Mayroong lost island ang pilipinas? Saan ito matatagpuan?

Atlantis, lemuria, land of mu at iba pa. Ilan lang yan sa mga lost continent, muntik ko ng makalimutan, ang el dorado pa pala. Pero may tanong ako sa inyo, ilan sa inyo ang nakakaalam na tayo ay mayroon ding lost pero hindi continent ha, lost island lang. Alam nyo ba kung ano ito at saan ito matatagpuan?

Ano nga ba ang nangyari sa isla na ito at bakit ito tinawag na lost island?

The Lost island:

Atlantis of the Philippines? Exploring the Mysterious "Lost Island" of San  Juan

Ayon sa The Phil controversies, ang isa sa pinaka misteryosong pangyayari at bagay na mayroon ang ating bansa ay ang pagkawala ng isang isla. Pinaniniwalaan nga na mayroong isla na makikita sa northeastern ng Mindanao na tinaawag namang Isla ng San Juan.

Ayon sa mga eksperto, ang isla na ito ay maaring makita sa lumang mapa ng Pilipinas. Kung ating titignan, pinaniniwalaan na mas malaki pa ito sa Bohol at maaring kasing laki ito ng Panay. Ang isla na ito ay pinaniniwalaan nga na siyang nakadikit sa Mainland ng Mindanao at hindi na naibalik pa at nawala na nang tuluyan.

Ang San Juan Island ay makikita sa mapa mula noong 16th hanggang 18th century. Ayon nga sa mga historian ng Pilipinas, mula sa ginawang portulan chart ng isang cartographer na si Gaspar Vargas noong 1537, ang isla ay kinikilala ng mga Portugese bilang isla ng “San Joa”.

Noong dumating ang 1570, isang Flemish cartographer naman na si Abraham Ortelius,ang siyang naglabas ng kanyang likha na tinawag niyang Asiae Nova Descriptio. Makikita dito ang isang lugar na kanyang kinilala bilang “Ilhas de S. Johan,”,at ito ay pinaniniwalaan na isang siyudad ng Cebu.

Makalipas ang limang taon, muli na namang kinilala ang isla ngunit sa pagkakataon na ito, ang isla ay nakahiwalay na sa northeastern coast ng Mindanao. Taong 1601 noong ang isang mapa na mula kay Antonio de Herrera y Tordesillas, ang siyang muling nagpakilala sa isla. Ang kanyang nagawang mapa nga ay inilabas sa Madrid na sinamahan ng mga katagang

“Historia General de los Hechos de Los Castellanos en las Islas y Tierra Firme del Mar Oceano.” o “General history of the events of the Castilians in the Islands and Firm Land of the Ocean”

Ang mapa naman na ginawa ng mga kinilalang mga cartographer na sina Sir Robert Dudley, isang Dutchman na si Jan Janssonius, Vincenzo Coronelli at ang French na si Jacques-Nicolas Bellin ay inilagay sa mapa ng Pilipinas ang isla ng San Juan.

Isang Naval officer na isa ding cartographer na kinilalang si Christopher Middleton ang siyang gumawa ng mapa na at ipinapakita din nito ang mga lugar na makikita sa San Juan. ANg mapa nga na kanyang ginawa noong 1778 na tumagal hanggang 1780 ay kinilala bilang ,

“A New and Complete System of Geography.”

Ayon kay Middleton, mayroong halos 2 plates ang makikita sa isla at ito ay pinamamahayan ng mga taong kanyang inilarawan bilang nagtataglay ng average oriental height, maitim at kulot ang mga buhok.

Ngunit pinaniniwalaan naman na kahit ang isla ay kilala ng maraming cartographer, isang Jesuit cartographer na si Murillo Velarde ang hindi kumilala sa isla o kahit binanggit lamang ito sa kanyang ipinakilalang mapa noong 1734. Pinaniniwalaan nga na ang mapa na ito ang ginamit upang maipakita na ang Scarborough Shoal na nasa Pilipinas ay inaanakin ng mga Chinese.

Ang huling pagkakita nga sa Isla ng San Juan ay mula sa isang British Map noong 18th century na ginawa ni Herman Moll. Noong kaparehang taon, ang kwento at paglalarawan sa isla ay huling narinig sa mga friar-chroniclers na sina Buzaeta at Bravo.

Dahil sa biglaang pagkawala ng Isla at biglaang hindi na pagbabanggit dito, nagkaroon ng mga teorya kung ano nga ba ang tunay na nangyari dito.

San Juan Island As Atlantis:

The Legend of Biringan City, Phantom City of Lost People

Taong 1969 naman noong isang antique map collector at isa din artist na si Federico Aguilar Alcuaz, ang siyang nakakilala sa Isla ng San Juan at doon ay naniniwala ito na maaring ang isla ay maihahantulad sa isla ng Atlantis.

Naniniwala ang collector na ang isla ay maaring lumubog sa karagatan dahil sa isang malakas na lindol o hindi naman ay maaring kinain mismo ito ng karagatan dahil sa pagtaas nito. Ngunit ang kanyang teorya ay walang patunay o walang sapat na ebidensya. Ayon naman sa isang manunulat na kinilalang si E. Aguilar Cruz, ang isla ng San Juan na pinaniniwalaang kasing laki ng Panay ay hindi basta basta makakain ng dagat o maaring lumubog ng hindi nakakaranas ng malakas na pagyanig ng lupa. Ang isang pagyanig na dapat ay inaalala at nailagay sa kasulatan upang mairecord at maalala ng bansa. Ngunit sa kasamaang palad walang makitang ganitong record sa kasaysayan ng Pilipinas.

May ilan namang nagsasabi na ang Isla ng San Juan ay kinikilalang Agusan River na silang iginuhit ng mga matatandang cartographer. Ang mga cartographer na ito ay pinaghiwalay ang Mindanao at ang San Juan. Ayon sa paniniwala, maaring ang malaking ilog na ito ang siyang naging dahilan upang maghiwalay ang dalawang lugar. Pinaniniwalaan na dahil sa pangyayari na ito, napagtanto ng mga Mapmakers noong unang panahon na ang Isla ng San Juan ay hindi talaga isang isla kung hindi isang peninsula.

A Mistake:

The lost island of San Juan: Atlantis, Wakanda or mapmaker's error? |  Philippines Lifestyle News

Marami nga ang nagtatanong kung nasaan na nga ba ang isla o lugar na ito at bakit halos walang nakakaalam at nakakakilala sa nasabing isla. Ayon sa isang Filipino historian na si Carlos Quirino, isinulat nito sa kanyang pangalawang edisyon ng kanyang librong “Philippine Cartography” ang patungkol sa isla ng San Juan.

Naniniwala ang historian na maaring ang isla ay isa lamang imaginary island. Ang mapa nga na ginawa ni Herrera noong 1601 ay maaring mali at nagaya lamang ng iba pang mga cartographer na sina Sanson, Tirion, Coronelli, Hondius, Janssonius, du Val, Dudley at iba pang mga cartographer noong unang panahon.

Pinaniniwalaan din na ang misteryo ng isla na ito ay maipapaliwanag ng isang cartographic board game na ginawa ng kinilalang si Antonio Pucini noong 1665. Ang board game ay inilalarawan ang bawat bansa at lugar sa parisukat na paraaan, dito ay gagamit ng token ang magkalaban at mag-uunahan makapunta sa huling detinasyon na Venice. Ang isa nga sa mga parisukat ay ang bansang Pilipinas, dito ay makikita na ang kinikilalang San Juan ay ang kinikilalang San Sio o ang San Siargao na siyang makikita sa northeast coast ng Minadanao.

Pinaniniwalaan na ang katawagang Siargao ay naipalit at nagulo lamang at mas kinilala ito bilang San Joa. Ngunit dahil isa lamang itong board game, maraming hindi tumanggap at hindi man lang tinignan ang pruweba na ito at ang Isla ng San Juan ay tumagal ng halos dalawang daang taon sa mapa na ginagawa ng mga cartographer.

Di kalaunan, isang Jesuit map ang lumabas at siyang nagpalinaw sa lahat. Ayon nga sa mapa, ipinakilala dito ang isang lugar na tinawag namang Islas Carolinas o Caroline Islands. Ang isla ay makikita sa western Micronesian island groups ng Palau at Sonsorol mula sa northeast corner ng Minadanao.

Pinaniniwalaan na ito ang orihinal at totoong San Juan na hindi sinasadyang maisama ng mga Philippine mapmakers at cartographer. Ayon pa sa ma eksperto, kinikilala nila ang Sonsorol Island bilang San Juan. Ayon nga sa isang Genoese navigator na si Antonio Galvão. Ang isla ng San Juan ay nagtataglay ng dalawang isla, katulad nga ng Sonsorol. Ang San Juan ay pinaniniwalaang nagtataglay ng latitude na 5-6 degree north na siyang katulad ng Sonsorol.

Dito ay nakilala na nang tuluyan at nabigyan ng paliwanag ang nawawalang isla ng San Juan.

Ayon nga sa ibang mga hisorian, ang San Juan at ang Atlantis ay masasabing magkatulad, ngunit mayroong pagkakaiba. Ang dalawa ay parehong nawala sa mapa, ngunit ang isla ng San Juan ay nakita at muling nakilala. Habang ang Atlantis naman ay hanggang ngayon,ay hindi pa din matagpuan.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/_ZsPfKps24g

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang Luneta Tower

Ang hapon na sobrang loyal sa bansa nya kahit tapos na ang giyera ay nagtatago pa rin sa mga pinoy