Mga kilalang tao na nakaranas ng Near Death Experience

Reading Time: 10 minutes

Isa sa mga naging popular na mga near death experience ay walang iba kundi ang karanasan ng mga artista. Breaking news kapag ang artista ay nadisgrasya o hindi naman kaya nag agaw buhay. Mas breaking news kapag nabuhay muli ito at puputaktihin na ng mga media tungkol sa kanyang nararamdaman at karanasan. Dahil pala sa copyright system, ililink ko na lang ang mga video interview na mahahanap ko for easy access. Without further a do, Simulan na natin mga boss.

George Foreman:

Si Georgeforman ay isang dating boksingero at naging 2 time world champion sa heavwweight at isa ring olympic medalist. 1977 nuon, si foreman ay nakipaglaban sa isang puerto rico na si Jimmy Young. Tumagal ng 12 rounds ang kanilang laban at in the end napunta sa hunanimous decision. Pero si Jimmy ang nanalo.

Matapos nito ay pumunta na sya sa kanyang dressing room. Sa kasamaang palad, ang air condition nuon ay sira kaya ang init ng katawan nya ang nagpadagdag ng nararamdaman nya. Patuloy sya sa paglalakad paikot ikot ng dressing room para macool down. Ilang saglit lang ay natakot na ito sa kanyang buhay dahil nalala nya ang mga boksingerong namatay matapos ang kanilang laban.

Maya maya pa biglang merong nagsalita sa isip nito. “naniniwala ka sa dyos diba? Bakit takot kang mamatay?” Mas lalong kinilabutan si Foreman. Ito ang unang pagkakataon na sobrang takot nya. Naniniwala sya sa dyos pero hindi sya naniniwala sa mga relihiyon.

Ayon kay foreman, nuong naranasan nya ito, parang nireview ang kanyang buhay. Nakita nya ang mga masasayang panahon na parang isang video tape na pinastforward. Sa puntong yon, alam nya na mamamatay na sya at nagsimulang umiyak. Sinubukan nya ding suhulan ang narinig nyang boses, sabi nya ipapamigay nya ang kanyang pera sa mga mahihirap. Pero sabi ng boses, ayaw nya ng pera, mas gusto nya si foreman. Maya maya pa sinabi nito na naniniwala sya sa dyos pero hindi pa sa kamatayan. Matapos nito ay nagcolapse sya at naranasan ang out of body experience. Ayon sa mga doctor, si Foreman ay napagod ng husto at nakaranas ng heatstroke.

Inilarawan ni Foreman ang kanyang karanasan. Sabi nya bigla daw syang napunta sa isang madilim na lugar, parang isang bottomless pit kung saan nakalutang lang ito sa gitna ng kawalan.  Wala syang makita poero alam nya na merong mga ibang tao sa lugar na ito, isang mabaho at nakakasulasok na lugar. Ang lugar na kanyang napuintahan ay walang liwanag, walang pagmamahal at walang kasiyahan.

Sumigaw si foreman ng pagkalakaslakas. Wala syang pakialam kung nasa kamatayan na sya, Naniniwala pa rin sya sa panginoon. Nuong sinigaw ito ni foreman, lumitaw ang isang malaking kamay at kinuha sya at nagising na lang sya na nakhiga sa kanyang dressing room. nuong nakaupo na ito sa, nagkaroon sya ng vision ng diyos. nakita nya si jesus, nakatayo, mayroong mga tinik sa ulo nito at nagsimulang dumugo ang ulo ni foreman. Nakaramdam sya ng init, ng sobrang pagmamahal na parang pinanganak syang muli, nawala lahat ng emosyon. Bigla itong tumayo at pinagyayakap ang mga nasa dressing room at sinabing mahal na mahal nya ang mga ito.

Simula nuon, si Foreman ay hindi na takot mamatay, sabi nya nakita nya ang kapayapaan at kasiyahan sa piling ng panginoon. Nuong huminto si Foreman sa pagboboxing, naging reverend ito ng church of the lord jesus christ sa houston.

Ozzy Osbouurne:

Si ozzy ay isang singer, songwriter at TV personality at mas nakilala nuong 1970 sa bandang Black Sabbath. Nuong 2003 si osbourne ay naaksidente ng 2 beses sa ATV  kung saan nacoma ito ng 8 araw dahil sa multiple injuries nito. Ayon kay osbourne mabilis daw ang kanyang sasakyan at wala itong helmet. Kasama nya ang kanyang bodyguard sa ATV. Natamaan nila ang isang bukol ng lupa at nagsimulang gumewang gewang ang kanilang sinasakyan. Dahil sa bilis, nagpgulong gulong sila kasama ang ATV. Nuong huminto na ang ATV nilapitan na ito ng iba pang mga kasama nito.

Ayon kay osborne, hindi nya alam kun nasaan sya o kailan pa sya nasa status na ganun. Nakakita sya ng liwanag sa gitna ng kadiliman pero walang mga esperitu o walang kahit ano.

Eric Robert:

Si eric roberts ay kapatid ni Julia roberts na kilala sa amerika. Nuong June 1981, 25 years old nuon si robert ng nainvolve ito sa car accident. Nagkaruon ito ng brain injury at nacoma. Nuong nacoma sya, naranasan nya ang Out of boidy experience. Nuong nakabalik na ito mula sa kanyang coma, nagkaroon ito ng server memory loss. Nakita nito ang dalawang romanian at hindi nya ito matandaan. Ayon sa mga ito, kilala nila si Eric at dahil daw sa injury kaya nawala ang memory nito, binigyan din ng instructions si robert na inumin ang partikular na gamot para bumalik ang kanyang ala-ala. Nuong nakalabas na si Robert ng hospital, sinunod nya naman ang sinabi ng dalawa at bumalik nga ang alala nito nuong nadisgrasya sya. Ang kakaiba dito ay wala namang nakakitang 2 romanian na pumasok sa hospital o pumasok sa kwarto nito.

Naalala nito na nakaranas sya ng out of body experience. Nakita nito ang kanyang katawan na nakaratay. Nilapitan nya ang kanyang mukha at narramdaman nya ang sarili nyang hininga. Matapos nito ay unti unti syang umangat hanggang sa ang kanyang kama ay kasing laki na lang ng isang kuko. nuong nagising si Eric mula sa kanyang pagkacoma, wala itong gaanong maalala.

Ayon kay eric, sinabi ng 2 matandang romanian na mukhang magasawa na uminom sya vasta macoline para magamot ang kanyang memory loss at matapos ang isang buwan kailangan nya namang uminom ng aslvital o gerovital. Sinulat ito ng 2 matanda at umalis na. Nuong nakalabas na si eric ng hospital, pumunta sya sa pharmicists at tinanong ang mga gamot. dito nya nalaman na ang aslavital o gerovital ay isang memory enhancer at ang mga gamot na ito ay hindi aprubado ng FDA. Gayunpaman, binili ito ni eric at sinunod ang 2 matanda. Isang linggo matapos nito, unti unti ng bumalik ang kanyang memorya.

Sharon Stone:

Si sharon stone ay kilalang kilala sa Amerika. Nagkaroon ng brain hemorage si sharon nuong 2001. Ayon kay sharon, muntik na syang mamatay dahil sa internal bleeding sa kanyang utak. Nang yari ang NDE experience ni sharon nuong nagpa MRI ito. Wala na syang malay nuong pinasok sa MRI at nuong ilabas na sya sa MRI tube, ang mga doctor ay agad syang kinausap. Parang isang liwanag na sumabog, purong puti. Nakita nya ang mga taong kilala nya na pumanaw na at nakipagusap sya sa mga to. Napakaganda daw ng pakiramdam nya at sobrang ganda ng paligid. naramdaman nya ang pagmamahal at hindi sya natakot. Ayon sa kanya, ang kamatayan ay isang magandang regalo, hindi ibig sabihin na patayin mo ang sarili mo pero kapag kumatok na ito sa pintuan mo, buksan mo ito at yakapin. Ang liwanag palakas ng palakas hanggang sa bumalik na naman sya sa kanyang katawan.

Tracy Morgan:

Kagaya ng ibang nakalista dito, si Tracy Morgan ay isang artista sa amerika. Nuong June 7 2014 naaksidente ang mini bus nito at nagkaroon sya ng brain injury, nabali ang paa at ilang mga ribs nito. Sa kasamaang palad, nasawi ang kaiban nitong si James Mcnair sa parehas na aksidente. Si Morgan ay nacoma at nakaracover matapos ang 10 araw subalit pag gising nya sa coma, hindi sya makakita ng 6 na araw. Ayon pa kay morgan sumagi sa isip nya ang magsuicide. Dahil hindi nya matanggap ang pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan.

Nuong nasa coma ito, naranasan nya ang NDE at nakita nya ang dyos at nareunite sa kanyang ama na si Jimmy Morgan. Nuong nakita nito ang kanyang ama, nakasuot ito ng berdeng kasuotan. Ang kanyang ama ay pumanaw nuong 1987 sa sakit na AIDS. Sinabi nito sa kanyan na hindi nya pa oras, at hindi pa handa ang kanyang ama na tanggapin sya. Ayon din kay Tracy, nakausap nya ang dyos at sinabing may plano pa sya dito.

Ito muna sa ngayon mga boss, sa susunod na video ang grupo naman ng mga tao na nakaranas ng Near Death o out of body. Maraming salamat sa panonood mga boss.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Sino ang gumawa ng pagibig?

Bakit hindi nababasa ang dahon ng gabi?