Levels of internet (Surface, Deep and Dark Web)

Reading Time: 8 minutes

Topics

Since tapos na tayo sa Dark web roots pumunta naman tayo mga boss sa levels nito. Panigurado at the end of this video maraming mga magrereact sa inyo regarding sa levels but please hear me out mga boss bago mag comment. Finish the video first mga boss at pag di kayo satisified take a look at the sources na nasa video description. First let me feed your curiosity.

The internet:

Mga boss ang World wide web o internet ay nahahati sa tatlo. Una ang Surface web. Ang surface web ay ang inaaccess ninyo ngayon. Into ang mga sites na available sa lahat ng users at nahahanap ng mga search engines. ISang magandang halimbawa nito ang google, pag tinype nyo ang pizza ang google maghahanap sa indexed nito ng mga sites at ippresent sa inyo. Walang masyadong interesting things dito kaya pumunta na tayo sa susunod na portion.

Ang deep web. Marami sa atin ang nagkakamali patungkol dito. Mga boss magkaibang magkaiba ang deep web sa dark web. Ang deep web ay pwede ring maaccess ng normal na browser kagaya ng firefox or chrome. Ang mga websites na nasa deep web ay ang mga sites na nakatago, halimbawa ang database ng inyong kumpanya, panigurado nakatago yan at hindi masesearch basta basta sa google pero kapag nilagay mo ang direct link maabot mo. Ganun ang deep web boss, mostly kailangan mo ng link at kahit magsawa ka magsearch sa google o kahit anong search engine hindi  mo ito makikita, isa pa hindi ito naiindexed ng mga search engines. Kaya nga ayon sa pagaaral 4% alang ang surface web at 96% naman ang deep web. Dahil ito sa mga private companies at iba pang private individuals na sila lang ang may kakayahang makaaccess ng kanilang sites.

Ngayon pumunta naman tayo sa madilim na lugar ng internet. Ang dark web. Ang dark web ay ang mga sites na talagang nakatago sa mga search engine, gumagamit ito ng mga masked IP at hindi ito basta basta maaccess ng normal na browser. Dito na nga pumapasok ang TOR at iba pang special browsers.

Levels:

Ito na mga boss ang levels. Kung isesearch mo sa internet levels of dark web o levels of deep web panigurado ito ang unang lilitaw. Bago ko sabihin ang aking piece, tingnan muna natin kung anong nilalaman ng mga levels na ito.

Level 1: Surface Web

Ito ang surface web, kadalasan tinatawag din na clear net. Kinukunsidera na ang reddit at vampire freaks ay isang gateway papuntang dark web.

Level 2: Bergie Web

Ito ang mga website na hindi mo basta basta maseasearch kay kuya google o sa kahit anong search engines. Kasama na dito ang FTP servers at iba pang mga sites.

Level 3: Deep web

Ang level 3 ay nahahati sa dalawang grupo. Ang una ay kayang maabot gamit ang proxy at ito ay hindi onion extension pero hindi pa rin sila basta basta makikita sa mga search engine sapagkat karamihan dito ay illegal content katulad ng mga hacking, pagpatay at iba pa.

Ang sumunod na grupo ay kailangan ng TOR o special browers. Ito na ang mga sites o servers na nagtatapos sa.onion. Ang mga websites na ito karaniwan ay mga pribado ay hindi basta basta nakapublish kung saan saan. Dito mo makikita ang mga armas, killer for hire, illegal na pornograpiya, black hat hackers, programmers at marami pang iba.

Level 4: Charter Web

Ang level 4 ay nahahati din sa dalawang grupo. Unang una ang mga sites o servers na makikita mo sa hidden wiki. Pagvinisit mo ang hidden wiki ang mga links pwede mong iclick at mapupunta ka sa site na un.

Ang sumunod na grupo ay ang mga sites na wala sa hidden wiki. Dito di umano matatagpuan ang mga government information, spies, million dollar betting, human traficking, human experiments at marami pang iba.

Sa puntong ito, mawawalan na ng silbi ang Tor. Ang mga special router devices lang ang may kakayahang sumisid sa tinatawg na closed shell system. Di umano ang pag bisita sa site na ito ay hindi lang basta browser ang kailangan mong iinstall, kailangan mo ng isang customize na cpu at tamang frequency para mabisita ang mga ito.

Level 5: Marinas web

Ang pangalan nito ay hango sa marianas trench na pinakamalalim na dagad sa buong mundo. Ang nakalagay dito ay mga highly classified information at pati na rin di umano ang lokasyon ng atlantis, mga conspiracy at mga iba pang mga sagot sa ating mga katanungan. Mayroon din itong sariling pagiisip kung saan unti unti itong nabuo sa pagkokolekta ng impormasyon sa internet. Ayon pa sa mga kwento, hindi ito basta basta mapupuntahan kasi kailangan ng quantum computer bago pa marating ang lugar na ito. Sa panahon natin wala pang ganung teknolohiya.

Level 6:

Walang pangalan ang level na ito pero pinaniniwalaan ang level 6 ang nagkokonekta sa level 7 at 8.

Level 7:

Ayon sa kwento,  ang lugar na ito ay parang marianas web. Isa itong warzone. Dito naglalaban laban ang mga users para hindi marating ang level 8.

Level 8:

Pinaniniwalaan na ito ang katapusan ng internet at dito matatagpuan ang primarch system. Ang primarch system ang kumukontrol sa internet.

Facts and Trolls:

Dito na tayo mga boss, dito na magiiniit ang ibang viewers. katulad nga ng sinabi ko kanina, i’ll feed your curiousity first, since ngayon nasabi ko na let me break it sa inyo mga boss. Walang levels ang internet. Ito ay isang troll lamang ng isang walang magawang user na inupload sa intenet at kinagat ng napakaraming tao. Oo mga boss, troll lang ito. Kung naalala nyo ang Levels of hell na ginawa ko, hindi nyo ba napapansin ang pagkakapareho nila? Ito ay dahil ginaya ang levels of hell ni Dante sa levels ng internet. Sa kasamaang palad, nagiging isa na itong katotohanan. Let me present to you the facts mga boss.

Una sa lahat, ang Level 5 and beyond ay isang malaking kalokohan, sabihin na nating ang levels 1-4 ay totoo lets agree na meron nga talagang levels. Pero ang 5 and beyond ay imposible at hindi pa napapatunayan. Unang una sabi dito ay kailangan ng quantum computers bago maaccess ang level 5, paano nalaman na kailangan ng quantum computer? mayroon bang nakalagay na before you access this site you need a quantum computer? Now we go beyond, kung level 5 nga hindi maaccess ano pang katotohanan ng 6 to 8? dun pa lang halatang gawa gawa na ang kwento.

Mga boss ang internet is divded to 3 parts lang, surface, deep at dark. Dark web can be also categorized as such mga boss kasi ito ang part na kailangan na ng special browser.

Masakit mang sabihin para sa mga naniniwala sa levels, hoax lang yon mga boss.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Parokya ni Edgar

Bkit mas malaki kung tignan ang buwan at araw keysa ibang bituin – COMPLETED