Krampus

Reading Time: 7 minutes

#1

Si Jolly saint old nicholas ay gustong gustong pasayahin ang mga bata sa pagbibigay ng regalo habang si krampus ay ang kabaligtaran nito.

Si Krampus ay isang demonyo na kilala sa nakakakilabot na mukha nito at mabalahibong katawan. Mayroon itong dalawang sungay ng isang kambing, dahil si krampus ay hindi tunay na demonyo, isa syang half goat, half demon. At katulad ng ibang demonyo, si Krampus ay mahilig din manakot ng mga tao.

#2

Pwede mong sabihing si Krampus at si Santa ay magkasangga, bakit nga ba hindi. Sila ang nag teteam up para luminya ang mga bata. Kapag mabait ka, may regalo ka kay santa. Kapay masama ka naman, may regalo ka kay krampus, un nga lang, ang regalo mo ay nasa impyerno.

Nuong 17th century. Pinaniniwalaang magkasangga si Santa at Krampus. Kadalasan tinatakot nito ang mga bata at nagpapakita dito para bumait at pag nagtino sila, si santa naman ang susunod na darating.

#3

Si krampus kadalasan nagdadala ng birch stick o sanga ng punong kahoy ng birch. It ay ginagamit nya para ma intimidate ang mga bata at matakot sa kanya. Kapag sya ay nakakita ng masamang bata, kukuhanin nya ang kanyang sanga at papalo ito sa bata.

Kadalasan si Krampus nagiiwan ng paalala sa mga bata na andyan lang sya sa tabi tabi. Nagiiwan sya ng sanga ng kahot sa bahay ng mga ito. Nuong 1958 isang artikulo ang sinulat sa southeast austria kung saan di umano si krampus ay naggiwan ng mga sanga na kinulayan ng ginto sa mga bahay ng makukulit na bata. At ang mga tatay at nanay naman ay sinasabit ito sa dingding para ipaalala sa kanila na nanonood si krampus sa kanilang ginagawa.

#4

Ang mga larawan na nagpapakita kay krampus ay kadalasan merong kadena sa paa nito. Ang kadena ay simbulo na kayang ibigkis ng simbahan ang demonyo. Si Krampus naman pinapakita ito sa mga bata bilang panakot at sinasabing walang makakapigil sa kanya dahil nagawa nyang sirain ang kadena.

Pwede ring ang kadena ay nagsisimbolo ng yin at yang sa pagitan ni Saint Nick at Krampus. Si Saint nick at ang simbahana ang nagrerepresenta ng kabutihan at pagkabanal, habang si krampus naman ang nagrerepresenta ng kasamaan. Ang mga kadena ang nagsisilbing paalala na kayang pigilin ng kristiano ang demonyo o pabayaan ito.

#5

Hindi lang sanga ng kahoy ang paboriting dalhin ni Krampus. Kagaya ni Santa, si Krampus ay kadalasang nagdadala din ng sako. Pero ang sakong ito ay hindi para sa mga regalo. Kundi para ilagay ang mga pasaway na bata.

Kapag nakita ka ni krampus na pasaway. Pupunta ito sa bahay mo at isasako ka at dadalhin sa impyerno. May mga sabisabi din na nilulunod ni krampus ang mga bata sa lawa at kakainin ito pag katapos.

#6

Mga boss alam nyo ba ang araw ni Krampus? Ayon sa nabasa ko ang Krampus night ay tuwing december 5th. Sa gabi ng december 5th si krampus ay bibisita sa bawat bahay ng mga bata. Kadalasan nagiiwan sya ng mga birch tree sticks o hindi naman kaya ay sya na mismo ang aakyat sa kwarto mo para paluin ka nito pero pag sobrang kulit mo, pupuntahan ka nito sa kwarto mo at isasako. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot, ang paluin ka ng demonyo o ang makita ang mukha nito.

#7

Nuong 1900 pinaniniwalaan na kahit na nakaligtas ka sa pagbisita ni Krampus ng gabi ng december 5th, hindi ibig sabihin ligtas ka na dahil pinapanood ka pa rin nito at anumang oras ay pwede itong magpakita sayo at kunin ka.

#8

Ang mga imahe ni krampus nuong 1800 ay isa lang ang sinasabi. Si Krampus ay mayroong napakahabang dila na hindi kasya sa bibig nito. Kadalasan ito rin ang ginagawang panakot ni krampus.

#9

Hanggang sa ngayon Cinecelebrate pa rin ang krampus nights sa bayan ng austria. Ang mga tao duon kadalasan nag susuot ng krampus costume. Pero hindi lang basta party at laro ang nangyayari dito. Dahil isang gabi sa Salzburg, ang mga nakacostume na krampus ay sumobra ng kanilang acting. Ang isang turista sinabi pa na brutal ang ginawang pananakit nito sa mga teenager na nakaupo at sa mga natarget nitong mga biktima.

#10

Si Krampus ay nagsimula nuong 12th century o baka mas maaga pa. Nuong 12th century sinubukan ng mga katoliko na iban ang pagcecelebrate kay krampus pero hindi sila nagtagumpay. Kaya nila ipinagbabawal ito dahil ito ay pagan beliefs.

Si Krampus ay nagsimula sa pagan traditions kung saan kinakailangang ipatunog ang kampana at gumawa ng bonfire para mapaalis ang mga masasamang elemento.

#11

Unang sinubukang pigilin ng katolosismo si Krampus nuong 12th century at nabigo nga sila. Dahil ito di umano sa pagan culture at pagkakahalintulad nito sa diablo at nangangamba ang mga katoliko na dadami ang sasamba sa demonyo. Sinubukan ng gobyerno ng austria na iban si Krampus nuong 1934 dahil ito daw ay simbulo ng democrats. Ang isang bayan nangako pa na aarestuhin nila ang kung sinu mang makita nila nag suot ng costume ni Krampus. Nuong 1953 Ang Punong maestro ng Vienna Kindergarten Systen ay nagpadala ng mga sulat o pamphlet para balaan ang mga magulang na ang pagkkwento kay krampus sa kanilang mga anak ay pwedeng magkaroon ng traumatic effect.

Pero lahat ng ito ay hindi gumana. Lahat ng ito ay balewala. Sa katunayan ang Krampus party ay mas naging popular pa at mas lumalawak. In fact ang kauna-unahang krampus party sa US ay nangyari nuong 2015 at lumalaganap na ito.

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Vatican Archives

Christmas Tree Origins