Ninja History

Mga boss panigurado ang karamihan sa inyo narinig o napanuod na ang naruto, mapa genjutsu o ninjutsu panigurado alam nyo na yan, mga rasenggan at chidori. Dahil sa mga napanood nating mga movies at animes parang napakagaling ng mga ninja, napakalakas nila. Pero ano nga ba ang ninja? Totoo ba ang mga ito?

Misconception:

Ang mga ninja ay mga mercanaries at ito ay naging kilala nuong 15th hanggang 17th century. Ito yung tinatawag na sengoku period mga boss. Isang misconception dito o maling paniniwala ay ang pakikipaglaban nito sa mga samurai. Marami sa atin ang naniniwala na ang Ninja ay mortal na kalaban ng mga samurai. Hindi po ganon mga boss. Dahil sila ay mercenary, karaniwan din silang makikitang lumalaban sa battlefield kasama ang mga samurai. All around ang ninja kahit sa mga bahay nuon ng mga daimyo ay anduon sila, basta tama ang bayad.

Habang tumatagal, mas kumakalat ang balita patungkol sa kanila. Maraming nagsasabi nuong panahon na yon na bigla na lang silang nawawala na parang bula, sobrang tahimik na hindi mo mararamdaman na anjan na pala. Sa katunayan hanggang ngayon yan pa rin ang paniniwala natin. Mga boss, ang iba sa mga tsismis na to ay totoo pero sympre meron ding iba na hindi.

Walang nakakaintindi sa mga ninja nuon kundi ang kapwa lang nila ninja. At habang tumatagal mas lalong palala ng palala ang kanilang mga kwento. Pinaniniwalaan nuon ng mga tao na mayroon silang kapangyarihan. Dahil sa laki ng kanilang grupo, ang mga kwento patungkol sa kanila nuong 16th century ay talaga namang kumalat na parang isang apoy.

Nuong narinig ng mga ninja ang ganitong mga kwento, hindi sila nagalit, bagkus natuwa pa at inencourage pa ang mga ganitong kwento. Ginamit nila ang mga kwento para maintimidate at ma misdirect ang mga kalaban nila. Ang kanilang madilim na reputasyon ay talaga namang nakaapekto sa mga kalaban ng mga ito pati na rin sa mga gustong sumakop dahil inaakala ng mga ito na wala silang kalaban laban dahil na din sa mga kwento na kanilang narinig.

Kahit ang mga written documentations ng mga ninja ay hindi ganuon ka conclusive. Ang mga nagsulat ng mga dokumento ng mga ito ay nilagay din ang sinasabing ninja powers sa mga biography para mas lalo pang tangkilikin ng mga tao. Ang mga kwento patungkol sa ninja ay nilalagyan ng sugar coating o pinapaganda at sinasabing ito ay historically accurate.

Nuong tumungtong na ang 20th century, dito muling nabuhay ang history ng mga ninja. Ang kanilang mga kwento ay pumunta na sa western lore. Karamihan ng mga manunulat ay agad naglathala ng mga libro patungkol sa mga ninja. Sa kasamaang palad, marami dito ang overacting o sobra ang dramatization para na rin bumenta ang kanilang mga nilathala.

Ang ninja hype nuong 1950 at 1960 ang mas lalong nagpalabo sa katotohanan patungkol sa mga ninja. Ang ibang mga misconception ay talaga namang imposible pero karamihan pa rin dito ay naisulat ng mga manunulat.

Maraming nagsasabi na ang ninja ay mayroong strong moral code, may iba na naman na hindi dahil sila ay mga mercenary lang. Ang iba nagsasabi na binabato ng mga ninja ang shuriken o hindi naman kaya hindi sila gumagamit ng mga pasabog. fun fact pala mga boss, ang shuriken nuon ay hindi binabato, para itong espada na ginagamit ng mga ninja.

Down Fall:

Ang mga ninja ay mahirap bilangin nuon dahil kalat kalat ang mga ito pero karamihan sa mga ninja ay nakatira sa probinsya ng Iga. Ang probinsya ng Iga ay ginawang tahanan ng mga ninja dahil ito ay may malakas na depensa.

Ang probinsya ng iga ay napapaligiran ng mga bundok at ang daan papasok dito ay makikitid. Kaya naman kakaunti lang ang makakapasok dito. Dito namuhay ang mga ninja sa paraan nila, hindi nakikilala, walang nakakaalam hanggang sa nagsimula na ang mga ito na lumabas ng iga. Walang impormasyon kung kailan naging centro ng ninjutsu ang iga pero pwerde nating iassume na ito ay ilang siglo bago ang kanilang pagbagsak.

Ang kanilang pagbagsak ay talaga namang hindi maiiwasan. Ang anak ni oda nobunaga na si Oda nobukatsu ay pinamumunuan ang probinsya ng ise. Hindi ito sapat sa kanya at gusto nyang isama ang probinsya ng iga sa kanyang nasasakupan. Pinasok nya ang iga at nagsimulang magtayo ng kastilyo para maging base nila.

Ang mga ninja nakita ito at bago pa makapasok sa kanilang teritoryo ay sinunog ng mga ito ang kastilyo. Dahil dito, nagalit si nobukatsu at nagpadala ng 8000 hukbo. Ang mga ninja ginawa ang kanilang makakaya, inambush ang mga umaatake, libo libo rin ang mga napatay ng ninja at kakaunti lamang ang nadale sa kanila Dahil dito, napilitan na namang umatras si Nobukatsu. Nalaman ito ng kanyang tatay.

Sa kasamaang palad, merong bumaliktad sa mga ninja at binigyan ng impormasyon si nobunaga. Si Nobunaga naman ay nagpadala ng 40,000 na hukbo at sinakop ang bayan ng mga ito. Hinati nya ang kanyang hukbo sa 6 na grupo kung saan ang 6 na yon ay papasok ng sabay sabay sa 6 na lagusan. Dito na natapos ang mga ninja, hindi nila kinayang protektahan ng sabay sabay ang lagusan.

Kapangyarihan:
Ang Ninjutsu ay nagpasalin salin na, mula sa guro papuntang estyudyante. Nuong tahimik pa ang bayan ng mga ninja, ang mga matatanda nuon ay sinusulat ang kanilang mga techniques o ninjutsu pero ang karamihan sa mga ito ay itinatago na lang nila.

Sa panahon ngayon maraming mga pamilya ang nagsasabi na ang kanilang ninuno ay ninja at ang mga techniques ng mga ninja nuon ay tinuturo, hindi sinusulat. Subalit wala pa naman patunay dito. Pero it remains a fact na ang pag-aaral ng ninjutsu sa pamamagitan ng mga written techniques ay kadalasang tinatanggal ng mga future ninja.

Ibang iba ang ninja sa samurai, ang mga samurai meron silang strict code habang ang mga ninja naman naniniwala sa philosophy of totality. Ang paniniwalang ito ay sumasaklaw sa ideya na ang kalawakan ay balanse at tayong mga tao ay kasama dito. Mayroong masama, mayroong mabuti, mainit at malamig. Ang awareness dito ay napakaimportante para sa ninja.

Ang ninja ay karaniwang natututo sa kanyang master pero nagsasanay din ito ng bagong technique na makakatulong sa kanya. Kahit ano pang techinque ay pwedeng gamitin regardles sa tinatawa na bushido o way of the warrior kaya naman ang mga techniques ng mga ito ay pabago bago habang palipat lipat ng henerasyon.

Ang pagtuturo sa ninjutsu ay walang rules, depende ito sa papasukan na school ng isang bagong ninja. Ang bawat school ay may kanya kanyang aspeto sa pagiging ninja. Mayroong istorya patungkol sa mga eskwelahan ng mga ninja kung saan ito nagsimula.

Si Bakkansai Jotei na isang governer ay sinlakay ang mga rebelde na nagkukuta sa kastilyo ng sawayama. Dahil na din sa mabundok ang paligid nito, tumawag sya ng isang ninja na nagngangalang Dojun para mapasok ang kastilyo. Si Dojun kumuha ng 48 katao at sinalakay ang kastilyo at sinunog nila ito. Habang sila Dojun ay inaatake ang loob, lahat naman ng lumalabas ay hindi rin nakaligtas sapagkat nag-aabang si Jotei. Nuong nagwagi na sila, ang 48 ninja ay naghati sa 48 eskwelahan ng ninjutsu at halos karamihan sa mga ito ay nasa centro ng iga.

Maraming eskwelahan ng ninjutsu sa iga, may iba na mas sinasanay ang pakikipaglaban habang ang iba naman ay sinasanay ang art of stealth. Ang mga iba’t ibang eskwelahan na ito ay talaga namang nagpahirap sa nga ninja biographers.

Ang bawat eskwelahan ay biased patungkol sa kanilang mga idolehiya at kakayahan at kinkumpara nila ito sa iba pang mga eskwelahan.

Ang mga ninja ay hindi tinuturo ang kanilang mga technique sa mga dayo o mga taga labas. Kahit sa mga ibang eskwalahan tinatago nila ang kanilang mga technuqes. Normal sa mga ninja ang pagsesekreto, hindi nila ito tinitingnan bilang insulto dahil ito ang kanilang paraan ng pamumuhay.

Kagaya nga ng narinig natin sa naruto, ang ninja ay may tatlong rango. Genin, Chunin at Jonin. Oo mga boss, real life po talaga ang mga rango na ito at hinango lang sa anime.

Ang mga Jonin ang mga masters, sila ang nagbibigay ng utos o tungkulon sa iba.
Ang mga Chunin naman ay yung tinatawag na proxy. Sinusunod nila ang utos ng Jonin pero pinorpotektahan din nila ang kanilang Identity sa katunayan ang mga genin ay hindi sila kilala. Hindi katulad ng nakita natin sa anime na kilala ng bawat isa ang mga jonin at chunin.

Ang mga genin ang mga normal na ninja, ito ang mga mga ninja na gumagawa ng trabaho. Ang ranking system na ito ay talaga naman sinusuportahan ang identity ng mas mataas na rango kahit pa pareho silang ninja.

Dahil na nga rin sa sobrang sikreto ng mga ninja, karamihan sa mga ito ay pasekretong pinapasok ang mga eskwelahan bilang estyudyante para malaman ang kanilang mga techniques. Nuong kumalat ang ganitong balita, maraming mga ninja ang mas lalong naging defensive. Ang kanilang mga nalaman, mga technique ay pinapasa lamang nila sa kanilang kadugo o sa kanilang pamilya. Pero sympre hindi lahat ay pasok dito.

Ang mga bata tinuturuan na maliit pa lang kumpara sa mga samurai. Ang mga bata kadalasan matuto mag flip, sumipa, mag disgiuse, maginfiltrate at marami pang iba, pero sympre ang mga ito ay laro lang para sa mga bata, isang laro na maiging tinitingnan ng kanilang mga magulang para malaman kung kanino nila ipapamana ang kanilang technique. Dahil dito, ang kanilang sikreto at loyalidad ay nananatiling lihim.

Costume:

Pagsinabing ninja, ang unang papasok sa ating mga isipan ay mga nakaitim, may espada sa likod, boots at nakatakip ang bibig, ung iba may mga maskera pa. Pero mga boss, walang historical account na nagpapatunay dito, ang meron lang ay ang kanilang paggamit ng maskera. Kahit walang historical account, ang ganuong kasuotan ay normal sa panahong iyon.

Maraming nagiisip na ang ninja ay mayroong standard uniform kagaya ng isang samurai. Pero mga boss, ang sa samurai ay warriors outfit. Ang mga ninja nuon karaniwan ay nakapang sibilyan lang para na rin makapag blend in sila.

Minsan nagpapanggap ang mga ito na samurai o kaya hermits. Hindi lang ninjutsu ang kanilang alam, kadalasan ang mga ninja ay inaaral din ang mga iba pang skills o techniques kagaya ng samurai. Inaaral ng mga ito ang kanilang kultura, pananamit, at mannerism. Ito ang infiltration technique ng mga ninja.

Si Tokugawa Ieyasu ay kumuha ng mga ninja bilang bodyguards nito. Ang mga ninja nagdidisguise bilang hardinero para maprotektahan ang kanilang kliyente. Ito rin ang mainam na dahilan para makalapit ang mga ito kay ieyasu kung sakaling kailangan nito ng proteksyon.

Alam nyo ba mga boss ang sickle and chain na armas ng mga ninja? Sa katunayan isa rin itong part ng pagdidisguise nila. Dahil na din sa galing nilang magtago, ang mga ninja pwedeng maging kahit anong gustuhin nilang gayahin, pwede silang maging maharlika at pwede ring maging magsasaka. Ang mga sickle and chain ng mga ito ay mula dito, Ginagamit nila ito pang tabas ng mga halaman at kapag kinakailangan nilalabas nila ang kadena at pwede na nilang gamiting pang atake o pang depensa.

Fiction:

Ito mga boss ang dahilan kung bakit mahirap halungkatin ang history ng mga ninja dahil masyado silang masikreto. Isa pa, gusto ba talaga nating malaman ang kanilang istorya? Libo libong mga totoong impormasyon ang nagkalat subalit ito ay kinocontradict ng mga misconception.

Tayong mga publiko mas intersado sa mga ninja na alam natin, sa mga naruto o hindi naman kaya teenage mutant ninja turtles. At ang totoo dito, mas gugustuhin pa nating panuorin ang mga ninja na umaandar sa ating mga imahinasyon, sa mga pelikula, kaysa ang panuorin ang history ng mga ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Papaano bang gawin ang Astral Projection?

Ang Ilog Pasig