Pinakamalaking Caldera – Apo Laki

Reading Time: 6 minutes

Ano ba ang caldera? Nuong unang basa ko pagkain kaagad ang pumasok sa utak ko. Oo, ung caldereta. Naging matunog ito nitong mga nakaraang araw dahil nadiskubre ng isang pinay, ang pinakamalaking caldera at dito iyon sa ating pinakamamahal na bansa. Ewan ko kung matutuwa ba ako sa discovery o matatakot.

Description:

Ano ba ang caldera? For startes na kagaya ko isa itong bulkan na gawa ng isang bulkan. Ang gulo no? Well think of this, pag sumabog ang bulkan maglalabas ito ng magma diba? Pero sympre wala namang #4ever at kahit ang magma ng bulkan ay nauubos din lalo na kapag sobrang lakas ng pagsabog.

Sa pagsabog, ang magma ay lalabas, sympre magiging walang laman ang ilalim ng bulkan na yon o di naman kaya ay mababawasan ang magma, dahilan para bumagsak ang nasa itaas nito at ito ang tinatawag na caldera.

Supervolcanoes:

Isa sa mga kilalang supervolcano ay ang yellow stone. Kapag ang yellow stone ay sumabog, malaki ang chansa na magdulot ito ng caldera dahil sa sobrang lakas ng pagsabog nito.

Ang yellow stone supervolcano ay minsan ng sumabog at ito ay nakagawa ng napakalaking caldera. Pero hindi ibig sabihin na patay na ang yellow stone dahil posible pa rin itong sumabog muli dahil nakalinya dito ang hot plate.

Pumunta naman tayo sa isa pang supervolcano ang toba sa isla ng sumatra. 73,000 years ago, sumabog ang toiba at ito ang pinaniniwalaang pinakamalakas na pagsabog for the past 25 million years.

Sa sobrang lakas ng pagsabog ng toba, nasira ang mga punong kahoy ng india, 3000 miles ang layo mula sa eruption site. Dahil sa sobrang lakas, gumawa ito ng caldera na may laki ng 100 kilometers long at 35 kilometers wide. Ang caldera ng toba ay isa sa pinakamalaking volcanic lake.

Risks:

Napakadelekado ng caldera. In fact naranasan natin ito nuong 1991. Naalala nyo ang mt. pinatubo? Yes, sa sobrang lakas ng pagsabog, nagcollapse ito at naging caldera.

Alam naman ng iba sa atin kung gaano kahirap ang buhay nuong sumabog ang pinatubo, from zambales to manila tinamaan ng matindi.

Ang Caldera ng mt. pinatubo ay tinatawag na explosive caldera. Meron kasing dalawang klase nito. Ang explosive at ang collapse. Ang collapse kagaya ng pinaliwanag ko kanina, bumagsak dahil sa pagcollapse ng haligi ng bulkan dahilan para bumagsak ito. Ang explosive caldera naman ay ang sobrang lakas na pagsabog.

Ang magma chamber ng isang explosive caldera ay puno ng silica melt at dahil dito ang gas ay umaangat. Ang mga silica rich magma ay mas malalapot dahilan para mapigilan ang mga gas bubbles na umangat. Habang ang gas ay papaangat ng papaangat, ang pressure ng magma ang pumipigil dito at once hindi na mapigilan sasabog ito ng napakalakas dahilan para gumawa ng malaking crater.

Mars:

Hindi lang dito sa atin merong bulkan, by now alam na natin yan. Ang ibang mga planeta ay meron din nito. Sa mars ang dalawang major province na tharsis at elysium ay may mga supervolcanoes na dahil sa mga mantle hot spots na katulad dito sa mundo natin.

Nuong bumagsak ang rover sa mars, dito nakita natin ang mga malalaking calderas. Sa katunayan ang Mars ang may pinakamalaking bulkan sa ating solarsystem. Ito ang Olympus mons na halos 3 beses ang laki sa mount everas at sa loob nito ay may 6 na caldera.

Apolaki:

Kamakailan lamang naibalita ang pagkakadiskubre ng isang caldera dito sa pinas. Nadiskubre ito ni Jenny Anne Barreto, isang geophysicist na pinay.

Pinublish nya ang kanyang dokumentong sa sciencedirect nuong october 20 2019 at pinamagatan itong” Benham Rise unveiled: Morphology and structure of an Eocene large igneous province in the West Philippine Basin”

Pinangalan mula sa ating myhtical god na si apolaki ang caldera. Which is sakto naman dahil malaki talaga ito. May diamerter itong 150 km. Kung ikukumpara natin sa isa sa pinakamalaking caldera, katulad na lamang ng yellowstone. Ito ay umaabot lamang ng 60km.

Sadyang marami pa tayong hindi natutuklasan sa ating bansa.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Frilled Shark

Anaconda