Megalodon

Reading Time: 13 minutes

Sa mga gamers jan panigurado pamilyar kayo sa call of duty easter egg regarding sa prehistoric na halimaw na to. O kaya naman sa mga movie enthusiast ang mga palabas na the meg. Para naman sa mga katulad ko, narinig natin ito sa discovery o di naman kaya sa nat geo. Ano nga ba ang megalodon mga boss at totoo nga ba ang mga ito? Ang video nga po palang ito ay request ni boss ino.

#1:

Ang mga pating ay lumalangoy na sa karagatan 450 million years ago. Ayon sa siyensya, ang buhay sa mundo ay nagsimula 3.8 billion years ago, nagsimula ito bilang isang bacteria. Ang unang isda na nalathala ng siyensya ay lumitaw 510 million years ago, ito ang mga ostracoderms na mga armored fishes pero mga jawless.  At ang unang pating ay lumitaw nuong 435-455 million years ago. Hindi pa masabi ang exact date mya boss kasi may disagreemeng sa mga pantehologist kung kelan sila unang lumitaw pero pinaniwalaan nasa ganong range ng taon.

Ang mga megaladon ay hindi lang specific sa isang lugar, sa katunayan ang kanilang mga pangil ay natagpuan na sa ibat ibang kontinente pwera lang sa antartica.

#2

Nitong mga nakaraang taon, pinaniniwalaan na ang laki ng megalodon ay nasa mga 100 feet. Pero habang tumatagal paliit ito ng paliit dahil ang mga pantheologist ay nakakadiskubre ng posibleng calculations sa eksaktong sukat ng isang megalodon. Ginagamit nila ang mga ngipin nito para kalkulahin ang posibleng laki. Base sa pagaaral, ang maximum average na laki ng isang megaladon ay nasa 59 feet pero merong iilan ilan na umabot ng 66 feet. Yan ang maximum average mga boss ha. Ang average size naman ng megalodon ay nasa 33 feet.

#3

Ang diet ng mga megalodon ay mga whales o iba pang mga cetaceans, ito mga boss ung mga whales, dolphins, narwhals at iba pa. Kumakain din sila ng malalaking pagong o pawikan. Ang mga pagong ay may matitibay na shells para protektahan sila pero wala itong silbi sa biting force ng isang megalodon. Kayang kayang wasakin ng isang kagat ang shell ng isang pagong. Sa katunayan, ayon sa pag-aaral, ang maximum bite force ng isang megalodon ay nasa 182,000 newtons o nasa 41,000 lbs o nasa 20.5 tons. Isa ito sa pinakamalakas na kagat na narecord sa isang hayop.  Para icompare natin mga boss, kung ang bite force ng megalodon ay 182,000 newton, ang bite force ng isang t-rex ay nasa 57,000 newton. Wala pa sa kalahati. Kaya naman kapag kumagat ang isang megalodon ay talagang lasog ang mga buto.

#4

Bakit nga ba nag extinct ang megalodon? Well sa katunayan mga boss marami sa atin naniniwala na meron pa ring buhay na megalodon na nagtatago sa kailaliman ng tubig pero walang credible evidence na makakapagpatunay na meron nga. Ang megalodon ay nangamatay 2.6 million years ago. Ito ay nuong katapusan ng pliocene (plaisin) period. Mga boss gusto ko lang iclarify na hindi ito ang dinosaurs extinction period. Ang dinosaur extinction ay nangyari 66 million years ago. Magkaiba ang dalawa boss. Altho mas kilala ang dinosaur extenction kumpara sa pliocene extinction pero regardless, mass extinction pa rin ito mga boss. So since na clear ko na, tumuloy na tayo sa topic.

Ang nangyari sa pliocene ay marine extinction in general. Sa katunayan, binura o pinatay nito ang 43% sea turtle species, 35% ng mga sea birds at 9% ng mga sharks at kasama na nga dito ang megalodon. Ang marine mammals ay bumagsak ng 55% kasama na dito ang mga dugongs at ang mga balyena. Pero ano nga bang mga dahilan ng extinction ng megaladon?

Unang una mga boss ang unti unting pagkawala ng food source. Maraming mga marine animals ang biglang bumagasak.  Ang mga megalodons ay umaasa sa mga malalaking mga isda kagaya ng mga balyena bilang main food source nila pero dahil nga naapektuhan din ang mga balyena, pati ang mga megalodon ay naapektuhan din.

Pangalawa ay ang whale migratioin. Nuong dumating ang pagtatapos ng pliocene, nagkaroon ng malaking pagbabago sa kapaligiran. Ang 2 malaking pagbabago ay ang pagsarado ng Isthmus Panama at ang paglamig ng klima sa mundo. Dahil sa pagsarado ng isthmus of panama, Ang atlantic at pacific ocean ay nagkaroon na ng barrier. Malaki ang epekto nito sa mga lamang dagat, dahil dito nabago ang ocean currents at ang saltanity levels kung saan pinigil o pinahina nito ang nutrient flow sa karagatan. Samahan pa ng paglamig ng panahon na syang nagbuo ng mga glaciers sa northern hemisphere at pagbagsak ng temperatura sa dagat.

Dahil sa pangyayaring ito, ang mga nakaligtas na balyena ay nagsimula ng mag migrate para maghanap ng pagkain. Nagmigrate sila sa arctic regions na kahit hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nila. Sa kasamaang palad, ang mga megaladon sharks ay mga warm water sharks at hindi sila makakatagal sa malamig na tubig ng arctic. dahil dito ang kanilang food source ay paunti ng paunti hanggang sa ang iba ay nangamatay na sa gutom.

Ang pangatlong posibleng dahilan ang pinakamalakas na posibilidad kung bakit nag extinct ang mga megalodon. Kapag nagkakaroon ng mass extinction mga boss, may mga hayop na nag eevolved. Kinakailangan nilang mag evolve para mabuhay sa panibagong mundo na kanilang ginagalawan. Katulad ng Polar bear at sa dagat naman ang mga killer whales.

Ang mga orca o killer whales ay malalaking mga marine mammals at matatalino ang mga ito. Kadalasan naghahanap sila ng pagkain bilang grupo. Dahil dito, mas agad silang umangat bilang top predator ng dagat. Alam natin mga boss na merong 2 apex predator sa dagat o ung nasa taas ng food chain, ito nga ang megalodon at ang killer whales at dahil ang killer whales ay hindi nag extinct ibig sabihin natalo nila ang megalodon. Siguro may ibang nagtataka sa inyo, paano nila mappatay ang halimaw na megalodon kumpara sa mga pipitsuting killer whales?

Mga boss, sila ay pack hunters, ibig sabihin grupo sila kung umatake. Sa katunayan ang mga great white sharks at ibang whale species ay walang ligtas din sa mga orcas o killer whales. Sige iimagine ninyo mga boss, isang grupo ng orca laban sa isang megalodon. Siguro makakapatay ang megalodon ng isa hanggang 3 pwedeng sabihin nating 4 pero eventually mga boss matatalo ito dahil sa dami ng killer whales na aatake sa kanya.

#5

Maraming naniniwala na ang megalodon ay related sa great white shark. Pero hindi mga boss. Hindi rin natin masisisi ang information na kumalat dahil sa katunayan ang megaladon nuong unang inilarawan ang fossil teeth nito nuong 1843, isinaman ito sa same genus ng great white, ang genus mga boss ay ang klase o grupo ng hayop o halaman na may parehas na traits qualities o features. At dahil nga ang ngipin ng great white at megalodon ay halos parehas at kinukunsidera na apx predator ng mga panahon nila, inakala na sila ay sa parehong genus. Subalit, habang lumalaki ang shark taxonomy natin at habang tumatagal marami pang mga fossils ang natatagpuan, ito ang mga nagpupuno ng mga gaps patungkol sa genus ng isang hayop.

Ayon sa pag-aaral ang genus na malapit sa megalodon ay ang otodus shark kung saan nabuhay 60 million years ago. Habang ang great white nama ay closely related sa mako shark kung saan ang line nila ay mattrace back sa isang extinct din na Broad tooth mako kung saan nabuhay ito 5 million years ago. Kaya mga boss, pag merong nagsabi sa inyo na ang great white ay anak ng megalodon o evolve species ng megalodon, ngayon macocorrect nyo na sila.

#6

Ang mga ngipin ng mga megalodon ay common na pagdating sa mga fossils. Kadalasan makikita ito sa kahit anong parte sa mundo except sa antartica mga boss. Kagaya ng ibang pating, ang megalodon ay natatanggal ang ngipin habang lumalaki sila o hindi naman kaya kapag naputol dahil sa pag sagpan o nasira, panibagong ngipin ang tutubo at ang lumang ngipin ay malalaglag. Kahit na common na ang ngipin ng mga megalodon, ang mga ibang malalaki o hindi naman kaya ung well preserved ay very rare mong makikita. Sa katunayan nabebenta ito ng malaki. Halimbawa, ang 7 inches na megaladon teeth ay very rare kaya naman ang huling nabenta ay nagkakahalaga ng 50k.

#7

Ang Megaladon ay may limang hilera ng ngipin na mayroong 276 ng ngipin. Imaginine ninyo mga boss ang itsura ng kagat ng megalodon. Ang hilera ng ngipin na ito ay parang isang covneryor belt kung saan kapag ang megalodon ay nawalan o natanggalan ng ngipin, within 24-48 hours ay mapapalitan ito. Kung iyong iisipin, ang megalodon ay posibleng ilang libong beses nagpalit ng ngipin. Ang mga nakokolektang mga ngipin ng megaladon kadalasan ay pudpod na ang pinaka pangil nito o hindi naman kaya putol. Indikasyon na kinigat nila ito sa isang matigas na bagay.

#8

Alam nyo ba mga boss na minsan ng inisip na ang mga ngipin ng megalodon at iba pang malalaking pating ay ang dila ng isang dragon? Oo mga boss, tinawag itong “toungue stones”. Pinaniniwalaan nuon na kapag ang dila ng dragon ay naputol, agad itong magiging bato. Pinaniniwalaan din na gamot ito sa mga samut saring sakit at lason, ginagwa pang lucky charm ng mga mayayaman. Natapos ang haka hakang ito nuong 1667 kung saan si Nicolaus Steno, isang danish scientist ang nag-aral patungkol sa mga ngipin na ito at nalaman nga na sila ay mga shark teeth.

#9

Contrary to the popular belief, ang mga megalodon ay hindi nag tteardown ng kanilang pagkain. O ung tiping pagkinagit nila mahahati sa gitna. Hindi mga boss. Kahit na ganun kalakas ang kanilang bite force mas prefer ng mga ito ang kagatin ang mga buntot o mga palikpik ng kanilang hinuhunting. Ito ay para hindi na makalangoy pa. at ayon din sa pag-aaral, mas preferred ng mga megalodon ang mga mas maliit sa kanila na kainin.

#10

Lets close this out boss patungkol sa kung posible pa bang mabuhay ang megalodon sa panahon ngayon. Kung nanonood kayo ng mga discovery channel at nagbabasa ng ibang mga conspiracy theories, maraming nagkalat na nagpapatunay kuno na nakakita sila ng megalodon. Gaano nga ba ito ka posible?

Malaki ang karagatan, sa katunayan marami pang species ang ndiskubre lang natin kamakailan lang katulad na lang ng megamouth shark, ang megamouth ay nadiskubre lamang nitong 1976 at isa itong napakailap na pating. Isa pa ang coelacanth, sa katunayan dineklara na itong extinct million of years ago pero nadiskubre lang ito sa south africa nuong 1936 so posible nga buhay pa ang megalodon?

Straight answer boss, kung buhay pa ang megalodon, malamang nag evolve na sila sa mas maliit na pating. Hindi nila kayang imaintain ang ganun kalaking katawan ng hindi nakikita ng mga tao. Oo mga boss malaki talaga ang dagat pero sa laki rin ng megalodon, lilitaw at lilitaw ito. MAraming mga mangignisda,researchers ang nagsasabing nakakita sila sa ilalim ng tubig na isang napakalaking pating pero hanggat walang proweba mga boss tsismis lang ang mga ito.

oo nga pala mga boss, alam nyo ba na meron ding isang malaking balyena na nadiskubre kamkailan lang? Ito ang Livyatan, oo mga boss livyatan. Ewan ko bakit hindi na lang nila nilagay na leviathan para mas astig. Anyway, ang livyatan boss ay kasabay na namuhay ng mga megalodon kaya hindi imposibleng nagkaroon ng clash ang dalawang halimaw na ito. Kung gusto nyong itopic natin mga boss ang mga ganitong klasing information, pacomment na lang sa rekwest form para hindi ko makalimutan.

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Santa Claus – Origins

Nanganganak ba ang Kisses