Mosasaurs (TREX OF THE DEEP)

Reading Time: 8 minutes

Pinangalanang TREX of the deep, ang halimaw na ito ay talaga namang nakakatakot. Sa itsura pa lang parang pinagsamang pating at buwaya. May laki ito ng lampas 50 feet at isang nakakatakot na predator ng karagatan. Nabuhay sila 750 million years ago at naging extinct din dahil sa KT extinction. Ang mosasaurus ay kayang lumaki ng 50 feet at may bigat ng 15 tons.

Discovery:

Ang mosasaurs ay nadiskubre nuong 1764, malapit sa meuse river. Dahil dito pinangalanan ang fossil ng “mosasaur”. Sa pagitan ng 1770 at 1774, natagpuan ang pangalawang fossil skull sa netherlands sa may limestone quary malapit sa maastrict. Natagpuan ito ni Theodorus Joannes Godding na dinisplay nya sa kanyang bahay. Isang German/Dutch Physician na si Johann Leonard Hoffmann ay nakakolekta din ng mga fragments ng skull kasama ang isang dutch professor na si Petrus Camper. Inakala ni hoffman na ang bungo ay mula sa isang buwaya. Subalit nuong dumating ang 1786, sinabi ni camper na hindi ito buwaya bagkus isang unknown toothed whale.

Nuong dumating ang 1798, ang anak ni Petrus Camper na si Adriaan Gilles Camper ay pinagaralan muli ang fossil. Base sa kanyang pag-aral, ang mga fossils ay may connection sa giant monitor lizards. Nuong dumating ang 1808 kinumpirma ni Georges Cuvier na tama ang kanyang hinala. Nuong 1822, ang fossil ay inidentify bilang Mosasaurus hoffmani.

Ang fossils ng mosasaur ay natagpuan na sa ibat ibang parte ng mundo, kasama na dito ang northern europe, eastern europe, russia, turkey, middle east, northern africa, canada, south america, united states kahit na sa isla ng antartica.

Teeth:

Ang mga mosasaurs ay may ngipin na kaperahas ng isang ahas. Meron itong dalwang rows ng ngipin sa kanilang upper jaw. Ang extra teeth ay tinatawg na pterygoid teeth at pinaniniwalaan na tumutulong sa pagkapit sa kanilang mga kalaban pag kinagat nila ito at kayang lunikin ang malalaking pagkain. Kagaya ng ahas, ang kanilang mga panga ay kayang mag expand para magkasya ang malalaking pagkain.

Color:

Ayon sa pag-aaral, ang mga mosasaurus ay mayroong dark color na katulad ng kulay ng sperm whale. Nuong mga unang discovery patungkol sa mga prehistoric animlas, ang mga coloration ng bawat hayop ay nasa isip lamang ng gumuguhit. Pero sa panahon natin ngayon, ang mga paleontologists ay may kakayahang aralin ang mga melano somes. Science 101 muna mga boss, ang melanosomes ay isang tiny cellular structure na matatagpuan sa mga hayop. Ang mga melanosomes ay ang responsable sa kulay ng mga hayop pati na rin ang photoprotecthin ng mga cells at tissues. Dahil sa pag-aaral na ito, nakakakuha na tayo ng eksaktong kulay ng mga prehistoric animals.

Nuong 2014 niresearch ni Johan Lindgren ang kulay mosasaur at dito nakita nya na sila ay partially dark colored. Amg kanilang dark color ay nakakatulong sa thermoregulation, pagpretekta sa UV radiation kapag umangat sila ng tubig at pag provide ng camouflage pag nasa ilalim ng tubig.

Size:

Ang mosasaurus ay may laki na umaabot ng 46-50 feet. Kung ikukumapra natin ito sa TREX mas mabigay ang TREX pero ang laki nito mula ilong hanggang buntot ay nasa 40 feet lamang kaya naman mas malaki pa ang mosasaurus sa TREX. Contrary to the popular belief, hindi katulad ng buwaya ang kanilang mga balat, ito ay makikinis na kaliskis ayon sa mga eksperto. Sa katunayan meron itong dlawang klase ng kaliskis, ang keeled scales kung saan ito ay non reflective at pinoprotektahan nito ang upper part ng mosasaur habang ang nasa lower part naman ay mga smooth scales.

Family:

Ang mga mosasaurus ay kamaganak ng mga moitor lizards kagaya ng komodo dragon. Marahil kagaya ng monitor lizards at ahas, ang mosasaurus ay mayroon ding forked tounge pero dahil ang mga soft tissues kagaya ng dila ay bihirang ma fossilize, hindi na natin malalaman pa ito.

Dahil nga sa sobrang laki ng mosasaur, mahihirapan itong pumunta sa pampang para lamang manganak. Kaya naman katulad ng mga iba pang oceanic animals, nanganganak ito sa ilalim ng dagat. Napatunayan ito ng isang pang specimen, kung saan ang buntis na mosasaur ay nadiskubre sa south dakota at ang fossils nito ay nakakalat sa fossils ng kanyang anak.

Diet:

Ang mga mosasaurs ay mga apex predators matapos ang pag extinct ng iba pang mga apex hunters. Sa katunayan ang mga mosasaurs ay naging prey din, may mga fossils na nakita kung saan ito ay nasagpang ng isang pating. Ang ngipin ng pating ay naistuck sa buto ng mosasaur kaya nalaman na ang pating ang may kagagawan nito.

Kagaya ng mga ahas ang kanilang panga ay double hinged. Ang kanilang mga bibig ay kaya nilang ibuka ng 3 feet para sagpangin ang pagkain. Ang main diet nila ay lahat ng gumagalaw sa ilalim ng dagat, isda, pagong, mollusks at kahit na kapwa dinosaur. Kadalasan nilulon nila ng buo ang kanilang pagkain. Napatunayan ito ng mga fossils kung saan nakita ang mga diving birds, isda, maliliit na mosasaurs at mga pating din.

Dahil sa tindi ng ngipin nito, kayang kaya nilang wasaking ang mga shells ng ammonites at mga mollusks. Sa katunayan, may mga ammonites na natagpuan na merong ngipin ng mosasaurs.

Evolution:

Hindi lahat ng mosasaurs ay mga higante, ibat iba ang kanilang laki. Ang mga malalaking mosasaurs ay kinakain ang lahat ng mga hayop na makita nilang gumagalaw. Ang mga mosasurs ay pinaniniwalaang mula sa aigialosaurs, kung titingnan ninyo maraming pagbabago ang naganap sa mga mosasaurs. Ang katawan nila ay nageevolve para mas maging epektibo sa ilalim ng karagatan. Nagkaroon sila ng matalas na pandinig at mahahabang buntot para makalangoy ng mabilis sa katunayan may bilis sila ng 50 kph. Nag evolve din ang kanilang mga bibig para mas makalunok ng buo habang ang iba ay nagkaroon ng mga specialized teeth para pambasag sa mga shells ng mollusks at ammonite.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Angel’s Hierarchy

Book of Enoch – Watchers