Mga Urban legends ng mga video games

Reading Time: 12 minutes

Ang killswitch ay ginawa umano ng isang soviet gaming company karvina corporation nuong 1989. Limited lamang ang kopya nito at ang mismong game ay mayroon lamang 5,000 – 10,000 copies at ito ay sikat na sikay nuon sa mga soviet gamers.

Ang laro ay isang pioneer sa survival horror genre. Kailangan mong mamili sa dalawang karakter, isang babae o isang hindi nakikitang demonyo. Simple lang ang goal ng laro. Iyon ay makanavigate ka sa isang abanadonadong minihan at kalabanin ang mga demonyo o mga halimaw na haharang sayo. Syempre mahirap manavigate ang larong ito gamit ang demonyo dahil hindi sya nakikita kaya karamihan ng mga players pinipili ang babae. Sa kasamaang palad, wala pang nakakatapos sa larong ito gamit ang demonyo dahil kapag natapos mo ito, lahat ng laman ng hard drive mo ay mabubura.

Nuong 2005, isang hindi pa nabubuksan na laro ang lumitaw sa ebay kung saan binili ito ng lalaki mula sa japan ng 733,000 dollars. Si Yamamoto Ryuichi na syang nakabili nito ay planong laruin at tapusin ang nasabing laro habang nirerecord ito. Subalit ang video na napost lang ni Ryuichi ay nakatulala sya sa computer screen at umiiyak.

Ang final fantasy VII at final fantasy VIII at talagang tumatak na sa atin, karamihan sa atin ito ang unang nalarong final fantasy, ako personally ang una kong nalaro ay final fantasy VIII, tapos VII at IX. Sa dalawang RPG na ito, ang mga character ay talagang naging pillar na ng final fantasy franchice. Si Squall ay ang main character ng final fantasy VIII. Maraming naniniwala na si squall ay patay na.

Naalala nyo ba nuong matapos na ang disc one? si squall tinamaan ni edea ng ice shard at nahulog ito. Tapos nagpasalpak na ng disc 2 at sa simula makikita natin si squall na nagising at walang sugat. Wala din nagsabi o nag bring up sa mga kasama nito na akala nila patay na sya.

Ayon sa mga theorist, ang totoong ending ay ang disc one. Ang disc 2 on wards ay ang huling memorya ni squall kung saan nanaginip ito bago bawian ng buhay. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit ganun ang soundtrack ng matapos ang disc one. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit nakita natin ang isang collage ng memorya ni squall, dahil nga ito na ang huling hininga nya, ang buhay nya ay para bang nagfflashback sa kanya. At ang nakakakilabot dito ay ang litrato kung saan si squall ay wala ng mukha.

Nuong 1996 nilabas ang Pokemon Red and green at lahat ng may may-ari ng gameboy sa buong mundo ay talaga naman natuwa. Well, except sa isang parte ng mundo.

Ang game ay unang nirelease sa japan at di umano ito ang dahilan ng pagtaas ng suicide at pagkakasakit ng mga bata mula 7 hanggang 12 years old. Ang mga bata hindi nagkakasakit o nagpapakamatay hanggang sa marating nila ang lavender town sa pokemon game. Ayon sa mga theorya, ang background music ang dahilan ng lahat. Ang music ay matinig na dahilan ng pananakit ng ulo, pagkahilo at eventually nagkakaroon ng suicidal tendencies sa mga bata. Bakit sa japan lang? Kasi ang music ay binago nuong pinadala na ito overseas.

Sa mga nakalaro na ng fall out 3 malamang alam nyo na to, pero sa hindi pa, ang fallout 3 ay isang open world RPG o role playing game. Kaya naman hini nakakapagtaka na marami kang madidiskubre dito. Pero may mga ilan na nagsasabi nadiskubre nila sa laro na makakapag predict ng hinaharao.

Ayon sa kwento, ang mga post apocalyptic games ay nahulaan na ang hinaharap dito sa totoong buhay gamit ang morse codes at hidden messages na nasa mga radio station. Ang mga station na ito ay talagang nagbbroadcast ng mga morse code sa fall out pero maraming nagsasabi na makakarinig ka ng parang nagsasalita na “the queen has died today, the world mourns, as on days like these we are all brits” at “i can’t believe britney’s actually won an oscar”. Ang mga salitang ito ay sinusundan ng mga morse code na pwedeng iinterprete as dates. Ang gumawa naman ng game na bethesday ay dineny ang mga cryptic radio stations.

Sa larong ito, kailangan mag perform ng abortion para mapatay mo ang final boss kung saan isa itong alien na gustong sirain ang mundo.

Para matao ang napakalakas na alien na si giygas, ang main characters ay kailangan mag time travel sa nakaraan kung saan si giygas ay mas mahina. Ang nakakakilabot dito ay nuong kinalaban nila si giyga sa weaker form nito, mukha itong isang fetus.

Ayon sa gumawa ng game at kinumpirma na ang final boss ay isang abortion. Ianmin nya din na ang laro ay hindi sinasadayang maireference ang palabas na The Military policeman and the dismembered beauty, isang japanese film kung saan ayon sa game creator, na trauma sya nuong bata sya.

Ang minecraft ay sadyang napakaganda, simple pero maganda. Kailangan mong magmina para sa ibat ibang materials sa isang open world at gagamitin mo ito para makapagtayo ka ng mga gusali, monumento o kahit anong maisip mo. Subalit may ibang mga players na nagsasabing merong kakaibang nangyayari sa laro.

Ang ibang mga players nagsasabing nakakita sila ng misteryosong karakter. Kamukha ito ng main protagonist o ung bida ng laro subalit ang pinagkaiba nila ay ito ay mayroong puting mata. Maraming lumabas na teorya tungkol kay herobrine, mula sa logical na isa nga daw itong glitch hanggang sa extraordinary na si herobrine daw ay isang manifestation ng kapatid ng game creator na syang pumanaw na. Hindi ito tinanggi o inamin ng mojang, ang team na gumawa ng mine craft pero nagrelease sila ng update at nakalagay dito, removal of herobrine.

Ang alamat ng nagmumultong majoras mask ay nagsimula mula sa komunidad ng 4 chan. Isa user ang nagpost tungkol sa kung papaano sya nakakuha ng isang blank cartrdige na may nakasulat na Majoras Mask. Pinost nya ang mga litrato at videos.

Makikita sa video na nuong sinimulan nya ang game meron na agad na nakasave at may pangalang ben. Binalewala nya lang ito at nagsimula ng bagong laro, napansin nya na ang mga npc ay tiantawag syang ben kaya naman dinelete nya ang saved file na may pangalang ben at sinubukang magsimula ulit ng bagong laro. Ang game mas lalong gumulo, ang music pabaliktad na ang playback at makikita dito na sinusundan na sya ng isang rebulto ni link na may nakakakilabot na ngiti.

Ang saved file ni ben ay bumalik kasama na dito ang isang saved file na may pangalang drowned. Sa tuwing maglalaro sya lagi itong namamatay at lalagay sa screen ang “You’ve met with a terrible fate, haven’t you?”

Ang elder scrolls 3 morrowind ay kinukunsidera na isa sa pinakamagandang elder scrolls game. Mayroon itong online community kung saan ang mga iba pang players ay gumagawa ng kanya kanyang mods at ishshare ito sa forum, ang iba naman naglalagay ng mga custom quest, characters, weapons at armors. Ayon sa kwento, may isang nakakakilabot na mod sa morrowind na kayang paglaruan ang isip mo hanggang sa ikaw ay masiraan ng bait.

Ang mod na ito ay unang lumitaw sa internet taon na ang nakalipas. Nuong una inakala itong virus dahil pag nilagay mo ito sa game, magffreeze ito at magcocorrupt lahat ng save mo. Pero nadiskubre din nuon na dapat nirurun muna it sa DOSbox. Kapag nilaro mo ito gamit ang mod, ang lahat ng mga character ay patay na. At pag nagstay ka lang sa isang spot ng matagal, ang health bar ng character mo ay unti unting mababawasan. Pag namatay ka dahil dito, may isang character na magpapakita. Tinawag ito ng mga players na assassin. Isa itong lalaki pero ang mga kamay at paa nito ay mahahaba na para bang isang gagamba. Ang mga naglalaro napansin din na ang assassin ay umaakyat sa pader pero saglit lamang ito. Ang nakakakilabot dito, ang mga characters na buhay pa ay lumalabas lamang tuwing gabi at pag kinausap mo sila, sasabihin nila na “watch the sky”. Matapos nito, makakadiskubre ang player ng isang dungeon.

Ang dungeon na ito ay tinawag na hall of portraits. Ang hallway ay puno ng litrato kung saan nakalagay ang My Pictures Folder ng player. Sa dulo ng hallway mayroong isang pintuan na nakalock. Wala pang nagpost na may pruweba sila na nabuksan nila ang pinto, ang iba naman hindi na natutulog para lamang mabuksan ito. Ayon sa ibang manlalaro, matapos ang matagal na oras nilang paglalaro, minsan nakikita nila ang assasin na gumagapang sa kanilang mga pader o kisame lalo na pag nagccr sila para magbreak ng saglit lang.

Ang berzerk ay kinukunsidera na isa sa pinakamagandang laro ng arcade era. Sa laro kailangan mong makipaglaban sa mga robot. Ito rin ang may iconic na boss battle, si evil otto. Kung saan isa lamang itong smiley face. Ang berzerk ang unang laro na nalink sa isang pagkasawi ng isang tao.

Si Jeff Dailey ay ang unang taong namatay matapos laruin ang Berzerk nuong 1981. Isang taon matapos nito, si Peter Burkowski na isang 18 year old nama ang kinuhanan ng buhay. Sa loob ng 15 minuto matapos nilang ilagay ang kanilang mga initials sa high score, bigla na lamang silang bumagsak at namatay. Ayon sa dr. ang cause of death nila ay heart attack.

Ang alamat ng polybius siguro ang pinakamatanda sa gaming myth at infact na feature pa ito sa the simpsons.

Ang polybius ay isang arcade game na misteryosong lumitaw sa portland oregon nuong 1980. Ang cabinet ay kulay itim maliban sa joystick nito at logo sa taas ng arcade machine. Ang game ay pinagsamang classic shooters kagaya ng tempest at mazes naman kagaya ng pacman. Kapag nilaro mo ito, makakaexperience ka ng amnesia, pagkahilo, mawawalan ng malay, seizures, sakit ng ulo, bangungot at ang iba naman ay nagpapakamatay matapos itong laruin. May mga sabi sabi din na pinupuntahan ito ng men in black para check upin kaya naman ang iba iniisip na hindi ito laro bagkus isang government experiment.

 

TIME
SLATE
FDA
The Atlantic
NPR
The Guardian
Content

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit mabaho ang utot ng tao

Black Knight Sattelite, Isang Alien o isang thermal cover?