Origins of Life

Reading Time: 24 minutes

Topics

Sa mundo na madaming katanungan, isa na marihil sa pinaka sikat ay ang pagsisimula ng buhay. Mula sa iba’t ibang tao at mga paniniwala ng siyensya, ispiritual, bibliya at kung ano pa man. Ang mga tao ay mayroon kanya-kanyang paniniwala patungkol sa bagay na ito.

Naglabasan na ang mga teorya at iba pang kwento, pero ano nga ba ang totoo?
Sa bagay na ito ay wala tayong papanigan, hindi siyensya, hindi bibliya, hindi mga ibangtao ngunit ipapaliwanag lamang natin kung ano ba ang pananaw ng bawat isa.

Isa ito sa mga controversial na topics lalo na ditto sa pinas dahil alam naman natin na tayo ay isang Christian country kaya halos karamihan sa atin ay nirereject ang siyesnya at ebolusyon. Pero sa video na ito, ididiscuss natin yang dalawa.

Earliest life forms (Science):

Unahin ang mga pananaw ng mga eksperto o mga siyentipiko. Ang mga siyentipiko ay mga taong naghahanap ng kasagutan sa kanilang mga tanong, ngunit hindi lamang sagot itong ebidensya na maipapakita patungkol sa kanilang paniniwala. Ayon sa siyensya ang edad ng ating mundo ay halos nasa 4.45 billion years-old at ang unang ebidensya ng buhay sa mundo ay mula pa noong 3.7 million years ago.

Bago tayo mapunta sa buhay, pagusapan muna natin ang bato, hindi bato na tokhang ha. Alam ko na alam nyo na ang kakayahan ng isang bato. Para lamang sa kaalaman ng ilan, ang isang bato ay hindi namamatay. Ayon sa pag-aaral, sa tagal ng panahon ang isang bato ay patuloy sa pagbabago ng hugis ngunit hindi ito napapansin ng isang normal na tao kung hindi naman nito ito pag-aaralan.

Dahil hindi namamatay ang isang bato, ang mga eksperto ay ginamit ito upang malaman ang ilang pangyayari na naganap sa ating mundo. Tulad na lamang ng unang buhay sa ating mundo at kung mayroon man silang makikitang ebidensya ng buhay dito.

Gamit ang isang radiometric dating methods, malalaman ng mga ekperto kung gaano na ba katanda ang isang bato. So, paano ito nagagawa? I hear you ask. Ito ay inaalam ng mga eksperto base sa radioactive decay ng ilang elements tulad na lamang ng potassium at carbon upang malaman kung ilang taon na nabuhay ang isang bato.

Ayon sa research, noong December taong 2017, nagkaroon ng report patungkol sa isang microorganism na nakita sa Austrlia na halos 3.465billion years old. Noon ding 2013 sa Western Australia, nakakita din ng isang 3.48billion year old sandstone na mayroong microbial mat fossils. Nakakuha din ng ilang biogenic graphite at ilang stromatolites sa isang metasedimentary rocks na ang tanda ay 3.7 billion year-old sa bansa nang Southwestern Greenland.

Lumabas din sa isang pag-aaral na nakakita ng ilang mga microorganism sa isang bato na natagpuan sa Western Australia, ang bato na ito ay mayroong edad na 4.1 billion year old.

Kilala nyo ba si LUCA? hindi ito isang baliw, si LUCA o ang kinikilalang “last universal common ancestor”. Pero hindi ito tao, isa itong single-cell, o bacteria na pinaniniwalaan ng mga eksperto na nabuhay sa mundo noong 4billion years ago.

Ayon sa isang genetic study noong 2016. Ang mga eksperto ay nagsabi na ang pinaka-matandang bacteria na ito ay maaring nabuhay sa ilalim ng tubig. Hindi lamang basta sa tubig o karagatan ngunit sa isang hydrothermal vents o yung isang vent sa ilalim na parte ng dagat na naglalabas ng isang mainit na puting usok. Ayon sa pag-aaral na ang mga vents na ito ay natatagpuan madalas sa isang active volcanic place sa ilalim ng dagat kung saan nagiging dahilan upang gumalaw ang mga tectonic plates at naghihiwalay.

Mabalik tayo kay LUCA, ayon sa pag-aaral ito ay nabuhay sa isang hydrothermal vents noong 3.5 hanggang 3.8 billion years ago. Isang fossilized microorganism naman ang natagpuan sa hydrothermal vent na nasa ilalim ng ancient sea bed sa Nuvvuagittuq Belt ng Quebec sa Canada. Ito ay natagpuan noong 2017 at pinaniniwalaan na ito ay nasa 4.28 billion years old kung saan ito na ang pinaka matandang microorganism sa buong mundo na nakita at natagpuan ng mga eksperto.

Nito lamang taong 2018, ang mga eksperto ay naniniwala na ang buhay sa ibabaw ng lupa ng mundo ay mula pa sa isang bacteria na nabuhay na noong 3.22 billion years ago. Nakakita din ng isang 4.5 billion year old na bato na mula sa bulalakaw na naglalaman ng liquid water kasama na ang prebiotic complex organic substances na maaring isang parte kung paano ba talaga nagsimula ang buhay sa mundo.

Abiogenesis:

Ang lahat na buhay na bacteria na ito ay nabuhay at pinaniniwalaan nakapamuhay na sa iba’t ibang mga halaman, hayop at sa iba pang mga bagay na nauna nang nabuhay sa mundo kumpara sa mga tao. Pero ang lahat ng bagay ay mayroong pinagsimulan, tama?

Saan nanggaling ang mga bacteria na ito?

Ayon sa science, isang teorya ang kanilang nabuo. Ito ang tinatawag na Abiogenesis. Naniniwala ang mga eksperto na ito ang pinagmulan ng buhay ng isang bacteria na mula naman sa iba’t-ibang pangyayari sa mundo noong mabuo ito. Dahil sa pabago-bagong klima, ilang mga natural na nangyayri sa mundo tulad na lamang ng pagsabog ng bulkan, pagkakaroon ng malakas na bagyo at iba pa.

Mula sa mga bagay na ito, nabuo ang isang buhay.Naniniwala ang mga ekseperto na ito ay mula sa isang non living matter. Madaming mga lumabas na pag-aaral at ilang mga eksperto na din ang gumawa ng ilang eksperimento upang mapatunayan ang teoryang ito.

Noong 1953 dalawang eksperto ang nagkaroon ng pagpapaliwanag patungkol sa teoryang ito. Ang mga eksperto ay gumawa ng eksperimento na maaring magpatunay na ang buhay ay nagmula sa isang non living matter. Ito ay sina Stanley Miller at si Harold Urey. Gamit nila ang isang isang maliit na bote na puno ng tubig na nailabas ng mundo dahil sa iba’t ibang pangyayari na nagaganap dito.

Ipinaliwanag niya na kung ang mga chemical na ito ay nasa tamang kondisyon at patuloy na dumadami sa pagtagal ng panahon, ang mga ito ay makakabuo ng isang organic molecules. Mula sa mga organic molecules na patuloy na nabuo at nabuhay ang pinaka unang living thing sa ating mundo.

Primordial Soup:

Ang isang tanong sa paliwanag na ginawa ng dalawag eksperto ay kung paano nagsama-sama ang mga maliliit na molecule na ito upang makabuo ng isang buhay na organismo sa ibabaw at ilalim ng mundo. Ang tanong na ito ay sinagot din ng ilang mga teorya.

Ayon sa paliwanag ng mga eksperto, pagkatapos ng lahat nangyari sa mundo, unti-unti nang umayos ang temperatura ng panahon at nang karagatan, dito na nagsimula ang nasabi nila Miller at ni Urey ang pagdidikit dikit o pagsasama-sama ng mga molecule. Ang buong karagatan ay naging bahay at punong puno ito ng mga molecules sa loob lamang ng ilang panahon. Mula sa tamang kombinasyon ng isang molecule at isa pang molecule, nabuo na ang isang buhay na organismo at mula noon ay patuloy na itong nag evolve hanggang sa mapunta sa modernong buhay.

Ang pangyayari na ito ay tinawag na Oparin-Haldane conjecture o hindi naman kaya ay Primordial Soup.

RNA:

Ngunit ayon naman sa iba pang mga teorya patungkol sa pagsisimula ng buhay sa mundo. Ito ay mula sa ilang RNA molecules na mayroong kakayahan maging isang enzyme-like catalysts. Ayon sa ilang eksperto, mula sa isang RNA, nabuo na lamang ito ng biglaan at mayroon itong kakayahan gampanan ang pagiging isang enzyme at isang hereditary molecule na maaring pagsimulan ng isang buhay.

Ayon sa mga eksperto, ang system na mayroon ang isang RNA ay kusa na lamang gumawa ng paraan upang makagawa ito ng sariling buhay na tatagal hanggang sa ngayong panahon.

Other Science Theories:

Alamin naman natin kung ano pa ba ang mga maaring teorya na naisip ng iba pang eksperto na naghahanap ng paliwanag kung ano nga ba ang dahilan kung paano nagkaroon ng buhay sa ibabaw ng mundo.

Isang organic chemist na si Alexander Graham Cairns-Smith ang naniniwala na maaring ang mga maliliit na molecule ay nagsama-sama o natagpuan ang isa’t isa sa loob ng isang putik. Ayon sa eksperto na ito, hindi lamang pinagsama-sama ng isang clay ang mga molecule ngunit tumulong ito upang maiayos at makagawa ng isang pattern na katulad ng pattern na makikita sa genes ng isang tao.

So, ang isa sa pinaka main role ng isang DNA ay mag-imbak ng mga impormasyon kung paano ang nagging ayos nang iiba pang molecule. Ayon sa pag-aaral, ang mga nangyayaring genetic sequences sa DNA ay nagsisilbing utos kung paano ba dapat nakaayos ang isang amino acid sa isang proteins.

Ayon kay alexander, ang mga nakikitang mineral crystals sa isang putik ay maaring tumutulong upang ayusin ng maayos ang mga organic molecules at ang mga ito ay nagkaroon ng sariling gawain upang maging isang living organism.

Isa pa sa mga tinitignan ay ang isang hydrothermal vents na makikita sa ilalim ng karagatan. Kanina ay nasabi ko na ang isang LUCA na mula sa mainit na bagay na ito. Dahil sa init na nagagawa nito, natutunaw nito ang mga molecules at nagbibigay ito ng isang mineral catalyst na magiging dahilan ng critical reaction o makakagawa ng isang buhay.

Ayon sa pag-aaral, nagbibigay pa din ng maraming chemical at thermal energy at napapanitili nitong buhay ang nakapaligid dito.

Isa pang teorya ang pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang buong karagatan ng mundo ay pinapalibutan ng yelo, pero dahil sa patuloy na pag-init ng araw, ito ay unti-unting natunaw at nalusaw. So, ang mga makakapal na yelo ang prumoprotekta sa mga mahihina at madaling mamatay na organic compunds. Ito ay tatamaan ng isang sinag nang araw kung saan ito ay isang ultraviolet light at sa mga bagay na galing pa sa kalawakan.

Dahil na natural na malamig ang isang yelo, ito ang tumulong sa mga molecule upang makatagal sa ilalim ng karagatan at naging dahilan upang magkaroon ng buhay sa ilalim ng dagat.

Ngunit kahit na magugulo ang mga teoryang ito ay, mayroon pa din namang simpleng bagay na pinaniniwalaan ng mga eksperto. Ayon sa paniniwala ay maaring nagsimula ang buhay sa isang maliliit na molecule, dahil sa pagsama-sama ng mga ito ay nakagawa ng ilang paulit ulit na reaction. Ang mga maliit na molecules na ito ay maaring nakagawa ng isang tahanan at sa pagtagal ng panahon, ang iba pang molecules ay nakagawa ng isang bagay dahilan upang magkaroon ng isang reaction at makabuo ng isang buhay.

O baka naman hindi talaga sa mundo natin nagsimula ang buhay, baka naman sa ibang lugar ito galing. Let’s say galing ito sa outer space na bumagsak sa ating mundo. Ang paniniwala ng mga eksperto na ito ay ang tinatawag na “Panspermia” na isang microorganism o hindi naman isang chemical na tumama sa ating mundo na dala ng isang bato o sa isang bulalakaw na mula sa isang mundo.

So, natapos na tayo sa siyensya, pumunta naman tayo sa bibliya at sa iba pang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon na makikilala natin sa ibabaw ng mundo.

Kapag sinabi natin na paniniwala sa relihiyon o religion, ito ang mga taong hindi naniniwala sa siyensya. Ang mga taong ito ay mayroong ibang bagay na binabasa at pinaniniwalaan.

Nariyan ang tatlong pinaka kilalang relihiyon sa mundo, ang Judaism, Christianity at Islam. Ang tatlong ito ay mayroong kanya kanyang paniniwala patungkol sa pagsisimula ng buhay sa mundo.

Halina at alamin natin kung ano ba ang mga ito.

Pero bago natin idiscuss ang next topic, nakasubscribe ka na ba, kasi kung hindi pa, magsubscribe ka na. Madaming topics tayong ididiscuss at punong puno ito ng impormasyon. Isa pa may mga livechat din tayo minsan kaya wag mong kalilimutang iturn on ang bell notification.

Christianity Beliefs of Life:

Ang ginagamit na gabay ng mga Kristyano para tingnan ang mga nakaraang pangyayri ay ang tinatawag na “bibliya“. Alam ko naman na alam mo ito. Ang isang bibliya ay mayroong dalawang bahagi, ang old at ang new testament.

Mula sa kasulatan na nakalagay sa bibliya, nakilala ng mabuti ang kinikilalang Diyos ng mga Kristyano. Kung ano ba ang kaya niyang gawin, ano ba ang ugali nito, at kung ano ba ang mga kagustuhan niya. Nakalagay sa bibliya ang mga dasal at ilang kautusan na kailangan sundin ng isang tao.

Gamit ang bibliya, ang mga tao na naniniwala dito ay nabibigyan ng kasagutan ang mga tanong na gumugulo sa kanilang isipan. Ang bagay na ito ang nagbibigay ng positibong pagtingin sa mga masasamang bagay na nangyayari sa isang tao. Dahil nakalagay sa bibliya ang halos lahat ng impormasyon, nakalagay din dito kung paano binuo ng Diyos ang langit at lupa, ang buong mundo at kung paano ito nakagawa ng isang buhay na tao.

Ang mga historian at ang mga archeologist ay naniniwala sa mga nakalagay sa loob ng isang bibliya. Dahil ang mga ito ay pinag-aaralan ang nakaraan, malaki ang naitutulong ng bibliya para sa kanilang mga pinag-aaralan.

So, ano ang paniniwala ng mga Kristyano, papakita ko lamang ang ilang verses patungkol sa kung paano ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay sa mundo. Kung ikaw ay taong nagbabasa ng bibliya, malamang alam mo na kung saan hahanapin ang kwento patungkol sa paggawa ng Diyos sa mundo. Ito ang libro ng Genesis.

Sa loob ng anim na araw, ang Diyos ay nakagawa ng isang mundo, isang liwanag at isang dilim. Nakagawa ito ng mga hayop at iba’t ibang halaman upang makain ng mga hayop. Sa isang salita lamang ng Diyos nakagawa ito ng isang tao na mula noon ay nabuhay na sa ibabaw ng mundo. Dito pa lamang ay makikita na natin na makapangyarihan ang Diyos na kinikilala ng mga Kristyano.

Bakit sobra ang paniniwala ng mga Kristyano patungkol sa kwento na ito? Dahil hindi lamang ito basta kwento ngunit totoo ang mga taong nagsulat nito. Nabuhay ang mga taong nagsulat nito at mayroon pang ibang bagay na nagpapatunay na nangyari ang mga nakasulat dito.

Hindi lamang ito basta basta paniniwala na pinaniniwalaan ng mga tao ngunit mayroong mga patunay na tunay ang Diyos na kanilang pinaniniwalaan. Halimbawa na lamang ang isang Tao na si David Wood, ang taong ito ay nais patunayan na mali at walang kabuluhan ang Kristyanismo ngunit, sa dulo ay naging isang taga sunod at tagapag hatid ng salita ng Diyos.

At wala namang masama kung ano ang kanilang paniniwala dahil makatao naman ito.

Budhhist Beliefs of Life:

A little insight sa iba pang paniniwala ng mga Budismo. Ayon sa paniniwala ng mga taong naniniwala sa relihiyon na ito, wala itong kinikilalang personal na Diyos katulad ng mga Kristyano. Ang mga ito ay naniniwalang, walang permanenteng bagay o tao sa loob at labas ng ating mundo. Ang lahat ay magbabago sa tagal ng panahon.

Naniniwala ang relihiyon na ito na ang buhay ng isang tao ay puno ng paghihirap. Ang kasiyahan sa buhay ng isang tao ay pansamantala lamang at mapapalitan kaagad ito ng lungkot.

Walang hanggang ang buhay ayon sa paniniwala ng mga taong ito, ang relihiyon na Budhhist ang nagpasimula ng paniniwala patungkol sa reincarnation o muling pagkabuhay ng isang tao mula noong unang panahon hanggang sa panahon natin ngayon. Ngunit ano na ba ang paniniwala ng Budismo sa pagkakabuo ng Mundo at nang buhay ng tao?

Dahil naniniwala ang mga ito sa paulit-ulit na buhay at paghihirap ng isang tao, naniniwala ang mga ito na walang pinagmulan at walang katapusan ang buhay nang lahat ng bagay sa mundo.

Malabo ba? Well, ayon sa kanila, hindi nabuo ang mundo katulad na lamang ng pagbuo ng Diyos ng Kristyanismo dito. Ang mundo ay patuloy na nabubuo at paulit ulit na nabubuo nang walang tao o kahit sino man ang gumagawa nito, at nabubuo ito ng paulit-ulit. Kumbaga parang poof koko krunch, may mundo at may tao na. Ito ay sa kadahilanang ang mga buddhist ay hindi naniniwala sa diyos.

Well, as i can see we have our way to do our happiness at hindi mabuhay sa kalungkutan. Hindi naman ako against sa Buddhist, in fact i see their beliefs about reincarnation na maganda at the same time nakakatakot. Maganda dahil mabubuhay ka muli sa mundo at magagawa mo ang mga bagay na hindi mo nagawa noon, kaya lang nakakatakot kasi hindi mo maalala ang nakaraan mong buhay.

Moving on.

Raelism Beliefs of Life:

Raelism, bago sa pandinig hindi ba?
Ano ba ang relihiyon na Raelism o kinikilala din bilang isang Realian.

Umpisahan natin ito sa taong nagpasimuno ng relihiyon na ito. Kilalanin natin ang dating car racer at isang music enthusiast na si Claude Vorilhon. Ayon sa taong ito, ang mundo at ang tao ay ginawa lamang ng mga taga ibang mundo o taga ibang planeta.

Ang pinaniniwalaang relihiyon na ito ay nabuo noong 1973, noong sabihin ng taong ito na siya ay binisita ng isang Alien na nagpakilala “Daw” sa kanya bilang si Yahweh. Sa kristianismo ang pangalang Yahweh ay ang diyos. So, ayon sa nagpakilala sa kanya, mayroon itong ibinigay na tungkulin kay Vorilhon na dapat niyang iparating sa buong mundo.

Bago natin alamin kung ano ang mensahe ng bumisita ka Vorilhon, sasabihin ko muna kung ano ang mga itinuturo sa relihiyon na ito para suspense. Ang itinuturo ng relihiyon na Realian ay igalang ang pagmamahal mula sa isang tao at kahit sa sino pang tao, babae man ito o lalaki; ipinalalaganap din nila na kailangan ng kapayapaan sa ibabaw ng mundo.

Ayon sa mensahe na ibinigay kay Vorilhon na kanyang pinaniniwalaan, ang tao ay mula sa isang alien race na tinatawag na Elohim. To be exact, isang Elohim ang bumuo sa mga tao, paano? ayon kay Vorilhon, ito ay nakipagtalik sa isang normal na babae upang makagawa ng ilang propeta na kikilalanin ng mundo.

Sino ang mga Propeta na ito? ito lang naman ay sina Jesus, Buddha, at Mohammed na kinikilala ng madaming tao. Isama na dito na nakasalamuha na ni Vorilhon ang tatlong ito sa kabilang mundo. Pero, hindi pa dito natatapos ang paniniwala ng Realian.

Ayon sa pinaniniwalaan ng mga ito, mula sa isang alien, na kayang ilagay ang kanyang utak sa isang katawan ng tao kung ito man ay mamatay. Dahilan upang mabuhay ang kanilang utak sa bagong katawan at hindi na ito mamamatay. Kumbaga #may4ever sa relihiyon na ito.

Pastafarian Beliefs of Life:

Anyone who likes Pasta or spaghetti? Alam ko naman halos lahat ay gusto ang pagkain na ito?

Kung naghahanap ka ng isang Weird na relihiyon, yes tama ang narinig mo. Ito ay kinikilala bilang isang relihiyon. Hindi libre ang pasta ditto ha baka magjoin ka akala mo libreng pasta dahil pastafarian.

Ano ba ang Pastafarian? ito ang mga taong naniniwala sa Flying Spaghetti Monster. Ayon sa kanilang paniniwala, nabuo ang universe ng isang invisivble at hindi madetect na Flying Spaghetti Monster. Ang malaking monster na ito ay pinaghiwalay ang dagat at kalangitan, gumawa ng kalupaan at gumawa ng isang beer volcano.

Dahil sa kalasingan na nainom ng nilalang na ito, gumawa ito ng napakaraming karagatan sa mundo at marami pang kalupaan. Binuo na din nito ang isang babae at isang lalaki at ang tinatawag na Olive Garden of Eden. Gumawa ng mga utos ang malaking pasta na ito at pinangalanan niya ang mga tao bilang Pastafarian.

Ang mga tao na naniniwala, yes madami itong taga sunod. Ang mga taong ito ay nakasuot ng isang strainer sa kanilang ulo upang mapatunayan na sila ay naniniwala sa relihiyon na ito. Well ayon sa mga naniwala ditto. Malaking patunay ang shape ng mga planeta. Lahat ito ay bilog, wala kang makikitang triangle o square o flat. Patunay na ang mga planeta ay parang isang meatballs sa isang spaghetti. At guess what, ang spaghetti monster ang may akda nito.

Hanggang ngayon ay walang malinaw na sagot ang siyensya kung paano nga ba nabuo ang buhay sa mundo. Well, nasa sayo na ito kung saan ka maniniwala. Kung sa siyensya na nabuo tayo mula lamang sa isang maliit na organismo, sa isang relihiyon na naniniwala na wala tayong pinagmulan at paulit-ulit ang ating buhay. O sa relihiyon na may kinikilala tayong diyos.

Well, hindi naman kita pipigilan kung maniniwala ka sa galing tayo sa isang Pasta o hindi naman ay ginawa tayo ng isang ALien na nabubuhay sa labas ng mundo. Its your freedom. Prinesent ko lang ang mga impormasyon kung san tayo posibleng nagmula.

What’s true is, we really don’t know what to believe.
Some people say na it’s good to have a faith on something, but atleast make it more normal at makatao.

So, kung ikaw ang tatanugin,

Ano ba ang paniniwala mo?
Saan ba sa tingin mo tayo nagmula?
Naniniwala ka ba sa Diyos?
O sa alien?
How about reincarnation?
How about Flying Spaghetti monster?
Where is the proof?
Maniniwala ba tayo sa mga bato?
Maniniwala ba tayo sa sinasabi ng ibang tao?

It’s up to you.

Sources

Sources

  1. https://allthatsinteresting.com/pastafarianism
  2. https://allthatsinteresting.com/raelism
  3. https://www.bbc.co.uk/religion/religions/buddhism/ataglance/glance.shtml
  4. https://dailyverses.net/creation
  5. http://www.usccb.org/bible/genesis/genesis1.htm
  6. https://www.livescience.com/13363-7-theories-origin-life.html
  7. https://www.americanscientist.org/article/the-origin-of-life
  8. https://study.com/academy/lesson/abiogenesis-definition-theory-evidence.html
  9. https://www.wikiwand.com/en/Earliest_known_life_forms#/References
  10. https://www.wikiwand.com/en/Hydrothermal_vent
  11. https://www.nytimes.com/2016/07/26/science/last-universal-ancestor.html
  12. https://www.wikiwand.com/en/Earliest_known_life_forms
  13. https://earthscience.stackexchange.com/questions/9674/how-long-does-it-take-for-a-stone-to-alter
  14. https://www.nature.com/scitable/knowledge/library/dating-rocks-and-fossils-using-geologic-methods-107924044/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo ba na kapag sinipsip natin ang dugo babalik ba ulit yon sa sugat natin?

Ano ang Nuclear Radiation?