in ,

Mga sikretong lagusan sa ilalim ng pinas?

Ayon sa ilang mga paniniwala, isang tagong lagusan ang ginagamit noong unang panahon upang ang kanilang presenya ay maitago sa mata ng nagmamanman sa paligid. Ilang mga tagong lagusan na siyang makikita at matatagpuan sa ilalim ng lupa. Pinaniniwalaan na isa na nga dito ang kinikilalang Underground tunnel ng Intramuros.

Halina at ating alamin kung paano natagpuan ang tunnel na ito.

The Secret Passage:

Secret Tunnels of Fort Bonifacio | Megaworld at the Fort

Taong 1949 noong isang underground tunnel ang siyang natagpuan sa ilalim ng Intramuros. Mula noong nadiskubre ang lugar na ito, nagsimula na din ang iba’t ibang mga teorya kung para saan nga ba ito.

May ilang nagsasabi na ang mga simbahan at mga kumbento na silang makikitang kalat kalat sa lugar ng Intramuros ay magkakadikit gamit ang mga tagong lagusan sa ilalim ng lupa. Ang ilan naman ay naniniwalang ang tunnel na ito ay ginagamit ng mga pari at mga madre noong 19th century.

Ito ang kanilang daanan upang makapunta sa kanilang tagpuan at upang maitago ang kanilang mga relasyon. Doon ay maraming naniniwala na sa loob mismo ng simbahan ay mayroong mga tagong relasyon sa pagitan ng mga pari at ng mga madre.

Matapos matagpuan ang mga tunnel na ito, nadiskubre din sa ilalim ng San Ignacio Church ang isang lumang Jesuit church na sikretong nakakonekta sa Colegio de Sta.Isabel. Pinaniniwalaan na isang lalaki ang unang nakakita nito at siyang nagkalat ng mga maling balita patungkol sa nakatagong lagusan.

Ayon sa paniniwala, habang nagaganap ang labanan sa Manila noong 1945, ang San Ignacio Church ay nasira at halos nawasak dahil sa mga bombahan na ginagawa ng magkabilang panig. Tanging ang mga pader lamang nito ang siyang nakaligatas at doon ang gobyreno ang kumuha nito at siyang naghulog sa iba’t ibang kompanya upang mapangalagaan ang lugar.

Taong 1949 naman noong isang American na kinilalang si Victor Ledinicky ang siyang tumingin sa natitirang pundasyon ng lugar upang mapagatyuan ito ng Allied Brokerage Storage Building. Sa lote nga na iyon ay itatayo ang isang warehouse.

Habang ang lugar na ito ay hinuhukay, dito natagpuan at nadiskubre ang lihim na lagusan. Dahil sa kanilang nadiskubre, humingi ng tulong si Ledinicky sa isang kilalang archeologist na si Professor H. Otley Beyer upang mas malaman pa kung ano ang kanilang nahukay.

Sinamahan naman si Beyer ng kanyang assistantt na si Dr. E. Arsenio Manuel na isang antropologist. Noong ang dalawa ay makarating sa lugar, dito ay bumungad sa kanila ang isang gaping hole na kung saan ang pasukan nito ay puno ng mga sirang pader at mga bato.

Noong si Manuel ay pumasok na dito, nakita nya na ito ay naglalmaan ng mababaw na tubig sa loob. Ang tunnel ay may sukat na six feet high at halos four feet wide at ito ay nagtataglay din ng bubong na gawa sa mga pulang bricks.

Habang si Manuel ay papalayo ng papalayo sa loob ng tunnel, dito niya nakita ang mga bungo na pinaniniwalaan namang buto ng mga bata at mga matatanda. Dahil sa mas lalong lumalalim ang tubig sa kanyang daanan,hindi na nito itinuloy ang kanyang buong paglalakabay sa loob at tuluyan nang lumabas.

Ngunit bago ito makalabas, mayroon pa itong nadiskubre at siyang nagpatanto sa lalaki na siya ay nasa loob ng isang underground tunnel. Mula sa mga notes na isinulat ni Manuel, ipinaliawang niya dito na sa layong apat o limang kilometro mula sa entrance nito, maabutan ng isang tao ang dalawang lagusan sa loob nito.

Ngunit dahil sa wala na itong oras sa loob at sa takot na hindi niya alam ang kanyang papasuking mag-isa, umalis na ito at inilagay na lamang sa kanyang maliit na notebook ang kanyang mga nakita. Ang lahat ng kanyang nakita ay nakalagay sa kanyang notes, ngunit ang lahat ng ito ay nawala na lamang dahil sa natupok ng apoy ang bahay ni Manuel noong 1974.

Makalipas ang ilang taon, nakilala ni Manuel ang ilang mga residente sa lugar na pinagkakalat na kanila nang nakita at narinig ang patunhkol sa underground tunnel. Taong 1989 naman noong si Manuel ay nagpadala ng papel sa pinaka unang Manila Studies Program Conference. Ang kanyang papel na Subterranean Structures in Intramuros” ay naglalaman din ng pagumungkahi na pasukin muli ang tunnel ngunit wala siyang natanggap na sagot mula sa mga ito.

What is it Really:

History right under your noses: Fort Bonifacio tunnel transports you back  in time

Ayon sa isang Historian na kinilalang si Victor Torres, pinaniniwalaan na ito ang nahukay at ang nakitang lagusan ni Manuel noong 1949 ay hindi isang inderground tunnel.

Ayon dito, noong 70’s, ang Intramuros Administration ay binigyan ng trabaho na ayusin muli ang tinatawag na Walled City. Ang proyekto nga na ito ay nangangailangan ng pag-giba mismo sa warehpuse at pagtayo ng mga landmarks sa lugar. Kasama na dito ang isang site sa San Ignacio Church na silang nadiskubre nila Manuel.

Di kalaunan, ang lugar na ito ay nakilala at nalaman na nang mga mamayan sa lugar. Dito ay makikita ang isang concrete staircase na siyang magdadala sa pangalawang burial crypt sa loob nito. Makikita naman ang halos 20 na nicho, na nagtataglay din ng mga panagalan at taon kung kailan namatay ang mga ito.

Karamihan sa mga nicho ay wala nang laman at ang iba naman ay nagtataglay pa ng ilang mga buto. Pinaniniwalaan na ang pagkawala ng mga buto sa ilang nicho ay dahil sa pag-uutos ng mga simbahan na tanggalin ang mga bangkay noong matapos ang World War II.

Naniniwala ng ilang mga historian na ang mga buto na nakahimlay sa mga nicho ay mga Jesuit na ipinatapon sa Pilipinas noong 18th century. Doon ay inayos nila ang Simbahan na nasira dahil sa isang malakas na lindol.

Taong 1889 noong ito ay dinisenyo ng kinilalang si Felix Roxas Sr. Ang simbahan ay kanilang nilagyan ng disenyo na isang Classical and Renaissance style. Sa loob naman nito ay makikita ang mga kilalang gawa ng isang skulptor na si Isabelo Tampingco.

Ayon kay Torres, maaring ang nahukay noon ng Intramuros Administration at ang nadiskubreng daan nila Manuel ay magkaprehas lamang. Ngunit sa kwento at pagpapaliwanag ni Torres, ang kanyang conclusion sa pagkakatulad nito ay magulo at hindi pa din nasasagot.

Ayon sa ilan, maaring hindi talaga isang tunnel ang lugar na ito. Mababasa sa mga libro na ginawa ni Torres na mayroong sewerage system na matatagpuan sa Intramuros. Ito ay pinaniniwalaang ipinagawa ng kinilalang si Don Manuel Mañosa na siyang minsan naging pinunong Metropolitan Water District.

Ayon naman sa ilan ay maaring ito ay isang tunnel na ginawa ng mga Japanese army noon upang makagawa ng sikretong daan noong 1945.

Ayon sa mga historian, hindi na malalaman pa kung ano nga ba ang lugar na ito at kung para saan ito ginagamit. Dahil na din ang pamahalaan ng Intramuros ay ipinaayos at tinayo ang bagong gusali sa lugar.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/hHyBtugzcD4

Report

Written by bulalordyt

What do you think?

Leave a Reply

Dito nagsimula ang Lion Head sa Baguio

Sobrang saklap ng sinapit ng ekspedisyon na nagawa nilang kainin ang isat isa