Mga kwento ng time travel Part 2

Reading Time: 11 minutes

Ang abilidad na makapagtravel back in time o makita ang hinaharap ay talagang nakakamangha, sas panahon natin isa pa lamang itong pangarap pero ang mga eksperto ay walang sawang pinag-aaralan ang mga teorya patungkol dito, ang mga posibleng paraan para makapagtime travel. Maraming mga nagsasabing nakapagtravel na sila sa future o sa past, maraming nagsasabi na isa silang timetraveler, kahit ako pwede kong sabihing isa akong time traveller dahil isa lamang itong salita. Pero may mga accounts na sobrang weird na minsan iisipin mong, baka nga nagtime travel sila. isa na nga dito ang the man from taured which i discuss on the other video, so hindi na natin isasama pa yon.

Carol Chase McElheney:

Nuong 2006 si Carol Mcelheney ay nagmamaneho pauwi ng kanyang bahay sa san bernardino. Dahil nadadaanan lang nito ang kanyang hometown, nagdesisyon itong magstop over para bumisita ng saglit subalit narealize nya na hindi ito ang kanyang kinalakihan pero alam nya sa sarili nya na nasa tama syang lokasyon. Ayon sa kanya hindi nya makita ang bahay na kinalakihan nya o hindi naman kaya ang ibang mga kakilala nito. In fact hindi nya kilala ang mga bahay na nariririto. Sinubukan nyang pumunta sa sementeryo para bisitahin ang kanyang mga lolo at lola pero pagdating nya sa site, ang nakita nya lang ay matataas na talahib.

Sya ba ay nasa maling lugar? ito ay malaking posibilidad subalit meron syang mga natagpuang landmarks na nagpapatunay na ito ang kanyang hometown kagaya ng mga schools na pinagaralan nito. Naniniwala si carol na ang nakita nya ay isang parallel dimension. Subalit ang istorya na ito ay hindi na makoconfirmed pa dahil nuong bumalik sya sa riverside few years later para sa funeral ng kanyang tatay, hindi nya na ulit ito naranasan.

Pedro Oliva Ramirez:

November 9 1986, alas onse ng gabi, si Pedro Oliva Ramirez ay nagmamanaeho mula seville spain papunta sa bayan ng alcala de guadaira. Dahil nga lagi na syang bumabyahe dito, alam nya na ang ruta. Subalit nagulat ito ng nagkaroon ng isang curve road at dito napunta sya sa isang unfamiliary six lane highway. Napapaligarin sya ng mga kakaibang istraktura at kapaligiran. Nakaramdam sya ng mainit habang ang mga boses ay para bang sabay sabay na angsasalita mula sa malayo. Isang boses ang nagstood out dito at sinabing nateleport sya sa ibang dimension.

Ang mga kotse na nakapaligid sa kanya ay dinadaanan sya ng exactly 8 minutes at meron itong white o beige na medyo may kaitiman na plaka at hugis rectangle. Maya maya pa nakakita si Ramirez ng signage papuntang alcabala malaga at seville. AGad syang nagdrive papunta sa direksyon ng seville. Nuong huminto ito, nagulat sya dahil nasa hometown na sya ng alcala de guadaira. Sinubukan nyang balikan ang kanyang dinaanan subalit hindi nya na nakita pa ang 6 lane highway muli.

Lerina Garcia:

Nuong July 2008, isang well educated 41 year old woman na si Lerin garcia ang nagising na parang isang normal na araw lang. Nuong ginawa na nito ang daily routine nito, dito nya na napansin ang kakakaiba. Ang kanyang bedsheet at pajana ay ibang iba kumpara sa naaalala nya nuong natulog ito. Pinabayaan nya lang ito at nagtootbrush na lamang. Naghanda na sya at pumasok na sa kanyang trabaho kung saan isa syang tenured employee. Subalit nuong dumating ito sa office, napansin nya na hindi iyon ang kanyang department, tiningnan nya ang floor at iyon ang floor ng kanyang department.

Dahil nga hindi nya alam san ang department nya, umuwi na lamang ito at laking gulat nya ng makita nya ang kanyang ex husband kung saan seperated na sila ng 6 na buwan pero sa pagkakataong ito parang hindi nangyari ang separation. Meron na syang bagong kinakasama at wala ito sa bahay nila, ang ex husband nya lang ang naduon. Naghire sya ng isang private detective para hanapin ang kanyang bagong kinakasama pero hindi na ito nahanap pa. Walang trace ng pagkatao nito, hindi nakita ang pamilya o ang dati nitong tinutuluyan.

Si Garcia ay hindi na nakabalik pa sa kanyang timeline.

Gadianton Canyon:

May 1972, 4 na babae ang nagmamaneho pabalik ng southern utah university matapos ang kanilang get awaay sa rodeo sa pioche. Habang nilalakbay ang utah nevada state line, alas 10 ng gabi na nuon ng dumating sila sa 2 way line, nagdesisyon silang tahakin ang kaliwang bahagi kung saan dadaanan nila ang gadianton canyon. Mayamaya pa, ang itim na daanan naging puting semento. Inakala nila na nagkamali sila ng daan kaya nagdesisyon silang bumalik sa fork lane. Pero laking gulaat nila ng makita nila ang isang grain field at mga pines at nawala ang desyerto.

Nagdesisyon silang huminto sa isang tavern at sinubukang magtanong pero hindi na ito natuloy pa ng biglang isa sa mga babae ang nagsisigaw. 4 egg shaped vehicles ang nakita nito na papalapit sa kanila. Agad nilang pinaharurot ang sasakyan sa sobrang takot at maya maya pa ang puting semento ay bumalik sa normal na kulay itim at nakabalik na sila sa desyerto. Dahil dito, ang kanilang sasakyan ay naflat at kinailangan nilang maghintay hanggang umaga kung saan pinara nila ang isang state trooper.

This maybe a valid example mga boss. Eventhough medyo outlandish ang kanilang experience. Ang tire tracks nila ay huminto 200 meters nuong pumasok sila ng disyerto, so it still remains a mystery kung papaanong ang sasakyan ng mga ito ay nakapagtravel 3 kilometers o 2 miles north ng wala man lang phyical evidence o tire track. ang kanilang sasakyan ay nawalan din ng hubcap pero hindi na ito natagpuan pa. Who knows baka nakadisplay na ito sa isang museum sa parallel earth,

Shadow People:

Ayon kay albert einstein mayroong 4 dimension, 3 dito ang space at isa ang time kung saan kaya nitong ibend ang light. Ayon kay stephen hawin, posibleng maraming dimensions ang nageexist sa realm ng ating universe. Pero ang matter at light ay nakakulong sa isang membrane ng diemsion kung saan ang interdimensional travel ay imposible. Dahil nmga ang space-time ay may kakayahang ibend ang light, posibleng makakita tayo ng mga anino ng mga tao mula saibang galaxy o ibang dimension.

Ang mga shadow people ay common na sa north america. Isa nga dito ang kwento ng isang batang babae kung saan nakatagpo ito ng kakaiabng nilalang nuong sya ay bata pa sa Dorchester, massachusetts nuong mid 1990. Nuong unang gabing natulog ito sa kanyang bagong kwarto, napansin nito ang isang matangkad at kakaibang anino sa kanyang pader. Nagulat ito ng ang anino ay lumabas ng pader at nag paikot ikot sa kanilang kwarto, ayon sa kanya nakasuot ito ng salamin. Nakakita sya ng 3 pang anino malapit sa kanyang aparador. Maya maya pa napansin nya ang isang malaking anino na bumabalot sa kanyang karto, dahil sa takot agad itong tumakbo papalabas at nagtago sa lolo at lola nito. Naniniwala sya na ang kanyang naranasan nuong bata sya ay mga dimensional travelers.

The Montauk Project:

Ito ay isang banadoned airforce radar station sa eastern end ng long island. Ang montauk project ay isang top secret us government experiment kasunod ng philadelphia experiement kung saan ang purpose nito ay makapagcreate ng teknolohiya kung saan ang mga barko ay maging invisible sa mga radar detection. Nuong 1943 ang project ay nagkaroon ng successrate dahil ang uss eldridge ay naging invisible at nagteleport sa ibang dimension at nareappear sa coast ng norfolk virinia.

Dahil na din sa maraming mga trabahador ang namatay at ang ibang nakaligtas naman ay halos masiraan na ng bait, ang pagbibigay ng pondo sa philadelphia experiement ay pinutol na. Subalit maraming mga scientist at military officials ang namangha sa resulta at nagpatuloy sa pagexplore ng possibilities ng teleportation at interdimensional travel kaya ang montauk project ay nilaaunched nuong 1960.

Pinangunahan ito ni Dr. John Von Neuman, ang project ay nakafocus sa psychological changes ng mga nakapaglakbay sa ibang dimension at kung bakit naging disaster ang philadelphia experiment gayong may achievement naman ito sa teleportation. Ayon sa teorya ang tao ay pinanganak ng may time reference kung saan ito ay nakalink sa isang electromagnetic field unique sa ating mundo at ating dimesnion. Kaya nuong nagtravel sa ibang dimension ang mga crew, ang iba ay namatay at ang iba ay nabalaiw.

Ayon sa dokumento ng montauk project, si von neumann ay matagumpay na nakapagpadala ng mga tao sa ibang dimension ng walang consquence subalit nuong matapos ito ng taong 1967, pinadala ang report sa congress patungkol sa mind control at interdimensional travel. Ang congress ay hininto ang funding at tinapos ang proyekto sa pangamba ng mass mind control.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

11 points

Leave a Reply

Loading…

0

Sirena

Mga paniniwala sa reinkarnasyon