Pilipinas Maharlika Nation

Piliipinas, hanggang saan nga ba ang ating kaalaman patungkol sa sarili nating bansa? Magmula nga noong unang panahon, hanggang sa ang Pilipinas ay nailagay sa mapa at makilala ng iba’t ibang bansa, hanggang sa ito ay nabigyan ng kalayaan at magmula noon ay nagkaroon ng iba’t ibang presidente.

Maraming mga impormasyon ang nakalimutan at hindi na alam ng mga bagong henerasyon. Halina’t alamin at balikan natin ang nakaraan at alamin natin kung ano ba ba ang pagkakakilala ng ibang lugar sa ating bansa kinagisnan.

Philippines:

Philippines - Traveler view | Travelers' Health | CDC

Bago tayo bumalik sa nakaraan, tumingin muna tayo sa kasalukuyan. Ang ating bansa ang siyang panglawa sa pinaka malaking archipelago sa buong mundo at binubuo ito ng halos 7,641 island.

Sa mga isla na ito, halos dalawang libo lamang ang natitirahan ng mga tao habang ang iba pang isla ay hindi pa nararating o nakikilala pa lalo ng mga tao. Dahil sa dami ng isla, sikat ang ating bansa sa mga local travelers maging sa mga foreigners. Isa nga sa pinaka kilalang isla ay ang Boracay at Palawan.

Bukod sa mga isla, ang ating yamang dagat ay kilala din sa buong mundo. Ang ilang tagong lawa at ilog na puno ng hiwaga at misteryo dahil sa likas nitong ganda. Sa atin din makikita ang pinaka malaking sapatos sa buong mundo na ipinakilala noong 2002. Ang Jeepney, mga babala na tanging sa Pilipinas lamang makikita, mga pamahiin at kung ano ano pa na minana pa natin sa ating kanununuaan.

Gayunpaman, bukod sa mga magagandang bagay na ito, sa kasamaang palad, ang Pilipinas din ang kinikilalang isa sa pinaka corrupt na bansa sa buong mundo. Ayon nga sa Global nation Inquirer, lumabas mismo sa Corruption Perceptions Index of Transparency International noong 2012, ang Pilipinas ay nakakuha ng score na 34 mula sa scale ng 1-100, ang 100 ang pinaka malinis.

Kinikilala naman ang lugar ng Zamboanga bilang pang siyam sa “most dangerous city” sa buong mundo. Ayon sa Pinayramblings, ang lugar na ito ay delikado hindi lamang sa mga local na mamayan ngunit maging sa mga turista dahil sa mga kidnapan na nagaganap.

Ang Basilan ay kinakatakutan din ng mga tao dahil sa nagawa nitong balita noong 2007 na pagpugot sa ulo ng halos 11 na Pilipinong Marines. Ayon naman sa Global Finance, ang Pilipinas ay nakalagay sa #74 na isa sa pinaka mahirap na bansa sa buong mundo.

Dahil nga dito, marami ang nagtataka kung bakit sa sobrang yaman ng ating bansa sa likas na yaman, bakit ito nanatili sa Top 100 na pinaka mahirap na bansa sa buong mundo.

Maharlika Nation:

Ayon sa Philnews, taong 1866 hanggang 1898, pinaniniwalaan na si Prince Julian Macleod Tallano ang siyang title holder ng OCT t-01-4 noong 1864. Ang orihinal nga na certificate para sa title na 01-4 Protocol.

Pinaniniwalaan na ang ibig sabihin ng 01 ay “ONE NATION” na siyang kinikilala noong pre-hispanic na Maharlika at ang numerong apat ay siyang sumisimbolo sa apat na rehiyon ng Maharlika noon. Ang Luzon, Visayas, Mindanao at ang Palawan.

Taong 1934 naman noong si Pope Pius XII ng Vatican ay nakipag kasundo sa miyembro ng Filipino Royal Family na Tallano para siya ay pahiramin ng halos 640,00 metric tons ng Tallano Gold. Pinaniniwalaan nga na ito ang gintong naipon ng mga Southeast Asia Srivijayan/Madjapahit Empire sa kanilang pamamayani sa loob ng halos siyam na daang taon.

Taong 1939 naman noong ang dalawang miyembro ng Tallano Family at isang pari ng Roman Catholic na si Fr.Jose Antonio Diaz ang pinaniniwalaang nagdala ng ginto mula sa Kota Kinabalu, Sabah hanggang Vatican.

Matapos noon ay muli nang bumalik sa Maharlika at nanirahan sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija. Matapos naman maganap ang World War II, pinaniniwalaan na si Diaz ang siyang humawak sa ibinalik na 640,000 meter Gold mula Vatican papuntang Maharlika.

Pinaniniwalaan naman na natanggap ng isang Former congressman na si Manuel Acuna Roxas at ng isang Bishop na si Enrique Sobrepina Sr. ang mga ginto mula sa Manila sa pangunguna ng kinilalang atty, na si Lorenzo Tanada na di kalaunan ay naging senador ng Maharlika.

Sa lahat ng pangyayari na ito, pinaniniwalaan na mayroong kinalaman ang batang lawyer na si Ferdinand E. Marcos. May paniniwala na sina Diaz at Marcos ang siyang naghati sa komisyon na 192,000 tons gold.

Ayon sa Kilusang bagong Lipunan taong 1949, sila Marcos at Diaz ang siyang pinaka mayamang tao sa buong mundo, dahil sa kanilang nakuhang ginto. Pinaniniwalaan nga na ang share na nakuha ni Marcos ay kanyang kinuha sa Central Bank at ito ay kanyang pina minted na “RP-CB”.

Matapos noon ay dinala nila Marcos at Diaz ang kanilang mga ginto sa isang Swiss Bank corporation sa Zurich, Switzerland. Pinaniniwalaan naman na ang natirang 400,000 metric tons ng ginto ng Tallano ay nasa thrid floor basement ng Central Bank Minting Plant sa Quezon City.

Nagkaroon din ng report patungkol sa nawawalang 950,000 metric tons of gold na nakuha ng Yamashita mula sa kanilang kakamping European. Kasama ang mga ginto na ito, dumagdag pa ang 250,000 tons ng ginto mula sa mga Hapon at kumalat mula sa Southeast Asia at pinaniniwalaang naririto sa Pilipinas o Maharlika.

Pero just to be clear ang mga ito ay “pinaniniwalaan” ibig sabihin hindi ganuon ka verified. Hindi pala verified bulalord bakit shinishare mo pa. Well, kaya nga may disclaimer kasi kung hindi ko to isasama marami na namang magagalit sa comment section.

Tallano And Maharlika Gold:

Lost Land of Maharlika | Covert Geopolitics

Naireport nga na mula sa 720,000 tons of gold. Ang 640,000 dito ay naipadala sa Vatican at ang natira ay hindi na alam kung nasaan napunta. Mula naman sa 640,000 ay 192,000 ang ibinayad para sa komisyon.

Dahil dito, hinahanap muli ang natitirang 448,000 na ginto na di kalaunan ay umabot na sa 400,000 ang nawawala. Ang lahat nga ng mga ginto na ito ay pinaniniwalaan na nawala at hindi na nakita pa kailanman.

Ayon pa sa paniniwala, noong namatay si Fr. Jose Antonio Diaz noong 1974. Ang kanyang komisyon na nakuha ay napunta din kay Marcos at kinilala ito bilang Marcos Gold. Noon ay inasikaso muna ni Marcos ang buhay ng kanyang pamilya at mula sa Marcos Letter of Instruction, ang mga natirang ginto ay inlay nya para sa mga Pilipino.

Taong 1973 nga noon nang plinano ni Marcos na iayos ang Maharlika o ang Pilipinas at maging ang buong Southeast Asia. Taong 1983 naman noong ipinahayag nito ang planong pagpapalakas ng ekonomiya ng Southeast Asia Region sa paggawa ng isang Asian Dollar, gamit ang 400,000 metric golds na pinaniniwalaang nasa Central Bank.

Kung sakali ngang magawa ang Asian Dollar, pinaniniwalaan na mas magiging malakas at mas magiging mahalaga pa ito kung ikukumpara sa American Dollar. Ngunit ito nga ay hindi naituloy dahil sa mga kontrobersya at pagpapatalsik ng mismong mga Pilipino kay Marcos.

Pinaniniwalaan nga na noon ay nagawang ilagay ni Marcos ang mga ginto sa bangko central na nasa Quezon City at ito ay kanyang ipinabantay sa kinikilalang Lloyds of London.

Pinaniniwalaan din na pinafroze ang account na ito upang hindi na muling mabuksan. Dito ay maraming mga pulitiko at mga malalaking tao ang nais makakuha ng mga ginto na ito. Ang yaman na ito ay nanatilling tago sa isip ng mga Pilipino at pinaninwalaan na ito ang kinikilalang nakaw na pera ni Marcos.

Skeptics:

The Need for 'Techno-Supporting Skeptics'

Ayon sa mga pulitiko ngayon at iba pang kaalaman ng mga Pilipino, ang Marcos Gold ay kinikilala bilang Marcos Wealth. Ang kayamanan ni Marcos na hindi na natagpuan magmula noong naalis ito sa pwesto.

Ayon sa iba, ang kwento at paniniwala patungkol sa ginto ng mga Tallano at sa tinatawag na “Ill-Gotten” golds ni Marcos ay isang lamang kalokohan. Dahil na din sa kawalan ng ebidensya at kawalan ng record, ito ang dahilan upang hindi ito paniwalaan ng iba at ng batas.

Ang kwento nga na ito ay para lamang “Daw” maipagtanggol si Marcos mula sa kanyang ginawa sa Pilipinas. Maging ang Maharlika Kingdom na pinaniniwalaang hawak ng pamilyang Tallano ay isa ding kalokohan mula sa taong nagngangalang Prince Julian Morden Tallano.

Mapunta naman tayo sa dokumento. Marami kasing naniniwala sa OCT-01-14 na dokumento na nagpapatunay na ito daw ay pagmamay ari ng tallano. Ayon sa aming pagreresearch, ang dokumento ay hindi pa napresent sa kahit anong korte, historians o forensic analyst. Ang mga meron lang ay ang “Certified true copies”. Ngayon kung totoo itong mga document na ito, sa laki ng pera na nakabinbin dito bakit hindi ipaexamine sa forensic para mavalidate talaga kung kailan ito. Isa pa ang dokumento ay existing na nuong panahon ng giyera at base sa dokumento hindi na mabasa and yet natranslate ito ng maayos at take note walang dokumento ng existing document i mean ung patunay na sira sira talga ang orihinal na kopya.

Legal:

Legal translation challenges - QuickSilver Translate

Nuong 2002 ang supreme court ay pinawalang bisa ang mga bogus o mga pekeng mga land titles. Isa na nga dito ang land title ng tallano. Nuon namang June 2017 nagsagawa ng pagiimbestiga ang NBI sa pagrerequest na rin ng DAR patungkol sa kaso ng compostella valley kung saan kasama dito ang tallano group. Napatunayan ng NBI na wala itong karapatan.
“Based on the investigation conducted by the NBI, the land titles of Tallanos’ group are fakes as verified by the Register of Deeds. We also found out that their leader, Tallano, is included in the list of professional squatters and a member of a squatting syndicate,” Ayon kay DAR Sheriff Adelaido Caminade.
Ayon naman sa mga maharlikans, ito ay parte lamang ng landgrabbing conspiracy ng malalakas at makapangyarihan na tao dito sa pinas.

Today:

Duterte wants Philippines renamed 'Maharlika' - Nikkei Asian Review

So,kung totoo man o hindi ang mga impormasyon na ito. Ang pagiging Maharlika ng Pilipinas ay nasa isip na nang ating presidente ngayon na si President Rodrigo Duterte. Ayon nga sa report ng The National, nais ngang palitan ng pangulo ang pangalan ng Pilipinas na Maharalika, dahil na din ito ay isang Malay Word na ang ibig sabihin ay “royal nobility”.

Noong panahon ng Pre-colonial Tagalog society,a ng kinikilalang Maharlika ay ang mga noble class warrior. Pinaniniwalaan din na mismong si Marcos ang nagsabi na siya ay minsang nanguna mula sa isang grupo ng mga guerillas na tinatawag namang Maharlika Unit, habang nagaganap ang World War II.

Ngunit ang kagustuhan nga daw ni Duterte na baguhin ang pangalan ng Pilipinas ay nangangahulugang pagbabago ng constitution at nangangailangan ito ng public approval at referendum o ang pag-ayon at kung ano ang opinyon ng mga tao patungkol sa bagay na ito.

Hanggang nagyon nga ay patuloy pa din ang debate kung itutuloy ang ideya na ito ng presidente.

Totoo man o hindi na mayroong gintong nakatago sa bangko central ng Pilipinas, Iisa lamang ang kapanipaniwala sa lahat. Ang pagiging corrupt ng ating gobyerno magmula noon at hanggang ngayon. Apparently hanggang ngayon dahil maganda man ang hangarin ng ating pangulo, ang mga nasa ilalim nito ay may kanya kanyang agenda. Hindi natin alam kung sino talaga ang tapat o hindi sa ilalim ng administrasyon o sa mamayang pilipino.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/ot8N9zLjXlg

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ito ang dahilan kung bakit hinijacked ni Augusto Lakandula ang eroplano

Ito ang dahilan kung bakit nakakatouch ang Ugoy ng duyan na kanta