Livyatan

Reading Time: 9 minutes

Normal na ang kanibalismo kahit sa ilalim ng dagat ay ganun din pero alam nyo ba na ang livyatan ay same genus ng sperm whale? at ang masaklap dito, ang kapwa nya balyena ang tinatarget nya. Tara mga boss iexplore natin ang livyatan.

Discovery:

Nuong november 2008 nadiskubre ni Klaas Post, isang researcher sa natural history museum rotterdom sa netherlands ang partially preserved skull pati na rin mga ngipin at lower jaw ng isang nilalang. Natagpuan nya ito sa coastal desert ng peru nuong huling araw ng kanilang field trip. Nuong una, akala ng grupo na isa lang itong baleen whales dahil sa laki ng bungo nito pero nuong makita nila ang mga ngipin at upper and lower jaw nito, alam nila na ibang klaseng balyena ito.

Nuong dumating ang July 2010, binigyan ito ng pangalan na hango mula sa bibiliya. Ang Leviathan. Pinanganalan nila itong leviathan melvillei. Subalit nagkarooon ng problema, dahil ang leviathan ay nairegister na sa isa pang nilalang, ang mastodon na isang mammotth. Ito ay pinangalanang Leviathan Koch. Kaya naman, wala silang ibang choice kundi baguhin ito.

1 buwan matapos nito, pinangalanan nila ang nilalang na ito na Livyatan Melvillei. Ang livyatyan ay reference ng leviathan sa bibliya habang ang melvillei naman ay reference mula sa author ng librong moby dick na si Herman Melville.

Dahil bungo pa lang ang nadiskubre, ang eksaktong laki nito ay debatable pa rin. Pero ayon sa mga eksperto, base sa laki ng bungo nito, ang livyatan ay posibleng umabot ng 13.5 meters hanggang 17.5 meters. Dahil na din sa laki nito, pinaniniwalaang ito ay may bigat na 50 tons.

Ang livyatan ay nabuhay 12-13 million year ago. Sa panahon ng miocene Epoch.

Apex Predator:

Ang snout o nguso ng livyatan ay ibang iba kumpara sa modern spermwhale. Ang modern sperm whale ay kumakain ng mga malalaking pusit gamit ang kanilang oral suction o ung paghihigop nila. May mga ngipin ang mga ito pero hindi nila ito ginagamit para nguyain ang kanilang pagkain. Kung tutuusin mga boss, para itong pinagcombine na sperm whale at killer whale. Dahil ang ngipin nito ay halos kaparehas ng killer whale.

Ang lower jaw nito ay mayroong 22 teeth habang ang upper jaw ay mayroong 18 teeth. Fun fact mga boss, alam nyo naman kung gaano kalaki ang ngipin ng megalodon diba, ang trex? eh ang sabertooth? Walang sinabi yang mga yan sa ngipin ng livyatan dahil itong halimaw na balyenang ito ang may hawak sa pinakamalinging ngipin ng hayop. Sa katunayan, meron itong 14 inches na ngipin. Imaginine nyo na lang boss kung anong itsura ng mga pagkain nila pag sila ay kumagat.

Katulad ng killer whales o mga orcas, pinaniniwalaan na ang hunting style ng dalawa ay magkapareho, kung saan sinusundan nito ang kanilang pagkain hanggang sa mapagod ito at saka sasagpangin. Dahil na din sa laki nito, pinaniniwalaan na ang mga livyatan ay hindi mga group hunters.

Spermaceti Organ:

Ang lahat ng spermwhale ay mayroong malalaking foreheards. Dito mga boss nakalagay ang spermaceti organ. Ang spermaciti organ ay mayroong waxy liquid na tinatawag na spermaceti hence the name. Meron din itong massive partitions ng mga connective tissues. Pinaniniwalaan ng mga scientist na ang organ na ito ang tumutulong para ang mga balyena ay makapunta sa kailaliman ng tubig para maghanap ng pagkain, specifically mga squids. Ginagamit din itong pag headbutt para saktan ang kalaban tuwing mating season.

Sympre dahil nga isang klase din ng spermwhale ang livyathan, meron din itong spermaceti organ kahit na hindi naman ito ginagamit para makapagdive sa ilalim tubig para kumain. Ayon sa mga eksperto, ang main food ng mga livyatan ay kapwa nito balyena, ang baleen whales. Dahil dito nabago ang tingin ng mga eksperto sa nasabing organ. Pinaniniwalaan nila na ang organ ay may iba pang function, kagaya ng echolocation.

Just to be clear mga boss, hindi pa rin alam ng mga eksperto ang use ng spermaceti organ sa livyatan. All of the said info are theories only sa kung anong posibleng gamit ng spermaciti para sa livyatan.

Disappearrance:

Kakaunti pa lang ang fossil evidence ng livyatan kaya hindi pa ganung ka sigurado sa kung papaano naglaho ang livyatan. Pero kagaya nga ng dinuscuss ko sa megalodon, posibleng sila ay tinamaan din ng matinding pagbabago dahil sa mass extinction. Kagaya ng megalodon, ang kanilang pangunahing pagkain ay nawala at dahil dito, unti unti rin silang naubos.

Livyatan VS Megalodon:

Given the fact na ang karagatan ay sobrang lawak, hindi pa rin imposible na ang dalawang dambuhalang halimaw na ito ay magkabanggan. Lets discuss the advantage at disadvantage ng dalawa.

Lets start first with livyatan. Ang livyathan ay mayroong makakapal na ngipin at mas malaki ito kumpara sa megalodon. Ito din ay isang warm blooded mammal, ibig sabihin mas malaki ang utak nito kumpara sa ibang mga lamang dagat at dahil dito, posibleng mas mabilis itong makapagisip lalo na sa pakikipaglaban.

Ang disadvantage naman ng livyathan ay ang laki nito. Oo dahil sa malaki, posible ngang matakot ang ibang predator dito pero ito rin ang posibleng maging dahilan kung bakit sya aatakihin ng iba, mas malaking nilalang, mas malaking pagkain.

Now we go with megalodon, Oo ang livyathan ang may hawak sa pinakamalaking ngipin pero ang megalodon naman ang may hawak sa pinakamalakas na biteforce. Dahil na din sa dami ng mga fossils na nadidiskubre, ang mga pantheologist ay napagaralan ang way ng paghunt ng mga megalodon at ito nga ay ang tatangalin muna ang mga buntot o palikpik para di makalangoy pa at saka sasagpangin ang pagkain. Ag disadvantage ng megaldon ay ang utak nito, isa itong cold blooded shark at hindi ito ganun kabilis mag isip pagdating sa mga enkwentro. Pag nakakita ng pagkain, aatake kaagad ito pag alam nyang kaya nya.

Imagine this mga boss, itong dalawang halimaw ay nagharap sa ilalim ng dagat, dahil nakita ni megalodon ang posibleng pagkain, agad itong umatake. Habang si livyatan naman ay sinugod din si megaldon. Dahil sa mas mabilis ng di hamak si megalodon, agad nitong nakagat ang mga palipik ni livyathan. Nuong ibibigay na ng megalodon ang killer strike, biglang nagkick in ang mamalian brain ni livyathan at agad nakaiwas sa pagatake ni megalodon, dito binigay ni livyathan ang killer strike at pinabaon ang ngipin nito sa katawan ng megalodon.

Thats how i view it, Its brain vs brawn. Well at one point it will be megalodon ang mananalo so lets call it a draw.

We know na ang mga megalodon ay hindi mahilig sa mga malalaking isda as i’ve discussed sa video about it, dahil jan ang paghaharap ng dalawang halimaw ay may maliit na chansa lamang dahil malaking posibilidad na ang megalodon ay hindi papansinin ang livyathan o lalayo na lamang dito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

The Alpha Centauri

Ang pinakamalalang salot – Great Plague