Parol

Disyembre na naman, anjan na naman ang mga nagliliwanagang ilaw, ang mga nakasabit sa ding ng mga bahay. Pagandahan ng christmas lights at palakihan ng mga parol na nakasabit. Naalala ko nuong bumabyahe pa ako kapag dumadaan ako sa pampanga, ang mga ilaw ng mga parol mula sa mga nagtitinda sa gilid ng daan ay talagang nakakagaw ng atensyon. Ang gaganda ng mga kulay nila.

Tradition:

Ang salitang parol mga boss ay galing sa spanish word na farol na ang ibig sabihin ay lantern. Tinatawag din itong paritaan. Ang parol ay tradisyon na sa ating mga pilipino at kadalasan ang parol ay mayroong 5 o di naman kaya 8 sulok. Ang parol ay nagsisilbing pride at hope ng pasko ng bawat pilipino. Hindi lang yan, ito rin ang ngasisilbing inspirasyon say pagkamalikhain ng bawat gumagawa. Ito rin ang nagpapaalala sa mga pilipinong kristiano na ang mga wiseman ay naging guide ang bituin para mapuntahan si hesu kristo.

Origins:

Kung titingnan ninyo ang parol, wala ba kayong naaalala? How about ung pinata? Oo mga boss, ang parol ay base sa mexican pinata. Ang pinata ay mula sa italya at kumalat din sa spain hanggang sa mexico at napunta nga ito sa pinas. Nuong Spanish times, ang parol ay hindi lang isang dekorasyon, ginawa ito para maging lampara para magsibling gabay sa mga taong pupunta sa simbahan ng wala pang liwanag ng araw para mag misa.

May mga kwento na nuong spanish era pa, ang mga filipino ay gumagawa ng parol at nilalagyan ito ng kandila o hindi naman kaya mga lampara at inilalakad ang mga ito sa bayan para ipakita ang kanilang gawa. Bawat taon pagandahan ng gawa. Hanggang sa narinig ng mga espanyol na pari ang gawian ng mga pinoy at sila din msimo ay nagbigay ng pabuya kung sino ang pinakamgandang parol na magagawa at dito nga nagsimula ang ugnayan ng parol sa pasko. Pinaniniwalaan na isa itong alay sa mahal na panginoon.

Modern Parol:

Ang parol ay nagsimula na nuong 18th century pa lang. Ginamit ito sa prcession para ihonr ang our lady of la naval sa bacolor san fernando. Nuong 1908 si Francisco Estanislaow, ang kauna unahang gumawa ng parol na hugis bituin. Ginamit nya ang parehong materyales na nakasanayan na. Ginamit nya ang kawayan, papel de japon at kandila.

Ang star shape ang nakilala dahil ito ang nagsisimbulo ng bituin na naging gabay ng mga wisemen pero kung titingnan ninyo ngayon, halos andami nang parol, iba’t ibang laki at hugis. Ang dahilan nito mga boss ay kumpetisyon. Sa pampanga, pagandahan at palakihan ng mga nagagawang parol kaya naman sa ngayon iba’t iba ang nakikita nating design.

Festival:

Dahil na din sa creativity ng bayan, dito pinanganak ang kauna unahang parol festival nuong 1930. Ang taon kung saan dumating na ang kuryente sa pampanga. Ang giant lantern festival na kilala din sa tawag na ligligan parol. Ang competisyon na to ay talaga namang kumuha ng attention ng mga filipino. Ang mga parol dito ay umaabot ng 20 feet at ibat iba ang kulay, kadalasan sumasabay pa sa tunog.

Hope:

Para sa atin ang parol ay isang simbolo ng pasko pero para sa mga parol makers, ito ay simbolo ng pag-asa. Sa katunayan nagsisimulang gumawa ng parol ang mga iba ng june pa lang at binbenta na nila ito pag dating ng october. Ang mga iba makikita mo sa mall, sa daanan o hindi naman kaya naglalakad, bitbit ng isang mama.

Alam nyo ba na ang mga parol na gawa ng ating kapwa filipino ay ineexport din? oo mga boss, dahil na din sa intricate designs ng mga ito, ang ibang mga parol ay ineexport, kadalasan ito ung mga gawa sa capiz shells.

Overseas:

Simula 2005, ang renowned artist na si fred deasis ay nag offer ng free parol making workshop sa filipino community sa chicacgo illinois. Dito tinuturuan ni fred ang mga kapwa pinoy natin na gumawa ng parol gamit ang tradsiyonal na kagamitan. Ito ay ang 5 bamboo sticsk, japanese paper, goma, wire, pandikit, at ornaments.

Sa San Francisco at Los Angeles Californai naman ay ipinagdiriwang ang annual parol festival tuwing disyembre.

Sa Canada, sinasabit ang mga parols sa mga part halls habang christmas party para alalhanin ang tradisyonal na gamit ng parol.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Hinihypnotize natin ang ating sarili araw araw?

Frau Perchta