Mga Pruweba na posible ang Reincarnation

Reading Time: 14 minutes

Although ang kristianismo ay hindi tinatanggap ang reincarnation. Maraming mga pilipino ang naniniwala dito. Pumunta na tayo sa part 2 ng reincarnation. Ang mga posibleng palatandanaan o signs na iyong nakaraan na buhay. Mga boss, hindi po ako nag iinstill ng ideas sa video na ito. Kung kayo po ay religiously close minded people, please, wag na po kayong manuod kasi may mga term, wording o statement na maaring hindi ninyo magustuhan. Clear sana tayo jan mga boss, anyway ipagpatuloy na natin.

Kamukha:

Sa libro nyang someone else’s yesterday, ayon sa yeorya ni Jeffrey J. Keene, ang isang tao ay may strong resemblance sa kung ano ang past life nito. Si Jeene ay isang assitant fire Cheife na nakatira sa Wesport Connecticat. Naniniwala ito na sya ang reincarnation ni John B. Gordon na isang confederate General of the army of nothern virigna. Si Gordon ay pumanaw nuong 1904. Ayon sa kanya magkamukhang magkamukha silang dalawa. Dagdag pa nito ang mga taong magkakamukha ay halos parehas din mag isip at kahit ang mga facial scars ay nasasama sa susunod na buhay.

Si Peter Teekamp na isang artist ay naniniwala na sya ay si Paul Gauguin sa past life nito. Kagaya ni Keene, so Teekamp ay may strong resemblance. Hindi lang yan, parehas din silang painter at halos parehas din ang kanilang mga gawa.

Kakaibang sakit at Karamdaman:

Mayroon ka bang sakit na sobrang tagal na halos simula nuong bata ka pa anjan na ang sakit na yan? Then mga boss posibleng ito ay resulta ng past life trauma.

Si Dr. Michael C. Pollack ay nag publish ng libro na “Have we Really Lived Before?”. Ayon sa kanya, sumasakit ang lower back nito at mas lalong lumalala habang tumatagal ang taon. Naniniwala ito na nalaman nya ang posibleng kasagutan patungkol sa sakit na ito nuong nagsimula ito past life therapy session. Sa kanyang session nalaman nya na 3 beses syang na reincarnate at parehas ang kanyang kamtayan kung saan ito ay sinaksak sa likod ng kutsilyo o hindi naman kaya isang sibat na tumama rin sa kanyang likod. Matapos ang ilang reincarnation, ang kanyang likod ay unti unti ding gumagaling.

Ayon naman sa research na ginawa ni Nicola Dexter na isang past life therapist. Nadiskubre nito ang correlation ng sakit ng iba nyang pasyente patungkol sa nakaraan nitong buhay. Halimbawa, ang sakit na bulimia o ung binge eating ay dahil sa paglunok ng tubig dagat sa nakraang buhay, ang sakit sa balikit ay dahil sa pagpaparticipate sa isang tug of war, ang takot naman sa mga razors ay dahil sa nahiwa ang kamay nito sa nakaraang buhay.

Phobia at bangugnot:

Saan ba galing ang phobia? Fear of heights, fear of water, fear of spiders? Saan sila nagsimula? Karamihan sa atin nakuha natin ang mga phobia itong sa karanasan natin sa buhay, ang iba napanood sa TV ang mga epekto kaya nagkaroon tayo ng takot dito. Pero may mga ibang tao na matitindi ang mga phobia aat hindi talaga basta basta maeexplain katulad na lang ng fear of carpets. Ano namang nakakatakot sa carpet hindi ba? Well mga boss, psychologically complex ang posibleng sagot dito habang ang ibang mga researcher naman ay naniniwala na ito ay dahil sa past life.

Sa librong Healing Past lives Through Dreams ni Author JD ay nilathalah ang patungkol sa kanyang phobia na claustrophobia kung saan ang isang tao ay nagpapanic kapag ang kanyang ginagalawan ay limitado o maliit, maari ring matriger ang claustrophobic reaction kapag ang mga kamay o paa ay hindi maikilos ng maayos. Ayon sa kanya, nalaman nya ang dahilan ng kanyang phobia sa isa sa kanyang panaginip kung saan ito ay ang kanyang past life. Ayon sa pagdedetalye ni JD ng kanyang panaginip, 15th Century nuon, nagising ang kanyang diwa sa isang scene kung saan nakakabahala ang mga nangyayari. Isang tao ang unti unting tinatali ng isang grupo ng mga tao. Ang ilang mga tao ay gusto ng mapasakamay ang hustisya. Ang mga taong bayan ay itinali ang lalaki mula ulo hanggang paa at binansagan na heretic. Dinala ito ng taong bayan sa isang abandonadong building. Dito iniwan ang lalaki sa isang sulok sa ilalim ng gusali hanggang sa mamatay ito. Duon nya lang napagtanto na ang lalaking tinali at iniwan sa madilim na lugar hanggang sa mamatay ay walang iba kung hindi sya.

Pinaniniwalaan ng ibang tao na ang taong lumilitaw lagi sa panaginip na hindi naman kilala sa present life ay may espesyal na relasyon sa taong iyon nuong mga nakaraang buhay nito. Habang ang mga bangungot naman ay ang mga trauma na dinulot ng mga nakaraang buhay kung saan ito ay namalagi sa ating utak.

Special Knowledge

May mga iilan ilang bata na biglang nagkakaroon ng kaalaman. Ito ung mga kasong talagang nakakagulat, ung tipong biglang out of knowhere magsasalita ang bata na para bang ibang tao ito. Ganito ang na document ni Carol Bowman sa kanyang libro na Children’s past lives. Ayon dito, si elsbeth na isang 18 month old na batang babae, take note mga boss, 18 months. Siympre alama naman natin na hindi pa ito nakakapagsalita ng diretso. Isang gabi, ang nanay nito ay pinapaliguan sya ng biglang nagsalita si Elsbeth at nagulat ang kanyang nanay sa sinabi nito. “I’m going to take my vows” sabi ng bata sa kanyang nanay. Sympre unang response nagtaka at nagtanong ang nanay nito at sinabing hindi daw sya si Elsbeth. Sya daw ay si Rose na magigign si Sister Teresa Gregory.

Ewan ko pero pag sakin nangyari un tatakbo talaga ako palabas ng bahay. Malay ko ba kung anak ko pa un o sinapian na. Pero joking aside mga boss. Nakakakilabot ang ganitong pangyayari kung ito ay totoo nga.

Past Life Regression Hypnosis:

Ang regression therapy ay ginagawa ng isang eksperto kung saan ginagabayan nito ang taong gustong malaman ang nakaran nitong buhay sa pamamagitan ng hypnosis. Ayon sa mga nakaranas ng regression hypnsis para silang umaalis sa kanilang katawan at pinapanood ang mga bagay bagay na para bang nasa isang tv.

Subalit ang hypnosis ay hindi relaible sa mata ng mga eksperto. Sure, makakatulong ito sa pagaccess ng utak pero ang impormasyon na nakita dito ay hindi dapat paniwalaan agad. Dahil ayon sa pag-aaral ang hypnosis ay kayang gumawa ng mga false memories. Subalit hindi ibig sabihin nito na lahat ng regression hypnosis ay dapat baliwalaan. Kapag ang impormasyon na nakuha mula sa isang regression session ay na verify sa pamamagitan ng pagreresearch, obviously ang idea ng regression hypnosis ay lalakas.

Isa na nga dito ang pamosong kaso ni Ruth Simmons.

Nuong 1952 ang kanyang therapist na si Morey Bernstein ay inengganyo sya na maglakbay sa kanyang buhay bago pa sya pinanganak. Pumayag naman si Ruth, maya maya pa bigla itong nagsalita ng Irish Accent at sinabi nya na sya si Bridey Murphy na nabuhay nuong 19th century sa belfast Ireland. Naalala ni Ruth ang mga detalye sa buhay ni bridey subalit bigo sila na mahanap ang katauhan ni Ms. Murphy. Gayunpaman, meron silang ebidensya na ito ay totoo. Dahil nuong nasa hypnosis si Ruth, Nagsabi ito ng dalawang grocery sa belfast kung saan ito namimili ng pagkain. Ito ay sina Mr. Farr at John Carrigan. Nuong niresearch nila ang mga taong ito, napagalaman nila na ang dalawa ay grocer nuong 1865 hanggang 1866.

Handwriting

Posible ba na ang handwriting ay maging isang ebidensya para sa claims ng isang tao na sya ay ang dating yumao na ngayon ay na reincarnate? Isang indian researcher na si Vikram Raj Shingh Chauhan ang naniniwala dito dahil sya mismo ang gumawa ng research patungkol sa ganitong bagay. Sa katanuyan ang kanyag published work ay tinanggap ng National Conference of Forensic Scientists sa Bundelkhant University.

Ayon sa kanyang research, isang 6 na taong gulang na nagngangalang Tarnjit Singh ang nakatira sa baryo ng Alluina Miana sa may india. Ayon kay Taranjit, dalawa ang kanyang pagktao, dahil sya din ay is Satnam Singh. Ayon sa mga magulang nito, simula nuong 2 taong gulang pa lamang ito nagsasabi na ito na siya ay si Satnam. Altho magkaparehas sila ng apelyido hindi sila magkamaganak mga boss.

Habang tumatagal, si Tarnjit ay lagi itong sinasabi hanggang sa napapayag nito ang kanyang mga magulang na pumunta sa sinasabi nyang lugar. Dito napag-alaman nila na meron ngang Satnam na bata subalit ito ay namatay na nuong 1992. Ikwinento ni Tarnjit ang buong pangyayari. Ayon dito nuong nangyari ito, ang kanyang mga libro ay nababad sa sarili nitong dugo at meron itong 30 ruppes sa kanyang bulsa. Nuong marinig ito ng nanay ni Tarnjit, napaiyak ito dahil eksaktong eksakto ang sinasabi ng bata.

Matapos ang ilang araw, ang mga magulang ni Satnam kasama ang buong pamilya nito ay binisita si Tarnjit at nagdala sila ng ilang lumang litrato at sinabi ng mga ito na ituro kung saan si Satnam sa litratong iyon. Laking gulat nila ng tinuro ni Tarnjit ang eksaktong litrato ni Satnam pati na rin ang kanyang mga magulang nuong ito ay mga bata pa.

Ayon kay vikram, dahil isa syang scientist, mahirap paniwalaan ang mga ganitong istorya pero dahil na din na curious ito, nagsimula syang magimbestiga. Parehas na parehas nag kwento ni tarnjit at ang mga magulang ni satnam. Nakausap nya rin ang isang tindero at sinabi nito na meron pa raw utang na 3 rupees ang bata dahil sa notebook na binili nito. Nuong sinama ito ni vikram para tanungin si tarnjit, hindi pa nakakapagsalita si vikram at ang tindero ay narecognize na agad ito ng bata. Sinabi rin nito na hindi 3 rupees ang kanyang utang bagkus 2 rupees lang na pinatunayan naman ng tindero na totoo talaga. Ayon sa kanya gusto nyang malaman kung totoo nga ba na si tarnjit ay si satnam kaya dinagdagan nya ang utang.

Hindi pa rin kumbinsido si vikram dito kaya pinasulat nya ang bata. Kaparehas na kaparehas ni tarnjit ang sulat ni satnam. Para sa kanila, isa itong matibay na ibedensya dahil ang handwriting ay distinct sa bawat tao, parang isang finger print.

Birth Marks and Defects

Nuong 1993 pinublish ni Dr. Stevenson ang kanyang libro na “Birthmarks and Birth Defects Corresponding to Wounds on Deceased Persons,” kung saan inilarawan nito ang mga physical evidence para sa past life. Mayroong 895 cases na nagsasabing naaalala nila ang kanilang past life. 309 dito ay mayroong birth marks o birth defects na nakuha nila sa kanilang past life. Ang birth mark o birth defect ng isang bata ay naiuugnay sa sugat nito na tinamo sa nakaraang buhay kung saan ito ay binawian ng buhay.

Ayon sa pag-aaral ni Stenvenson, merong isang indian boy na nakakaalala ng past life nito at ito ay si Maha ram kung saan ito ay namatay dahil sa pagbaril ng shotgut sa kanyang dibdib. Ang bata ay may maraming birthmarks sa sentro ng kanyang dibdib na kung titingnan mo ay parang isang shotgun blast. Napatunayan base sa pagiimbestiga na meron ngang lalaki na nagngangalang maha ram na namatay dahil sa shot gun, take thios mga boss. Ang autopsy report ni Maha ram kung saan tumama ang mga bala ng shotgun ay eksaktong eksakto sa mga birth marks ng bata.

Isa pang case ay galing naman sa thailand kung saan naaalala nito ang kanyang buhay ng kanyang uncle. Ang lalaki ay mayroong malaking birth mark sa may batok nito. Ang kanyang uncle ay namatay dahil din sa sinaksak ito sa kaperahas na lokasyon ng kanyang birth mark.

Maraming mga posibleng patunay sa nasabing reincarnation. Ito ba ay conincidence lamang o talagang totoo ang reincarnation? Ako personally nananginip ako na nasa ibang lugar ako, ibang mga tao na hindi ko naman kilala. Sila ba ay mga tao sa past life ko? o gawagawa lang ng malikot na imahinasyon ng aking utak? Kayo mga boss, naniniwala ba kayo sa reincarnation?

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

bakit meron tayo panalangin at ano ang ibig sabihin ng amen?

Sino Si Kamatayan