My way killer song – Urban Legend

Reading Time: 8 minutes

Mga boss alam nyo na siguro ang kantang “My Way” at ang sinasabing sumpa dito. Halos karamihan ata ng may videoke at may nakita kang matandang manginginom ay hindi mawawala ang kantang ito at green green grass of home at iba pang mga popular na kanta nuon. Bakit nga ba tinawag itong my way curse?

Urban Legend

Ang lyrics ng kanta ay simple lang at wala naman kakaiba dito pero sa una unang stanza sinasabing. “And now, the end is near” na para bang sinasabi ng kanta na ito na ang iyong katapusan. Posible bang dahil dito sa mga salitang to ang nasabing sumpa? Posible bang may mga bumubulong sa mga tao at pinapatay ang kumakanta nito?

Ang kantang ito ay marami nang kinitil na buhay, ang iba aksidente ang iba talagang pinatay. Pero lahat sila namatay kundi dahil sa baril, sa isang pag-aaway. Sa katunayan, may mga ibang bar dito sa pinas na tinanggal na ang my way na kanta dahil naniniwala ang mga ito na meron nga talagang sumpa.

Sa katunayan mayroon ng 12 pagpatay simula 2002 hanggang 2012 dahil sa my way. Nuong May 29 2007, isang 29 year old ang pinaputukan ng isang guard dahil kinanta nito ang my way.

Reasons

Ayon sa iba, ang kanta mismo ang may sala, dahil ang kantang ito ay para sa mga matatapang at medyo may pagkamayabang na para sa iba ay nakakalalaki. Katulad nga ng lyrics sa kanta na “when there was doubt” simply “ate it up and spit it out” na para bang nagsasabi na sobrang lakas ko.

Isa pang dahilan ay ang pagkanta. Dahil ang kantang ito ay punong puno ng pride at pagiging arrogante na parang isa kang kilalang tao na kahit hindi naman. Dahil dito nagkakaroon ng mga away na nadadala sa patayan.

May iba naman nagsasabi na dahil lang sa sobrang popular ng kanta. Maraming mga tao ang may alam dito at may kanya kanyang bersyon at pag kinanta mo ito ng iyong sariling bersyon dito na magkakaroon ng pagpupuna o di naman kaya pagtawa at mas malala aagawin ang mikropono na nagsisimula ng away.

Responses

Dahil sa mga pangyayari, ang mga ibang tao hindi ito kinakanta at iniiwasan talaga ito. Marami ding mga karaoke bars ang nagtanggal ng my way sa listahan ng mga karaoke para iwas na din sa gulo. Habang ang ibang mga karaoke bars ay nagtayo ng kanya kanyang kwarto para na rin maisolate ang kumakanta at iwas ang gulo. Ang ibang mga bars naman ay naghire ng mga bading, sa katunayan nakakatulong ang mga ito sa pagpapawi ng tensyon lalo na pag nagsisimula pa lang ang away, alam naman natin na sadyang mga happy persons at makukulit sila kaya masasayang kasama.

Other cases

Hindi lang dito ang nagkaroon ng patayan dahil sa karaoke, pero dito sa pinas mas maraming namatay dahil sa pagkanta ng my way.

Nuong 2008 isang malaysian ang pinatay sa isang coffee shop. Ang establishimento ay isang coffee shop at isang karaoke bar. Ayon sa mga saksi, ayaw ibigay ni Abdul sani doli ang mikropono kaya kinompronta ito ng 3 lalaki at dito na nga pinagsasaksak si abdul.

Sa thailand naman isang lalaki ang pumatay sa 8 katao dahil sa karaoke. Ayon sa kanya, pinagsabihan nyo ang mga ito patungkol sa kaingayan ng kanilang karaoke at binalaan na babarilin ang mga ito kapag hindi tumigil. Dagdag pa nya, galit na galit ito sa pangit na pagkanta at dahil dito, hindi nya na nalaman na pati ang kanyang bayaw ay napatay nya.

Sa thailand muli pero hindi sya related sa karaoke bagkus sa pagkanta. Isang amerikano ang pinagsasaksak sa isang bar sa krabi thailand. Ayon sa report, si Bobby Ray Carter ay pumunta sa bar kasama ang kanyang anak na 27 year old at dito pumunta sa banda at nakisaya dito. Subalit kahit tumigil na ang banda derecho pa rin ito sa pagkanta. Gusto ng magbreak ng banda kaya sinubukan nilang kausapin ang mag-ama subalit hindi ito nakinig hanggang sa napunta na sa madugong pagtatalo.

Pumunta naman tayo sa china, si Mr. yun, may-ari ng isang noodle shop ay inimbitahan ang kanyang pamilya na icelebrate ang chinese valentines day sa kanila at kumanta sa isang karaoke. Nuong sumapit na ang alas onse ng gabi, dito na nagkaroon ng problema. Ang anak ni Mr. Yun ay kinukiha ang mikropono at ang mga magulang naman nito ay kinukunsinti pa. 2 sa tiyo ng bata pinagsabihan sila Mr. Yun patungkol sa pagpapalaki ng mga ito sa kanilang anak na isa ngang spoiled brat. Dito na naginit ang pagtatalo, nagkaroon ng tulakan at suntukan. Ang isang pinsan ni Mr. Yun na syang nagttrabaho din sa noodle shop ay kumuha ng meat cleaver at pinagtataga ang 2 tiyuhin ng bata.

Sa amerika naman, isang lalaki ang pumunta sa stage para kantahin ang Yellow ng coldplay subalit isang babae ang bigla na lang nagwala dahil ayaw daw nito ang bandang coldplay. Tinulak tulak nito ang lalaki at sinuntok para mapigil ito sa pagkanta.

Conclusion

Para sa akin ang pinaka dahilan ng mga pagpatay nato ay dahil sa kritisismo. DAgdagan mo pa ng alak, kapag ang isang tao ay lasing, mas mabilis itong magalit at mas nagiging sensitibo. Kaya kapag kinanta mo ang kanilang paboritong kanta, sa kaso nga natin, ang my way, kadalasan talagang may magrereact.

Isa pa, bawat isa sa atin may kanya kanyang bersyon, bawat isa sa atin, alam natin na mas magaling tayong kumanta sa isang indibidwal, ung tipong alam mo sa sarili mo na dapat ganito un, masyadong mababa ang pagkanta nya at dahil duon maiinis ka dahil paborito mong kanta un pero parang binababoy nya lang.

Pagkalasing ang isang tao, dito din pumapasok ang authority. Para sa isang lasing, walang ibang dapat kumanta ng kantang un kundi sya lang. At pag may kumanta nito ng wala nyang pahintulot ay talagang magkakaroon ng gulo.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang Ilog Pasig

Anong klaseng Empath ka?