang emosyon , at makakita ng iba’t ibang bagay.

Iniimbistigahan ng mga scientist , kung paano ito gagamitin Doktor sa pang gagamot.Tinitignan din ng mga eksperto kung gaano kagaling ang mga doktor sa pag gamit ng psychedelics tulad nang LSD at Psilocybin.Kasama na din ang non-psychedelic hallucinogens tulaad nang Ketamine at MDMA o methylenedioxy-methamphetamine.Ayon sa mga lumabas na pag-aaral ang pag gamit ng tamang dose ng mga psychedelic ay maaring makabawas sa anxiety , depression , at maaring mabawasan ang labis na pag gamit sa gamot.

Lumabas sa pag-aaral na ang pag-gamit sa mga gamot na ito ay maaring makatulong sa pagiging isang individual ng halos 50% sa loob ng isnag linggo o mas matagal pa.So sa madaling salita , kung dati ay tamad ka , wala kang gana , kung gagawin at gagamitin mo ang gamot na ito ay magbabago ang pakiramdam mo.

Ayon din sa mga Doktor , hindi ito nakaka-adik tulad ng ibang droga, at ang mga side effect na magagawa nito ay hindi malala.

Gamit ang Brain scanning , nakikita ng mga doktor at ibang propesyonal na makita kung ano ang nagagawa ng isang tao na nasa ilalim ng psychedelic.Sa tulong ng gamit na ito , nakikita nila na mas kakaiba ang pattern na nagagawa ng utak kumpara sa mga hindi gumagamit neto.

Kasama ang isang psychologist o isang medical professional , tutulong ang mga ito upang magkaroon ng tamang pag gamit sa bawat gamot.Ang mga ito ang magsisilbing guide habang nag pasyente ay nasa ilalim ng mga psychedelic.

LSD ang Depression:

Ayon sa mga pag-aaral , kahit na nakakatulong ang mga gamot para sa ikakaganda ng ating pag-galaw sa araw-araw.Maari pa din itong mag cause ng negative result.Ang LSD ay ginagamit upang maging isnag ingredients ng ibang drugs.

Ayon kay Ayelet Waldman isang novelist at essayist, ang kanyang mood ay pabago bago.Ang finding sa kanya ng mga Doktor ay mayroong siyang Bipolar II ( ito ay isang disorder na mayroong cycle ng depressive episode.) So dahil dito nag take ang taong ito ng LSD microdose, inisip ng taong ito na matutulungan siya ng gamot na ito upang alisin ang kanyang Depression.

Ayon sa ibang pag-aaral , marami ang nagrereport na sa paggamiot nila ng LSD ay nagkakaroon ng long-term negative effect ang gamot.Nariyan ang Derpression , anxiety at perceptual disturbances.

Ayon sa mga eksperto , nagkakaroong ng ganto ang ibang tao dahil sa kanilang nehative trip during LSD trips.Halimbawa nalang ay hindi nila nagustuhan ang kanilang nakita during the trips dahil dito ay nagakakaroon sila ng bad thougths at bad feeling pagkatapos ng Session.

Risk of the Drugs:

Kahit na mayroong mgha magagandang naidudulot ang mga gamot na ito , may ilang mga bagay na maaring masamang maidulot ng gamot na ito.

Ayon sa pag-aaral , delikado ang LSD para sa taong may history ng schizophrenia o kahit kung mayroon man sa mga kamag-anak netong nagkaroon ng schizophrenia.Kung sakali namang maghahanap ng “Magic Mushroom” o psilocybin ay mabuti nang magsama ng isang eksperto.Karamihan sa mga mushroom ay nakakalason at maaring pumatay sa iyo.

Ayon pa sa ibang pag-aaral , ang paglanghap sa mga nasabing gamot ay maaring makapagdala ng mga Lung / breathing Issue.Kung saan maaring sa paglanghap mo nito ay maging mapagsimulan ng mga sakit sa lalamunan.Maari din itong magdala nang short term Unconsciousness at short term Non-Responsivenes kung saan maaring bumagsak bigla bigla dahilan upang maging delikado kung saan ka man bumagsak.

Ayon sa isang “Journal of Toxicology & Clinical Toxicology” noong 2004 , noong december 2002.Ang isang 17 year old na binata ay nakakain ng isang Syrian rue at lumanghap ng isang droga , hindi niya alam kung ano ito.Ang nalanghap lang naman ng bintang ito ay isang large dose ng 5-MeO-DMT.

Matapos na malanghap ito ay , agad itong bumagsak sa lupa at nagsimulang manginig.Ang binatang ito ay nakuhanan ng pulso na may taas na 180, ang blood pressure niya ay 200/125 at mayroong temperature na 106.0 F.Kung titignan ang nangyari sa binata ay sobrang lala at sobrang delikado.Nagamot ang binata gamit ang isang gamot na tinatawag na “Diazepam”, ngunit nagkaroon ito ng permanteng damages sa kanyang kidney at nagkaroon din ito rhabdomyolysis

Unusual Effect:

Sa isang pag-aaral na nagawa ng isang ospital(Spring Grove State Hospital), layunin ng mga ito na tignan ang resulta ng LSD kung ito ay ilalagay sa isang tao na mayroong Chronic Schizophrenics.

Ayon sa kanilang eksperemento , apat na pasyente ang kanilang tinurukan halos 100 micrograms ng LSD sa loob ng labing apat na araw.Upang mapag-aralan nila ito , nagkaroon sila ng mga drug free days kung saan ang drug ay itinitigil na iturok sa mga pasyente.

Sa bawat araw na nagdadaan ay patyaas ng pataas nag dosage na pinapatake sa mga pasyente hanggang sa umabit ito ng 500 micrograms.

Ayon sa lumabas na resulta , ang isang pasyente na tinurukan nila ng gamot ay matagal nang hindi nagsasalita at hindi nakikisalamuha sa iabang pasyente.Nagulat ang mga doktor ng bigla itong tumawa matapos matanggap ang gamot 35 minutes ang lumipas.

Ang pasyente ay tumawa ng malakas at mula sa malakas na pagtawa nito ay napunta naman sa malakas na paghikbi.Sa loob ng tatlong oras matapos maibigay ang gamot , ang pasyente ay nagpakita ng kakaibang ugali.Naging active ito , nakikipag sayaw sa ibang pasyente , naglaro din ito ng basketball, at narinig nila itong magsalita muli sa buong araw na iyo.

Matapos ang araw na iyon , pagsikat ng umaga ay bumalik ang pasyente sa dati nitong ugali na walang pakialam sa mundo.

Dahil dito napagtanto nilang kakaiba ang dala ng LSD kumpara sa ibang gamot na tinatake ng mga pasyente.

Kahit na nagagamit sa mabuting bagay ang mga gamot na ito , hindi maitatanggi na ito ay delikado.Sa katawan , sa isipan , at kasama na din sa araw-araw na pamumuhay.

Sources

  1. Source
  2. Source
  3. Source
  4. Source
  5. Source
  6. Source
  7. Source
  8. Source
  9. Source
  10. Source

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang usog?

Ano ang Corona Virus?