Meron bang bigfoot ng pinas?

Reading Time: 11 minutes

Bigfoot pa rin tayo mga boss. Ang katulad na nilalang ng bigfoot ay hindi na bago sa mythology. Maraming mga kwento na halos kamukha ng isang bigfoot. Kagaya nga ng sinabi ko, dito sa atin, ang kaperahas ng bigfoot ay ang amongmongo pero ito ay more on ape side kumpara sa bigfoot. Ilan dito sa mga babangitin ko ang kilala ninyo?

Mongolia:

Kilala ito sa tawag na Alma sa Mongolian. Ang alma mga boss ay hindi babae, bagkus ang ibig sabihin nito ay “wildman”.

Si Professor Boris Porchnev ng Moscow Academy of sciences ay nagcompile ng mga eyewitness tungkol sa nilalang na ito at ayon sa kanya, kadalasan makikita ang balat nito at ang hugis ng ulo y cone shaped, ang ngipin nito ay katulad ng isang tao pero mas malalaki ito at mas nakahiwalay ang mga pangil.

Kaya din nitong tumakbo ng mabilis. Kasing bilis ng isang kabayo. Ayon pa sa kanya, ang mga mag-asawang alma ay naninirahan sa ilalim ng lupa kadalsan kinakain ang mga maliliit na hayop at kumakain din sila ng gulay. Lumalabas lang ito pag gabi at meron din itong mabahong amoy.

Dahil na din sa mga kwento tungkol sa alma at kaparehas na nilalang sa central asia, naniniwala ang ibang mga tao na ang mga alma ay ang ating ninuno na nakaligtas at hindi nag evolved.

Southwest Alaska:

Ang Lake Iliamna ng alaska ay napapaligiran ng makakapal na kagubatan, at sa lugar na ito pinaniniwalaang nakatira ang isang kakaibang nilalang. Isa itong hominid na mayroong laki na umaabot ng 10 feet at mayroong itim na balahibo.

May iialn ilan na ding nagreport na nakita nila ang nilalang na ito na tinawag na Urayuli. Nuong 1999, isang grupo ang nakadiskubre ng mga malalaking bakas ng paa malapit sa Belkofski Bay. Sa parehas na taon, may nagreport din na mayroon silang nakitang malaking unggoy na mayroong mahahabang kamay at nakatayo sa dalawa nitong paa. Ang nilalang na ito ay may taas na 13 ft.

Ayon naman sa mga alamat, ang mga batang naliligaw sa kabundukan ay nagiging urayuli.

Sri Lanka:

Inilarawan ito ni Pliny the Elder nuong First Century Common era. Isang tribo na naninirahan sa sri lanka, naninirahan ito kasama ang mga ibang tribo na tinatawag na Veddahs. Ang mga veddahs ay mga totoong nilalang at sila ay may kwento tungkol sa pagsugpo nila sa nitaewo.

Ayon sa alamat, ang mga veddah ay takot sa mga nittaweo  o ung mga beast men dahil sa bangis nito. Kaya trinapped nila ito sa isang kweba at hinarangan ng mga kahoy at saka nilayaban. Ang usok ang nagsilbi nilang kamatayan dahil hindi na ito nakahinga pa.

Ang mga nittaweo ay katulad ng mga orangutan, magagaling silang umakyat ng puno at nababalutan din sila ng balahibo na kulay dark red. Ang kanilang mga boses ay katulad ng isang ibon. Kagaya ng nabanggit ko tungkol sa alma, ang mga nittaweo ay pinaniniwalaang isang ancient hominid na minsan ding nanirahan dito sa ating mundo.

Pakistan:

Sa Girna ng eastern Afghanistan at sa shishi kuh valley ng pakistan ay pinaniniwalaang nakatira ang isang nilalang na tinatawag na Barmanu o Hairy one.

Ang barmanu ay nakilala sa buong mundo dahil sa spanish cryptozoologist na si Jordi Magraner. Inilarawan nito na nakasuot ito ng balat ng isang hayop at mayroong mabahong amoy.

Ang team ni Magraner ay pabalik balik sa rehiyon mula 1992 hanggang 1994 para pag-aralan ang nasabing cryptids. Dito nalathala nila ang mga kakaibang bakas ng paa at kakaibang tunog sa gabi. Pinagpatuloy ni Magraner ang kanyang pagreresearch subalit nuong dumating ang August 2 2002, sya ay pinatay ng kanyang pakistani guide. Ilang linggo lang bago ito bumalik sa europe at ipublish ang kanyang findings.

China:

Ang yeren ay isang bigfoot na pinaniniwalaang matatagpuan sa Shennongjia region, northwestern ng hubei province.

Iba’t iba ang paglalarawan sa nilalang na ito. Ayon sa ibang kwento maliliit lamang ito at mabubuhok ang katawan habang ang iba naman nagsasabing isa daw itong higante na mayrroong grayish red na buhok at mayroong human and ape features.

Dahil sa pabago bagong description, ang mga iba ay naniniwala na ito ay mga oso lamang o di naman kaya mga gibbons na naninirahan din sa rehiyon.

Ayon naman sa isang alamat, dating back 1716-1798, inilarawan ni yuan Mei ang isang nilalang kung saan sinabi nya dito na “monkey-like, yet not a monkey.”.

Ayon sa mas matandang alamat, ang first chinese emperor nuon ay pinapatrabaho ang kanyang mga tao para itayo ang great wall at dahil nga ito ay forced labor, ang iba ay against dito pero wala silang magawa kaya ang kanilang natatanging option ay tumakas at pumunta sa kabundukan. Dito nagkakaroon sila ng mga buhok sa buong katawan at pinaniniwalaan na magiging wildmen.

Nuong 1976, isang grupo na nagttrabaho sa gobyerno ang nakaencounter ng isang yeren sa daan patungong hubei province. Dahil dito nagkaroon ng paghahanap sa nasabing nilalang. Ang mga lokal ay nagbigay ng mga balahibo at mga jebs na pinaniniwalaang galing sa yeren subalit walng direct evidence na makakapagpatunay na ito ay totoo.

Vietnam:

Ang nguoi rung o Forest people ay isang ape like hominid creature. Kadalasan tinatawag din silang Batutut o Ujit. Ang mga nilalang na ito ay nakitara sa makapala na kagubatan ng vietnam,.

Kagaya ng sa china, iba’t iba din ang description ng nasabing nilalang. Ang ibang nakakita sinasabi na ito daw ay may kulay abo, brown o hindi naman kaya reddish na balahibo, lumalakad din ito ng nakatayo, kagaya ng isang tao.

Nuong 1974, naging widespread ang sigthings sa mga nilalang na ito at nakarating ito sa mga militra. Si General Hoang Minh Thao na isang commander ng North Vitnamese Forces sa central highlands ay nagutos na isurvey ang lugar at hanapin ang mga nilalang na ito. Wala namang nakita ang mga suerveyor pero meron silang nakitang kakaibang mga bakas ng paa.

Dahil sa ebidensyang ito, pinaniniwalaan na ito ay posibleng meganthropus, homo erectus o neanderthal. Habang si Bernard Henvelmans naman, na isang cryptozoologist ay naniniwala na isa itong homo pongoides o ang minessota iceman.

Europe:

Ang europe ay mayroon ding kwento tungkol sa parehas na nilalang. Ito ay mas kilala sa kanila sa tawag na “Wild man of the woods”. hindi na iba ang mga wildmen sa europe sa katunayan, nasasama pa sila sa mga depiksyon o larawan, indikasyon na sila ay posibleng mga totoong nilalang.

Ayon naman sa ibang cryptozoologist, ito ay mga normal na tao lamang at nanirahan lang sa kagubatan kung saan nagkakaroon sila ng mga balahibo sa katawan  dahil na din sa kanilang mga kinakain. Subalit nuong dumating na ang modern age, unti unti na rin silang nawala.

Siberia:

Ang Chuchunaa o outcast ay isang hominid cryptid na nakitra sa syria. Ito ay may umaabot ng 6 ft at mayroong makakapal na kilay, buhok at balbas. Maraming naniniwala na isa itong survivor ng Neanderthal o Homo gardarensis. Ang mga ito ay kadalasang nakikitang nakasuot ng balat ng usa.

Nuong 1933, si professor P. Dravert ay pinakiusapan ang soviet government na kilalanin ang mga ito na citizen ng soviet union dahil na din sa patuloy na paghuhunting sa mga ito. Pero walang nagawa ang kanynag pagsigaw sa gobyerno. Dumating ang 1970, ang geologist na si Vladimir Pushkarev ay nagcoduct ng research sa mga nilalang na ito at ayon sa kanya, ang mga ito ay paunti na ng paunti habang tayong mga tao ay winasak ang kanilang mga tahanan.

Ayon sa ibang reports, ang mga chuchunaa ay mga cannibals at kadalasan nagnanakaw ito ng mga pagkain at supplies sa mga campsites. Gayunpaman, walang concrete evidence na ang nilalang na ito ay totoo.

Philippines:

Sympre hindi makukumpleto ang ating listahan kung wala ang sariling atin. Ang amongmonogo mga boss ay isang puting gorilla o albino ape na pinaniniwalaang nakatira sa paanan ng mt. kanlaon sa negros occidental. Mayroon itong mahahabang kuko na syang ginagaimit nito sa pagkuha ng pagkain, kadalasan mga manok, kambing, aso at iba pang maliliit na hayop kung saan hinihiwa nito ang katawan at kinakain ang lamang loob. Ito ay may taas na 5 feet 4 inches.

Malamang narinig nyo na tong balitang ito pero sa mga hindi pa, ang amongmongo ay muling lumitaw kamakailan lamang. June 9 at 10 2008, sa cabungbungan, barangay  sag-ang, la astellana ay nailathala ang isang pangyayari.

Ayon kay Elias Galvez at Salvador Aguilar, sila ay inatake ng isang mabalahibong nilalang at mayroong mahahabang kuko. You might say gawagawa lang pero si Aguilar ay dinala sa emergency clinic para magamot ang ilang mga sugat sa kanyang katawan. Si Galvez naman ay nakaligtas dahil sa mga kasama nito. Magkaibang tao to mga boss ha, i mean magkaibang pangyayari.

Pinaniniwalaan na ito rin ang dahilan ng pagkamatay ng mga manok at kambing kung saan wala na ang mga laman loob nito na nireport 1 buwan bago ang pangyayari. Gayunpaman, hindi na muli itong umatake pa. Maraming naniniwala na ang amongmongo ay isang albino ape lamang, pero imposible ito mga boss dahil walang albino ape dito sa pinas. Heck, wala nga tayong ape eh.

Mga boss hanggang dito na lang muna. Sana ay may bago kayong natutunang impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang mga cyclops?

Paano nabubuo ang alon sa dagat? – COMPLETED