Mga Taong Umakyat sa Bakod ng Zoo

Reading Time: 6 minutes

TRANSCRIPT:

#1 – Zoo Officials Kill Lions to Save Man

Ang mga chilean zoo officials ay kinailangang barilin at patayin ang dalawang lion matapos umakyat ng isang hubo’t hubad na lalaki sa kulungan nito. Ayon sa mga nakakita, nag sasalita ang lalaki ng mga relihiyosong bersikulo at para bang dinadasalan ang mga leon. Matapos nito nakita ng mga opisyales ang isang suicidal note sa kanyang damit, pero ito ay may mga christian messages at drawing ng mga leyon. Ang mga opisyales ng zoo ay napilitan patayin ang mga lion para lamang mailigtas sya.

#2 Tiger Mauls Lady’s Hand in Stupid Halloween Prank

Isang lasing na babae sa Henry Doorly Zoo sa omaha nebraska ang nakagat sa kamay ng isang tigre. Binalewala nya ang rules ng zoo at sinubukang ipet ang nasabing tigre. Isang 18 year old malayan tiger ang nakursunadahan nyang ipet na para bang isang normal na pusa. Ang tigre agad na sinunggab ang kanyang kamay, nailigtas naman sya pero nagkaroon ng malaking sugat sa kanyang kamay.

#3 – Barefoot Man Wants a Bear Hug

Isang 32 taon na lalaki ang pumasok sa bear enclosure ng warsaw zoo at naghamon ng away sa isang babaeng oso. Isang witness ang nakakita ng mga dugo sa kulungan ng brown bear, nakita nito na nakikipag buno ang isang lalaki na walang sapatos at nakashorts kay Sabina na isang babaeng brown bear. Agad naman na rescue ng mga pulis ang nasabing lalaki. Isang milagro na nagtamo lamang sya ng injury sa kanyang kamay.

#4 – Man Loses Kung Fu Fight With Lion

Nuong 1989, isang 32 years old australian man ang sinabihan ng kanyang martial arts instructor na para makuha nya ang susunod na level sa kanyang training, kailangan nyang pumatay ng wild animal gamit ang kanyang kamao lamang. Sinunod nya naman ang kanyang master at pumunta sa melbourne zoo.
Sa gitna ng gabi, pumasok sya sa zoo na para bang isang totoong ninja, nagtago at nagmatyag sa kulungan ng mga leon kung sino ang mapalad na mamatay sa kanyang mga kamao. Ang problema lang, ang daming mga leon na pwede nyang pagpilian, kaya imbes na isa lang ang kanyang makakalaban, pinagpyestahan sya ng mga leon at pinirapiraso.
Kinabukasn nakita ng mga zoo keeper ang lasog lasog na katawan ng lalaki.

#5 – Two Men Mauled While Trying to Honor Tiger

Si shiva ay isang 13 year old bengal tiger na nakatira sa calcutta zoo. Sa kanyang kulungan merong moat para maprotektahan ang taong magtatakang lumapit dito ito yung makikita mo sa mga kastilyo, napapaligiran ng tubig at mayroon lamang isang daananpapasok. New year nuon at dahil new year, maraming mga pamahiin. Si Prakesh Tiwari at Suresh Rai ay nagdesisyon na mag offer ng isang alay para kay shiva. Gumawa sila ng isang garland o yung parang bulaklak na pabilog para ilagay kay shiva. Syempre, dahil isang wild na tigre, agad nitong inatake si Rai ng sinubukan nitong isabit ang garland sa leeg ni shiva. Ng makita ito ni Tiwari, pinagsisipa nya sa mukha ang tigre. Nakuha nya naman ang attention ng tigre at binitawan si Rai, pero agad nitong sinunggaban si Tiwari. Nakaligtas si Rai sa pagkakataong iyon, subalit hindi ang kanyang kaibigan.

#6 – Man Savaged by Monkeys Trying to Retrieve Cell Phone

Si zheng dong ay nangunguha ng litrato sa grupo ng mga macaque. ang macaque ay isang uri ng unggoy. Habang kumukuha sya ng litrato, isang unggoy ang biglang kinuha ang kanyang cellphone at sinumlang kainin ito. Dahil na din siguro may mga naked pictures sya duon, agad syang nataranta at gumawa ng aksyon, inakyat nya ang bakod at tumalon sa kulungan ng mga unggoy. Agad syang pinalibutan ng 3 unggoy at pinagkakalmot sya hanggang sa dumating ang mga zookepper para iligtas sya at ilabas ng kulungan. Wala naman grabeng sugat na natamo so dong pero ang kanyang cellphone ay nasira na. Imbes na magpasalamat, nanghihingi pa sya ng danyos perwisyo sa nasabing zoo.

#7 – Woman Loses Fingers/Buzz to Bears

Si Tracy Weiler ay isang 47 year old na babae, nagiinom sila ng araw na yon kasama ang kanyang boyfriend ng mag desisyong bumisita sa zoo ay dalhin ang kanyang 3 year old na anak. Nagpunta ang tatlo sa Lincoln Park zoo sa manitowoc. Dahil lasing, naisip ni tracy na bigyan ng pagkain ang mga oso, medyo malayo ito sa kanya kaya ang ginawa nya, lumapit sya dito at binalewala ang mga signs sa zoo. Nilapit nya ang kamay nya at sinubukang iaabot ang pagkain. Binalewala ito ng oso at sinuggab ang mas masarap nyang kamay, naisip ng oso siguro na bitin ang ibibigay nya. Nawalan sya ng daliri dahil dito, ang kanyang 51 year old boyfriend naman ay sinubukang makipag buno sa oso para makuha ang daliri ni tracy. Hindi naman nawalan ng daliri ang kanyang boyfriend.

#8 – Woman Jumps Into Polar Bear Moat

Isang 32 anyos na babae ang tumalon sa kulungan ng mga polar bear sa berlin zoo at nataon pa ito na feeding time ng mga oso. Lumapit agad ang mga zookepers at sinubukang idistract ang 4 na polarbear subalit na kagat pa rin ng polar bear ang babae ng maraming beses sa binti at sa braso. Ayon sa malapit sa biktima, kaya nagawa ng babae na tumalon ay dahil sa depression nito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Anaconda

Ang Demonyong Popobawa