Parokya ni Edgar

Reading Time: 4 minutes

#1

Ang pangalan ng banda na parokya ni edgar ay nagsimula sa kanilang kaklase na si Bambi Cuna. Nuong tinanong ng kanilang teacher kung saan ang paaralan ni Crisostomo Ibarra, sinagot ito ni Bambi ng “Parokya ni Edgar”

 

#2

Anmg kanilang unang album ay khangkhungkherrnitz na naging triple platinum hit at nakabengta ng 120,000 units.

 

#3

Ang totoong nickname ng bokalist na si chito miranda ay tikmol. Ang palayaw na ito ay binigay mismo ng kanyang tatay.

 

#4

Ang orihinal na banda ay mayroong 3 bokalista at 2 gitarista at tinawag nila ang kanilang banda na Comic Relief.

 

#5

Nuong nagsimulang magplay si Buwi ng bass sa parokya, isa na syang vocalist sa isang punk band kasama si Darius.

 

#6

Si Chito Miranda ay naglaro sa game show na Deal or No deal. Sa mga hindi nakapanood, natalo sila, hindi nila naiuwi ang jackpot prize, bagkus ang naiuwi nila ay 750 pesos.

 

#7

Si Chito Miranda ay ang bokalista ng Alpha Kappa Rho, isang fraternity.

 

#8

Si Francis Vinci Montaner na isang back up vocalist ay iniwan ang banda nuong 2005 dahil kailangan nitong pumasok sa school pero bumalik dinito nuong 2007 at gumawa sila ng album na may title na Solid. Pero nuong October 14 2012, muli na naman umalis si Vinci at dahil ito sa personal reasons. Pinost nya ito sa official facebook page ng parokya at marami naman fans ang sumuporta dito.

 

#9

Ang Parokya ni edgar ay mayroong 200 kanta. Meron silang nareleased na 12 album.

 

#10

Si chito, Buwi at Darius ay dating nagmamay ari ng pagong o ung volkswagen na sasakyan. Si Chito binenta nya ang kanyang pagong kay buwi ng piso at meron silang deed of sale para patunayan ito.

 

#11

Ang grupo gustong gusto ang balat at ang pwet…. ng manok. Kapag pumupunta sila sa cebu, lagi silang kumakain sa larshan. Isang barbecuehan malapit sa Fuente Osmena kung saan dito sila nagpapakasasa sa mga chicken skin, pwet ng manok, laman luob at kung ano ano pa. Si Chito ay mahilig din sa mga korean foods.

 

#12

Kolektor din sila. Si Chito nagkokolek ng mga laruan kagaya ng DC at Marvel. Si Gab Chee Kee naman ay comic books. Si Darius nagkokoleta ng mga vintage toys kagaya ng transformers, Master of the universe, Voltes at daimos.

 

#13

Si dindin ay four time winner ng pilipinas game ka na ba? Habang si Nuwi naman ay nag audition sa pinoy survivor pero hindi ito nakasama.

 

#14

Si Chito mahilig mag hang out sa Jaloux disco, si vinci naman ay sa fiamma, embassy, capones at tribu habang si Dindin naman ay nsa loob ng Virra Mall sa green hills nuong nasunog ito, nasa ozone disco din sya nuong natupok ito ng apoy. Sabi nya hindi sya ang may dahilan ng pagkasunog ng dalawang establishimento.

 

#15

Halos lahat ng parokya ni edgar ay nahilig sa photography. Si Gab tumulong din sa mga pagshoshoot ng top gear magazine.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nakakasama ba talaga ang vape?

Levels of internet (Surface, Deep and Dark Web)