Mga kwento ng time travel Part 1

Reading Time: 10 minutes

Time travel exist mga boss and that is a fact. Ngayon in terms of how long can we time travel that is still a question. Dahil sa katunayan ang mga astronauts ay nakakaranas ng time dilation at ang time dilation ay isang factor sa time travel, though ang time travel na kayang iachieve pa lang sa panahon natin ay 0.02 seconds, so parang wala din in a sense.

To which i ask you mga boss, do you believe na may nakapagtime travel na at hindi lang natin ito alam? In any case, let us discuss ang mga events patungkol sa time travel.

The Moberly–Jourdain Incident:

Nuong 1901 dalawang english women na sina Anne Moberly at Eleanor Jourdain ang nagbakasyon sa france. Habang nanduon sila, naisipan nila na bisitahin ang palace of versailles, dito binisita rin nila ang petit tiranon, isang maliit na kastilyo kung saan binigay ni Louis the 16 kay marie antoinette bilang isang private space para gawing hangout o kung ano mang gustuhin ng reyna nuong sya ay dalaga pa.

Ayon sa dalawa, nuong nagpunta sila dito, nakaranas sila ng mga kakaibang pangyayari. Ayon sa kanila, nakakita sila ng mga taong nakasuot ng kakaibang kasuotan, mga kakaibang boses, buildings atmga istraktura na hindi nageexists since late 1700. Ayon pa sa kanila, nakita nila si Mari Antoinette na gumuguhit sa kanyang sketchbook.

Pinaniniwalaan nila na sila ay nakaranas ng time slip kung saan sila ay tumalon mula sa present papuntang sa past, 100 years after at pagkatapos muling nakabalik sa present. Subalit merong eksplenasyon ang mga eksperto dito, ayon sa kanila, ang dalawa ay nakaranas ng shared psychotic disorder, kumbaga joint delusion.

Space Barbie:

Si Valeria Lukyanova ay isang human barbie doll kung saan meron syang nakakakilabot na rebelasyon. Isang 2012 short documetary film para sa vices my life online series kung saan sinabi nya dito na isa syang time traveling space alien kung saan ang purpose ng pagpunta nya dito sa ating mundo ay para tulungan tayo na maglevel up, mula sa role natin na human consumer papuntang human demi god.

Charlie Chaplin and the Time Traveler:

Nuong November 2009, isang devout charlie chaplin fan na si George Clark ang nakadiskubre ng kakaiba sa isang DVD movie ni Charlie Chaplin. Dito pinakita ang isang matandang babae o lalaki na umattend ng premier ng The Circus nuong 1928. Unang tingin pa lang makikita nyo na para itong may kausap. Ang normal na nakikita natin sa panahon ngayon kung saan naglalakad ang isang tao na nakahawak sa tenga at may kausap, pero ang kakaiba dito, hindi pa naiimbento ang cellphone nuong 1928.

Ang clip na ito ay naging viral sa youtube. Maraming sumubok na ipaliwanag ang video. Ang pinakanakakapagtaka dito ay ang behaviour ng taong ito kung saan nagslowdown sya at huminto na para bang may kinakausap. Maraming mga tanong patungkol dito, bakit sa premier pa ng isang pelikula, bakit hindi sa mas importanteng event sa ating history kung ito nga ay isang time traveler. Well it is possible mayroon pang ibang time traveller na mas pinili ang mga groundbreaking events katulad na lamng ng babushka lady kung saan hanggang ngayon hindi pa rin natin alam kung sino o ano ito.

Isa pang tanong ay, saan kumukuha ng signal ang cellphone, considering na ito ay modern day at ang cell tower ay hindi pa naiimbento nuong 1920.

Time Traveling hipster:

Isang litrato ang nagcicirculate sa internet na may title na “time traveling hipster”. Ang litratong ito ay naging public nuong 2004 at na feature sa barlone pioneer museum’s exhibit na may caption na “their past lives here”. Ang litrato ay kinuha nuong 1941 nuong reopening ng south fork bridge sa canada. Ayon sa mga nakakita ang suot ng lalaki ay hindi akma sa taon na kinuha ang litrato. 3 bagay ang agad napuna ng mga internet peeps, unang una ay ang tshirt nito, isang portable camera at isang sunglasses na nakacover ang buong mata. Pero sa katunayan mga boss, ang mga ito ay available na nuong 1940’s pa lamang.

Ang tshirt nito na may M logo ay ang logo ng Montreal Maroons. Ang glases nito na mayroong eye shields ay available na nuong 1940’s pa, ang portable camera nito ay available na din sa katunayan ang kodak ay gumawa ng mga portable camera’s nuong panahong iyon. Gayunpaman, marami pa ring naniniwala na ito ay legit na time traveller.

John Titor:

Si John Titor ay isa sa pamosong tao na nagsasabing sya ay isang time traveler at sya ay galing sa future. Isang thread ang nagsimula nuong 2000 patungkol sa time travel paradoxes sa isang online forum. Ayon sa kanya,  pinadala sya nuong 1975 para dalhin ang IBM 5100 computer sa kanyang timeline. Bago bumalik sa timeline nito, nagstopover muna sya sa taong 2000 bago bumalik sa kanyang present. Ayon sa kanyan, ang computer ay kailangan para madebug ang mga iba’t ibang legacy computer programs sa taong 2036.  Ayon kay John m ang unix ay magkakaroon ng issue sa taong 2038.

Hati naman ang komento ng mga tao patungkol dito. May iba naniniwala at may iba na isa lamang itong hoax na inorchestrate ng isang tao. I tend to go with the latter.

Victor Goddard’s Airfield Time Slip:

Katulad nila anne Moberly at Elanor Jourdain, ang Senior Royal Airfoce Commander na si Sir Robert Victor Goddard ay nagsabi na nakaranas sya ng time slip.

Nuong 1935 si Goddard ay lumipad sa RAF Station Drem sa scotland, dinaanan nya ang edinburgh papunta ng andover sa england. Ang Drem station ay hindi na ginamit matapos ang demobilization efforts matapos ang first world war. Iyon nga ang nakita ni goddard nuong madaanan nya ito, isang malaking airfield na abandoned.

Subalit nuong pabalik na sya, dito na nagkaroon ng problema. Ang parehas na ruta ang kanyang dinaanan pero nagkaroon ng matinding bagyo at nahirapan itong kontrolin ang kanyang eroplano. Habang nakikipaglaban sa bagyo, maya maya pa unti unting lumiliwanag ang kapaligiran at nakita nya nga ang drem airfield. Pero sa pagkakataong ito, ang airfield ay hindi abandoned. Sobrang busy ng mga nasa baba at maraming mga mekaniko ang nagkukumpuni ng mga eroplano. Matapos ang ilang segundo, biglang dumilim na naman ang paligid at ang bagyo ay muling bumalik. Nakauwi naman sya ng maayos.

Ito ang weird part, 4 na taon matapos ng kanyang karanasan, ang drem airfield ay binuhay muli. Ang tanong dito ay ang timeslip na naranasan nya ba ay parte ng nakaraan o parte ng hinaharap?

Project Pegasus And The Chrononauts:

Nuong 2011, si Andrew D Basiago at William stillings ay nagannounce na sila ay dating mga chrononauts kung saan sila ay dating nagtrabaho sa darpa program na tinawag na Project Pegasus. Ang project pegasusay dinevelop nuong 1970 at nuong 1980 nagkaroon sila ng mars training class sa isang community college sa california nuong napili silang pumunta sa mars. Subalit hindi space rocket ang kanilang transportasyon. Bagkus teleportation.

Ayon pa sa kanila, si Barrack obama nuong 19 years old ay may alyas na Barry Soetero at nuong mga panahong iyon ay isa sa mga napili para pumunta sa mars. Ayon sa kanila, ang teleportation ay nangyayari sa isang kuwarto na tinatawag na jump room. Of course ang white house dineny ang paratang na ito.

Father Ernetti’s Chronovisor:

So Pellegrino Ernetti ay isang catholic priest at ayon dito sya ay gumawa ng machine at tinawag itong chronovisor. Ang machine na ito ay pinapayagan syang makapaglakbay sa nakaraan. Si Ernetti mga boss ay totoo, pero ang existence ng nasabing time machine ay kwestyonable, isa pa, kung sya ba talaga ang gumawa nito. Pumanaw na si Ernetti nuong 1994 ng hindi naliliwanagan kung ang sinasabing time machine ay totoo ba o isa lamang imahinasyon.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano nga ba ang paradoxes ng timetravel?

Alam nyo ba ang tungkol sa Cheetah?