Mermaids

Reading Time: 20 minutes

Mga boss salamat sa mga nagrequest nito, ang mermaid o sirena ay mainit na topic dahil marami sa atin ang naniniwala na meron talaga nito. Sa katotohanan ang mga palabas na jesebel, marinella at iba pang mga palabas sa abs o gma ang syang nagpapalakas ng ating mga imahinasyon na meron talagang mga sirena na naninirahan sa karagatan.

Alam natin na mas marami pa ang tubig kung tutuusin. Halos kakaunti pa nga lang ang naeexplore natin sa sarili nating karagatan kaya halos may nadidiskubreng species bawat explore ng mga espesyalista. Kaya posible nga ba na merong sirena na nagtatago sa karagatan? Medyo mahaba haba to mga boss pero sana hindi kayo mabore. Magsimula muna tayo sa umpisa mga boss.

History:

Kung titingnan natin ang history, ang unang mermaid na nakita ay nakapinta sa isang kweba nuong late palaeolithic stage o nuong sttonage mga boss. Ang kaunaunahang kwento na lumitaw ang mermaid ay matatagpuan sa assyria nuong 1000 BC. Habang ang mga reports at sightings naman ng mga nasabing sirena ay maittrace back mula sa mga early arabs nuong 586 AD. Maraming mga medieval sailors ang nagsasabi na nakakita sila ng mga sirena at nagpatuloy ito hanggang 1900’s.

Bible:

Ang mga sirena ba ay ginawa ng panginoon? sila ba ay nasabi sa bible kahit man lang isang linya? Amazingly mga boss oo, hindi oo na ginawa sila, oo na makikita ang reference nila sa bible. 1 samuels Chapter 5 verse 2:
“2 When the Philistines took the ark of God, they brought it into the house of Dagon, and set it by Dagon.” Si Dagon mga boss ay ang ancient mesopotamian at canaanite deity. Siya ay ang fish god o isang merman. Yan lang mga boss ang reference sa bible ng sirena. Altho ito ay isang merman, maiuugnay pa rin natin ito sa isang sirena.

First Mermaid:

Si Atargatis ay ang great goddess ng northern syria kung saan pinamumunuan nito ang karagatan. Ito ay mermaid like feature at pinaniniwalaang sya ang tumitingin o gumagabay sa fertility ng kanyang mga tao. Katulad ng isang sirena, ang kalahating katawan nito ay tao habang ang pababang katawan naman ay isda. Ang mga syrians nuon ay nagtayo ng napakagandang templo na kaya nilang itayo at nilagyan nila ito ng mga sagradong isda bilang offerring kay atargatis.

Pinaniniwalaan nuon na si atargatis ay nainlove sa isang mortal na magtutupa at nagkaroon sila ng anak, ito nga ang maalamat na reyna na si Queen Semiramis. Dahil nga sa sya ay diyos at ang kanyang iniibig ay mortal, hindi ito nakaligtas sa kanilang banal na pakikipagtalik. Nuong nangyari ito, nalungkot si atargatis at nagtago sa ilalim ng karagatan. Hindi sya pwedeng mamatay at maging isda kaya ang kanyang katawan ay naretain ang pagkakabae at ang paa nya naman ay naging buntot. Sya rin ang inuugnay kung bakit ang mga ibang syrian ay hindi kumakain ng isda.

Ang kwentong ito ay na adopt din at nagin inspirasyon ng ibang kultura. Iba’t ibang pangalan, iba’t ibang kapangyarihan pero halos karamihan sa kanila ay maiuugnay kay atargatis.

Class:

Nereids:

Ang mga nereids ay kilala bilang isang napakagandang nilalang nuong panahon ng sinaunang greece. Ang nereids ay kilala din sa tawag na sea nymphs. Sila ay magaganda at inilalarawan bilang may buntot o hindi naman kaya may paa, Ito ay depende kung sila ay nasa tubog o wala. Pinaniniwalaan din na sila ang kasama ni Poseidon at minsan ang nagdadala ng trident nito.
Ang mga nereids ay mga matulingin, kadalasan tinutulungan nila ang mga mandaragat pag ito ay nangangailangan ng tulong. Isang kilalang kwento ng kabutihan ng mga nereids ay nuong tinulungan nila ang argonauts para hanapin ang golden fleece.
Pinaniniwalaan din na sila ay nanganganak at ang kanilang mga anak ay influential. Isan nereid ang nabuntis ni Zeus. Ang nereid na ito ay nagluwal ng lalaking sanggol na pinangalanang achills.

Sirens:


Isa pang klase ng sirena ang mga siren. Ang mga sirens ay ang mga kilala nating sirena. Pero sa katunayan 2 ang klase ng sirens mga boss.
Ang sirens mga boss ay inilalarawan bilang isang magandag babae simula bewang pataas. Subalit ang pababa nito ay isang katawan ng ibon. Ang mga sirens ay kumakanta para akitin ang mga mandaragat na pumunta sa isang lugar kung saan ang mga barko ay madidisgrasya dahil sasalpok ito sa bato o hindi naman kaya sa isang talon. Kapag ang mga sirens ay nagtagumpay sa kanilang pag-aakit at nagcrash ang barko, ang mga ito ay magliliparan papunta sa mga biktima at kakainin ang mga ito. May mga ibang istorya din na matapos nilang patayin ang mga mandaragat ay umaalis na ang mga ito.
Ang pangalawa ay ang sirens na sirena. Ito rin ang kilala sa mermaid mythology na lumaganap sa ancient creece. Hindi katulad ng mga nereids, ang mga sirenang ito ay malulupit. Katulad din ng kamag-anak nila na kalahting ibon, kalahating tao na sirens, pinaniniwalaan din sila ay mayroong magagandang boses na kayang umakit sa mga mandaragat. Ang mga sirens ay pinaniniwalaang nagdadala ng kamalasan at sa bawat madaanan nito kasunod ay ang kamatayan.

Selkies:


Para sa mga bagong nakarinig ng ganitong klase ng mermaids mga boss, ang mga selkies ay kinacategorized na mga mermaids altho meron silang kakaibang proseso. Ang mga selkies ay may kakayahang magbago ng anyo mula sa tao papunta sa pagiging hayop. Tinatawag itong therianthropy. Kapag gusto nilang pumunta ng lupa, tatanggalin nila ang balat nila bilang seal at itatago ito, kapag gusto naman nilang pumunta sa tubig ay susuutin nila ang balat na ito. Maraming kwento patungkol sa selkies sa icelandic area. Ayon sa kwento, may mga lalaki na nakapangasawa ng isang selkie, nuong dumaong ito sa lupa, tinago ng lalaki ang balat ng seal at dahil nga hindi na makita ang balat ng seal, hindi na makabalik ang selkie. Ang iba ay namuhay ng normal at nagkaroon ng anak habang ang iba naman ay nakita ang kanilang mga seal skin at bumalik sa dagat.

Merpeople:


Ang klase ng sirenang ito ay mula sa kwento ng “The one thousand and one nights”. Hindi ito katulad ng mga traditional mermaid stories. Ang mga ito ay halos kamukha ng isang tao. Sa katunayan, sa pisikal na itsura, wala itong pinagkaiba sa tao. Ang pinagkaiba lang nila ay ang kakayahan nilang huminga sa ilalim ng lupa.
Kagaya ng mga selkies, ang mga merpeople ay nagkaroon ng relasyon at pamilya sa isang normal na tao.

Merrow:


Ito ay ang sirena ng mga ireland. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay may kakayahang lumangoy sa kailaliman ng dagat dahil sa espesyal na sumbrero na nakasuot sa kanila. Ang cap na ito ay tinatawag na cohuleen druith at ang kulay nito ay pula. May ibang nagsasabi na ang kulay nito ay kumikikinang na kakulay ng balat ng isang salmon.

Ang mga dalagang merrow ay sobrang ganda, sa katunayan maraming nagsasabing perpekto ang mga ito dahil sa kanilang appearrance. Inilarawan sila bilang isang tradisyonal na mga mermaid, kung saan meron itong berdeng buhok at may palikpik sa kanilang mga paa at kamay. Sinasabi din na ang mga ito ay mababait sa mga tao at masyadong nagiging malapit sa mga lalaking tao. Kapag sila ay nagkaroon ng relasyon sa isang normal na tao, ang mga merrows ay tinatago ang kanilang mga sumrebro o ung cohuleen druith. Kapag ito ay hindi sinunod ng isang merrow, darating ang panahon na gugustuhin nyang bumalik sa dagat.

Folklore:

Si Melusine ay anak ng hari ng scotland. Inilalarawan sya bilang isang sirena dahil na din sa sumpa na binigay sa kanya sa paghihiganti sa kanyang magulang.

Ang nanay ni Melusine ay si Pressyne, isang diwata. Ang hari ay nabighana sa kagandahan ni pressyne hanggang sa naging asawa nya na nga ito. Isa lang ang hiniling ni pressyne, na wag syang makita ng kanyang asawa pag naglalabor na ito. Subalit dahil na din sa excitement na tripletts ang kanyag anak, hindi nacontrol ng hari ang kanyang emosyon at pinuntahan ang kanyang asawa. Dahil nga binali ng hari ang kanyag salita, si pressyne ay umalis kasama ang tatlong anak. Napalaki ni Pressyne ng maayos ang kanyang mga anak, si Melusine na pinaka unang nilabay ay nagtanong kung bakit duon sila dinala sa avalon. Ikwinento ni pressyne ang nangyari at dahil dito nagalit ang tatlo sa kanilang ama. Kinuha nila ito at kinulong sa isang bundok. Nuong nalaman ito ni Pressyne, nagalit ito sa mga anak nya at pinarusahan. Si Melusine ay binigyan ng sumpa na magbabagong anyo ang kalahating katawan nito tuwing sabado.

Ayon sa mga kwento, si melusin ay kalahating isda at kalahating tao, meron namang ibang kwentong nagsasabi na kalahating ahas daw ito.

Ayon naman sa british mythology, ang mga nilalang na ito ay delikado para sa mga tao. Ang pagdating ng isang sirena ay nagbabadya ng isang malakas na bagyo o hindi namna kaya masamang mangyayari sa dagat. Ang mga ito ay pinaniniwalaan ding ang mga ito ay mga violente at gagawa ng gulo kahit sa isang maliit na opurtunidad lamang. Ang mga sirenang ito ay lumilitaw sa mga barko bago sila mawasak mo maligaw sa dagat para lamang asarin ang mga taong sakay nito.

Ang mga sirena base sa british folklore ay kayang mabuhay sa fresh o salt water. Sa katunayan isang kwento patungkol kay Laird Lorntie ang naglarawan sa sirenang ito. Akala nya isang babae ang nalulunod sa isang lawa na nasasakupan ng kanyang lupain. Tutulungan nya na sana ang babae ng bigla itong pigilin ng kanyang alalay. Nakilala nito ang babae at sinabing isa itong sirena. Nuong nalaman ng sirena na hindi na tutuloy si Laird, sumigaw ito na kung tumalon sya ay lulunurin sya nito.

Sa UK maraming rehiyon na inilalarawan ang mga sirena na masasama at bad luck. Subalit iba ang mga sirena na nakatira malapit sa isle of man. Pinaniniwalaan na mas mababait ito sa mga tao. Ang mga sirenang ito ay kilala din sa tawag na ben varrey at sila ay tumutulong sa mga taong nangangailangan. Sa katunayan ang ibang mga tao ay binibigyan nila ng kayamanan, o hindi naman kaya tinuturo nila kung saan ito matatagpuan.

Sa Irish mythology naman, isang normal na tao na nagngangalang Li Ban ang naging isang sirena matapos ang isang kalamidad. Si Liban ay nakatira sa isang maliit na bahay kasama ang kanyang pailya nuong 858 BC. Maayos ang kanilang buhay, subalit isang araw, isang sibul ang biglang rumagasa mula sa ilalim ng kanilang bahay. Dahil sa lakas at bilis ng pagagos ng tubig mula sa sibol, ang kanyang pamilya ay nalunod. Si Li Ban lang at ang kanyang aso ang nakaligtas sa trahedya. Tuloy tuloy ang agos ng tubig hanggang sa ang kanilang tinitirhan ay lumubog na sa baha.

Si Liban at ang kanyang aso ay nanirahan dito ng isang taon at habang tumatagal, ang kanyang kalahating katawan ay nageevolve para mas maka survive sa ilalim ng tubig at ito nga ay naging buntot ng isda habang ang kanyang aso naman ay naging isang otter.

Nuong nagkaroon na sya ng kakayahang makalangoy sa tubig. Si Li ban ay inexplore ang karagatan ng ireland at nabuhay ng 300 taon. Kadalasan kumakanta ito at isang araw narinig ito ng mga mandaragat. Nilapitan nila ito at nakita nga nila si Li Ban. Ikwinento niya ang nangyari sa kanyang buhay at nagoffer ang mga ito na ibaptize sya ng sa ganun ay makapunta ang kanyang kaluluwa sa langit. Isang taon matapos nito, binawtismuhan si Li Ban at binasagang “Muirgen” na ang ibig sabihin ay sea born. Subalit namatay sya agad matapos nito at ang kanyang kaluluwa ay pumunta na ng langit.

Ang kapatid ni Alexander the Great na si Thessalonike ay pinaniniwalaang naging isang sirena matapos nitong mamatay. Ayon sa mga kwento, nakatira ito sa Aegean Sea. Kung saan nakilala sya bilang isang panganib sa mga naglalayag na barko. Kapag ito ay nakakita ng barko, lalapitan nya ang mga ito at tatanungin kung buhay pa ba ang kapatid nya. Kapag sumagot ng oo, papakalmahin nya ang mga alon at malayang makakaalis ang barko subalit kapag hindi nya nagustuhan ang sagot ay talaga namang magsisisi ang mga nakasakay dito.

Sightings:

Nuong Mid 16th century, ang french naturalist na si Guillaume Rondelet ay nakakuha ng dalawang specimen na kamukha ng religious persons. Ito nga ang Monk at ang bishop. Ayon sa Enclopaedia Merpolitana of 1887, inilarawan ang mga ito na sea monk. Ang mukha nito ay isang tao subalit magaspang ito at mukhang katawatawa, ang kanyang ulo ay makinis at walang buhok, meron itong isang hood na katulad sa isang monghe habang ang ibabang parte naman ay may buntot.
Ang bishop fish naman ay nababalot ng isang kasuotan na parang katulad sa bishop. Dinala ang mga ito sa hari ng poland at diniklara ng hari na ibalik ang mga ito sa dagat at palayain.

Si John Smith ay nakakita din ng sirena sa newfoundkland nuong 1614, ayon sa kanya, meron itong mahabang bredeng buhok subalit ang itsura nito ay hindi maganda.
Si Christopher Columbus din ay nakakita ng sinasabing mahiwagang sirena sa may Dominican Republic. Ayon sa dokumento nito, bago sila umalis papuntang rio del oro, nakakita sya ng 3 sirena na lumatang mula sa dagat subalit ang mga mukha nito ay hindi magaganda, sa katunayan mukha itong mga lalaki.

Nuong dumating ang 1800’s dito na nagkaroon ng mga hoax sa katunayan, ito ang kilalang kilala na mermaid sighting. Ito mga boss ang Feejee mermaid. Nakuha nito ang mga mata ng publiko nuong dinisplay ni PT Barnum ang nasabing mermaid nuong 1840. Dahil nuon hindi pa ganun ka advance ang teknolohiya, maraming mga taong naniwala na isa nga itong mermaid kahit na ang itsura nito ay kakaiba sa mga kinkwento na mga sirean. Pero sa panahon natin, alam naman na natin na isa itong hoax.

Ngayon marami nang mga mermaid sightings kuno. Sa katunayan nito lamang 2012, ang animal planet nag release ng isang special na syang bumulabog sa natutulog na damdamin ng mga tao. Ito ay ang Mermaids, the body founds. Kung iyong papanoorin, napakaconvincing ng kanilang documentary. May mga scientists, evidence at iba pa. Pero mga boss, confirmed po na fiction lang ito. Pero dahil na nga sa ganda ng pagkakagawa at sa mga utak ng mga tao na naniniwala na meron talaga, marami pa ring naniniwala na totoo ito. Sa katunayan, ang NOAA o national oceanic and atmospheric administration ay nakatanggap ng sandamakmak na inquiries patungkol sa pagpapatunay ng sirena. Ang NOAA ay nag issue ng statement na hindi totoo ang mga mermaids.

Explanation:

Ang ibang mga siyentipiko ay naniniwala na ang sirena ay isang klase ng skin disease. To be precise, ito ang hyperkeratosis. Kung saan ang panglabas na balat ay kumakapal. Sa katunayan, tinatawag din itong mermaids curse. Isang pamilya sa scottish island ang nagkaroon ng ganitong karamdaman. Si Thompson na pinanganak nuong 1684 ay nagkaroon ng ganitong sakit, ang kanyang balat ay para bang kaliskis ng isda at nababalat ang kanyang katawan habang ang kanyang mukuha at leeg ay maayos naman.

Pinaniniwalaan din na ang mga ibang mermaid sigthings ay dahil na din sa mga manatees at dugong. Posible ito mga boss lalo na sa malayuan o madilim na lugar, mapapagkamalan talaga ang isang dugong na sirena, subalit sa mga reports na nakita nila ang mga mukha nito, ibang usapan nao un at ang mga dugong alam natin na hindi kayang kumanta.

Sakit:

Alam nyo ba mga boss na merong isang rare defect. Tinatawag itong sirenomelia. Ang mga sangol ay pinapanganak na ang kanilang mga paa ay magkadikit na parang isang sirena. Ang mga sanggol minsan isa lang ang paa, o hindi naman kaya dalawa pero magkadikit ito. Hindi alam ng mga siyentipiko kung bakit ito nangyayari pero pinaniniwalaan na ang environment at ang genetic ang naglalarong factor sa rare defect na ito.
Ang sakit na ito ay kadalasan nangyayari sa mga lalaki kumpara sa babae. Sa katunaya ang ratio nito ay 2.7 over 1, ang 2.7 mga boss ang mga lalaki.

Mga boss alam ko na wala man lang akong inexample dito sa atin na local, sa katunayan maraming istorya patungkol sa sirena dito sa pilipinas. DAhil na din sa mahaba na ang video, naisip ko na sa susunod na parte, dun ko ireresearch ang mga kwento patungkol sa sirena dito sa atin. Ang mga diyos ng dagat, sightings at iba pa, ididiscuss natin sa susunod na video. Sana mga boss may natutunan kayo sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ang Devil’s Triangle ng Pilipinas

Chinese new year