Papaano bang gawin ang Astral Projection?

Reading Time: 8 minutes

Marami sa atin ang naniniwala sa astral projection, i myself dahil hinid ko pa nararanasan, hindi pa ako naniniwala dito. Ang astral projection ay madalas naiuugnay sa hallucination o hindi naman kaya out of body experience, hindi porket nakita mo ang sarili mo ay naka travel ka na sa astral plane. Mga boss, i personally didn’t try this and i urge you not to try as well, lalo na’t kung hindi kayo pamilyar. Para naman sa nagawa na at gustong magawa ito ulit, take a look at these techniques.

Concious and SubConcious:

May dalawang klase ng projection. Concious and subconcicious. Ang subconcious ay kadalasang nangyayari kapang ang isang indibidwal ay mayroong pag-aagamagam, may mga tanong na tungkol sa kahulugan ng buhay ang intepretasyon nito. Ito ang common na astral proection dahil hindi natin naeexcercise ang abilidad na ito.

Nangyayari ito sa ating pagtulog at kadalasan sa Stage 4 o REM, pamilyar naman na kayo dun hindi ba? Ang iba sa mga panaginip na ito ay tinatawag na lucid. Ito ung mga pagkakataon na magigising ka tapos sobrang hapong hapo ka pa rin kahit na nakatulog ka na ng ilang oras. Kapag nangyari sa inyo ito, subukan ninyong kumuha ng isang papel at alalahanin ang panaginip. Isulat ninyo ito sa papel, dahil malaki ang posibilidad na ito ay sagot sa katanungan ng iyong subconcicious mind.

Malinaw na tayo sa subconcious, ngayon pumunta naman tayo sa concious projection. Ang concious projection, from the word concious, ibig sabhihin alam mo ang mga nangyayari sa paligid mo. Hindi madali ang concious projection, kinakailangan ito ng matinding konsentrasyon at maraming praktis.

Rope Tehcnique:

Maraming nagsasabi na effective ang technique na ito. Kapag meron kang kaperaso ng tali, itape mo ito sa taas ng kisame, hindi para magpatiwakal ha, maliit na tali lang hindi naman kailangan lubid. Kung sakaling wala kang makitang tali, imaginine mo na lang na meron. Matapos nito, magconcentrate ka at subukan mong iimagine ang iyong katawan ay unti unting inaabot ang lubid. Sa una hindi mo agad ito magagawa lalo na’t first time.

Kapag nahaakan na ang tali ng iyong astral body, unti unti kang umakyat hanggang sa makalabas ka ng iyong katawan, makakaramdam ka ng mga vibrations at kakaibang pakiramdam kaya’t kailangan relax ang iyong katawan dahil kakadyot, o ung tipong magjerk, o ung parang nahulog ka bigla kayo naman kadyot at jerk lang kung ano ano agad iniisip nyo. Yaan ang mararamdaman mo kapag palabas na ang iyong astral self sa physical body.

Pwede mo ring imaginine na kunwari may isang lubid mula sa taas, isang matigas na lubid at dahan dahan itong bumababa. Imaginine mo na may isang helicopter na unti unting nagtataas ng lubid o isang pully. Mararamdaman mo na unti unting umaalis ang iyong astral self sa physical body.

May iba naman nagsasabi na ginawa nila ang reverse rope technique kung saan inamigine nila na mayroong lubid sa kisame at nuong nahawakan na ito, ang kama ay dahan dahang nawawala at dahil dito ikaw ay nakalutang sa kawalan. Dahan dahan kang bumaba sa lubid, kailangan ang lubid ay nasa gitna ng iyong dib dib. Mararamdaman mo na habang ikaw ay bumababa, ang iyong pagiisip ay nagiging klaro at nagiging mas focus ka sa pagbaba dito. Wag mong hahayaan na maging tense any iyong pisikal na katawan o magrespond dito. Kailangan huminga ka ng normal, wag mong pipigilan ang iyong paghinga.

Bed Border Technique:

Ang bed border technique, as the name says, kailangan mag concentrate ka sa dulo ng iyong kama o ung border ng bed frame. Kapag nakafocus ka na, subukan mong abuitin ang dulo ng kama at huilahin ang sarili mo. Isa ito sa pinakamahirap na technique at kadalasan ang nakakgawa lang ay ang mga bihasa.

Ladder:

Sa ladder method, kailangan mong magconcentrate ng iyong paghinga pati na rin ang iyong mental image. Sa ilang minutong pagmeditate, kailangan mong mag concentrate sa iyong paghinga. Ang katawan ay magbibigay ng parang lumulubog na pakiramdam, Imaginine mo na bawat baitang ng hagdan ay ang iyong paghinga.

May mga pagkakataon na makakaramdam ka ng nangangati sa iyong katawan pero kailangan mong pigilan ito. Dahil kung hindi, magsisimula ka ulit sa umpisa.

Habang tumatagal, makakaramdam ka ng emptiness, ito yung huling proseso bago ka umalis ng iyong katawan. Kung nasanay ka sa pagangat ng iyong astral body, dito maninibago ka, dahil ang mararamdaman mo ay parang lumulubog. Ibig lang sabihin nito na ang iyong astral body ay humihiwalay pailalim.

Waking and Falling:

Lahat naman tayo nakaranas na ung hahakbang ka kasi kala mo may hagdan na mataas o mababa tapos biglang wala pala ung tatapakan ninyo, ung tipong parang mahuhulog kayo dahil ineexpect ninyo na merong isang baitang un pala wala. Ipagpatuloy mo ang ganitong pakiramdam, ang biglang mahuhulog at pagkatapos susubukang saluhin ang sarili mo. Now imagine na paulit ulit kang humahakbang at paulit ulit ka ring nalalaglag.

Rolling out:

Humiga ka sa kama at imaginine mong nagpapaikot ikot ka na para bang isang lumpia seryoso yan mga boss. Subukan mo munang umikot sa kaliwa then sa kanan, ulit ulitin mo to. Pero agian, imaginine mo lang, wag mong hahayaang magrespond ang iyong katawan o maging tense. Kumbinsihin mo ang sarili mo na totoong umiikot ka. In short lokohin mo ang iyong isip.

Ayan mga boss ang tips and tricks. Again, wag nyo pong gagawin kung hindi kayo pamilyar. Hanggang dito na lang muna mga boss, sana ay may bago kayong natutunang impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Lilith – Ang unang asawa ni Adam? (Jewish Mythology)

Ang Ilog Pasig