Mga nakakakilabot na parasites

Reading Time: 7 minutes

 

1.

Isa sa itong uri ng langaw na kayang mangitlog at pumasok sa loob ng yong balat. Ang bot fly ay isang nakakakilabot na langaw. Ito ay maghahanap ng mga lamok at dito nya ilalagay ang kanyang itlog at pagkatapos ang lamok naman ay sisipsip ng dugo. Pag nabutas na ng lamok ang balat ng biktima, ang mga anak ng botfly ay papasok sa butas na ito at dito maninirahan hanggang 8 linggo. Ang mga bot fly ay kadalasan din direkta sa tao nangingitlog, lalo na kapag pay sugat ang isang tao, maamoy ito ng botfly at dito nya gagawin ang kanyang maitim na balak.

Meron naman remedy dito. Kapag ang isang tao ay naitlugan ng botfly, karaniwang ginagawa ay binubunot ito gamit ang tsani o hindi naman kaya lalagyan ng nail polish ang butas para hindi na makahinga ang mga ito at mamatay.

2.

Ang parasite na ito ay nabubuhay sa ilalim ng dagat. Maswerte naman tayo dahil hindi tayo apektado dito. Ang paraasite na ito ay kilala sa tawag na cymothoa exigua. Ang mga babaeng parasite ay papasok sa hasang ng isda papunta sa dila nito kung saan unti unti nitong kinakain ang laman ng isda hanggang sa mawala ang dila nito. Matapos nito, ang parasite ay kakapit sa ilalim ng bibig ng isda kaya sa tuwing kakain ito, mapupunta muna sa mga parasite at ang mga tira tira na lang ang mapupunta sa isda.

At ang pinakamasaklap dito, ang mga lalaking parasite ay kadalasan pumapasok din sa hasang ng isda kung saan makikipagtalik ito sa babaeng parasite sa loob ng bibig ng isda. Hayaan kong magsink in sa inyo yan mga boss.

3.

Kilala ito bilang African Eye Worm, ang malademonyong parasite na ito ay nabubuhay sa ilalim ng balat at madalas nakikitang lumalangoy sa mata ng taong infected ng parasite na ito.

Ang pag transmit ng parasite na ito ay pumapasok mula sa isang sugat. Kung saan ang pagnagmature ito, karaniwan itong makikita na lumalangoy sa mga mata kung saan maghahanap ito ng babaeng parasite at makikipagtalik dito. Kapag succesfull, ang babae ay magpapakawala ng libo libong itlog na sasabay sa dalay ng dugo.

4.

Ang mga parasite na ito ay nakatira sa water fleas na sya namang nakatira sa tubig. Napupunta ito sa isang tao kapag sya ay uminom ng tubig na infected ng mga water fleas. Ang mga water fleas ay mamamatay at matutunaw sa loob ng tyan ng isang tao, kapag nangyari ito, ang guinea worm ay makakawala at pupunta si bituka. Duon mananatili sila ng isang taon bago gagapang sa ibang parte ng katawan na sya namang magiging dahilan ng pagsakit ng tyan. Ang mga bulateng ito ay pupunta sa paa, kapag narating na nila ito, magkakaroon ng matinding pagsakit sa may paa, kadalasan mamaga at magkakaroon ng sugat.

Ang mga affected persons naman ay magkakaroon ng kaginhawaan kapag nilagay nila ang kanilang mga paa sa may tubig…. at ito ang hinihintay ng bulate. Kapag nilagay ito ng biktima sa tubig, ang mga bulate ay ilalabas ang bahagi ng kanilang katawan at magpapakawala ng mga itlog sa tubig at mauulit muli ang cycle.

Ang mga babaeng Guinea worms ay kayang humaba ng 100 centimeters. Ang isang paraan para matanggal ito ay kailangan mo itong iikot sa isang palito o stick at kada araw iikot mo ang stick para mailabas ito. Dahil kapag minadali ang paglabas, ang biktima makakaramdam ng matinding sakit at posibling magdulot ng mas malaking problema.

5.

Kilala ito bilang Green Banded Broodsac. Ang parasite na ito ay isang flatworm. Ang parasite na ito ay literal na nagsisimula sa dumi o tae. Ang mga parasite na ito ay magaabang sa kanilang biktima, kadalasan suso.

Kapag nasa loob na ito ng suso, ang mga bulate ay pupunta sa may mata ng suso at bubulagin ito ng tuluyan. Ang mata ng suso ay magiging parang isang caterpillar, at dahil dito madali itong makikita ng mga ibon at aakalain na isang masarap na pagkain.

Ang ibon kakainin ang suso at ang bulate ay mapupunta sa tyan ng ibon kung saan mangingitlog ito ng libo libo at kapag jumebs na ang ibon ay kasabay itong ilalabas at makokompleto na ang kanilang life cycle kung saan maghihintay ulit ito ng mabibiktimang suso.

6.

Isa itong type ng fungi, tinatawag itong ophiocordyceps unilateralis at ang karaniwang tinatarget nito ay mga langam. Kapag ang langgam ay nainfect na ng fungi, kinukunsidera na itong brain dead dahil ang fungi ay makokontral na ang langgam. Maghahanap ito ng magandang temperatura para mabuhay ang iba pang mga fungi. Kapag nakakita na ito ng magandang temperatura, ang langgam ay kagagatin ang dahon na kinatatayuan nito kung saan mananatili ito ng 10 araw bago wasakin ng fungi ang katawan ng langgam mula sa loob.

Fun fact pala mga boss, sa mga gamer jan, kung nalaro nyo na ang last of us, ang fungi na ito ang insperasyon ng game na iyon.

7.

Ito ang kilalang kilalang parasite. Ang intestinal roundworms. Ang bad boy na to ay kayang humaba ng isang metro at tayo ang kadalasan target nila. Karaniwan naiinfect tayo ng mga ito kapag kumain o uminom tayo ng isang pagkain ma merong itlog nila. Kung saan mapipisa ito sa loob ng ating tyan at lumalaki dito. Kadalasan naglalakbay ito sa ating dugo papunta sa ating baga.

Ang mga sintomas nito ay ang pagkahilo, matitigas na ubo at mabilis maubusan ng hininga. Ang ibang tao ay kapag nagsusuka, minsan may napapasamang round worm, o hindi naman kaya mag jumijebs.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pinakamasaklap na demonyo na pwedeng magposses sayo

Ang Bigbang ba ang simula ng ating universe?