Nakatira ba tayo sa isang Computer World? – Simulation Theory –

Reading Time: 15 minutes

Simulate

to create conditions or processes similar to something that exists.

Sinasabi sa isang theory na tayo ay nabubuhay sa isang simulation o ang mundong ginagalawan ay ang hindi akwal na mundo kung hindi may iba pang mundo.Nabubuhay tayo sa isang advance digital world kung saan pinapanood tayo ng mga taong kumukontrol sa atin.

Theory:

 

Ang tanong na matagal ng bumabagabag sa mga matatalinong tao at lalong mga  psychedelia enthusiasts na gumawa na ng iba’t ibang teorya mula science hanggang sa mystical.Ano ba ang Realidad ?Kung sasagutin ito ang realidad ay kung saan nagagamit ang five senses o ang , sense of smell, touch , hearing,taste at sight.Ngunit hindi ganun ang iniisip ng ibang philosophers at physicist.Sinasabi nila na ang realidad ay kung saan  ang isang ultra-high-tech computer simulation ang nagpapagalaaw sa atin.Lahat ng nararansan natin sa mundo ay isang kasinunaglingan.Dahil na din sa kwento ni plato ang “Allegory of the Cave” na nakapaloob sa libro niyang “The Republic” na nirerepresent ang mga tao sa loob ng cave ay tayo mismo na nasa mundo na pinapaniwalaan lamang kung ano ang ating nakikita.Ayon kay plato ang edukasyon ang isang paran para tignan ang isang bagay sa ibang paraan.Naniniwala si plato na lahat tayo ay may kakayahang matuto ngunit hindi lahat ay nais matuto.Ang kagustuhan na matuto ay mahalaga upang malaman n ang totoo , at minsan ay hindi natin gusto ang kinalalabasan.Ayon pa kay plato hindi mapipilit na matuto ang isang tao kung wala itong kagustuhan na makaalam ng panibagong bagay.

Sa Evil Demon hypothesis ni René Descartes’s , isang French philosopher at scientist  “First Meditation.” na nagsasabi na niloloko lamang tayo ng ating senses at lahat ng ating nararamdaman ay hindi totoo.

Ipinaliwanag ng isang swedish philosopher na si Nick Bostron na ang future generation ay mayroong megacomputer na kung saan kayang netong gumawa o magpatakbo ng isang tao at gumawa ng artificial  consciousness,

“the vast majority of minds like ours do not belong to the original race but rather to people simulated by the advanced descendants of an original race. It is then possible to argue that, if this were the case, we would be rational to think that we are likely among the simulated minds rather than among the original biological ones.” 

ang paliwanag niya.

Kung ang ang future ay nabubuhay sa isang digital word kung saan lahat ng bagay na ginamit at kinalalagyan ay gawa lamang ng teknolohiya , maaring tayo isa na din doon.Madaming rason para maniwala na tayo ay isang simulation lamang tulad ng isang Video game paliwanag ng isang Nasa’s Jet Propulsion Laboratory scientist na si Rich terrile.Isa pang paliwanag ng isang  technology entrepreneur, investor, at engineer na si Elon Musk , forty years ago mayroon tayong larong Pong o isang video  game kung saan may dalawang rectangle at isang maliit na bilog , makalipas ulit ang forthy years mayroon na tayong photorealistic, 3D simulations na nilalaro na ng madaming tao, hindi magtatagal magkakaroon na ng virtual reality,kung patuloy ang pag improve ng mga bagay na ito, maaring ang mga laro ay maging katulad na ng realidad.

Sa movie na “Matrix” , sinasabi na ang tao ay ginagamit bilang battery o power source.Ang mga tao na nabubuhay sa 21st century o mga tao sa future ay gumawa ng machines o isang artificial intellegence para gamitin na gamit ng mga tao.Ngunit sa hindi inaasahan ang mga ito ay isang bots ang pumatay sa sarili netong amo o sa nagmamay-ari dito.Dahil nga may sariling isip ang bot , sinasabi neto na self defense lamang ang kanyang ginawa.Dahil dito nagsimula nag laban ng tao mula sa mga bots at dahil sa ginawang pagtakip ng tao sa mundo upang mawalan ito ng sinag ng araw kung saan nagmumula ang buhay ng mga bots lumala ngunit hindi pa din nanalo ang mga tao , dahil dito ay sumuko sila at nagrepresenta na maging energy source ng mga bots upang matakasan ang realidad.So sinasabi lamang sa movie na ito na kung saan nalaman ng Protagonist na si Neo na siya ay nabubuhay lamang sa loob ng matrix.Ang matrix ay isang virtual world na ginawa ng bots mismo para makontrol ang utak ng mga tao at itago ang katotohanan na sila ay mga slaves lamang, at sa tulong ng ilang tao na patuloy pa din lumalaban sa mga bot nagising si neo sa totoong mundo.

May ilang paliwanag sa movie na paniguradong ikaw mismo sa sarili mo na mayroon itong sense.Tulad nalang pagpapaliwang tungkol sa lasa ng manok.Dahil hindi alam ng mga machine ang mga lasa tulad ng tao , gumawa sila ng sariling definition ng panlasa at tulad ng manok na halos kalasa ng lahat dahil hindi nila alam ang lase neto.Lahat ng alam natin ay prinogram lamang sa isipan natin habang tayo ay tulog sa tunay na mundo.

Computer Simulation:

Gamit Computer Stimulation , maaaring makita ang kalalabasan ng isang bagay bago ito magawa.Makakatulong ito sa pag dedesign , paggawa , at mag evaluate sa  complex ng system.Gumagamit ng computer ang mga Designers, program managers, analysts at engineers para sa pagmomodel ng kanilang gagawin at para makita ang posibleng maging problema sa kanilang gagawin.Isa sa mga computer stimulation ay ang pagpapakitya ng Weather forecast ,flight simulators na ginagamit para sa mga training pilots, at car crash modeling.Isa sa mga magagandang pag-gamit ng computer simulation ay ang mabuting pag-intindi sa isang bagay, makita ang mga posibleng maging problema.Makikita ang mga maaring pagbabago kung sakaling ipatupad ang mga bagay na gagawin.Mayroong tatlong klase ng simulation models, ang Discrete ,Continous at Mixed models.

Sinasabi na mas safe gamitin simulation modeling dahil ito ay risk-free enviroment sa pagtingin ng mga “What if Scenario”.Mas nakakasave din ito ng pera at oras kumpara kung gagawin ito ng akwal at isa itong strategies ng mga marketing campaigns.Tumutulong din ang Computer Simulation sa pag respond sa mga deadly pandemics o ang mga nakakamatay na sakit tulad nalng ng HIV/AIDS.Si Ozik at kanyang kasamang researcher na si

Nick Collier ang gumawa ng isang modeling at simulation project na maaring makaalam kung ano ang maaring mangyari kung kumalat ang isang deadly ebola virus sa america,bumisita sila sa iba’t ibang ospital upang ipakita at ituro ang mga procedures patungkol sa ebola-related .Ginagamit din ito upang mapa improve pa ang paggamot sa mga taong may cancer,“If it’s too large-scale, too expensive or too risky to work with the real system itself — that’s why we use computer simulation.” , ito ang ginagamit nila para ma predict ang gamot na gagamitin sa iba’t ibang klase ng pasyente at cancer at kung ano ang magiging epekto neto.Tumutulong din ito para mas maintindihan ng maayos ang relasyon natin sa bawat religion at kung paano tayo makikipag interact sa napaka gulong utak ng tao , mga proseso kung paano kinakaharap ang isang tao  nakakatakot na pangyayri.

Isang Team sa Leibniz Supercomputing Centre ang gumawa ng isang earthquake simulations gamit ang lindol na tumama sa india noong 2004 na nagcause ng tsunami.Pinag-aralan nila kung paano ang ibang lindol ay nag cacause ng tsunami o ang tsunami ay nagcacause ng mahinang lindol.Gamit ang Simulation para pag-aralan ang bagay na ito.

Earth Simulation:

Ilang physicist ,cosmologist at technologist ang masayang iniisip at pinag-aaralan ang ideya na tayo ay nbubuhay sa loob ng malaking Computer.Isang American inventor and futurist si Ray Kurzweil ang nagsabi na maaring gawa lamang ng isang junior high-school student ang ating mundo.Hindi nila sinasabi na katulad ng sa movie na the matrix , na ang katawan natin ay nakakabit sa kung ano-ano imbis may dalawang daan para mapunta sa totoong universe at sa papunta sa peke.Sinabi ng isang Cosmologist na ang mundo natin ay totoo ngunit isa itong uri ng lab experiment.

Isang popular na pagtatalo dahil sa stimulation hypothesis na galing sa University of Oxford philosopher  na si Nick Bostrum noong 2003, noong sinabi niya na ilang miyembro ngance civilization na mayroong malaking computing power ang nagkasundo upang gumawa ng simulation ng kanilanng mga ninuno.Kung titignan natin ang pag-aaral tungkol sa universe makikita na it’s more on mathematical laws.

“If I were a character in a computer game, I would also discover eventually that the rules seemed completely rigid and mathematical,” sabi ng isang cosmologist na si Max tegmark, “That just reflects the computer code in which it was written.”

Sinasabi na kung nabubuhay tayo sa virtual world , ang mga gumawa sa atin ay ang Diyos na tinatawag ?

 “If the simulation hypothesis is valid then we open the door to eternal life and resurrection and things that formally have been discussed in the realm of religion,” sabi ng isang eksperto at dagdag pa niya maari nating ireprogram ang ating buhay kung tayo ay nabubuhay lamang sa loob ng computer.

Sinasabi na hindi kailangan ng himala o pananampaltay upang maniwalas a bagay na ito.Natural itong nakikita sa law of physics

Ngunit ito ang lahat ng ito ay haka-haka lamang , at madami ang nanghihingi ng ebidensya.Maraming researcher ang naniniwala na nakadepende ito kung gaano kaayos ang simulation na ginawa.Sinasabi na isa sa mabuting paghahanap ng mali sa program ay katulad lamang ng nangyari sa palabas na the matrix.Maari din na makahanap tayo ng kamalian sa law of physics.Base sa ibang scientist na mayroong magandang ebidensya na  nabubuhay nga tayo sa simulatin kung titignan ang ayos ng universe kung saan parang dinesenyo talaga ng isang tao.

 Ang ating nature na hindi nagbabago tulad na lamang ng strengths of the fundamental forces gaya ng gravity ,electromagnetic , strong at weak nuclear force.Ang mga maliliit na alteration na nagpapakita na ang atoms ay hindi na maayos kaya hindi na maaring makagawa ng stars.Ang malaking misteryo ng mga cosmologist.

Sinasabing sagot dito ay ang “Multiverse” , ayon sa ilang theory na hindi lamang nag-iisa ang universe natin at mayroon pang iba.Tulad nalang ng big-bang theory , ganun din sila nabuo at may ibang pag-aaral tungkol sa law of physics.Sinasabi din na ang makikita ang universe na puro mathemamatical lines na parang program ng isang computer.

Simulation Proof:

May ilang paliwanag na nagsasabing totoo na tayo ay nabubuhay sa Simulation World.

Ang Mandela Effect kung saan naniniwala ang maraming tao na nangyari ang isang bagay ngunit hindi naman talaga.Sinasabi ng maraming na namatay si Nelson Mandela noong 1980’s ngunit ang totoo ay namatay siya noong 2013.Ipinapakita ng phenomenon na ito na kung sino man ang nagpapagana sa simulation ay binabago ang nakaraan.Ang mga Aliens kung saan matagal ng hinahanap ng mga eksperto at kung ano-ano na nag ipinadala sa outer space para makakuha o makakita ng kahit maliit na ebidensya na sila ay totoo talaga , o di kaya’y ang mga aliens na mas advance ang technology na ginagamit ay nakalabas na sa simulation world na ginagalawan natin.Isa pang dahilan ang ating DNA na mayroong Computer Virus, noong 2017 isang multidisciplinary group of researchers sa University of Washington ang nagpatunay na maari silang maglagay ng isang malicious computer code sa physicakl strands ng ating DNA.Hindi sadyang naipakita na maaring ang pinapaniwalaang biological reality ay isa palang computer code.Pinaka huli ay ang Video Games na nilalaro ng maraming tao sa panahon ngayon tulad nga ng sinabi ni Elon musk.Mag weird news tulad ng pagka elect ni trumps , ang2017 Oscars-envelope mix-up na maaring pagloloko ng simulation o kung sino man ang gumagamit nito ay nagloloko.

Sinasabing wala tayong makikita na matibay na ebidensya na tayo ay nasa loob lamang ng simulation dahil kung makakita man tayo ay babaguhin lamang ito ng kumukontrol sa buhay  natin.

Simulation Proof that it is not real:

Kahit marami ang nagsasabing totoo na nabubuhay tayo sa isang simulation world , madami pa din ang nainiwala na hindi ito totoo at may lahat ng ito ay may paliwanag.Isang grupo ng theoretical physicists mula sa Oxford University ang nagpakita na hindi tayo pinapagana ng isang malaking computer.Nadiskubre nila na complexity ng simulation sa patuloy na pagtaas neto kasama ang madaming particles na nasisimulate.Kinalkula ng mga researcher ang pag store ng information na kung saan nangangailan ng a hudred of electron ang isang computer memory na “one needs a computer memory that requires more atoms than what’s available in the universe.”

Ginamit nila ang Monte Carlo simulation para inbestigahan ang phenomenon na Gravity anomaly.

Kung naniniwala ka man na nabubuhay tayo sa loob ng isang video game o sa loob ng isang malaking computer at ang utak natin ay pinapagana ng iba , kinokontrol ng iba ay nasa sa iyo na iyon.Kung titignan wala pang matibay na ebidensya patungkol sa simulation world o universe, lahat ay teorya at kwento lamang.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Posible bang makasama ang 5G sa ating kalusugan?

Depression……