Mga kakaibang palaka

Reading Time: 5 minutes

1.

 

Ang Malagasy rainbow frog ay nakatira sa mabato at tuyot na kagubatan ng Isalo Massif sa Madagascar. Ang mga palakang ito ay nkaraniwan matatagpuan sa mga pansamantalang grupo ng tubig na matatagpuan sa canyon. Ang palakang ito ay magaling umakyat sa mga mababatong lugar. Kapag sila ay nakaramdam ng panganib, sila ay hihigop ng hangin na syang ikalalaki ng katawan nila at magsisilbing depensa sa mga predators.

 

2.

 

Tinatawag ito na crystal frog sa kadahilanan makikita mo ang laman loob nito. Ang palakang ito ay nasa listahan na ng mga endangered species kaya naman bibihira na lang silang makita sa mga kagubatan.

 

3.

 

Ang atelopus frog ay kilala sa maraming pangalan kagaya ng clown frog o di naman kaya ay costa rican Variable Harlequin Toad. Ang palakang ito ay neo tropical at nuon ay kalat na kalat sa costa rica at panama. Subalit sa ngayon, ang mga species nila ay critical endangered na at pinaniniwalaan ang mga huling nilalang ng mga ito ay makikita na lamang sa panama.

 

4.

 

Ito ang pinakamaliit na palaka. Kung tutuusin, ang mga malalaking hayop kadalasan sa mga kabundukan nakatira, at ang mga maliliit naman ay nasa ibaba ng bundok pero itong maliit na palakang to ay matatagpuan sa Andes mountains sa may kataasan ng bundok. Kadalasan silang nakikita sa may 9,925 hanggang 10,466 feet.

 

5.

 

Okay, dahil kanina maliit, ngayon pumunta naman tayo sa pinakamalakit. Kilala ito sa tawag na Goliath Frog. Kaya nitong lumaki ng 13 inches at may bigat na 3 KG. Ang palakang ito ay matatagpuan lamang sa West Africa malapit sa may gabon. Ang goliath frog ay kayang mabuhay hanggang 15 taon. Karaniwan kinakain nito ay mga alakdan, insekto at pati maliliit na palaka. Sila ay may malakas na pandiding pero walang vocal sac o ung lumulubo sa ilalim ng kanilang mga bibig.

 

6.

 

Ang mga palakang ito, kagaya ng kulay nila ay kilala sa tawag na red mantella frog. Ang mga palakang ito ay maliliit lang din. May liit iton 2.5 centimeters o 1 inch lamang. Sila ay matatagpuan sa madagascar. Ang palakang ito ay poisonous.

 

7.

 

Pumunta pa tayo sa isang nakakalason na palaka, ang poison dart frog. Ang balat nila ay kulay sapphire blue. Karaniwan silang matatagpuan sa Central at South Amerika. Hindi kagaya ng iba nitong kalahi, ang palakang ito ay diurnal o aktibo tuwing umaga. Ang lason nito ay hindi pare parehas, pag mas matingkad ang kulay ng isang palaka, mas malakas ang lason nito.

 

Tinawag silang dart frogs dahil sa kakayahan umano nito na magpatalsik ng lason na parang isang blowdart. Subalit sa 170 na naitalang palaka, 4 lamang dito ang nadokumento na nakagawa ng nasabing poison dart.

 

8.

 

Kilala ito sa tawag na Ornate horned frog pero mas kilala ito sa bansag na pacman frog. Ang pacman frog ay matatagpuan sa south america. Ang mga palakang ito ay mga voracious eater o mga matatakaw, sa katunayan lahay ng gumagalaw na malapit sa bibig nito ay susungaban nya kahit na ikamatay nya pa dahil mabulunan sya, lulunukin nya pa rin ito.

 

9.

 

Ang chile darwin frog ay normal na nakikita nuon. Subalit ng dumating ang taon ng 1978 duon sila unti unting naubos at pinaniniwalaan na isa na itong extinct na palaka. Karaniwan silang nakatira sa mga dahon o hindi naman kaya sa ilalim ng puno para na rin sa camouflage nila. May kakaiba itong parenting technique. Ang lalaki ang karaniwan nagdadala ng mga itlog at inilalagay nya ito sa kanyang vocal sac. Matapos ang 8 araw mapopisa na ang mga itlog at mararamdaman nya na gumagalaw na ito sa kanyang bibig, ang tatay, pupunta sa isang lugar kung saan malapit ang tubig at saka papalanguyin ang kanyang mga anak.

 

10.

 

Ang vietnamese mossy frog ay matatagpuan sa vietnam at china. Karaniwan itong matatagpuan sa mga rainforest. Kadalasan makikita silang nakasiksik sa mga kweba o di naman kaya sa mga puno.

 

Ang palakang ito ay ginagawang pet at nagkakahalaga ng 45-75$ bawat isa.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

SM Supermalls

Naghihingalo na daw ang earth gaano kaya katagal tayong mabubuhay dito?