Nakakasama ba talaga ang vape?

Reading Time: 13 minutes

Nitong mga nakaraang araw naging maugong ang balitang ipapahuli ni president duterte ang mga magvavape sa pampublikong lugar. Bakit nga ba humantong sa desisyon ng pangulo na ipagbawal ang vape, let alone ipahuli ang mga makikitang nagvavape. Ano bang meron sa vape at naging big deal ito kay pangulong duterte.

E-cigarrete o Vape?

Ano bang pinagkaiba ng vape sa electronic cigarette? Hindi ba parehas lang ito? While thats true in some parts. Ang ecigarrete ay iniimitate ang itsura at pakiramdam ng isang sigarilyo, kumbaga mukha talaga syang sigarilyo. Ang e-cigarette ay pwedeng may recheargeable o disposable battery at may kasama ng disposable liquid cartridges, ibig sabihin walang tanke ang e ciugarrete.

Ang Vape or vaporizers ay mayroong recheargeable module at meron din itong tanke na ibang iba sa e-cigarette kasi sa e-cigarette nga cartridges lamang. So ang pinagkaiba ng dalawa ay ang cartridges at the same time ang look and feel dahil ang e-cigarrete ay halos parang sigarilyo talaga.

Nicotine:

Lets discuss the nicotine first. Ito kasi ang panlaban ng ecigarrete at vape vs normal cigarrete.

Kapag ang nicotine ay pumasok na sa isang smoker, inistimulate nito ang adrenal glands. Naglalabas din ito dopamine at kung subscriber kayo, o nakikinig kayo sa science teacher ninyo, alam nyo na ang dopamine ay isang neurotransmitter na syang responsable sa pleasure na ating nararamdaman.

Dahil dito ang mga nagyoyosi ay nakakaramdam ng relaxation at narereduce ang stress at anxiety dahil nga sa nicotine. Pero sa unang beses na hihithit ka ng sigarilyo, iba ang epekto nito sa ating katawan dahil ang ating katawan ay maglalabas ng hormone na responsable sa fight or flight response. Ang ating paghinga ay bibilis at ang heart rate at blood pressure din ay tataas in short alerto ang isang naninigarilyo. Yan ang unang effect then papasok na ang dopamine na syang magiging dahilan ng relaxation.

Ang nicotine ay kayang pabilisin ang paglala ng type 2 diabities at iba pang cardiovascular disease.

Ang nicotine ay napakahirap iwasan, ang isang taong umiiwas dito ay nagkakaroon ng maraming problema kagaya ng unang una pagccrave sa sigarilyo o sa anu mang bagay na may nicotine, may mga pagkakataon din na lumalakas kumain ang isang inbidwal, pagbabago ng mood, anxiety, fruistration, deppresion at hindi masydong makatulog ng maayos.

Kapag ang nicotine ay unti unti ng nawawala ang epekto, ang isang smoker ay hahanapin ulit ito. Posible itong mangyari within 2 hours tapos manigarilyo. Hanggang sa hindi na mapiglan at ilang pakete na ang nauubos sa isang araw.

Just to be clear, ang tobacco sa mga sigarilyo ay lethal, ang sigarlyo ay meron ding nicotine, ang vape ay may mga liquids na mayroong nicotine habang ang iba ay wala. Ang nicotine ay lethal din kapag nasobrahan dito lalo na kapag kinunsumo ito, ung tipong orally o sinubo imbes na sa usok.

Addiction:

Ang susunod na tanong ay, nakakatulong nga ba talaga ang vape sa pagtigil ng mg chain smoker?

Ayon sa mga sumusporta sa vape at e-cigarette, nakakatulong ang pagpapahinto sa isang indibidwal na manigarilyo. Isa pa, ang mga vape ay mas healthier kesa sa tobacco. How?

Ang mga ecigarrete kasi gumagamit ng mga vapor par maideliver ang nicotine habang ang mga tobacco ginagamit ang usok. Magkaibang magkaiba po ang vapor sa smoke.

Ang usok ng sigarilyo ay proven na nakakacause ng cancer kaya safe ito kumpara sa vapor. Gayunpaman, ang mga ecigarrete at vape ay mayroong liquid na may nicotine at ito ang sinusunog ng vape at nagiging vapor na syang hinihigop ng user at binibuga.

Ayon sa ginawang pag-aaral ni David Kesmodel at Danny Yadron, Maraming mga taong gustong tumigil sa paninigarilyo ang napunta sa pagvavape. Ayon sa mga ito, nkatulong ang vape sa pag minimize o literally pagalis ng paninigarilyo.

Alam naman natin na ang sigarilyo ay nakakapagpalala ng ubo, hindi lang yan, nakakapag padilaw din ito ng ngipin at my point din na nasisisra ito dahil sa sigarilyo. Sabi pa ng kapitbahay ko, nakakaitim daw ng singit ang paninigarilyo, di ako naniniwala dun, tsismosa un eh.

Ang mga taong gumamit ng e-cigarette at vape ay mas maluwag ang paghinga nila at bihira na lamang umubo kumpara kapag humihithit sila ng sigarilyo. Base din sa pag-aaral hindi rin naninilaw o nasisisra ang kanilang mga ngipin. 

Maraming mga naninigarilyo ang nagsimulang gumamit ng vape pero gumagamit pa rin sila ng sigarilyo especially kapag wala pang pambili ng liquid. Although hindi pa clinically proven na safe talaga ang vape. I just want to put it out there. Maraming benefits kumpara sa normal na sigarilyo but still….

Liquids:

Bakit ba naging popular ang liquids ng mga vapers? Well, unang una, wala ang canerours tar like substance sa mga vape nakikita sa sigarilyo. 2nd, may iba’t ibang flavors ito, from chocolate to chili, diba, kakaiba.

Well ang problema kasi sa liuquid, it safe, Actually karamihan ng mga vape liquids ay may label na GRAS hindi ung damo ha, GRAS meaning generally recognized as safe. So safe naman pala, walang problema diba? Well, dito na papasok ang tanong na saan, safe saan? You see, ang mga e-liquids ay tinest via ingestion at sa dermal skin na rin. Walang negative effect so clear duon. Pero ang problema hindi natest ang internal natin, ang airways at ang ating mga baga.

You see ang e liquid mayroong mga chemical reaction yan depende sa composition ng liquid na sinusunog o pinapainit ng vape container at tayong mga tao ay may kanya kanyang reaction din sa bawat chemical na papasok sa ating katawan. Again ang eliquids ay regarded generally as safe.

Risks:

Aminin man natin o hindi, there is always a risk lalo na kung may kasama itong nicotine. Sa mga vape users sasabihin na safe ang kanilang mga products which is true compare sa sigarilyo, malamang mas safe talaga ang vape pero lets look on the risks.

Ang vape ay kayang kontrolin ang nicotine intake depende sa liquid na ilalagay nila, pero karamihan sa mga liquids ay may nicotine na kasama that is why nakakaadik ang vaping. Ang problema dito ay ang tinatawag na popcorn lung.

Parang angsarap pakinggan diba? Well, masarap syang pakinggan pero seryosong sakit ito. Ayon sa mga eksperto, ito ay dahil sa paghahalo ng liquid flavorings at nicotine. Ang isang team ng scientist ng harvard ay pinag-aralan ang mga flavored chemicals ng vape, natagpuan nila na 75% ng kanilang tinest ay may diacetyl, mostly ito ung mga sweet flavors kagaya ng candy at cupcake. At ang delikado dito, sino bang bibili ng candy at cupcakes flavor? Sympre ang mga minors diba?

Ang diacetyl ay isang toxic chemical compound, long exposure dito ay posibleng magkaroon ng popcorn lung o in scientific name bronchiolitis obliterans.

Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ng National institutes of Health, ang pagvavape ay sinusupress ang ilan sa ating immune genes. Ibig sabihin, sa long exposure ng vape, posibleng ang immune cells natin ay mag malfunction na magiging dahilan ng pag malfunction ng ating immune system, at sympre kapag mahina o nag malfunction ang ating immune system, mabilis tayong magkakasakit.

Death:

Panigurado naman narinig nyo na ito sa balita, maraming mga namamatay na vapers sa US. Nasa mga 30+ na at meron na ding 400+ cases na nagkasakit. Bakit andami? Does this prove na ang vaping ay masama sa kalusugan?

It could be, im not drawing konklusyon yet kasi nga hindi pa to proven. You see, depende kasi yan, i mean, ano bang nilalagay sa vape, hindi ba liquid? Ang liquid ba na ito ay dumaan sa Quality control or FDA?

Sa amerika kasi merong mga brand of liquids na nakitan ng THC. Ang THC ay isang ingredient ng marijuana. Nakakita rin sila vitamin E acetate which is lethal. You see, ang vitamin E acetate ay isang oil na bumablot sa baga ng isang vaper. Kapag ang air sacs ng baga ng vaper ay naharangan dahil sa oil na it, hindi na sya makakahinga ng maayos, ang baga ng vaper ay susubukang tanggalin ang oil at mamaga ito na mas lalong ikapapahamak ng vaper.

Ayon naman sa ibang researcher, ang dahilan ng pagkamatay dahil sa paggamit ng vape ay dahil sa tinatawag na chemical pneumonitis na dahil sa paghigop ng mga chemical fumes. Pero bulalord, US namnan yan, iba ang pinas….

Ah ganun ba. Next slide please.

EVALI:

Hindi ko alam kung nabalitaan nyo ito, pero ang kaunaunahang kaso ng pagkamatay dahil sa lung injury na nauugnay sa vaping ay nangyari nito lamang November 15.

Isang 16na taong gulang na babae ang gumagamit ng e-cigarette sa loob ng 6 na buwan. Bukod pa sa e-cigarette sya ay naninigarilyo din.

Nag raise ito ng alarm dahil biruin nyo, 16 years old namatay dahil sa pagvavape at paninigarilyo. Kaya ganun na lamang ang utos ni presidente.

Konklusyon:

I am against banning the vapers kahit ayaw ko ng sigarilyo, i am against it. Pero i approve na dapat hindi ito ginagawa sa public places dahil may mga katulad ko na ayaw ng yosi o kahit usok ng vape. Kasi para sa aming hindi naninigarilyo, usok pa rin un regardless kahit sabihin nyo na mabango o amoy lacoste o kahit ano pa yan, we still treat it as cigarette.

Hindi natin maaalis ang side effect ng e-cigarretes, pero sa tingin ko kaya naman itong icontrol. Ang issue ng vape ay hindi sa equipment nito, bagkus sa liquid na sinusunog nito dahil anduon lahat ang kemikal. So why not, iquality control ang mga liquids? Magkaroon ng strict rules sa importation or kung nagmimix, magrequire ng permit. Hindi ko alam kung papaano or posible.

May mga liquids kasi na nakalagay nicotine free pero nung tinest may kakaunting nicotine. Well ginagawa kasi ito ng mga manufacturs para mahook ang isang vaper dahil kapag walang nicotine, hindi ganuon kalakas ang effect sa isang vaper.

Kasi kung ibaban natin ang vaping, magkakaroon ng back lash yan panigurado. Andaming mga pinoy na nagvavape, infact andami ng mga tindahan ng vape ngayon. Isa pa magreresort back ang iba sa atin sa sigarilyo at alam naman na natin na ang sigarilyo ay proven na 100% nakamamatay at maraming side effects habang ang vape, sure my side effect ito, well actually, lahat naman ng sobra nakakasama, so nasa tao pa rin talaga yan.

May mga pag-aaral na din kasing ginawa na less harmful ang fumes ng vape kumpara sa usok ng sigarilyo. again, the word less is there.

Kayo, pabor ba kayo na iban ang vape?

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang Demonyong Popobawa

Parokya ni Edgar