Mga kwento ng sinaunang pakikipagkasundo

Reading Time: 11 minutes

Hindi makukumpleto ang soul selling natin o devils pact kung wala ang mga alleged accounts at mga alamat at kwento patungkol sa devils pact. Again mga boss ha, alleged. For now tuklasin muna natin ang old accounts. Hindi na ko mag papaligoy ligoy pa, simulan na natin.

Faust:

Malamang ang iba sa inyo kilala na ang pamosong si Faust. Para naman sa mga hindi pa nakakaalam, si Faust ay isang kwento patungkol sa isang lalaki na nakipagkasundo sa demonyo. Si Faust ay ipinanganal sa Roda sa Germany. Ipinaliki ito sa isang kristianong pamilya. Bata pa lamang si faust nakitaan na sya ng magtaas na intelektwalidad at nuong tumanda ay nagkaroon ng doctorate sa theology. Subalit si Faust ay arrogante.

Nagsimulang magaral si Faust patungkol sa mahika. Isang gabi, pumunta sya sa isang crossroad sa may kakahuyan. Gumawa sya ng magic circle at tinawag ang demonyo. Sinabi ni Faust na pumunta sya sa bahay nila kinabukasan. Dito nagusap sila ng demonyo at nagkasundo. Binigay ng demonyo ang kasunduan, 3 kasunduan. Una ay si faust ay magiging pagmamayari ng demonyo, pangalawa, kailangan nyang pirmahan ang kasunduan gamit ang kanyang dugo, pangatlo, ideny nya at irenounce ang pananampalataya sa diyos.

Ang kapalit nito ay bibigay ng demonyo lahat lahat ng hinilin ni faust. Inakala pa nya nuon na  hindi naman pala ganuon kasama ang demonyo. Ang demonyo nagpakilala bilang si Mephistopheles. Sa kasulatan binigyan ng palugit si faust, 24 na taon lamang ang ilalagi nya bago sya kuhanin ng demonyo.

Matapos nito naging masaya si Faust, lagi nyang tinatawag ang demonyo at lagi naman itong pumupunta. Binigyan sya ni Mephistopheles ng sandamakmak na pagkain at maraming babae. Tinanong din ni Faust ang tungkol sa langit at impyerno at kung papaano nagkaroon ng rango ang mga demonyo matapos ang pagbagsak ni lucifer.

Matapos ang 8 taon, hiniling ni faust na isummom ni Mephistopheles ang kanyang boss na si beelzebub, subalit ang dumating lang ay si Belial. Gayunpaman, hiniling nito na dalhin sya sa impyerno dahil gusto nya itong makita. Habang naghihintay, nakatulog si faust. Pag gising nito ay nasa isa na syang abyss, punong puno ng kakaibang hayop, nakakasulasok na amoy, apoy, kidlat at napakainit sa lugar nato. Nakita nya rin ang mga mayayamang tao, nasusunog sa ilalim nito. Alam ni Faust na hindi nya kakayanin ang impyerno.

Nuong ika 23 taon na ng kanyang kontrata, hiniling nito sa demonyo na isummoned si helen of troy. Dito nagkaroon sila ng anak at pinangalanan ni Faust ng  Justus Faustus. Nuong malapit na ang kataposn ng kanyang kontrata, nagkaroon ng depression si faust at natakot sa kanyang sasapitin. Nuong gabi bago matapos ang kanyang kontrata, tinawag nya ang kanyang mga estyudyante para sa huling pagkakataon na magtuturo sya, matapos nitong magturo lahat sila ay dumiretso sa isang inn para duon magpahinga. Sa pagitan ng alas dose at ala una, nakaramdam sila ng malakas na hangin, kasunod ay isang musika, nakakakilabot na musika na bumalot sa buong inn, kasabay nito ay ang pagsigaw ni faust.

Nuong buksan na nila ang kwarto ni faust, nakita ng mga estyudyante ang kwarto nito ay punong puno ng dugo, ang utak nito sumambulat sa pader, ang mata, ngipin lahat nagkalat. Habang ang kanyang katawan naman ay gumagalaw pa, nangignisay pa ng makita ng estyudyante. Si Helen at justus ay hindi na rin nakita pa.

Nuong nilibing si Faust, nakita ng mga estyudyante nya ang isang diary. Lahat ng nangyari kay faust ay nakalagay dito. Pati na rin ang pakikipagkasundo nya sa demonyo.

Christoph Haizmann:

Isa syang pintor na nagttrabaho sa Bavaria at Austria nuong late 17th century. Nuong August 29 1677, nagcollapsed si christoph, nakita sa kanyan ang mga senyales ng isa sumpa ng mangkukulam. Nuong tinanong sya ng mga awtoridad, sinabi nya na nakipagkasundo ito sa demonyo para makatakas sa hirap ng buhay at depression. Ayon sa kanya, pumayag syang maging anak ng demonyo dito sa mundo.

Nuong narinig ni Leopold Braun, isang catholic priest sa lugar nila, agad syang humingi ng tulong kay Abbey of Mariazell para maexorcise si Christoph. Matapos ang ilang session, si Christoph ay nagkaroon ng vision, kung saan ang demonyo ay lumitaw sa kanya bilang isang napakalaking dragon  at dala-dala nito ang kontraka. Ayon sa kanya, nakuha nya ang kontrata at sinara ito.

Matapos nito, nawala na ang simtomas kay christoph at nagpatuloy syang magpinta, subalit karamihan ng kanyang artwork ay patungkol pa rin sa demonyo. Bumalik ang sintomas ng posession sa kanya nuong tumira ito sa kanyang kapatid na babae at aswa nito. Sinulat nya ang mga nangyari sa kanya, pinaliwanag nya na ang demonyo ay pumupunta sa kanya para akitin sya ng mga yaman at lahat ng mga bagay, ang anghel bumababa din para enganyuhin sya na mabuhay ng maayos. Inoexorcise ulit siya at matapos nuon nawala na naman ang mag sintomas.

Si haizmann ay nanatiling relihiyoso hanggang sa katapusan ng kanyang buhay.

Pope Sylvester II:

Si Pope Sylvester II ay isa sa pinaka matalinong tao nuong panahon nya. Mahusay ito sa math, asntronomy at mecahics. Sya din ang nag introduce ng arabic numerals sa western europe. Si Pope Sylvester II ay ang unang french pope na nakilala nuong 10th century. Subalit si Pope Sylvester II ay mayroong kwento, isang natatagong sikreto.

Ayon sa alamat, habang nagaaral ito sa muslim cities ng cordoba at seville, inakusahan ito na nagaaral din ng mahika. Nakuha ni to ang mga libro mula sa isang arab philispher sa spain. Tumakbo ang pope at naghanap ng matataguan. Ang mga biktima, naghanap din ng marunong sa mahika para masundan ang pope, subalit nakatunog ito kaya mas nakapagtago ng maayos.

Pinaniniwalaan na si Pope Sylvester II ay gumawa ng isang ulo na gawa sa pilak. Ang ulo na ito ay tatanungin nya at sasagot ito ng Yes or No. Pinaniniwalaan din na sya ay nakipagkasundo sa babaeng demonyo na si Meidiana matapos nitong mabigo sa pagibig. Ito rin ang tumulong sa kanya para makuha ang posisyon na pope. Ang isang kwento naman ay nakipagpustahan daw ito sa demonyo sa pamamagitan ng dice.

Habang ang isang kwento naman patungkol sa pope ay tungkol kay meridiana. Sinabi nito na wag syang magmimisa sa Jerusalem dahil ang demonyo ay kukunin sya. Si Pope Sylvester ay kinansela ang pilgramage nito sa gerosalem subalit nuong nagmisa ito sa Roma, sa simbahan ng Holy Cross of jerusalem, agad itong nagkasakit hanggang sa namatay. Ang isang bersyon naman ay habang nagmimisa daw ito ay biglang lumitaw ang demonyo at pinaslang sya.

Ano’t ano pa man, ang kwento ni pope sylvester ay hango lamang sa alamat. Hindi natin sigurado kung ito nga ay nangyari sa totoong buhay.

Robert Johnson:

Si Robert Johnson ay isang Musucian. NAsa top 5 sya out of 100 na guitarist nuong panahon nito. Ayon sa kwento, gusto nitong maging sikat na gitarista at nakipagkasundo sa demonyo. Sa crossroad sila nagtagpo kinuha ng demonyo ang kanyang gitara at nagpatugtog ng ilang kanta sabay binalik kay Johnson.

Nuong naging matunog ang issue patungkol sa pakikipagkasundo sa demonyo, hindi man lang ito dineny ni Johnson, bbagkus sinabi nya pa na sya ay nakipagkasundo sa hari ng kadiliman.

Nakapagproduce siya ng 6 na records bago sumakabilang buhay nuong ito ay 27 years old. Ang pagkamatay nito ay kontrobersyal dahil pinaniniwalaan na sya ay nakipagrelasyon sa taong may asawa at inofferan ito ng inumin kung saan ang inumin ay may lason na nilagay ng asawa ng babae. Ang lokasyon ng libingan ni Johnson ay hindi pa rin natatagpuan magpasa hanggang ngayon.

St. Theophilus of Adana:

Si Saint Theophilus of Adana o Kilala din sa tawag na Saint Theophilus the penitent ay isang cleric nuong 6th century at pinaniniwalaang nakipagkasundo sa demonyo. Si Theophilus ay isang archdeacon sa Adana Cilica. Para sa mga hindi pamilyar, ang archdecon mga boss ay senior cleric sa isang simbahan. Naelect sya bilang bishop pero hindi nya ito tinaggap dahil sa humility o pagkahumble nito. Dahil dito kumuha sila ng panibagong bishop. Nuong deiprived sya sa kanyang position ng bagong bishop, pinagsisihan nya na hindi nya tinanggap ang posisyon at dahil dito naghanap sya ng isang wizard at kinontrata si satanas.

Pumayag naman si taning sa kundisyon na i renounce nya si Kristo at si Virgin Mary at kailangan nyang pirmahan ang kontrata ng sarili nitong dugo.

Matapos ang ilang taon, natakot ito para sa kanyang kahahantungan. Nagrepent  ito at nagdasal sa birheng maria oara mapatawad. Matapos ang 40 days ng kanyang fasting, ang birheng maria ay nagpakita sa kanyan at binasbasan sya. NAgsumamo at nagmakaawa si Theophilus at nangako si Maria na mag intervene sa kontrata nila kabiyak ang panginoon. Nagpatuloy ang fasting nito ng 30 more days at lumitaw muli ang birheng maria at pinatawad na ito sa kanyang mga kasalanan. Subalit hindi ganuon kabilis bumigay si taning, nagfasting pa ito ng 3 days. Nagising ito na ang kontrata ay nasa kanyang dibdib. Agad nya itong kinuha at pumunta sa bishop kung saan nagconfessed sya sa lahat ng kanyang mga kasalanan.

For now these accounts na lang muna. I know marami pa especially sa mga old history natin. In any case, sana may natutunan kayong bagong impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nakakahawa ang hikab?

Mga Martir na Namatay ng Napakasakit