Lilith – Ang unang asawa ni Adam? (Jewish Mythology)

Reading Time: 14 minutes

Pagtinanong kayo, sino ang unang babae sa mundo? Malamang marami sa inyo ang magsasabi ng si eba. Pero ayon sa Jewish Mythology, si Lilith ang unang babae. Bago magreact, search nyo muna ang ibig sabihin ng mythology. Ito ay mula sa Jewish Mythology. Anyway magptuloy na tayo. Sa mga dumaang siglo, si lilith ay nakilala din bilang isang succubus na nakikipagtalik sa mga lalaki sa pagtulog nito at pumpatay ng mga bagong panganak na sanggol. Sa mga nakalipas na taon ang mga feminist na scholars ay binigyan ng positibong pananaw ang kanyang istorya..

Bibliya:

Ang kwento ni lilith ay maiuugnay natin sa book of genesis. Kung saan merong dalawang bersyon ng creation na syang lumikha ng konsepto ng unang eba.

Ang unang paglikha na tintawag din na priestly version ay makikita sa genesis chapter 1.

Verse 26:  “Then God said, “Let us make mankind in our image, in our likeness, so that they may rule over the fish in the sea and the birds in the sky, over the livestock and all the wild animals,[a] and over all the creatures that move along the ground.””

Verse 27: “So God created mankind in his own image, in the image of God he created them; male and female he created them.”

Dito makikita natin na binanggit sa bibliya na ang panginoon nilikha ang babae at lalaki. Subalit isa pang timeline ang nilathala sa Genesis 2. Tinawag itong Yahwistic Version. Ito ang bersyon na mas pamiliyar yaong lahat.

Genesis Chapter 2

Verse 7: “And the Lord God formed man of the dust of the ground, and breathed into his nostrils the breath of life; and man became a living soul.”

Verse 15: “And the Lord God took the man, and put him into the garden of Eden to dress it and to keep it.”

Verse 21: “And the Lord God caused a deep sleep to fall upon Adam, and he slept: and he took one of his ribs, and closed up the flesh instead thereof;”

Verse 22: “And the rib, which the Lord God had taken from man, made he a woman, and brought her unto the man.”

Dito makikita natin na mayroong conflicting story sa pagkagawa sa unang babae. Ang genesis 1 sinasabi na sabay ginawa ang babae at lalaki habang ang genesis 2 naman sinasabi na ang babae ay mula sa ribs ng lalaki. Ang mga ancient rabbi ay nakita ang contradiction sa isyoryang ito. Pinaniniwalaan ng mga rabbi’s na ang Torah ay ang sinulat na salita ng Diyos kaya naman hindi dapat nito kinocontradict. Kaya nama ang mga rabi ay inanalisa ang Genesis 1 at 2 at dito na nga nabuo ang idea na androgyne at ang unang eba. Ang androgyne mga boss ibig sabihin wala itong kasarian, pwede itong maging babae o lalaki. Ayon sa theorya, ang Genesis 1 ay tumutukoy sa unang asawa ni adam at ang genesis 2 naman ang pangalawang asawa ni adam na si Eve.

May paliwanag naman na ang eastern orthodox ditto, ayon sa kanila ang Genesis 1 ay short summary lamang at ang genesis 2 ay ang detailed story. Which is kung babasahin nga natin ang bibliya totoo nga naman na mas detailed ang 2 pero merong isang word na medyo contradicting. Ididiscuss natin yan mamaya.

Talmud and Midrash:

Mga boss iclarify lang natin ang Talmud at Midrash sa Torah. Ang Torah mga boss ay ang hebrew bible, dito makikita ang libro ni Joshua, Psalms, book of ruth at iba pa. Habang ang talmud naman ay ang compilation ng mga historic rabis patungkol sa kanilang discussion o debate kung ano ang nilalaman ng Torah. Ayan mga boss ha malinaw yan.

Si lilith ay minention ng apat na beses sa Talmud, pero lahat dito hindi sya inuugnay bilang asawa ni Adam.

BT Niddah 24b: “If an abortion had the likeness of Lilith its mother is unclean by reason of the birth, for it is a child, but it has wings.”

Sa linyang ito nalaman natin ang mga rabbis ay naniniwala na si Lilith ay mayroong pakpak at kayang impluwensyahan ang pagbubuntis ng isang babaeh.

Ayon naman sa  BT Shabbat 151b, binalaan na ang mga lalaki ay wag matulog ng magisa dahil pwedeng pasukin sila ni lilith. Ayon din dito, si lilith ay isang succubus, hindi katulad ng lillu demons. Naniniwala ang mga rabi na si Lilith ang dahilan ng wet dreams ng isang lalaki at kinokolekta ni lilith ang mga similya ng mga ito para magbigay ng anak sa daang daang demonyong sanggol.

Origins:

Ang mga scholar hindi alam kung saan nagsimula ang karakter na si Lilith. Karamihan naniniwala na si Lilith ay inspired ng sumerian Myths patungkol sa isang bampira na tinatawag na “lillu” o hindi naman kaya ang Mesopotamian Myths tungkol sa sucubus na tinatawag na lilin.

Si Lilitha ay nabanggit ng 4 na beses sa talmud. Pero, nuong dumating ang 800s hanggang 900s dito na nilathala ang Alphabet of Ben Sira. Kung saan si Ben Sira ay pinangalanan si Lilith na unang asawa ni adam at nilathala ang kwento ng kanyang storya.

Story:

Ayon sa Alphabet of Ben Sira, si Lilith ang unang asawa ni Adam na binanggit sa Genesis 1. Subalit ang dalawa ay hindi magkasundo at laging nag-aaway. Hindi sila magkasundo pagdatingn sa pagtatalik dahil si Adam gusto sa ibabaw pero si Lilith, ito rin ang gusto dahil gusto nyang maging dominante.

Dapat ako ang nasa ibabaw ako ang lalaki ako ang malakas! Sabi ni Adam.

Hindi ako papayag! Sabay tayong ginawa ng ama kaya dapat pantay lang tayo! Hindi pwedeng nasa ibabaw ka! Sabi naman ni Lilith.

Hindi ako papayag! Ako ang nauna, kaya ako dapat ang nasa taas! Bulalas ni Adam

Bahala ka jan sa buhay mo! Aalis na ako!!

Nuong hindi sila magkasundo, nagdesisyon si Lilith na iwan si Adam. Binanggit nito ang pangalan ng diyos at lumipad papuntang red sea. Iniwan nito sa Adam ng magisa sa garden of eden. Ang panginoon nagpadala ng 3 anghel para ibalik si lilith sa piling ni Adam, pwersahan kung kinakailangan.

Diyos: Napag-alaman ko na si Lilith ay lumayas ng hardin. Kayong tatlong anghel, hali kayo ditto. May mission kayo. Sabi ng diyos

Tatlong anghel: Ano po un ama. Sagot ng tatlong anghel.

Diyos: Ibalik ninyo si Lilith kay adam, hindi pwedeng mag-isa lang ang pinakamamahal kong nilikha, dapat ay may Karamay sya. Pwersahan kung kinakailangan. Sabi ng panginoon.

Kapag si Lilith ay hindi bumalik, isang daan sa kanyang mga anak ay mamamatay araw araw.

Tatlong anghel ang pinadala ng panginoon para sa misyong ito at naabutan nila si Lilith sa Red Sea.

Tatlong anghel: Lilith, maghunos dili ka!

Lilith: Hindi na ako babalik pa. Sabihin nyo yan kay Adam. Bahala sya sa buhay nya.

Tatlong anghel: Kailangan mong bumalik. Nakikita mo ba yang dagat na yan. Lulunurin ka naming!

Lilith: Alam kong hindi nyo magagawa yan. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Ginawa ako ng ama para bigyan ng malalang sakit ang ang mga sanggol.

Sinabi ni lilith na ginawa sya ng panginoon para bigyan ang mga bata ng malalang sakit simula sa pagkapanganak nito hanggang sa walong taong gulang kapag ito ay lalaki subalit kapag ito ay babae, sya ay may  pahintulot hanggang sa mag 12 taong gulang ito. Ang mga anghel hindi sya nilubayan hanggang sa mangako ito sa pangalan ng panginoon na kapag ang sanggol o bata ay may mga pangalan ng tatlong anghel, hindi nya ito ipopossess. At nuong narinig ito ng mga anghel ay agad na silang umalis.

At hindi na bumalik si Lilith sa piling ni Adam.

Pinaniniwalaan na si Lilith ay sumama kay Samael.

Androgyne:

Katulad nga ng sinabi ko mga boss kanina Ang androgyne ay walang kasarian, pwede itong maging babae o lalaki. Ayon sa mga rabbi, sa Genesis Chapter 1 Verse 26 – 27, binanggit dito na gumawa ang panginoon ng lalaki at babae pero wala itong pangalan. Subalit sa Genesis 2, dito na sinabi ng panginoon na ginawa nya ang lalaki at nilagay sa Garden of Eden. Ayon sa pag-aaral ng mga rabi, ang nakasulat sa psalms ang posibleng indikasyon na si Adam ay isang hermaphrodite na may dalawang mukha. Ops, teka muna mga boss, ang ibig sabihin ng hermaphrodite ay ang isang organismo na mayroong dalawang kasarian.

Psalms Chapter 139 Verse 5: ’You have formed me before and behind’

Ayon kay reverend Jeremiah leazar, nuong nilikha ng panginoon si Adam, ginawa nya ito bilang isang babae at isang lalake. Kaya nga sinabi sa Genesis Chapter 1 Verse 27: “God created them; male and female he created them.”

Genesis Chapter 5 Verse 2: Male and female created he them; and blessed them, and called their name Adam, in the day when they were created.

Ayan mgaboss kung titingnan ninyo, sinabi sa bibliya “their name” ibig sabihin plural. Pinaniniwalaan ng mga rabi na nuong ginawa si Adam, ginawa ito ng panginoon ng may dalwang mukha, kung saan magkatalikuran ang dalawa. Sa genesis 2 naman ang paghihiwalay sa mga ito. Ayon sa mga rabi, ang interpritasyon ng sinabi sa banal na kasulatan kung saan binanggit dito na kinuha ng panginoon ang ribs ng lalaki para gawin ang babae. Ayon sa kanila, ang ribs, ibig sabihin ang kabiyak nito. Sa orihinal na kasulatan ang nakalagay ay mit-tzalotav na aang ibig sabihin ay buong kalahating katawan.

At dito nga pinaghiwalay ng panginoon si Eve at adam. Maraming rabbi ang sumangayon sa konsepto na ito, pati narin ang mga iba pang feminist scholars at itor in ang tumapos sa tanong na ang babae at lalaki ay parehas na ginawa.

Feminism:

Sa modernong panahon natin ngayon, ang mga feminist scholars ay nilalarawas si lilith hindi bilang isang demonyo kundi isang malakas na babae na sinabing kapantay lang ang lalaki at tumangging gawin ang mga bagay na hindi pantay sa kanya. Ayon sa mga feminist, si Lilith ay ang kanialng role model para sa sexual at personal independence. Ayon sa kanila, nagiisa si Lilith na sinabi ang pangalan ng panginoon para makatakas ito sa kanyang asawa. dagdag pa ng mga ito, At kung sakali man na sya ang ahas sa garden of eden, ang kanyang intensyon lamang ay tulungan si Eve na magkaroon ng karunungan, wika at lakas ng kalooban. Si lilith ang naging matatag na simbolo ng feminism.

Sa katunayan merong feminist magazine na pinangalan sa kanya, Mayroon ding lilith fair kung saan nagsasamasama ang mga babaeng singer at songwriters.

Conclusion:

Sa mga nalilito mga boss, ang pangalaan ng panginoon ay banal. Kaya naman nuong binigkas ito ni Lilith, nagkaroon sya ng kapangyarihan at kalayaan. Pero ako personally mga boss, hindi ako naniniwala na mayroong isa pang babae bukod kay eba. Nakalagay kasi sa bibliya na tinawag si Adam na Their, ibig sabihin hindi lang sya isa, posible nga na sya ay hermaphrodite at sa sinabi na kinuha ng panginoon ang ribs ni adam, iyon ang pinaghiwalay silang dalawa. Altho, si Lilith ay binanggit sa bibliya bilang isang demonyo:

Isaiah Chapter 34 Verse 14: “The wild beasts of the desert shall also meet with the wild beasts of the island, and the satyr shall cry to his fellow; the screech owl also shall rest there, and find for herself a place of rest.”

Kung nagtataka kayo mga boss bakit wala ang pangalan ni Lilith, sa king james version, ang lilith ay trinanslate bilang screech owl, ito rin ang paglalarawan kay lilith na isang demonyo na lumilipad sa gabi para maghanap ng kanyang mabibiktima. Ayan lang mga boss ang mentioned sa bibile ni lilith, wala na akong nakitang iba sa pagreresearch ko. Kaya kung si Lilith nga ay ang unang babae, bakit isang beses lang sya nabanggit sa banal na kasulatan? Kayo mga boss anong opinion ninyo?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Spitting Cobra

Papaano bang gawin ang Astral Projection?