Mariana’s Trench

Reading Time: 28 minutes

Topics

Alam na natin ang pinaka mataas na lugar sa ating mundo, alam na natin kung ano ang mga makikita dito. Ang mga eksperto ay matagal at madami na din nalalaman patungkol sa kalawakan. Ngunit bakit kakaunti lamang ang alam natin patungkol sa karagatan?

Kung aaralin, 71% ng ating mundo ay tubig. Ang napag-aaralan at ang nasisid pa lamang ng mga ekpserto ay halos 20 percent at ang 80 percent neto ay nanatiling misteryo. Dahil dito, madaming kwento ang mga naglalabasan patungkol sa mga nilalang na nabubuhay dito.

Iba’t ibang mga malalaking nilalang ang pinaniniwalaang nakatira sa ilalim neto. Mga kwento na matagal nang nabubuhay sa isipan ng mga tao. Pero totoo nga ba ang mga ito?

Halina’t kilalanin natin ang pinaka malalim na parte ng ating mundo. Alamin natin kung ano ba ang nakita ng mga eksperto o kung hanggang saan ang kanilang napag-aralan.
Pero bago tayo magsimula, nakasubscribe ka na ba, kasi kung hindi pa, magsubscribe ka na. Madaming topics tayong ididiscuss at punong puno ito ng impormasyon. Isa pa may mga livechat din tayo minsan kaya wag mong kalilimutang iturn on ang bell notification.

The Deepest Ocean:

Kung tayo ay maglalakabay papuntang Western Pacific, madadaanan natin ang pinaka malalim na bahagi ng ating mundo. Ang Mariana Trench o Maraianas Trench. Kung isesearch mo ito sa Google map, makikita mo ang hugis neto na isang pa cresent.

Ang pangalan ng lugar na ito ay nakuha dahil sa kalapit na isla nito na ang Mariana Island na ipiningalan ng hari ng spain na si Philip IV sa kanyang namatay na asawa na si Queen Mariana of Austria. Ayon sa research, ang Mariana Trench ay parte ng Izu-Bonin-Mariana subduction o IBM arc, Hindi ibm na computer ha.

Ito ay isang boundery o hangganan ng dalawang tectonic plates. Ang IBM arc ay aabot hanggang south sa Tokyo, Japan at hanggang Guam; kasama na dito ang Iz , Bonin at Mariana Island. Ang buong IBM arc ay halos nasa ilalim ng dagat.

Ayon sa research; ang trench ng Mariana ay nakilala noong naganap ang tinatawag na Challenger Expedition noong 1875. Ano ang Challenger Expedition? I hear you ask, Ito ay ang paglalayag na naglalayong makilala at mapag-aralan ang ilang bahagi ng karagatan. Gamit ang isang mabigat at mahabang tali, nasukat nila ang lalim ng Mariana Trench. Ayon sa paunang sukat ng mga eksperto ito ay may lalim na 4,475 fathoms o 8,184 metres / 26,850 feet. Noong 1877, isang mapa ang inilabas ni Petermann tinawag na Tiefenkarte des Grossen Ozeans o Deep map of the Great Ocean.

Noong 1899, ito ay sinukat muli gamit ang USS Nero. Ang sukat na nakuha ng pag-aaral na ito ay umabot nang 5,269 fathoms o 9,636 metres/1,614 feet. Nagkaroon muli ng paglalayag upang pag-aralan ang karagatan na ito at tinawag itong Challenger II. Dahil sa umuunlad na ang teknolohiya noong panahon na iyon, gamit ang isang klase ng Sonar equipment o isang sound navigation ranging; madaling malalaman ng mga eksperto kung hanggang saan ang lalim ng karagatan.

Mula sa pagpapakawala ng sound waves, Gamit ang echo sounding, o ang pagbibigay ng isang tunog sa ilalim ng dagat, hanggang sa tumama ito sa seafloor ng karagatan at bumalik sa pinagmulan. Ang oras mula nang ito ay ipadala sa karagatan at hanggang sa bumalik ito ay kanilang inoobserbahn at ito na ang magiging gamit upang malaman kung gaano kalalim ang parte ng karagatan na kanilang pinuntahan.

Sa pagkakataon na ito, natagpuan ng grupo ang pinaka malalim na parte ng Mariana’s trench. Ito ay tinawag nilang Challenger Deep na mayroong lalim na 5,960 fathoms o 10,900 metres/35,760 feet. Ang lokasyon nito ay matatagpuan sa bandang dulo na bahagi ng Marianas Trench.

Isang Soviet vessel naman noong 1957 ang nag-aral at nagsabi na ang lalim na kanilang nakuha sa isang parte ng Mariana ay mayroong lalim na 11,034 metres o 36,201 feet. Ito ay tinawag nilang Marianas Hollow. Makalipas ang ilang taon, noong 1962; sakay naman ng isang M.V. Spencer F. Baird at gamit ang isang precision depth gauges, narecord ng mga ito ang halos 10,915 metres o 35,810 ft.

Ang sumunod na nagsukat sa ilalim ng karagatan ay ang mga hapon gamita ang vessel na nagngangalang Takuyō. Noong 1984, gamit ang isang narrow multi-beam echo sounder, ang resulta ng kanilang pag iimbestiga sa lalim ng karagatan ay umabot nang 10,924 metres o 35,840 feet. Gamit naman ang isang operated vehicle ng mga hapon na kinilala nilang Kaiko, naitala ng grupo ang pinaka malalim na diving record sa buong mundo noong March 24 1995, naabot ng grupo ang lalim na 10,911 metres o 35,797 feet.

Sa pagitan ng taon mula 1997 at 2001, nakakita muli ang isang grupo ng mga eksperto mula sa Hawaii Institute of Geophysics and Planetology ng isang area na kasing lalim ng Challenger Deeper. Pero ayon sa mga ito, mas malalim pa ito sa Challenger deep.
Ito ay nakita nila habang sila ay gumagawa ng isang survey patungkol sa karagatan na nakapalibot sa Guam. Gamit ang isang sonar mapping system, natagpuan at pinangalanan nila ang parte na ito bilang Hawaii Mapping Research Group o HMRG Deep.

Netong taong 2009, pinuntahan muli ng mga eksperto ang area ng Challenger Deep upang pag-aralan at muling obserbahan. Gamit ang Simrad EM120 sonar multibeam na isang bathymetry system na ginawa lamang para mapuntahan ang pinaka malalim na parte ng mga karagatan. Sakay ng isang RV kilo Moana, nakapagbigay ito ng lalim na aabot sa 10,971 metres o 35,994 feet.

Naganap naman noong 2011 ang pinaka malaking pagkikita at pag-uusap usap ng mga Earth, atmospheric, ocean, hydrologic, space, at mga planetary scientists na umabot ng halos 62,000 na katao. Ang meeting na ito ay tinatawag na American Geophysical Union. Isa sa napag-usapan ng malakihang pagkikita na ito ay ang pagsasagawa ng buong pag-aaral sa buong trench ng Mariana. Gamit ang multibeam echo sounder sakay ng US Navy hydrographic ship, nalibot ng mga eksperto ang buong trench na halos 100 metres (330 ft). Nakita sa buong pag-aaral ang iba’t ibang bato at iba pang bagay na mamaya na natin pag-uusapan.

Noong 2012, isang grupo ng mga mag-aaral at researcher na mula sa Washington University at Woods Hole Oceanographic Institution ang nagsagawa ng isang seismic survey sa Mariana Trench. Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang water cyle o paggalaw ng tubig mula ilalim hanggang sa ibabaw ng karagatan na ito.Gamit ang isang ocean-bottom seismometers na isang bagay upang malaman kung paano gagalaw ang tubig mula sa karagatan, sa isang lawa o isang ilog. Kasama ang isang hydrophones upang marinig ang mga tunog na nagmumula sa ilalim ng tubig, napag-aralan ng mga ito ang lalim na aabot sa 97 kilometres o 60 mi.

Deepest:

Paanong nasabi na ang Mariana’s Trench ang pinaka malalim na parte ng karagatan sa ating mundo? well Paano nga ba?

Dahil nga ang trench na ito ay nabuo mula sa isang napakalaking oocean crust na nagtapo, ang isang crust ay lumubog sa ilalim ng dagat at ang isang parte ay nanatili lamang sa mababaw na bahagi ng karagatan. Ang isang parte ay lumubog hanggang sa mantle ng ating mundo. Ayon sa live science, kung ang dalawang crust ay nagkita; ito ang magiging dahilan upang makabuo ng isang trench na nakapaibabaw sa malalim na bahagi neto. Ang isang crust ay nakapailalim sa isa pang crust na pumaibabaw dito. Ang crust ng Pacific Ocean na nakapailalim sa crust ng Pilipinas.

Ayon sa National geographic, ang Trench ng Mariana ay hindi naman talaga ang pinaka malalim na parte ng karagatan. Pero dahil nga ang crust o ang tectonic plate ng Pacific Ocean ay mayroong tanda na 180 million years old at dahil na din sa lakas ng banggaan, ang plates ng Pacific ay nagbend dahilan upang ito ay lumubog sa ilalim ng mundo.

Ang seafloor ng Arctic Ocean na halos 13 kilometres o 8.1 miles na kinikilalang mas malapit sa gitna ng ating mundo.

Ang Mariana’s Trench ang pinaka malalim na Trench na nakilala ng mga eksperto.

Exploration:

Halina’t sisidin natin ang ilalim ng Pinaka malalim na Trench sa buong mundo. Ano nga ba ang ating makikita dito.

Dahil hindi kaya ng isang normal na tao ang lumubog sa isang napaka lalim na karagatan, well dahil sa pressure at dahil hindi ito kakayanin ng ating katawan. Dahil sa patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya ng ating mundo, hindi na ito mahirap gawin.

Ayon sa marine conservation, noong 1960, dalawang tao ang unang nakakita ng ilang mga nilalang sa ilalim ng Marianas trench. Ito ay sina Jacques Piccard at Don Walsh, gamit ang sasakyan na tinawag nilang Trieste na kayang labanan ang halos 16,000 pounds ng pressure per square inch. Matapos ang limang oras ang mga ito ay nakababa sa ilalim ngunit hindi nagtagal umahon ang dalawa. Dahil na din sa pressure ng tubig.

Noong 2012, naganap ang isa sa pinaka malinaw na larawan ng mga nilalang na nasa ilalim ng karagatan. Mula sa isang director at explorer na si James Cameron na syang unang nakarating sa pinaka malalim na bahagi ng Trench. Ayon sa ilang research patungkol sa bagay na ito, mula sa disensyo at ginawang 24-foot submersible vehicle at mayroong salamin na may lapad na 9-1/2 inches, Nagawa ni Cameron ang tagumpay na paglubog sa lalim na 35,756 feet.

“life support’s good, everything looks good.”

Ito ang report na kanyang ginawa noong naabot niya ang ilalim.

Mula sa dalawang bagay na mayroong bigat na 536 pounds ang sasakyan ni Cameron ay tagumpay na nakababa sa karagatan.

Ayon sa isa niyang interview,

“It’s very lunar, You don’t expect a profusion of life, like you might see at, let’s say, a hydrothermal vent community.”

Ayon pa kay Cameron, halos animnapu’t walong bagong nilalang ang kanilang nakita ngunit ang karamihan ay mga bacteria. Dahil na din sa pressure ng ilalim ng dagat, nagsisismula na din masira ang ilang bahagi ng kanyang sinasakyan dahilan upang ito ay umahon na sa ibabaw ng karagatan.

Ayon kay Cameron,

“A couple of my batteries are dangerously low, my compass is glitching, and the sonar has died completely, Plus, I’ve lost two of the three starboard thrusters, so the sub is sluggish and hard to control.”

Tatlong oras bago pa umahon si Cameron ay tinanggal na niya ng mga pampabighat, dahil naisip na niya ang mga maaring mangyari sa ilalim ng karagatan. Dahil dito mabilis at ligtas na nakalutang ang kanyang sinasakyan.

Species:

Mula pa noong nagkaroong ng ilang pag-aaral ang Challenger Deep, mula sa mga lupa at putik na kanilang nakuha sa ilang malalim na lugar ng trench. Nakita nila ang halos dalawang daan at magkakaibang microorganisms. Ngunit dahil sa iba ang pressure at temperatura na kinalalagyan ng putik, kailangan nila itong alagaan upang matagal itong mapag-aralan.

Dahil sa mga footage na nakuha ni Cameron noong ito ay nakarating sa ilalim ng trench, madaming eksperto ang namangha at nagkaroong atensyon sa kanyang ginawa. Ayon sa research, isa sa nakakuha ng atensyon sa footage ng nakuha ni Cameron ay ang doctoral student sa Scripps Institution of Oceanography na si Natasha Gallo; ang mga nilalang na nabubuhay sa ilalim ng trench ay wlang nakukuhang liwanag at sanay sa isang malakas na pressure.

Dagdag pa sa pag-aaral ni Gallo na, hindi sapat ang mga pagkain na nakukuha ng nilalang sa ilalim ng dagat. Maraming patay na plankton ang nakitang nakalutang lamang sa ilalim ng karagatan na marahil ay mula pa sa mababaw na bahagi ng karagatan.

Mula pa sa ilang pagsulong at paglubog ng iba pang mga eksperto mula sa ilalim ng trench, nakita ang mga nilalang tulad na lamang ng tatlong snailfish na mayroong kulay na blue,pink at purlpe. Tinawag ito ng mga eksperto na Atacama snailfish. Ang tatlong snail fish na ito ay pareho lamang ngunit magkakaiba ang laki at itsura. Upang makita at mapag-aralan ang mga ito, kinuha ito ng mga eksperto ngunit sa kasamaang palad ay agad na namatay noong nakaramdam ito ng pag-init ng tubig at dahil na din sa kababaan ng pressure sa ibabaw ng dagat. Ibig sabihin, hindi ang katawan nila ay sanay sa pressure ng dagat kaya hindi sila nakaadapt agad nung iangat ito, dahilan para sila ay mamatay.

Ngunit ang mga nilalang na nakita mismo sa pinaka ilalim ng trench ay ang mga xenophyophores na parang isang malaking amoebas o amphipods na makikita lamang sa malalim na trench at mga small sea cucumbers.
Ang maliit na sea cucumbers na ito ay pinangalanang holothurians, dahil mayroon itong pagkakaiba mula sa isang normal na sea cucumbers.

Ayon pa sa ilang mga pag-aaral, maari ding makakita ng mga kinikilalang Monster Sea Creature sa ilalim ng Mariana’s Trench.

Ayon sa Ranker, maaring makita ang mga nilalang tulad na lamang ng isang Goblin Shark na mabagal na gumagalaw upang mahuli at mapatay ang kanyang biktima. Ang Fanfin Sea devil, mga zombie Worms o mas kilalang osedax. Ang mga osedax kilala bilang taga kain ng mga buto mula sa isang malaking patay na isda tulad na lamang ng isang balyena.

Maari din makakita ng isang Deep Sea Hatchetfish, na mayroong kakayahang maging transparent sa ilalim ng tubig upang makapagtago sa kanilang biktima o kaaway. Ang mga nilalang na ito ay may kakayahan din na paliwanagin ang kanilang mga katawan. Ang Dumbo Octopus, na lumalaki hanggang 12 inches long na pinaniniwalaan din na isang klase ng octopus na nakakarating at nabubuhay sa pinakamalalim na parte ng karagatan.

Fangtooth Fish na kung makikita mo, maiisip mo kaagad ay isang piranha. Isang Comb Jelly; Telescope Octopus; Deep Sea Dragonfish; Vampire Squid; at marami pang iba.

Ang mga nilalang na nabanggit ay ilan lamang na makikita at pinaniniwalaang makikita sa ilalim ng trench.

Bago tayo magpatuloy, nakasubscribe ka na ba, kasi kung hindi pa, magsubscribe ka na. Madaming topics tayong ididiscuss at punong puno ito ng impormasyon. Isa pa may mga livechat din tayo minsan kaya wag mong kalilimutang iturn on ang bell notification.

The life:

Dahil sa sobrang dilim at sobrang lalim ng trench na ito, ang mga halaman at iba pang maaring kainin ng mga nilalang sa ilalim ay mahirap at maaring wala. Ayon sa ilang research, ang mga isda at iba pang mga nilalang na nabubuhay sa trench ay umaasa na lamang sa mga dumi at iba pang parte na nagmula sa mga patay na nilalang sa mababaw na bahagi ng karagatan at maging sa ilang waste na nagagawa ng mga nito.

Mula sa mga patay na malalaking isda katulad ng isang whale, na pinagpipiyestahan ng ilang isda at ang mga tira tira ay napapabayaan at lumulubog na lamang at ito naman ang nagsisilbing pagkain ng mga nasa ilalim.

Ayon sa BBC, ang kakayahan ng mga nilalang na ito upang makatagal sa isang napaka lamig at napakadilim na lugar ay dahilan upang hindi ito basta basta galawin. Ang temperatura na kanilang nakasanayan ay aabot sa -1 hanngang 4 degree celcius. Kung mga ito ay mapupunta sa medyo mababaw na parte ng karagatan, maaring hindi ito magtagal at mamatay na lamang kagaya nga ng mga suso na inangat para pag-aralan.

Ayon sa ilang pag-aaral, napagtanto ng mga eksperto na ang isang sea cucumbers na nabubuhay sa ilalim ng trench ay natutong gumalaw mula sa iisang direkyon na kanilang nakuhanan ng pagkain dahil mas madali ito kung sila ay sasabay sa alon ng karagatan.

Dahil sa temperatura na mayroon ang ilalim ng trench, mayroong isang bagay na nakakapagbigay ng kaunting init para sa mga nilalang na nabubuhay dito. Ayon sa research, tinatawag itong “black smokers”, ito ay ilang lugar na mahahanap sa trench na nagbubuga ng maraming minerals na kakailanganin ng mga nabubuhay na nilalang dito.

Megalodon:

Ang kwento patungkol sa iba pang nilalang na nabubuhay sa ilalim ng trench ay buhay na buhay hanngang ngayon. Isa na dito ang paniniwala na mayroong isang malaking isda ang nabubuhay ditto at ito ang Megalodon.

Ayon sa ilang paniniwala sa nilalang na ito, ang kwento patungkol sa malaking isda na ito ay kilala na nang mga mangingisda. May ilang mga nagsasabi na ito ay nakita na nila at nakasalamuha. Pero kung ang mga eksperto ang tatanungin, ang nilalang na ito ay matagal nang wala sa mundo.

Ngunit marami ang naniniwala na ito ay maaring nabubuhay sa ilalim ng trench at tahimik na namumuhay dito. Nagkaroon ng ilang balita noon sa africa na ang mga mangingisda ay inatake ng halos 30 feet long na pating. Pero ayon sa ilang pag-aaral, ang megalodon ay isang uri ng pating na kailangan mamuhay sa ibabaw ng karagatan upang ito ay makakain at patuloy na mabuhay.

Kung ito man ay mapunta sa ilalim ng karagatan, kailangan neto ng isang malaking pagkain at hindi lamang mga maliliit na nilalang. Well, kung ang isang ito ay nakakakuha ng sapat na pagkain sa ilalim ng trench; posible na mayroon pang mas malaking nilalang ang nabubuhay sa malalim na parte ng karagatan. Pero in my opinion, wala ng megalodon. Pinaliwanag ko nay an sa megalodon video na ginawa ko last year. Para sa mga hindi pa nakakapanood nun, basically kung totoo ngang may megaladon, aakyat at aakyat ito pa itaas. Remember ang megalodon ay minsan ding nagging hari ng ibabaw ng karagatan, so they have the instinct na ang mga nasa ibabaw ang pagkain. Wala silang means para makapagisip kagaya natin, ano un trip lang nilang magtago sa ilalim dahil baka huntingin sila? Nope, hindi ganun ang mga isda. They lived on their instincts. So kung meron man matagal na natin itong nadiskubre. At kung meron ngang napunta sa ilalim ng trench, there is a huge chance na nag digivolve na ito, kumbaga nag adapt ang kanyang mga offspring sa environment na nararapat sa kanya. Hindi na ito katulad ng megalodon na kilala natin. But still, hindi ako naniniwala na meron pang megalodon sa panahon ngayon.

Strange Sound:

May napabalitang kakaibang tunog na narinig sa ilalim ng Marianas Trench, alam kong ang iba sa inyo ay pamilyar dito. Ito ay ang the bloop. Isang kakaibang tunog ang nagsibling misteryo para sa mga eksperto noong nagdaang taon. Nuong una maraming mga tao ang nagkala na isa itong patunay na may atlantis, isang sibilisasyon na nakatira sa ilalim ng dagat. O hindi naman kaya isang napakalaking nilalang na hindi nagpapakita sa atin. Mas Malaki pa sa pinakamalaking balyena. Ngunit ayon sa ilang pag-aaral, ang tunog na ito ay nagmula lamang sa isang maliit na whale.

Ang pinangalanang “Western Pacific Biotwang,” ay pinaniniwalaang nagmumula sa isang uri ng Baleen whale; na matatawag na Minke Whale. Ang tunog na nagagawa nito ay mababa lamang na aabot sa 38 hertz.

Ayon sa mga eksperto, ang pinaka maliit na uri ng whale na ito ay mas gustong manatili sa ilalim ng karagatan at kaunting oras lamang ang nailalaan sa mababaw na bahagi ng dagat. Madalang lamang din itong magpakita sa mga tao dahilan upang kakaunting imporamasyon lamang ang alam ng mga eksperto patungkol sa nilalang na ito.

Ngunit ang pinaka-malaking misteryo para sa mga nag-oobserba sa tunog na nagagawa ng nilalang na ito ay, para saan ang tunog na kanyang nagagawa. Ayon sa kay Nieukirk na isa sa umuobserba dito,

“If it’s a mating call, why are we getting it year-round? That’s a mystery,We need to determine how often the call occurs in summer versus winter, and how widely this call is really distributed.”

Hanngang ngayon ay patuloy ang pag-obserba sa tunog na nagagawa ng maliit na whale na ito. Kung ito ba ay isang mating call, o isang paghahanap para sa kauri ay hindi pa rin masasagot sa ngayon. Basta galling ito sa balyena, un na un.

Plastic:

Bulalord papaanong nasama ang plastic dito? Malamang yan ang tanong na nasa isipin ng iba sa inyo. Trip lang naming ilagay ang plastic, buti nga hindi ung kaibigan mo ung nilagay ko dito eh. Joke lang ikaw naman galit agad.

Ayon sa isang report na ginawa ng News week, noong 2019 ang samahan ng World Health Organization ay naghangad ng masusing pag-aaral at masusing pag-obserba patungkol sa anong resulta ang madadala ng isang plastic sa kalusugan ng mga tao at pati na din sa ating kalikasan. Ayon sa ilang mga pag-aaral na lumabas, kung ang isang tao ay makakain ng isang plastic o makalanghap man lang mula sa usok na nagagawa nito; maari itong pagsimulan ng isang inflammation o ilang komplikasyon sa katawan at maaring pagsimulan ng sakit ng isang tao.

Ang isang plastic ay maaring maglabas ng isang nakakalasong substance kung ito ay matagal na nakalubog sa ilalim ng tubig. Dahil sa toxic na dala neto, ang mga nabubuhay sa karagatan ay delikado maging ang mga nabubuhay na tao at hayop sa kalupaan.

Isa sa nakita ni Cameron sa kangyang paglubog sa Maraiana’s Trench ay isang plastic.
Ayon kay Cameron

“Plastic waste in the ocean is horrific but is only the most prominent of our many deadly waste streams, which include carbon that’s heating the atmosphere and making the ocean acidic, and the run-off nutrients from all the world’s agriculture, which is causing anoxic dead zones the size of countries,”

Ang isang plastic na nakita ni Cameron ay maaring makaapekto sa maraming nilalang na nabubuhay sa ilalim ng karagatan. Dahil sa dami nang plastic na nakakalat sa karagatan, inabot na neto ang ilalim at ibabaw ng Mariana’s trench dahilan upang makitaan ang ilang isdang namumuhay dito ng mga plastic fibers sa kanilang digestive tract.

Biruin nyo sa lalim ng marianas trench, nakapunta pa dun ung kaibigan mong plastic.

Pero kidding aside, seryoso ang usapin tungkol sa plastic. Imaginine nyo ang layo ng marianas trench mula sa mga sibilisasyon and yet nakakita pa rin ng plastic doon at worsts, kahit ang mga nasa ilalim na nilalang ay walang ligtas sa hagupit na dala ng mga tao. Please lang, wag kayong magtapon ng basura sa ilog o sa dagat. Hindi man kayo ang makakaranas ng epekto nyan, ang mga anak o mga apo nyo ang maghihirap para jan.

Space:

Sympre isasama na natin ito. Ito kasi ang nakikita ko sa mga comment section when it comes to space. Kesyo bakit sa space andami nating alam pero sariling karagatan ay halos wala tayong alam. Bakit nga ba? Please listen well and listen closely.
Kung ating ipagkukumpara ang Space at ang Karagatan ng ating mundo, marahil ay maari natin itong ihantulad sa isa’t isa. Isang malawak at misteryong lugar para sa mga tao. Parehong mahirap puntahan at parehong nangangailan ng isang sapat na kapaliwanagan. Ang dalawang lugar na ito ay maari ding pumatay ng tao kung walang sapat at kaakibat na kagamitan.

Ngunit kung titignan, mas maraming alam ang mga eksperto sa labas ng ating mundo kumpara ang nasa loob at nasa ilalim neto. Bakit nga ba ?

Ayon sa ilang research, mas maraming alam ang mga eksperto patungkol sa kalawakan dahil ito ay mayroong liwanag at madali lamang hanapin at makatuklas ng mga bagong bagay at pamumuhay. Kung tayo ay pupunta sa ilalim ng dagat, ang kalaban ng mga tao ay ang kadiliman. Dahil sa kadiliman, mahirap makahanap at makakilala ng mga bagong nilalang na maaring namumuhay dito.

Kung ikaw ay lilipad sa kalawakan, makikita mo ang mga bagay kahit ikaw ay nasa malayo dahil sa sapat na liwanag na naibibigay ng araw. Ngunit walang nakakapasok na sikat ng araw sa ilalim ng karagatan, ang maibibigay na liwanag ng isang ilaw ay hindi pa aabot ng ilang kilometro dahilan upang mas maging mahirap ang pagkilala sa malaking lugar na ito.

So bakit hindi maglaan ng pondo para tuklasin ito I hear you ask. Simple lang ang sagot jan. Kung sakaling magkaroon ng global catastrophe, saan ka pupunta? Sa ilalim ng dagat? Tingin mo ba ligtas duon? Kung sakali man hanggang kalian ka magtatago sa ilalim ng dagat? Eh papano kung may isang napakalaking bulalakaw na tatama sa ating mundo. Saan tayo pupulutin? Eh di bye bye na.

This is the reason kung bakit mas pinapaboran ang space exploration kumpara sa deep sea exploration. Dahil in the event na mangyari ang hindi inaasahan, possible nating masalba ang lahi natin by simply going sa space at hopefully makahanap ng bagong matitirahan. So just be clear, hindi dahil sa ayaw ng mga eksperto na iexplore ang karagatan, mas maraming opportunity kung ieexplore natin ang space.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.
Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.newsweek.com/james-cameron-plastic-pollution-our-so-called-civilization-using-ocean-its-toilet-1460200
  2. https://science.howstuffworks.com/environmental/earth/oceanography/deep-ocean-exploration.htm
  3. https://www.livescience.com/57233-mysterious-sound-in-mariana-trench-identified.html
  4. https://exemplore.com/cryptids/Does-the-Megalodon-Shark-Live-in-the-Mariana-Trench
  5. https://listverse.com/2014/01/07/10-things-you-might-run-into-while-visiting-the-mariana-trench/
  6. http://www.bbc.com/earth/story/20150129-life-at-the-bottom-of-the-ocean
  7. https://www.livescience.com/23387-mariana-trench.html
  8. https://www.popsci.com/new-species-snailfish-deep-trenches/?dom=rss-default&src=syn
  9. https://www.ranker.com/list/creepy-creatures-that-live-in-the-mariana-trench/erin-mccann?ref=search
  10. https://marine-conservation.org/media/shining_sea/place_wpacific_mariana.htm
  11. https://www.nationalgeographic.com/news/2012/4/120405-james-cameron-mariana-trench-deepsea-challenger-oceans-science/
  12. https://www.wikiwand.com/en/Mariana_Trench

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tayo naluluha pag naghihiwa ng sibuyas

Spanish Flu