Mas malaki ba ang sombrero kesa milkyway?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Ayon sa mga eksperto, ang universe natin ay mayroong halos one hundred billions of galaxies. Ang iba’t ibang galaxy ay makikita sa halos magkakaibag posisyon o magkakaibang lugar. Ang isang galaxy ay binubuo ng isang araw, mga planet , mga bituin at iba pang bagay na mayroon sa kalawakan.

Ang labas ng ating kalawakan ay puno ng mga bagay na nagsisilbing misteryo para sa iilan. Ang iba ay nabibigyan natin ng ilang kasagutan at sapat na paliwanag, ngunit karamihan ay nagmimistulang tanong at wala pang sapat na kasagutan.

Gamit ang malaking optical telescopes, mula pa lamang dito ay makikita na ang mga ito. Dahil na din sa mga bagong teknolohiya, ang paghahanap ng ilang bagay sa labas ng mundo ay nagiging madali na. So, sa dami ng galaxy makikita, isa sa nakakuha ng atensyon ay ang tinatawag na “Sombrero Galaxy“.

What is it:.

Ayon sa mga ginawang obserbasyon ng mga eksperto, tinawag itiong Sombrero dahil sa kakaibang itsura nito mula sa kalawakan. Kung titignan ay mukha itong Mexican hat sa malayo kung kaya’t mas kilala ito sa katawagan na Sombrero galaxy, ngunit para sa mga eksperto; ito ay kanilang tinawag na Messier 104.

Ito ay mayroong maliwanag na nucleus na makikita mismo sa gitna nito, dahilan upang makita ang umbok sa gilid nito; nakapalibot sa liwanag ang makapal na dust lane na binubuo ng mga stars, gas at mga dusts. Makikita ito na katabi ng isang star constellation na kinilalang virgo, at mayroong layo na halos 30million light years. Una itong nakita ng isang French astronomer na si Pierre Méchain noong 1781, ngunit hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon nang halos 140 years. Noong 1921, ang galaxy na ito ay napasama sa isang sikat na catalouge na ginawa ng dalawang astronomer na sina William Herschel at Charles Messier. Kasama pa ang halos limang galaxies na nakita ng dalawang eksperto inilarawan nila ito at sinulat sa kanilang ginawang catalouge.

Ang sombrero galaxy ay isa sa pinaka malaki at pinaka maliwanag at mayroong itong total mass na aabot sa 800 billion suns. Makikitaan din ng halo ang galaxy na karamihan ay galing sa mga globular clusters na nakikita din sa Milky Way. Sa patuloy na pag-aaral sa galaxy na ito, nakitaan din ito ng malalaking black hole na mayroong 1 billion solar masses. Dahil sa laki ng black hole na ito pinaniniwalaan na ito ang pinaka puso ng sombrero galaxy.

Noong una ay napagkamalan ng mga eksperto na isa itong spiral nebula na nakapaloob sa Milky Way. Ngunit ayon sa research ng isang American Astronomer noong 1912 na kinilalang si Vesto Slipher, ang galaxy na ito ay mayroong tinatawag na “Red Shift”. Ang malaking bagay na ito ay nagpapatunay na ang galaxy na ito ay malayo at nasa labas ng Milky Way.

Bago pa nating kilalanin nang mabuti ang Galaxy na ito, alamin muna natin kung ano-ano ba ang uri ng ga galaxy na makikita sa kalawakan.

Hubble’s principal Schemes:

Gamit ang isang diagram na hugis tuning fork, naipaliwanag ng isang American Astronomer na si Edwin Hubble ang pagkakakilalan ng mga galaxy sa universe. Gamit ang tuning fork, naipaliwanag ni Edwin ang pagkakaiba-iba ng mga galaxy. Alam nyo naman ang tuning fork hindi ba? Well alam nyo naman ang tinidor right? Tanggalin nyo ang gitna nuon at magiging hugis na ito ng isang tuning fork.

Mula sa hawakan ng fork, makikita dito ang mga elliptical galaxy, at ang dalawang magkahiwalay na linya ay ang kinalalagyan ng mga spiral galaxy. Mula sa mga klase ng isang elliptical galaxy ito ay hinati niya pa sa tatlo. Ang E0, E4 at ang E7. Ang E0 ay ang bilog na bilog na galaxy, E4 ilang pa oblong na galay, ang pinaka huli ay nag E7 na ito ay makikita na pabilog ngunit ito ay pahaba. Mula sa dulong parte ng hawakan, dito niya inilagay ang pinaka unang uri ng isnag spiral galaxy na kanyang kinilala bilang S0.

Types of Galaxies:

Ayon sa The Planets, ang kalakawan natin ay binubuo ng halos apat na uri ng mga galaxy. Ang mga ito ay binubuo ng mga stars, mga gasses, at mga ilang mga dust na mula sa iba’t ibang bagay. Ang mga bagay na ito ay nabuo dahil sa gravitational forces.

Lumabas sa mga pag-aaral ng mga eksperto na ang uri ng isang galaxy ay mababase sa kanyang hugis o itsura. Sa loob ng isang galaxy, makikita dito ang ilang mga planeta, mga black holes , buwan, iba’t ibang asteroid, mga bulalakaw at isama na din ang isang Dark matter.

Mayrong apat na uri nang galaxy, nariyan ang elliptical, spiral, spiral barred at ang irregular galaxy. Ang apat na ito ay napag kaiba-iba mula kung saan ito nakita at kung ano ang itsura neto.

Unahin muna natin ang spiral galaxy. Ayon sa research ito ang pinaka madaling makilala dahil sa spiral na itsura nito. Kung ang isang galaxy ay mayroong disk, may umbok at mayroong halo; ito ay isang spiral galaxy. Ang pinaka gitnang bahagi ng galaxy ay mailalarawan bilang isang nucleu, mikikita dito ang sphere na liwanag na binubuo ng mga matatandang star na hindi na makikitaan ng kahit anong buhay, ang nakapalibot sa galaxy ay tinatawag na disk.

Ang mga makikitang galamay ng isang spiral galaxy ay nakakagawa ng mga bagong stars na magiging laman ng galaxy na ito. Ayon sa pag-aaral, halos 77 percent ng ating universe ay binubuo ng mga spiral galaxy.

Ang Barred galaxy, ayon sa mga eksperto ay ang galaxy natin na kinikilalang Milky Way. Ito ay katulad lamang ng isang regular spiral galaxy, ngunit ang gitna at hanggang sa disk nito ay binubuo at pinamahayan ng mga buhay na bituwin.

Ang elliptical galaxy ay makikilala base sa elongated spherical shape at kawalan ng liwanag o nucleus na makikita sa pinaka gitnang bahagi nito. Dahil sa kaunting liwanag na nagagawa nito ay nawawalan din ng liwanag ang mga nakapalibot dito. Ayon sa pag-aaral, ito ay binubuo ng mga matatandang bituin na mababa ang mass, mga gas at iba pang bagay na maaring makita sa isang galaxy.

Ang pinaka huli ay ang Irregular Galaxy. Pinangalanan itong irregular galaxy dahil sa wala itong shape, ito ay kalat lamang at binubuo ng mga gasses, dust, stars, nebulous formations, neutron stars at mga black holes. Mayroon ding dalawang uri ng irregular galaxy ; ito ay ang Im at ang IO.

Pinaniniwalaan din ng mga eksperto na 20 percent ng lahat ng galaxy ay irregular.

Type, Sombrero:

Balik muli tayo sa sombrero. Ayon sa mga eksperto, ang Sombrero galaxy ay pinagsamang spiral at elliptical galaxy. Ito ay isang elliptical galaxy na napasama sa isang spiral galaxy. So, ang ganitong pagsasama ng dalawang uri ng galaxy ay isang impposibleng bagay para sa mga eksperto.

Ayon sa mga ito, kung ang dalawang magka-ibang galaxy ay nagsama, hindi maganda ang kalalabasan nito. Nakagawa ng isang conclusion ang mga nag-aaral at nag-oobserba sa galaxy na ito.

Ayon sa kanila ay maaring isang itong napakalaki at halos 9 billion years old na elliptical galaxy na nakakuha ng napakaraming gas clouds. Dahil sa napakaraming gas clouds, ito ay pumatag dahilan upang maging kahugis ito ng isang spiral galaxy.

Ayon sa patuloy na pag-aaral ni Slipher, ang galaxy na ito ay naglalakbay palayo sa ating mundo. Ayon sa ibang eksperto, ang nucleus ng gaalaxy na ito ay hindi pinamamahayan ng mga butuin.

Milky Way Vs. Sombrero Galaxy:

Dahil sa hugis at sa laki ng Sombrero galaxy, may ilan, hanggang sa dumami at hanggang ngayon ay nagtataka kung ito ba ay mas malaki sa galaxy na mayroon ang ating mundo na kinikilala natin bilang Milky Way.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang sombrero galaxy ay mayroong halos 2,000 globular clusters na masasabing mas madami sa milky way, dagdag pa dito ang pagkakalapit ng edad ng dalawa na pinaniniwalaang nasa 10 billion to 13 billion years old.

Dahil sa layo nito sa Virgo cluster of Galaxies na halos 30 million light-years, ang nakikita nating liwanag ay nagtravel pa noong 30 million years ago. Ayon sa mga eksperto, ang layo nito sa ating mundo, ito ang makakapag patunay na mas maliit ito kumpara sa Milky way.

Ang mga bagay na ito ay nabubuhay na sa kalawakan, iba’t ibang pangayayari na kanilang naranasan.

Maaring dahil sa mga pangyayari iyon ang isa sa dahilan kung bakit kakaiba ang laki at ang liwanag ng sombrero Galaxy. Madami pa din pag-aaral ang kinakailangan upang malaman ang kasagutan sa mga bagay bagay na hindi pa naabot ng ating kaisipan, but hey last couple of hundred years akala natin sentro ang mundo but look at us now, andami na nating alam sa galaxy.

Kahit na nabigyan ng sapat na kasagutan ang ilang bagay, hindi ito sapat para sa mga malilikot ang isipan.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss Sam Marilao. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Sources

Sources

  1. https://theplanets.org/sombrero-galaxy/
  2. https://space-facts.com/galaxies/sombrero/
  3. http://www.physics.org/facts/sand-galaxies.asp
  4. https://theplanets.org/sombrero-galaxy/
  5. https://theplanets.org/types-of-galaxies/
  6. http://amazingspace.org/uploads/pdf/name/15/lp_sombrero_galaxy.pdf

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo ba ang Black Magic?

Sinong mas mabilis ang kaliwite o kanan-te?