Philippines Anti Typhoon Rocket

Ayon sa balita, noong si Marcos pa ang presidente ng Pilipinas may nagawa ito na hindi pa nagagawa ng ibang presidente maski hanggang sa ngayon. Kung ating titignan, noong panahon ni Marcos ang Pilipinas ay kinikilala bilang isa sa pinaka mayamang bansa sa buong Southeast Asia. Madaming itong nagawa,naipatayo,naipasabatas at marami bang iba na hanggang ngayon ay maaring alam pa ng mga lolo at lola ninyo.

Pero hindi natin pag-uusapan kung paano naging mabait o masamang presidente si Marcos, bagkus ang pag-uusapan natin ang isang bagay na pinaniniwalaang noong taong 1970’s ay kanyang nagawa. Kung ikaw man ay pro o anti Marcos, hindi natin titignan ang bahaging iyon, ngunit ating aalamin kung ano nga ba ang isa sa naisip ni Marcos noong siya ay nasa Pwesto.

Ferdinand Marcos:

Ferdinand Marcos | Biography & Facts | Britannica

Para sa mga natulog noong History sa kanilang klase, isa na ako duon. kilalanin natin ng kaunti si Marcos. Ang political career ni Marcos ay nagsimula nuong pinatay si Julio Nalundasan na isa din politician at karibal ng kanyang ama na si Mariano Marcos noong 1935. Ngunit natapos din ito noong mamatay si Benigno Aquino Jr. noong 1983.

Ito ay nanalo mula sa pagkapresidente laban kay Diosdado Macapagal, si Marcos ay nanalo sa pagka presidente noong 1965 at si Marcos din ang pinaka-unang presidente na nanalo sa sumunod na eleksyon noong 1969. Makalipas ang tatlong taon, si Marcos ay nagdeklara ng Martial Law kung saan ang mga militar ay nabigyan ng kakayahan na gawin ang lahat masunod lamang ang naibigay na utos sa kanila. Taong 1981 ay natapos ang Martial law at doon ngan napatay si Benigno Aquino Jr. na kilala bilang karibal ni Marcos noong 1983, tuluyan ng natapos ang pamumuno nito sa bansa. Ayan short history lang tayo baka meron na namang mag-aaway sa comment section nyan ha.

History of the Anti-typoon rocket:

History of Ferdinand Marcos: Anti typhoon rockets only marcos administration

Makikita sa mga tabloid noong taong 1973 ang isang headline na ang administrasyon ni Marcos ay nakagawa ng isang anti-typoon rockets. Dahil noon pa man ay uso na din ang usapin patungkol sa weather modification o pagkontrol sa panahon, ginaya ni Marcos ang modelo ng United States upang magawa ang kinilalang Project Storm Fury. Kung baga dito kinuha ni Marcos ang anti typhoon. Ang project Storm Fury ay ang pagpapahina sa mga tropical typhoons o mga bagyo sa pamamagitan ng paglaglag ng mga jets o sasakyang himpapawid ng mga siliver iodide.

Dahil nga mayaman ang bansa natin noong taon na iyon, kayang-kayang ni Marcos na ipagawa ang bagay na ito. Hindi hadlang ang pera upang makagamit ng mga magagandang sasakyang panghimpapwid at upang masubukan kung ang kanilang proyekto ay magiging tagumpay ba.

Dahil ang Pilipinas ay daanan ng maraming bagyo, pinaniniwalaan na nais ni Marcos na mapahina o mapdalang ang pagdating nito sa ating bansa. Ang proyekto ay ilang beses sinubukan ngunit ito ay hindi kailanman nakakuha ng tagumpay. Pero ayon sa ilang report, hindi man naging successful ang proyekto na ito, nagkaroon naman ito ng malaking tulong upang mas kilalanin at bantayan ang namumuong bagyo na paparating sa ating bansa.

Ayon nga sa research at malamang ay napasin mo na magmula noong si Marcos ay napaalis sa pwesto, hindi na muling nasundan pa ang ganitong klaseng proyekto.

Rain Weather Stimulation and Modernization Program:

Ayon sa mga report patungkol sa anti-typoon project ni Marcos, ito ay kanilang pinangalanan na “Rain Weather Stimulation and Modernization Program” na siyang pinangunhanan ni Colonel Ramon Mabuhay na siya ding chief of Air staff at director ng Philippine Air Force. Ayon nga sa mga nagsilabas na mga dyaryo noong panahon na iyon, sakay ng Philippine Air Force ang mga weather rockets na naglalaman ng silver iodide crystals. Ang mga ito ay kanilang ipapatama sa namumuong bagyo na papasok sa Pilipinas.

Parte din ng nasabing proyekto ang pag-gawa ng mahihinang pag-ulan tuwing sasapit ang tag-init sa ating bansa. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapatama sa isang madilim na parte ng kalangitan bago pa man ito maging ganap na bagyo. Doon ay ipinahayag ni Mabuhay na ang kanilang paghahanda at handa na itong ilipad upang ipatama sa ulap. Ang pagpapatama nga nito sa malayo ay mabuti dahil hindi na mismo kailangan ng piloto na pumunta sa itaas ng namumuong bagyo upang ibagsak ang mga seeding.

Ayon sa ilang mga report, ang kanilang missile rocket ay makikita katulad ng ginagamit sa mga labanan ngunit ito ay hindi sasabog. Hindi ito sasabog dahil ang ulo ng rocket ay gawa mula sa kahoy na pinaglalagayan naman ng ilang pounds ng silver iodide. Kung ating titignan mula sa paglalarawan kung paano ito ginawa, maaring ito na din ang naging dahilan upang hindi maging matagumpay ang proyekto na ito.

Walang sapat na report at ilan pang mga panulat mula sa iba pang tao ang makapagsasabi kung ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit hindi gumana at hindi naging matagumpay ang nasabing programa. Iilan na lamang din ang nakakaalala sa ganitong bagay na minsan naisip at nagawa ni Marcos. Pinaniniwalaan na wala nang nakakaalam kung saan na nga ba nakalagay ang mga ginamit na rocket noon sa programa,at nanatili na lamang itong ala-ala sa iilan.

Other Country that plan to use modification:

How fast does rain fall? - BBC Science Focus Magazine

Alam na nang karamihan na hindi lamang ang Pilipinas ang gumamit o nagplanong gumamit ng weather modification. Nabanggit na nga natin ang project storm ng america kung saan kinuha din o naging inspirasyon ni pangulong marcos nuong unang panahon. Ano nga ba ang project storm?

Ang Project storm ng America, ang pagpapatama ng isang missile mula sa isang bagyo na dadaan sa China. Hindi para pigilan ito ngunit upang mas mapag-aralan at mabantayan nila ang kondisyon ng bagyong ito. Ang operation Popeye ng United States at ilan pang mga proyekto upang makontrol ang klima ng mundo ang ginagawa ng ilang malalaking bansa.

Ang purpose din ng isang Weather modification ay maaring pagpigil o pagpapahina ng bagyo, ngunit kung tayo ay maghahanap sa internet, makikita natin na tanging si Marcos pa lamang ang presidente ng pinas na nakaisip na pigilan ang bagyo para sa kaniyang bansa.

Hanggang ngayon ay isa pa ding usapin ng mga eksperto kung dapat nga bang gumamit ng weather modification ang mundo, dahil naniniwala ang ilang eksperto na ang paggamit nito ay lalo lamang makakasira at maaring maging dahilan ng malalang pagbabago sa mundo.

Ang minsang pag-iisip ng kapakanan ng mga tao sa bansa ay maaring pagpapakita na hindi naman talaga masamang presidente si Marcos, teka hindi ako Pro o Anti. Sinasabi ko lamang na ang pag-iisip ni Marcos sa kapakanan ng mga Pilipino ay maituturing na mabuti. Kasi nga naman lagi tayong dinaraanan ng malalakas na bagyo at marami sa kababayan natin ang hirap na sa buhay mas lalo pang pahihirapan ng bagyo. Gayunpaman, marahil mabuti na rin at hindi ito natuloy dahil kung sakaling natuloy ito may repercussions ito hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. We are tampering the nature itself. Kumbaga parang domino effect yan.

Sources

Sources

  • https://read.cash/@Gwenie/anti-typhoon-rocket-228cb904
  • https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/9f7qra/nasaan_na_yung_mga_antityphoon_rocket_propaganda/
  • https://www.facebook.com/SpyderFriendsGroup/photos/hypothesishow-does-it-works-1973-anti-typhoon-rocket-developed-during-pres-ferdi/1559582934286537/
  • https://www.manilalivewire.com/2015/08/philippine-develops-anti-typhoon-rockets/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Electromagnetic Pulse Weapon

Posible bang mabuhay ng walang hanggan? – Mind Transfer –