Papaanong nadikubre ang Bucegi mountain?

Reading Time: 11 minutes

Sa unang video nalaman natin ang history patungkol sa bucegi mountain, ang kwento patungkol sa butas na ginawa ng mga dacians at ang dome na pinaniniwalaang tirahan ni zalmoxis na kanilang diyos. Mga boss i would like to inform you that this has not been proven yet, altho mayroong pinublish na libro, it still remains a mystery kung ito nga ba ay totoo o hindi, so all the information na maririnig nyo, you have to fact check it bago kayo maniwala and again yan ay ang mga kwento lamang, now, lets go down in this rabbit hole.

Book:

First bago tayo lumubog, let us discuss the book dahil ang librong ito ang nagbigay ng impormasyon patungkol sa bucegi, kumbaga ito ang ugat ng mga kwento. Ang libro ay patungkol sa expose ni Radu Cinamar. Si Radu ay isang miyembro ng secret department ng Romania Intelligence Service. Dahil na din sa kanyang posisyon, kakaunti lamang ang may alam sa personal nitong buhay at ang pakikipagusap dito ay sa pamamagitan ng secret courier ng Romanian Intelligence Service.

Bilderberg Group:

Matapos ang discovery ng IS nuong 2002. May 2003, Nakatanggap si Caesar ng impormasyon mula sa kanyang superior na mayroong isang high ranking person na gustong makipagkita sa kanya. Medyo kakaiba ito dahil si Caesar ay may mataas na posisyon. Sa katunayan sya ang technical director ng zero o department zero at ito ang most classified department sa loob ng Romanian Intelligence Service kaya nakakapagtaka talaga kung sino ang taong may access sa kanya.

Ang sinabi lang ng kanyang boss ay itong bisitang ito ay may mataas na posisyon sa italya at miyembro ng Masonic Lodge. Nuong nakipagkita si Caesar sa taong ito, agad nyang naramdaman ang medyo mabigat na pakiramdam na para bang nababalot ito ng madilim na aura. Pinakilala nito ang kanyang sarili na si Signor Massini. Sinabi nito na sya ang Velmistr ng isa sa pinakaimportanteng masonic lodges sa europe at isang myembro ng Bilderberg Group.

Ayon kay Massini, mayroon lamang dlawang klase ng tao. Ang mayroong talents at strong personality at ang pangalawa ay ang mga namamanipula at nakokontrol. Isa rin syang representante ng Supreme¬† Order Freemasons. Pinaliwanag din nito ang kinabibilangan nyang grupo na Bilderberg. Ayon sa kanya, hindi ito masonic lodge, ang mga masons ay isa lamagn skirt at ang totoong kapangyariahn ay mas malakas pa sa tiantawag na “33”.

Dahil na din nga sa dalawang klase ng tao ang pinaniniwalaan niya, si Caesar ay nasa unang parte, kaya inalok nya ito ng posisyon sa kanilang grupo dahil na din sa alam nya na mayroong kakayahan si Caesar.

Barrier:

Nakita ng pentagon team na mayroong kaparehas na energy barrier sa hall ng bucegi ang nakita nila sa iraq sa may bagdhat. Nadiskubre ito ng mga kano matapos ang second gulf war at isinecure agad ito ng US ng walang tulong mula sa iraqi’s. Nuong nakita ito ni Massini, naging major concern ito dahil ang istraktura ay mas complex sa romanian territory. Ayon din dito, sa Bucegi mountain ay mayroon isang energy pyramid na hindi nakikita ng normal na mata at nagisisilbing proteksyton ng lugar.

Agad na kumuha si MAssini ng State of the eart drilling rig na pinadala naman ng US. Ang drilling rig na ito ay kayang tunawin ang isang bato gamit ang ionized plasma at magnetic field rotation. Matapos ang paghuhukay, mga 60-70 meters mula sa entrance, nakita nila ang isang corridor na mayroong makikinis na pader at sa dulo nito ay isang malaking stone gate na pinoprotektahan ng Invisibly Energy Barrier.

Great Gallery:

Dahil na din sa pagkamatay ng 3 tao, ito ay naging show stopper para sa kanila. Sa loob ng energy barrier makikita ang isang solid rock gate at sa gilid nito, sa pagitan ng barrier at ng gate mayroong isang square na nakaukit, sa square na ito nakadrawing ang isang equilateral triangle na nakaturo pataas.

Si Caesar ay nakaramdam ng compatibility sa kanya at sa barrier parang isang mutual symphaty. Sinubukan nyang hawakan ang energy barrier, nakaramdam sya ng parang kuryente pero hindi sya nasaktan nito. Dirediretso si Caesar sa kanyang paglalakad hanggang sa makapasok na ito sa loob ng barrier. Ang barrier ay hindi tumatalab sa highly developed at well oriented conciousness. Bago makalampas sa barrier kailangan magkaroon ito ng personal frequency.

Nuong nakarating na si caesar sa loob, pinindot nya ang square sa gilid at dahan dahang bumukas ang pinto. MAtapos nito, ang barrier ay nawala na at dito na sila nakapasok sa loob.

Nuong nakapasok na sila sa loob, dito nakita nila ang isang corridor na tinawag na Great Gallery. Kahit na walang ilaw sa labas, ang Great gallery ay maliwanag. Napagalaman na ang pader ay gawa sa synthetic materials at ang iba naman ay organic. May ool ito na nagbibigay ng repleksyon na kulay bluish o greenish.

Iraq Barrier:

Nuong nakapasok na ang team sa great gallery, nakatanggap ang US national Security Advisor ng mensahe na ang energy barrier sa iraq na hindi mapasok pasok ng amerika ay biglang nag activate at naglabas ng high requency.

Ayon sa libro, naglabas ito ng hologram, sa hologram pinakita ang baghdad, Europe tapos ay romania, maya maya pa nagfocus ito sa bucegi mountain at pinakita ang great gallery. Ang dalawang barrier na ito ay interlinked in some way, kapag natrigger ang isang lugar, mattrigger din ang kabila. Kaya lang nalaman din ng presidente ng US ang lahat at agad itong nagconduct ng diplomatic contact sa romania at duon na nga nareaveal ang kanilang operasyon.

Diplomatic Pressure:

Kahit na sila ay nasa romania, hindi ito fully known sa lugar nila. Kumbaga, isang secret mission. Kaya nuong nalaman ito ng kanilang gobyerno, ang kanilang operasyon ay pinatigil. Ang mga US ay bumalik sa kanilang base at ang underground ay pinadalhan ng Romanian Special Forces.

Ang US agad na nagpatawag ng diplomatic meeting sa washingtong sa mga generals ng romania. Ang national supreme defence council of CSAT ay nagkaroon ng urgent meeting. Ang mga miyembro ay nagulat sa natagpuan ng grupo nila caesar habang ang iba naman ay nakikisimpatya sa kanila. Ang mga sundalo ng US ay pinaalis sa romania pero ang mga scientist at specialist ay nanatili dito kasama ng mga kagamitan nila. Si Ceasar ang naging lead sa ekspedisyon na ipagpatuloy ang pagdiskubre sa tunnel.

Nuong nagreport si Caesar, dito na sumabog ang US. Ang Supreme council of defense ay nagkaroon ng paulit ulit na meeting dahil ang iba sa kanila ay gustong iannounce sa buong mundo ang mga nadiskubre sa romania habang ang iba naman ay hindi sangayon dito. Nuong nalaman ito ng US, agad na kinontak ng US ang romanian president at nagkaroon ng mahabang usapan sa whitehouse at isang american delegation ang pinadala sa bucharest.

Lahat ng Money transfers, agreements at contracts sa pagitan ng romania at international financial institutions ay hinarang. Ang Romanian Ministry of Defense ay nagtalaga ng mga alert officers.

Sa romanian side, gusto nilang ipublish ang nalaman nila para maimbitahan din ang mga leading scientist sa buong mundo para makipagparticipate sa findings nito. Pero alam naman natin na ayaw ito ng amerika dahil kapag ito ay sumiwalat, mawawala ang kanilang kapangyarihan at impluwensya sa buong mundo. Ang dahilan ng US ay ayaw nilang magdulot ito ng panic at maging global scale.

Ang pope ay nakipagusap din at sinabing daanin ito sa tahimik na usapan. Ang pope ay kinontak ang mga amerikano para huminig ng alyado na matigil ang paglabas ng balita dahil alam ng pope na magkakaroon din ito ng malaking impact sa paniniwala ng mga kristiano. Ang pope ay nakiside sa amerikano at pinangakuan ang romanian government na magbibigay ito ng mga important documents mula sa vatican archive.

Matapos ang ilang diskusyon, nagkaroon ng agreement sa dalawang estado. Ang pope ay nangako na gagawing available ang mga dokumento ng vatican archives na nalilink sa discovery nila sa bucegi mountain. Humiling din ang romania na ma admi sila sa NATO sa lalong madaling panahon.

Dahil na din sa kasunduan na ito, hindi na napublish pa ni Caesar ang kanyang mga sulat subali nagkaroon naman sya ng isang tulay para maiparating ito sa mundo, at ito nga ang kaibigan nyang si Radu kung saan bumibisita ito sa tunnel at kasama ni caesar.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

11 points

Leave a Reply

Loading…

0

Carnotaurus

Devils frog