Nanganganak ba ang Kisses

Reading Time: 6 minutes

Mga boss, naalala nyo ba ung kisses? Hindi ung kisses na chocolate ha. Yung kisses na maliliit na beds at mababango. Naalala ko pa nuon, nilagay ko ito sa bulak tapos ung bulak binasa ko ng alcohol at sa tuwing uuwi ako galing school lagi kong chinecheck tapos sabi ng mga kaklase ko hindi daw dapat chinecheck lagi kasi naiilang daw ito. Mga school dayas nga naman. Tapos payabangan kami ng mga kaklase ko pag nabuntis ung kisses namin. Sa mga millenials malamang hindi ninyo to alam mga boss, pero ang mga batang 90’s nako relate na relate kayo sa video na ito.

Ano nga ba ang kisses at talaga nga bang nanganganak ito?

Aroma Beads:

Ang kisses o aroma beads ay ang mga translucent plastic beads na mayroong fragrance oil. Mabango ito mga boss at tumatagal ng hanggang anim na buwan ang bango nito. Karaniwan itong ginagamit na pabango sa mga aparador, bagahe o hindi naman kaya mga drawer. Kadalasan nilalagay ito ng mga nanay natin para iwas na din sa amoy alkampur o di naman kaya amoy sabon. Dahil nuon hindi pa uso ang mga downy o mga softner kaya pag sinuot ang damit talagang todo pabango.

Urban Legend:

Sa mga batang 90’s panigurado naranasan nyo na ang mga classmate ninyong babae naguusap patungkol dito, karaniwan pinagsisimulan pa ng away. Halos lahat tayong mga batang 90’s ay naniniwala na ito ay talagang nanganganak at habang tumatanda duon lang natin napagtanto na isa itong malaking kalokohan. Ayon sa mga iba, para daw itong gremlin, pag nabasa dumadami. Pero harmless naman ang mga ito hindi katulad ng mga gremlins.

Personal experience, alam ko ang kisses ay kailangan ilagay sa bulak na basa ng alcohol para manganak. Kailangan itong ilagay sa bulak, ito ang unang unang requirement, hindi mo sya pwedeng basta na lang ilagay kung saan. Ewan ko pero naalala ko nuon sabi ng kaklase ko sa akin na gusto ng mga kisses na nakatago sila kaya nga nuong sinabi kong lagi kong chinecheck paguwi ay talaga daw hindi manganak un.

Isa pang nabasa ko ay kailangan itong merong pulbos at ang iba naniniwala na dapat nilalagay ito sa madilim na lugar. Kaya naman ang ibang mga bata ay nilalagay ito sa film cannister o hindi naman kaya sa posporo. Naalala ko pa nuon na kundi gagamba, kisses ang nakalagay sa mga bahay ng mga posporo namin.

May dalawang klase ang panganganak ng kisses. Katulad ng tao, isang normal delivery at isang cesarian. Oo mga boss totoo ito, at least para sa mga batang 90’s. Ang normal delivery ay ung pinapaikot ang ballpen dito at marahang didiinan habang ang cesarian naman ay ang pagtusok ng isang matulis na bagay sa kisses.

Maraming bata na naniniwala nuon na kapag hindi ka nakapagpaanak ng kisses, baog ang napunta sayo o hindi naman kaya nakunan. Oo totoo to, ung mga batang laging dinadala sa school, madalas daw nakukunan ang mga kisses dahil sa pag-alog alog nito o hindi naman kaya ang kaklase mo magagalit sayo kapag nalaglag mo ang lalagyan ng mga ito at sisihin ka kapag hindi nya napaanak. In short mga boss, isa itong fragile object.

Tapos merong isang kaklase na mautak na gagawin itong suhol o hindi naman kaya ipagpapalit sa baon. Nuon kapag may kisses ka, may baon ka na. Isang kisses kapalit ng isang baon o kaya naman ligtas ka sa “noisy” na nakalista sa black board. Kaya napakaimportante ng bagay na ito. Kung tutuusin para itong isang pera sa mga elementary students nuon.

Para sa mga taong nagiisip na malaki itong kalokohan, katangahan at kagaguhan, hindi ninyo naranasan ito mga boss kaya wala po kayong karapatang sabihin yan. Para sa aming mga 90’s isa itong malaking katotohanan at ginawa namin ang lahat para mapaanak ito. Sadly…. baog ung mga kisses ko.

Konklusyon:

Alam naman na natin na hindi ito totoo. Pero ano nga ba ang logical na eksplenasyon at bakit napaniwala ang mga ibang bata na napapaank nila ito? Totoo nga bang napaanak nila ang mga ito o isa lang ilusyon ng kanilang mga mata?

Ang katotohanan sa sinasabing panganganak nito ay ang kakayahan nitong mag absorb ng liquid. Kaya naman sinasabi ang unang requirement para mapaanak ito ay bulak na basa ng tubig o hindi naman kaya ay alcohol. Dahil dito, nahihigop nila ang basa at sila ay lumalaki.

Kaya ang iba ay niroroll ito ng ballpen o di naman kaya ay tinutusok para ang ibang mga parte nito ay humiwalay at ito nga ang sinasabing anak ng kisses. Ito marahil ang tumatak sa utak ng mga bata na ang mga piraso ng nasabing kisses ay ang kanilang anak pero sa totoo, isa lamang itong bahagi ng kisses na natanggal.

Oo nga pala mga boss, hindi ko alam kung bakit tinawag itong kisses, wala din akong maalala na dahilan bakit kisses ang tawag dito. Kayo mga boss? alam nyo ba kung bakit tinawag itong kisses?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Megalodon

Ang Kwento ni Vlad Tepes