Pinakamasaklap na demonyo na pwedeng magposses sayo

Reading Time: 8 minutes

Si Asag ay isang demonyo mula sa sumerian mythology at may kakaibang kasaysayang sekswal sa bundok. Ang mga act na ito ay nagbigay buhay sa mga tinatawag na demon rock babies at ang mga sanggol na ito ay ang kanyang personal army.

Ayon sa mga kwento, sobrang sama daw nito at sobrang pangit. Kapag lumusong ito di umano sa tubig, ang tubig ay kukulo, dahilan ng pagkamatay ng mga isda. Kapag sinapian ka ng demonyong ito, makakaranas ka ng pisikal na sakit at karamdaman. Kadalasan parang nabibiyak ang iyong ulo sa sobrang sakit o di naman kaya sobrang taas na lagnat.

Si Abyzou ay mula sa Jewish Mythology, tinatawag din syaang Abizou, Obizu, Obizuth, Obyzouth and Byzou. Pinaniniwalaang ang demonyong ito ay baog at dahil dito galit na galit ito. Dahil na din sa selos, madalas nitong pinoposses ang mga buntis at makukunan ang biktima.

Madalas syang nilalarawan bilang na may kaliskis at parang isang ahas.

Binanggit si vapula sa kristianismo. Isa itong duke ng impyerno at isang high commander na mayroong hawak na hukbo ng mga demonyo. Isa syang tusong demonyo at may kaalaman sa pilosopiya. Kaya naman kung totoo na ang mga demonyo ay ibinabahagi ang kanilang kaalama sa mga napoposses nito, ang biktima ay magiging matalino at magaling pero hindi rin sila basta basta magtitiwala at magiging suspisyoso.

Ang kanyang specialty ay deception. Ipoposses nya ang kanyang biktima at magiging paranoid ito patungkol sa kanyang kapaligiran. Isang magaling na taktika kung gusto mong ihawalay ang isang tupa.

Isa itong sobrang biyolenteng demonyo at commander ng 30 hukbo ng mga demonyo. Si Andras minsan ay ginagaya ang katawan ng isang anghel subalit ang ulo nito ay isang kuwago at nakasakay sa isang malaking itim na lobo. Kapag naposses nya na ang biktima, pinapalala nito ang mga problema sa pamamagitan ng pagbubulong sa biktima ng mga biyolenteng mga bagay katulad na lamang ng ibat ibang paraan kung paano patayin ang kaaway nito.

Ang kanyang mission ay gumawa ng alitan at patayin kung sino man ang kanyang makakasalubong kaya naman tinawag syang “Author of Discords”

Ayon sa sinaunang Babylonian at Assyrian mythology, ang halimaw na si Pazuzu ay ang hari ng mga demonyong hangin na nagdadala ng bagyo, tagtuyot, at taggutom. Nagbibigay din ito ng mga sakit at salot sa kabahayan.

Ang mga iba sinasabing si Pazuzu ay isang demon god. Ang kanyang imahe ay minsang ginawa bilang pendant at sinusuot ng mga buntis na babae para panlaban sa kalaban nito na si Lamashtu, isang childbirth demon, at kapag hindi nagtagumpay ang pendant, ang ibang mga buntis na babae ay tinatawag si pazuzu para labanan si lamashtu at itapon sa impyerno.

Ang Sumerian at Mesopotamian mythology ay nagtala ng isang demonyo na kung tawagin ay Lamashtu. Isa itong babaeng demoyo na kilala sa ibat ibang paraan nito ng patorture. Tinatarget ni Lamashtu ang mga buntis na babae at pinapahirapan ang mga ito sa pagbubuntis. Pagkatapos ay nanakawin ang kanilang mga anak para kainin ang malalambot nitong mga buto at inumin ang kanilang dugo.

Kilala din sya sa pagpatay ng mga pananim at pag kontamina ng tubig. Mas masaya ito kapag mas marami itong nawawasak. Ang biktima kadalasan makakaranas ng mga bangungot, hindi makakatulog ng maayos hanggang sa ito ay bawian ng buhay.

Ang babaeng demonyo na ito ay sobrang nakakatakot kaya naman ang mga buntis ay tinatawag si Pazuzu, nagbabakasakaling proteksyonan sila nito. Sympre dahil isa ring demonyo si Pazuzu, hindi naman nya pprotektahan ang mga mortal dahil mabait sya. Sadyang sobrang galit na galit lang ang isat isa sa kanila kaya naman wala silang panahon sa mga mortal kapag nagkita sila.

Inilalarawan si Lamashtu na mayroong mabalahibong katawan, may ulo ng babaeng lion, ngipin ng at tenga ng isang asno, habang ang kanyang paa naman ay parang isang ibon na may matatalim na kuko.

Malamang ang iba sa inyo kilala na si Agares. Isa itong demonyo mula sa christian demonology. Ayon dito, sya ang namamahala sa silangang bahagi ng impyerno at may hawak sa 31 hukbo ng mga demonyo. Hindi lang yan, sya rin ay may kakayahang magpalindol.

Si Agares ay nakakaintindi at nakakapagsalita ng iba’t ibang lengwahe. Pero sya ay nakatuon sa pagtuturo ng karahasan sa mga taong napili nyang turuan.

Inilalarawan sya bilang isang matandang lalaki na nakasakay sa isang buwaya at mayroong lawin sa kanyang kamay. Kadalasan sya ay nagpapakita sa mga lalaki bilang isang napakagandang batang babae para akitin ang mga ito.

Ang mga ibang kultura ay naniniwala na ang mga demonyo ay hindi mga tao, habang ang iba naman ay naniniwala na ang mga tao kapag sobrang sama nito ay magiging isang demonyo. Tinatawag itong Jikininki. Sa pangalan pa lamang alam na natin kung saan ito nagmula.

Ang Jikiniki ay isang demonyo mula sa Japanese Buddhist Mythology. Ang mga demonyong ito ay dating isang tao na sobrang sakim, madamot at walang paniniwala sa panginoon. Sinumpa sila habang buhay na kamuhian ang kanilang sarili at kumakain din sila ng mga patay na tao.

Habang ang mga ibang demonyo masaya sa kanilang pagpapalaganap ng kasamaan, ang jikininki ay mga misebral at kadalasan nagsasama ng taong dadalhin nila sa impyerno para hindi sila magdusa ng magisa.

Si Aka Manah o kilala din sa tawag na Akem Manah, Akoman, at akvan ay isang demonyo mula sa Zoroastrian mythology. Siya ang demonyo ng masamang intention. Ang kanyang pangalan ay pwede ring matranslate bilang “Mind made Evil” at ito ang kanyang ginagawa habang nasa loob ng isang tao. Ang kanyang layunin ay lasunin ang isip at sirain ang moralidad ng biktima.

Pinaniniwalaan din na sya ang humahadlang para gumawa ang tao ng mabuti, dahilan para sila ay umupo lamang at hayaang magwagi ang kasamaan. Si Aka Manah ay nagtatanim ng binhin ng kasamaan sa mga utak ng tao, kasama na dito ang pagkahayok sa laman, katamaran at panlilinlang.

Si Azazel ay kilala bilang father of posession dahil sya ang demonyong responsable sa pagtuklas at pagpepekto sa nasabing act. Ayon sa Ancient Jewish Tradition, dalawang kambing ang dinala sa tabernakulo nuong day of atonement. Ang isang kambing ay pinatay at inalay kay yahweh habang ang isa naman ay pinakawalan, dala dala nito ang mga kasalanan ng mga tao.

Si azazel ang hari ng mga satyrs o ung ancient goat spirits at sya din ang tumanggap ng scapegoat na pinakawan nuon. Si Azazel ay kalaban na nuon ng diyos bago pa pinakilala ng mga kristiyano si satanas. Samantalang maraming naniniwala na si Azazel at satanas ay iisa lamang.

Ayon sa kwento, si Azazel ay ikunulong nuon, nagwala si azazel at tinanggal ang kanyang espiritu sa kanyang pisikal na anyo para makatakas. Habang naglalakbay bilang esperitu, nadiskubre ni azazel na pwede nyang sapian ang mga tao, at ito na nga ang ginagawa ng mga ibang demonyo ngayon.

Masaya ito kapag napapatay ang mga taong malapit sa biktima. Hindi naman nya pinapatay ang kanyang biktima, bagkus, nilalagay nya ang mga ito sa sitwasyon na hindi na ito makakaligtas pa. Kung sakali man na makaligtas ang isang biktima matapos itong maposses ni azazel, ang biktima ay hindi na makakabalik sa dati nitong buhay.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nakakasama ba sa katawan ang pag kain ng sili #askbulalord

Mga nakakakilabot na parasites