NDE patunay na totoo ang kaluluwa?

Reading Time: 9 minutes

Sino sino ba ang nakakaranas ng NDE? Ito ba ay may specific condition? kagaya ng edad?

Habang mas lalong tumatagal mas pa advance ng pa advance ang ating medisina hence mas marami ang naliligtas na buhay mula sa bingit ng kamatayan hence mas marami ang nakakaranas ng near death experience.

Ang NDE ay walang condition, lahat posibleng makaranas nito. Alto ang nakakaexperience ng NDE ay depende sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay. Ibig sabihin may iba na hindi relihiyoso at hindi sila nakakaranas ng supernatural phase.

Supernatural Theory:

Ang pinakabasic na paliwanag ng isang supernatural NDE ay ang kaluluwa ng nakakaranas nito ay umaalis sa kanyang katawan at pumupunta sa isang lugar, ang langit.

Ang paniniwala sa astral projection ay naiuugnay sa NDE at sa mga iba pang out of body experience. Para sa mga hindi pamilyar, ang astral projection ay isang abilidad kung saan ang astral self ng isang tao ay nakakaalis sa katawan nito at nakakapaglakbay.

Sa kaso ng NDE ang astral self o ang ating kaluluwa ay umaalis sa ating katawan at nakakapaglakbay sa ibang lugar. May mga iilang kaso ng NDE kung saan merong mga ebidensya na totoo ang nararanasan nilang NDE. MAy mga report na ang kanilang mga mata ay nakapikit o hindi naman kaya declared na clinically dead pero nuong nakabalik ito sa kanilang katawan at kwenento ang nangyari, umakma naman ito sa totoong pangyayari. May mga ibang bulag na nakakaranas ng nde pero kapag sila ay nakabalik kinekwento nila ang mga bagay na kanilang nakita kagaya ng ng suot ng doctor.

Ayon sa mga theologists, ang NDE ay ang patunay na tayo ay may kaluluwa. Na kapag tayo ay nasawi, patuloy ang ating buhay sa afterlife. Wether ito ba ay sa langit o sa impyerno. Ito rin ang nagpapatunay na ang Impyerno at langit ay totoo.

May ibang naniniwala naman na ang near death experience ay kagagawan ni satanas kung saan pinagsasamantalahan nito ang kahinaan ng isang tao at kadalasan lumulitaw pa bilang anghel. Gayunpaman, hindi pa rin malinaw kung anong rason ni satanas sa pagpaparanas ng NDE kung ito nga ay totoo.

May ibang theory na medyo kakaiba. Ang NDE ay nagrerepresenta daw ng koneksyon natin sa higher intelligent being sa ibang dimension. Ang mga nilalang na ito ay posibleng mga tao kung saan nakatakas o natapos na ang birth death reincarnation cylce nito at naging isang higher being.

Hindi lang naman ang mga kristiano ang mayroong kwento patungko sa NDE. Meron din ang buddhism, inilalarawan nila ito bilang clear light of death sa pleasurable NDE at ang distressing NDE naman ay demonic embodiments of moral failure./

Psychological Theory:

Ayon kay chris French na isang british psychologists, meron mga models para maipaliwanag ang NDE, ito ay ang depersonalization, expectancy, dissociation  at birth model.

Ang depersonalization model ay prinopose ni professor russell noyes na isang psychiatrist at si Roy kletti na isang clinical psycholigist nuong 1970. Ayon sa kanila ang NDE ay nararanas dahil sa emotional conditions kagaya ng life threathening situations at ang hindi makatakas dito. Ayon pa sa kanila ang NDE ay mas naiuugnay sa hallucinations.

Pero merong downfall ang explanasyon na ito dahil ang model na ito ay applicable lamang sa out of body expeirnece at hindi lang duon limited ang NDE.

Ang isa pang psycological theory ay ang expectancy model. Ayon sa theoryang ito, altho ang mga nararanasan ay halos totoo, ito ay nasa utak lang natin. Ang ating utak, concious or unconcious ang gumagawa ng mga pangyayaring nararanasan natin sa NDE kung saan isa itong response sa stress para magcope sa ating nararamdaman.

In short mga boss, ito ang ating gustong maramdaman ang ating imahinasyon dahil nga aware tayo na mamatay na at ang ating utak ay binibigyan tayo ng sense of belonging. Again, unconcious or concious mind ito mga boss.

Ang problema lang sa theoryang ito ay more on religious orientation at kahit ang mga bata na hindi pa ganun ka relihiyoso ay nakakaranas ng ganito.

Ang disassociation naman ay ang pag witdraw o pag detach nito sa unwanted feelings para hindi na maramdan pa ang emotional impact at paghihirap na kasama nito.

Ayon naman sa birth model, ang NDE ay ang trauma na naranasan natin nuong tayo ay pinanganak. Dahil nuong tayo ay pinanganak, nasa madilim na lugar tayo, sa tyan ng ating nanay at habang tayo ay papalabas nakikita natin ang liwanag at ang pagmamahal ay mararamdaman natin. Pero again, my problema sa theoryang ito dahil may mga reports ng NDE na sila ay cesarian ng pinanganak. Another thing is hindi pa rin naman capable ang mga sangol na maalala ang karanasan na iyon.

Scientific Theory:

Meron ding paliwanag ang science tungkol sa NDE at consisting din ito ng iba’t ibang models. Ito ay ang mga Neuroanatomical,Neurochemical, Multi factorial, Low oxygen level at altered blood gas levels model.

Ayon sa neuroanatomical model, ang NDE ay dahil sa bilateral frontal and occipital pero mas dominante sa right hemisphere kung saan naapektuhan nito ang temporoparietal junction at ito ang dahilan ng out of body experiences, ang pakiramdam na lumilipad at pagbagal ng oras, habang ang left hemisphere naman ay ang pakikipagusap sa mga espiritu at ang makakita ng liwanag.

Ang damage sa bilateral occipital cortex ang syang dahilan ng mga tunnel o liwanag at ang damage sa hippocampus at amygdala ay posibleng magbigay ng emotional experiences, memory flash back o ang pagflash ng buhay.

Ayon naman sa neurochemical models, ito ay dahil sa mga gamot na tinitake, isang halimbawa na dito ang ketamine kung saan nagpapadala ito ng signals sa pagitan ng brain cells at neurotransmitters.

Base sa pagaaral ang naloxone ay posibleng magbigay ng mga hellish nde’s o ung distress NDE.

Ang multifactorial model ay ang formal neurobiological model para sa NDE kung saan kasama dito ang mga endorphins, neurotransmitters ng limbic system, temporal lobe at iba pang parte ng ating utak.

Ayon sa mga eksperto, lahat ng components ng near death experience ay maipapaliwanag via psychological o neuropsychological mechanism.

Ang low exgen level model ay ang pagkawala ng hangin sa utak at ito ang nagiging dahilan ng hallucinations. Ito ay napatunayan sa mga piloto kung saan sila ay nakakaranas ng sobrang bilis na paglipad at dahil dito kumokonte ang supply ng dugo sa kanilang utak during ascent.

Ang altered blood gas level model naman ay ang pagtaas ng carbon dioxide na syang nagiging dahilan ng NDE. Subalit may mga pagkakataon na nangyayari pa rin ang NDE sa pagbaba ng carbon dioxide at may pagkakataon pa na hindi naman nabago ang carbon dioxide ng pasyente.

Ayon naman kay chris french, ang ilang mga reported NDE ay base sa tinatawag na false memories.

Ito na lang muna sa ngayon mga boss. Next video na tin ang mga cases. Sana ay may bago kayong natutunan sa video na ito.

Source 1

Source 2

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Stigmata

Mega Piranha