Pintados nga ba ang unang pirata ng pilipinas?

Kung ating titignan ang kasaysayan ng Pilipinas marami pa tayong hindi alam patungkol dito. Tulad na lamang ng mga pinaniniwalaang pirata ng Pilipinas. Ngayon alamin at kilalanin nain kung ano nga ba ang nagawa ng mga pirata ng Pilipinas.

Piracy in Sulu:

Piracy in the Sulu Sea - Wikipedia

Ang piracy na naganap sa Sulu Sea ay nangyari sa lugar ng Mindanao. Sa lugar na ito madalas nangyayari at isinasagawa ang pamimirata ng mga Pilipino sa mga Espanyol noong unang panahon. Dahil sa patuloy na pag-aaway at paglalabanan ng mga espanyol at ng mga Moro people, ang lugar na ito ng Sulu ay naging piracy haven na tumagal hanggang 20th century.

Ayon sa mga historian, ang mga pirata nga noong panahon na iyon ay madali lamang makilala ng mg naval forces at maging mga privateers mula sa iba’t ibang Moro Tribes. Ngunit dahil ang mga ito ay pinaniniwalaang hawak ng gobyerno habang nagaganap ang giyera, ito ay mahirap mahuli at mapigilan.

Ang mga pirate ships o mga barko at bangka na siyang ginagamit ng mga Moro ay inilalarawan bilang mga Paraw, Pangayaw, Garay at Lanong. Kadalasan ginagamit ng mga pirata noon ay ang gawa sa kahoy na Lanong, kung saan ito ay ninety feet long at ang beam naman o lawak nito ay halos 20 feet dahilan upang magkasya ang halos limampu hanggang isang daang kalalakihan.

Bukod sa mga sakay na mayroon ito, pinaniniwalaan din na nilalagyan nila ng armas ang kanilang sasakyan pangdagat. Armas kagaya na lamang ng tatlong swivel guns at kadalasan ay nilalagyan din nila ito ng mga mabibigat na kanyon.

Ang mga sasakyan nga na ito at maging ang mga pirata ay mabibilis at madalas nga nilang binibiktima ang mga mercahnt ships na silang dumadaan sa Sulu sea. Doon nga madalas din nagaganap ang mga pagpapalitan ng mga tao o mga alipin at maging mga kagamitan.

Ang mga pirata ay gumagawa pa ng mas malalaking barko at mas pinatabay pa ang pagkakagawa upang sugurin ang mga coastal town. Maraming mga Kristiyano ang kanilang nahuli at ikinulong sa loob ng napakahabang panahon, karamihian naman sa mga ito ay naging alipin sa mismong barko ng mga pirata.

Bukod sa mga baril at mga kanyon na kanilang taglay, ang mga Moro pirates ay gumagamit din ng mga espada na nagtataglay ng matalim na dulo at ito ay tinatawag nilang Kris. Ang hawakan nito ay gawa sa isang kahoy o isang ivory handle na kadalasan ay nilalagyan at pinapatungan ng kulay silver at gintong kulay.

Kung ang isang tao ay mapupuruhan ng espada na ito, pinaniniwalaan na mahirap na itong pagalingin. Madalas nga din ginagamit ang Kris sa pagsasakay ng mga vessel. Pinaniniwalaan din na ang mga Moro ay gumagamit ng Kampilan o isang barong at isang palaso na gawa sa isang bamboo na ang dulo ay isang matulis na bakal.

Ang mga baril na ginagamit noon ng mga pirata ay tinatawag na Lantakas at hindi tulad ng isang natural na baril sa panahon ngayon, ito ay kailangan pang dalhin ng anim na lalaki dahil sa laki nitong halos anim na talampakan.

The Moro People:

The Moros of Philippines… 1902 – 06 | Rasta Livewire | Philippines, Rasta,  Africa

Ayon sa Inquirer, ang mga Moro People ay binubuo ng labing tatlong Islamized ethnolinguistic groups na makikilala sa Mindanao, Sulu at Palawan. Bukod pa dito, isa din sa mga Moro ang grupong tinatawag na Lumad sa Mindanao.

Ang salitang Moro ay mula sa terminong Moor na mula naman sa salitang Mauru. Isang Latin word na ang ang ibig sabhin ay mga taong naninirahan sa ancient Roman Province ng Mauritania sa northwest Africa. Sa kasalukuyang panahon, ang mga ito ay nakatira na sa Algeria Mauritania, sa Kingdom ng Morocco.

Sa paglaganap at sa lalong pagkilala sa Islam, ang Mauritania ay nakilala bilang probinsya ng mga Muslim sa pamumuno ni Umayyad Caliphate. Pinamunuan ng Muslim armies ang Iberian Peninsula sa loob ng 781 years.

Para naman sa mga Espanyol, ang terminong Moor ay kanilang katawagan sa mga Muslim. Noong mapunta naman ang mga Spanish sa Pilipinas upang sakupin ito, ang salitang Moro na kanilang ginagamit ay nangangahulugan lamang sa lahat ng taong naninirahan sa Mindanao, Sulu at Palawan. Naniniwala nga ang mga Espanyol na ang lahat ng taong naninirahan dito ay iisa lamang ang paniniwala at ito ay paniniwala sa Islam.

Mula noong dumating ang mga Espanyol sa Mindanao, nagsimula na ang kanilang pananakop at doon din nagsimula ang tinawag na Spanish-Moro War na nagsimula noong 1565 at tumagal ito ng halos tatlong daang taon.

Para makakuha ng suporta sa mga Kristiiyanong Pilipino at iba pang mamayan ng Pilipinas noong panahon na iyon, sinimulang tawagin ng mga Espanyol ang mga Moro bilang mga Pirata, mga traydor, hindi sibilisado, masasama at mga nambibihag.

Ayon sa pagkilala sa mga taong ito, sila ay mga indigenous na taong naninirahan sa isla bago pa man ito matuklasan at mapuntahan ng mga Espanyol. Sa panahon ngayon, ang mga Moro ay maari nang makilala sa iba’t ibang parte ng ating bansang Pilipinas.

Spanish and the Moros:

A Long-buried War with the Moros | endeavors

Napadalas ang pagsasagupaan at pagtatagpo ng landas ng mga Espanyol at ng mga Moros noong 1840’s. Isang ekspedisyon ang pinangunahan ng isang Brigadier na si Jose Ruiz noong 1848. Ang mga ito ay nagtataglay ng halos labing siyam na warships at laman nito ang ilang daang mga Spanish Troops.

Nakasagupa nila ang halos isang libong Moros na nag-aabang sa kanilang daungan, dito ay nag-aabbang din ang halos 124 na kanyon. Ang labanan na ito ang naging dahilan ng pagkatalo ng mga Moros, halos lahat ng mga pirata ay nahuli ng mga espanyol at maging ang mga bilanggo ay kanilang napalaya.

Limang daan na Moros ang kanilang napatay at nasugatan at halos 210 na barko ng mga kalaban ang kanilang napatumba. Sa pagtatapos ng labanan, halos 22 na espanyol ang namatay at nasa 210 naman ang pinaniniwalaang sugatan mula sa laban.

Lumipas ang panahon, taong 1840’s itinanghal na White Rajah ang isang british soldier na si James Brooke. Mula noon ay pinangunahan nito ang maraming ekspedisyon sa paghuli at pagsugpo sa mga Moro Pirates.

Taong 1843 naman noong atakihin nito ang mga pirata mula sa Malludu at taong 1847 naman noong ito ay makipag laban sa iba pang pirata na kinilala namang Balanini. Mula noon ay maraming anti-piracy action ang isinagawa ni Brookes.

Noong 1862 ay nakatapat ni Brooks ang mga Illanun sa Mukah Sulu, kasama ng kanyang pamangkin, napatumba nila ang apat sa anim na barko. Ang laman ng mga barko na ito ay halos aabot sa isang daang pirata. Matapos nito ay napalaya din nila ang bilanggo na hawak ng mga pirata.

Visayan Pirates:

Looking Back at the Time When Ancient Visayans Terrorized China

Ayon sa Filipiknow, ang mga Pre-colonial Filipino ang siyang unang nakapunta sa China, bago makapunta sa ating bansa. Ayon sa mga Archeologist noong 2012, ang kinikilalang Butuan City ang siyudad na naging sentro ng kalakalan mula west Philippine Sea at sa iba pang lugar.

Ayon naman sa Sung History, nakatanggap ang Imperial court ng Sung Dynasty mula sa P’u-tuan o Butuan. Ang Butuan noon ay isang “Hindu country with a Buddhist monarchy” na siyang pinamumunuan ni Rajah Kiling nuong 1001 AD.

Makalipas ang dalawang taon, nagpadala ng dalawang ambassadors si Kiling na kinilala namang sina Liyihan at Jiaminan. Ang layunin ng dalawang ito ay makipag negotiate sa mga Sung na ang Butuan ay kanilang payagan na makipag kalakal ng diretsyo sa kanila at hindi na kailangan pang dumaan sa Champa o sa Cambodia.

Noong una nga ay hindi ito pinayagan ng Sung, ngunit noong 1011 AD ay napapayag din ang Sung noong mapalitan ng pinuno ng Butuan na si Rajah Sri Bata Shaja. Pinaniniwalaan na dahil sa kanilang ibinigay na mga regalo sa Sung, napapayag ito sa kanilang kagustuhan.

Ngunit ayon din sa mga historian, matapos makipag kasundo ng mga Chinese sa mga tao na nasa Butuan, nakatagpo muli sila ng panibagong grupo na mula sa archipelago.

Ilang daang raiders mula sa tribo ng “Pi-she-ya” ang silang na sumugod sa eastern province ng Fujian mula sa coast ng China noong 1172 AD. Dito ay ginulo nila ang lugar at ninakawan ang mga baryo na kanilang natagpuan at ang mga tao ay kanila ding kinuhanan ng mga kagamitan.

Ang ganitong gawain ay tumagal ng ilang taon. Mula sa mga Chinese historian, inilarawan nila ang mga taong ito bilang mga maiitim na barbarian na nagsasalita ng kakaibang salita at ang kanilang mga Iron na ninanakaw ay mahigpit nilang pinapahalagahan.

Ang mga taong ito nga ay ang kinikilalang mga Pintados mula sa Visaya at doon ay kinilala sila bilang Visayan Pirates. Noong 12th century naman ay pinaniniwalaan na kanila namang inatake ang southern part ng Taiwan.

Kinilala nga ang isang French Sinologist na si Terrien de Lacouperie ang siyang unang nagturo sa mga Visayan bilang mga “Pi-she-ya” mula sa kanyang walong volume na “The Languages of China before the Chinese.” noong 1887.

Ayon naman sa isnag Historian na si Efren Isorena, ang mga heavily-tattooed seafarers ng Visayas ay eksakto sa paglalarawan ng mga Chinese.

Ito ang mga kwento ng mga Piratang nakilala sa Pilipinas. Ang mga Pirata na lumaban at nagnakaw sa ibang mga Lahi noong unang panahon. Well,sa panahon ngayon ay mayroong pa din mga kinikilala mga pirata na narito sa Pilipinas.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/UdaerpPJ3mM

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Matagal na nga bang Patay si Paul McCartney ng The Beatles?