New Year – Origins

Reading Time: 8 minutes

Eto na naman tayo, from origins, now pumunta naman tayo sa pagan traditions. Kung namiss ninyo ang video regarding new year origins, nasa description ang link. Sa mundong ibabaw, marami ng tradisyon, mula sa ating ninuno at sa mga sumakop sa atin. Ang iba go witht the flow habang ang iba naman they try to seek and understand the origins ng bawat traidsyon. Dapat nga ba na icelebrate ang new year? Ano bang sinasabi ng bibliya patungkol dito? Sinabi ba sa bibliya kung kailan ang tamang araw ng bagong taon?

Pagan Traditions:

Bumalik muna tayo sa Mesopotamia dahil ito ang kauna unahang nalathala na nagcecelebrate ng new year. Tinatawag nila itong Akitu na ang ibig sabihin ay head of the year. Ito ay ginaganap sa spring ng mga ancient mesopotamia. Ang mga ancient egyptians at persians ay sincelebrate ito tuwing autumn equinox o sa araw ng September 21 habang ang mga Greeks naman bago dumating ang 5th century BC ay sinecelbrate ito tuwing winter solstice o December 21st.

Nuong si Julius caesar ay nag introduce ng bagong calendaryo, minarkahan nya ang january 1 bilang new year, bakit nga ba january? Kasi mga boss, kagaya ng iba pang mga pangalan ng buwan, ang january ay hango din  sa isang greek god, si Janus. Para kay caesar, isa itong pagbibigay pugay sa kanilang diyos. Pinili ni caesar si Janus bilang new year dahil na din sa karakteristiks nito. Si Janus ay may 2 mukha, isa para sa hinaharap na nagisismbolo ng panibagong taon at isa sa likod na nagsisimbolo ng nakaraang taon.

Ang mga romans nuon ay nagbibigay ng gintong barya na may naka imprentang mukha ni janus tuwing bagong taon.

Root, Trunk and Leaves

Sino ba ang ugat ng pagan traditions ng january 1st? Kagaya ng ng nabanggit si Julius Caesar, uu nagsilbi syang ugat pero papaano nga ba napasok ang New year sa kristianismo? Sino pa nga ba mga boss? Kundi si Constantine. Ang kaunaunahang roman emperor na naging kristiano. Dahil nga ang romans ay may sariling paniniwala, ang iba dito ay sinubukang ipasok sa kristianismo nuong naging emperor si constantine katulad na nga ng saturnalia. Ang pagan tradition ng mga romans na nagsisimula sa pasko hanggang bagong taon. Ang masaklap lang dito ay ang mga sinanunang kristiano ay tinanggap ito. May iba na sinubukang lumaban pero in the end sadyang malakas ang paniniwala ng mga romans. Nabanggit na natin ang ugat bilang si Caesar, ang katawan bilang si constantine, ngayon pumunta tayo sa dahon, si Pope Gregory XIII. Sa totoo lang mga boss, pagkakataon na ng pope na baguhin ang January 1st bilang new year and yet niretain nya ito at nirenforced pa kaya naman ito na ang nakasanayan ng karamihan sa atin ngayon.

Bible

Ano nga bang sinasabi ng bibliya patungkol sa mga tradisyon?  Jeremiah 10:2-3 “Learn not the way of the heathen…for the customs of the people are vain.” Dito malinaw na sinabi ang salitang heathen, ito ang mga taong sumasamba sa araw, buwan bituin at iba pa. Sa katunayan mga boss, ang bible sinabi kung kailan ang new year.

Exodus chapter 12 verse 1-2 “The Lord said to Moses and Aaron in the land of Egypt, 2 “This month shall be for you the beginning of months. It shall be the first month of the year for you.”

Dito sinabi ng panginoon ang unang buwan ng bawat taon pero walang sinabi kung kailan ito. Makikita natin ang isa pang hint sa isa pang passagge ng exodus:

Exodus chapter 12 verse 15 ” Seven days you shall eat unleavened bread. On the first day you shall remove leaven out of your houses, for if anyone eats what is leavened, from the first day until the seventh day, that person shall be cut off from Israel. “

Mga boss kung papansinin ninyo, sinabi sa unang paragraph “Seven days you shall eat unleavened bread”. Ngayon pumunta na tayo sa huling verse kung saan sinabi mismo ng panginoon kung anong buwan ito.

Exodus chapter 23 verse 15 ” Thou shalt keep the feast of unleavened bread: (thou shalt eat unleavened bread seven days, as I commanded thee, in the time appointed of the month Abib; for in it thou camest out from Egypt: and none shall appear before me empty:)”

Finally, sinabi sa bibliya na ang unang buwan ng unang taon ay ang buwan ng abib. Pero ano nga ba ito, anong buwan ang abib? Ito mga boss ay ang spring. Usually March hanggang April. There you have it mga boss ang totoong bagong taon base sa bibliya. Oo nga pala, the bible also warns us regarding dito.

Daniel Chapter 7 verse 25

” And he shall speak great words against the most High, and shall wear out the saints of the most High, and think to change times and laws: and they shall be given into his hand until a time and times and the dividing of time.”

Ang keyword mga boss is “change times and laws” at “most high”. Sino sino ba ang nabanggit natin kanina? Diba sila ay mga kilalang tao, mga matataas at isa din sila sa mga nagbago ng totoong araw? Well except constantine, si constantine mga boss sa tingin ko ay naging tulay lamang.

Conclusion

So the question would be, is new year pagan? Mga boss if you are celebrating new year then i would say in my opinion oo, you are celebrating a pagan tradition. So persepective yan mga boss. Pero how can we still celebrate the new year ng hindi naicecelebrate ang pagan tradition? Well simple lang mga boss. The new year is not all about “bagong taon” per se, ang new year ang pagsasama-sama ng mga pamilya, ang mga malalayong anak umuuwi para magsalosalo o hindi naman kaya ang iba ay pumupunta sa kanilang mga kaibigan, sa mga taong malalapit sa kanila. This is not only the time to celebrate new year but more importantly, this is the time to be with your family, friends or people who are important to you. Sa ganung mindset mga boss, you are not encouraging pagan tradition in my opinion. Dahil sa iyong isip, its not about new year, its about the longing for the whole family to gather at a certain time.

Sympre some would agree, others not. Each of us are entitled to our own opinion mga boss.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

4 horsemen

Ano ang Sleep Paralysis?