Norse Mythology – Hel

Reading Time: 9 minutes

Sino ba si Hel obviously we know na isa sya sa infamous trio ng norse mythology pero what is she really? Ano ba ang kanyang background, paano ba sya inilalarawan? Today we dive on Hel’s story.

Characteristics:

Inilalarawan si Hel bilang isang sakim, mapangapi at walang pakialam sa mga nilalang, buhay man o patay. Si Hel ay mayroong malademonyong ngiti sa mukha nito. Siya ang nagbabantay sa well you guess it, Hel. Si Hel ay half blue black at half flesh ang kulay ng balat nito.

Pag nagkakaroon ng matinding kalamidad o sakuna, si Hel ay aalis ng kanyang kaharian para pumunta sa lupa. Nakasakay ito sa kanyang kabayo na may 3 paa kung saan naghahanap ito ng mga nakaligtas at dadalhin nya sa kanyang kaharian.

Kingdom:

Ang pinamamahalaan ni Hel ay ang realm of the dead o kilala din sa tawag na Hel,nifelheim o helheim. Ang Hel ng norse mythology ay malamig at madilim. Dito napupunta ang mga kaluluwa na namatay sa pagtanda,sa sakit o hindi naman kaya sa kaduwagan. Ito ang opposite ng kaharian ni Odin na valhala kung saan bukas ang pintuan nito para sa mga kaluluwang namatay sa pakikipaglaban.

Ang kanyang kahariaan ay binabantayan ng isang Hell Hound na sa tuwing may bagong tao o kaluluwa na papasok sa kanyang kahariaan ito ay aalulong. Ang boses nito ay maririnig ng isa pang nilalang, isang nakakatakot na dragon na kilala sa tawag na nidhogg. Si nidhogg ay hihigupin ang mga dugo ng bawat taong pumapasok. Kapag nahigop na ang dugo, ito ay manghihina at mas madali itong maidadagdag ni Hel sa kanyang kawal ng mga patay. Si Hel ay nagiipon ng mga undead army at hinihintay ang pagdating ng ragnarok kung saan ang mga ito ay papakawalan nya para labanan ang mga asgard.

Story:

Pinatawag ni Odin ang mga anak ni Loki. Ang kapatid nitong ahas ay tinapon ni Odin sa ilalim ng dagat, si Fenrir ay dinala sa asgard at si Hel naman at tinapon sa niflheim. Binagyan ni Odin ng utos si Hel at binagyan din ito ng awotridad sa nine worlds kung saan tatanggapin nito ang mga pinapadala sa kanya at ito nga ang mga taong namatay sa sakit, karamdaman o disgrasya.

Nuong pinadala na si Hel sa nifelheim, ginawa nya itong kaharian. Mayroon itong mga malalaking mansyon, matataas na pader at malalawak na gate. Ang kanyang bulwagan ay tinatawag na Eljudnir kung saan ang ibig sabihin ay malamig, mayroon itong pagkain na tinatawag na hunger o gutom, meron itong kutsilyo na tinatawag na famine o taggutom. Ang kanyang kama ay tinatawg na sick bead habang ang kanyang kurtina naman ay tinatawag na gleaming bale.

Dahil nga binagyan ng karapatan ni Odin si Hel sa nine worlds, si Hel ay may hawak ng dominion sa mga kaluluwang napasakamay nya. Ang ibig kong sabihin, dahil sa karapatan na binigay ni Odin, kahit mismo si odin ay hindi kayang kunin ang mga kaluluwa na pagmamay-ari ni Hel. Kaya kapag sinabi ni Hel na hindi nya papakawalan ang isang kaluluwa, walang magagawa ang mga asgard gods patungkol dito. Which brings me to her story. Sa totoo lang kakaunti lang ang impormasyon patungkol kay Hel sa mythology. Kagaya nga ng sinabi ko, once hel has the soul. Sya na ang may-ari nito. Pinakita ang kanyang kapangyarihan sa isang pagkakataon kung saan si Balder, anak ni Odin ay namatay at napunta sa mundo ni Hel. Pero bulalord wait lang, hindi ba si Baldur ay god, so dapat sa valhalla sya mapunta. Well technically boss, that is true, pero again, ang valhalla is for the bravest souls, ang mga namatay sa battlefield o ang mga pinadala ng mga valkyries para mapunta sa valhalla. Si Baldur ay namatay ng hindi nya dinedepensahan ang kanyang sarili, ni wala nga syang hawak na espada nuong namatay ito so in a sense hindi sya kasama sa mga honored death. But i digress, balik na tayo sa story. Teka asan na ba tayo? Ayon nga namatay si Baldur dahil sa kagagawan ni Loki.

Walang nagawa si Odin sa pagkamatay ng kanyang anak, hindi nya ito napigilan. Rules is rules. Dahil sa pagkamatay ni Balder, ang mga aesir gods ay nalungkot kaya’t ang kanyang kapatid na si Hermod ay pumunta sa Helheim, subalit hindi ito basta basta makakapasok duon dahil ang helheim ay delikado sa katunayan, kaya sinakyan nito ang kabayo ni oden na si sleipnir. Sa loob ng 9 na gabi naglakbay ito sa helheim. Dito natagpuan nya si balder at kinaumagahan ay pumunta kay Hel at nagsumamo na payagan si Baldur na bumalik sa kanila sa Aesir. Ayon kay Hel papakawalan nya si Balder kung ang buong mundo ay magluluksa sapagkawala nito.

Agad na bumalik si Hermod sa Aesir at sinabi ang kundisyon ni Hel. Ang mga diyos naman ginawa ang kanilang makakaya, lahat ng diyos mga tao pati kalikasan nagawa nilang ipagluksa si Balder. Subalit merong isa na hindi pumayag. Isang matandang higante na ayaw magluksa sa pagkamatay ni Balder, Ito ay si Thokk. Pinaniniwalaan na si Thokk ay si Loki na nagdisguise lamang.

Dahil nga may isang tumanggi, walang nagawa ang mga diyos ng asgard kundi irespeto ang kundisyon at hindi pinakawalan ni Hel si Balder. Oo nga pala, additional info mga boss, ang asawa ni Balder na si Nanna ay namatay din dahil sa kalungkutan at nareunite ito kay balder sa helheim.

Ragnarok:

At this point alam natin na si Fenrir pinatay si Odin, si Jormungander naman pinatay din si Thor. Eh si Hel sino ang pinatay? Well mga boss, sadly, wala tayong impormasyon patungkol sa nanyari sa kanya sa ragnarok. Ang alam lang natin ay ang mga kawal nito ay isasama nya sa battlefield ng ragnarok. Ayon sa mythology, matapos ang ragnarok, magkakaroon pa rin ng good and bad places. Kung si Hel ay namatay o nabuhay hindi natin alam dahil hindi na iton inexplain pa ng writer.

Meaning:

Dito muli tayo sa meaning. So let us analyze kung si Hel nga ay talagang masama o sadyang hindi lang sya inintindi. Well lets put it this way, halimbawa, may nawalang gamit sa bahay ninyo at kayo ang pinagbintangan simply because nakita kang pumasok sa kwarto, hindi ba nakakayamot un? Wala pang concrete evidence at hinusgahan ka na agad. That is what hel experienced albeit worst.

So let us consider what happened, nuong namatay si Balder duon nagkaroon ng exposure ang pangalan ni Hel pero ayon sa mythology, hindi nya trinato si Balder bilang isang bilango, bagkus winelcome nya pa ito at pinaghandaan pati na rin ang asawa nitong si Nanna, sa katunayan nuong pumunta si Odin sa helheim para kwestyunin ang isang mangkukulam, tinanong nito si Hel  kung bakit ang kanyang bulwagan ay maliwanag, sinagot sya ni hel na ang mga alak ay hinanda nya para kay balder.

2nd point mga boss nuong hiniling ni hermod na kuhanin ang kapatid nya, hindi nya rin pinaatake si hermod sa kanyang mga kawal, bagkus pinabayaan nya ito, take note mga boss, nasa mundo sya ni hel so kahit ano pwede nyang gawin pero hindi nya ito ginawa.

Next is the request of hermod, walang ibang hiniling si hel kundi ang patunayan na talagang karapatdapat pakawalan si Balder at gagawin nya ito ng walang alinlangan. Obviously ang kanyang tatay na si Loki ay may ibang ideya, hindi natin alam kung sila ba ay magkasama sa ideyang ito pero sa tingin ko walang alam si Hel sa plano ng kanyang tatay.

Oo gumawa sya ng hukbo para pag dumating ang ragnarok ay mapalaganap nya ito sa battlefield. Pero think of it, ginawa nya ba ito dahil gusto nya o ginawa nya ito dahil sa paghihiganti? Another point mga boss pinabayaan nya si balder na kung tutuusin pag-aari nya na ito at pwede nyang isama sa kanyang kawal. bagkus pinabayaan nya ito para pagkatapos ng laban ay mayroong magrerebuild ng mundo.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tumitilaok ang tandang (rooster)?

Carnotaurus