Kobe… Hoax, Prediction, Conspiracy Explained | Bulalord

Reading Time: 23 minutes

World War 3,

Taal Volcano eruption,

Australia Bushfire,

Corona Virus.

Ang Enero sa taon ng 2020 ay kakaiba nga naman.Hindi mo akalain na simula pa lamang ito ng taon ngunit ang mga pangyayari ay pang-isang taon na.Kung akala mo ay tapos na ang Enero, nagkakamali ka. Humabol pa ito ng isang napakalaking balita na nagpaluksa sa maraming tao halos buong  mundo.

Marami ang nagulat nitong January 26, 2020 noong sumabog ang balita patungkol sa kamatayan ng isa sa pinaka-hinahangaang tao sa mundo ng basketball. Ang kinikilalang Black Mamba  na si Kobe Bryant.

Kagaya nga ng sinabi ko sa community posts hindi ako magcacall out ng kahit sinong youtuber dito, its their hustle, this is mine, kung tinamaan ka pasensya na. Hindi rin ako mag fofocus sa history ni kobe Bryant dahil madami na tayo nyan, just search on youtube dami ng naglabasan ng tribute sa kanya. Instead we will focus on the accident and conspirashit.

Kagaya ng sinasabi ko sa mga videos ko, kahit sa video na lumbas ditto wag kayong basta basta maniniwala and that’s good. Kailangan nyong ifact check ang isang information lalo na’t nakuha nito ang curiosity nyo. Para sa gustong mag fact check, ang sources sa lahat ng info na sasabihin ko ay nasa dulo ng video katulad ng lagi kong ginagawa.

Lets start.

The Accident:

First off, alamin natin kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago pa lumipad at bago pa magloko ang sinasakyan na helicopter ng halos siyam na katao, kasama na ang piloto na nagmamaneho na kinalalagyan ni Kobe at nang kanyang labin’tatlong taong gulang na anak.

Ayon sa mga balita at ilang research, noong araw na iyon ay masasabing isang mahalagang araw para sa mag-ama na si Kobe at kanyang anak na si Gianna. Ang mga ito ay papunta sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California upang panuorin at suportahan ang laro ng kanyang anak.

At this point on alam natin na hindi lang si Kobe at piloto ang nasa helicopter. Nariyan ang isang baseball coach na si John Altobelli, kasama ang asawa na si Keri Altobelli at ang anak na si Alyssa Altobelli. Kasama din dito ang isang ina na si Sarah Chester at ang kanyang anak  na teammate ng anak ni Kobe na si Payton Chester. Ang Huntington Beach basketball coach na si Christina Mauser at ang batikan na piloto na si Ara Zobayan.

Ang mga taong ito ang huling nakasama ng mag-amang Kobe at Gianna sa huling sandali ng kanilang buhay.

Sakay ng isang Sikorsky S-76B helicopter, ayon sa balita noong 9:06 AM ang siyam na ito ay lumipad mula sa Orange County, California. Makalipas lamang ang ilang oras, ang kanilang sinasakyan ay nakitang paikot-ikot sa himpapawid ng Glendale, California. Ayon sa ilang report patungkol sa pilotong nagpapatakbo nito, ito ay humihingi ng isang special visual flight rules clearance dahil sa kondisyon ng panahon na kanilang madadaanan.

Ang piloto na ito ay nabigyan ng permiso upang ipagpatuloy ang kanyang paglipad sa masamang panahon na kanyang dadaaanan. 9:24 a.m pinaalalahanan ng isang air traffic controller ang pilotong si Zobayan na hindi magiging madali ang kanyang dadaanan, ngunit ito hindi ito inalala ni Zobayan at nagpatuloy na lamang.

Maririnig sa isang Audio recording ang huling pag-uusap ng Air traffic controller at ang piloto na si Zobayan. Maririnig na ito ay nanghihingi ng isang flight following o isang radar kung saan makikita nito ang trapiko ng mga sasakyang pamhimpapawid noong oras na iyon.

Ang piloto ay hindi nabigyan ng flight following dahil sa baba ng lipad nito at hindi na din ito tumutugon sa mga mensahe at mga katanungan upang ito ay maalalayan sa paglipad. Sa oras nang 9:45am, ang helicopter ay tuluyan nang nawalan ng koneksyon sa air controller at sa oras nang 9:47  naitawag sa 911 ang isang balita patungkol sa isang helicopter na nag crashed at sumabog sa  hillside na makikita sa Calabasas, California.

Mula sa pagbasak nito, agad itong sumabog dahilan upang mamatay at matapos ang buhay ng mga nakasakay dito.

Helicopter:

Kung titignan, ang nilipad ng sinasakyan ni kobe ay hindi naman ganoon kalayuan mula sa kanilang pinanggalingan. Ayon sa ilang balita, ang pagsakay ni Kobe sa helicopter papunta sa kanyang pupuntahan ay isang paraan na matagal na niyang ginagawa.

Bakit helicopter I hear you ask? Bakit hindi magkotse, first off lets be real. May pera ung tao and he can afford it. Second mas madali para sa kanya ang pumunta sa mga events dahil walang stop light sa himpapawid at ang nais nito ay magkaroon ng sapat na oras para sa kanyang asawa at maging sa kanyang mga anak. Ang pagsakay mula sa helicopter ay isang paraan upang masundo ng mabilis ang kanyang mga anak mula sa eskwelahan.

Ayon sa Today, nasabi ni Kobe mula sa isang niyang interview na ang pagbyahe gamit ang sasakyan ay napakahirap at napakalayo. Isama pa ang traffic na dala nito sa daan, dahil dito ay sinimulan na niyang sumakay sa isang helicopter sa tuwing siya ay pupunta sa isang lugar.

“I was sitting in traffic and I wound up missing a school play because I was sitting in traffic”

“And so that’s when I looked into helicopters and being able to get down and back in 15 minutes. And that’s when it started.”

Yan ang dahilan kung bakit naghehelicopter si Kobe sa kasamaang palad, ito ay ang paraan na hindi inaasahan na tatapos sa buhay ng isang mapagmahal na ama.

Investigation:

Dahil isa itong aksidente, kailangan itong imbestigahan upang malaman kung ano ba talaga ang tunay na dahilan kung bakit bumagsak ang sinasakyang helicopter ni Kobe.

Ayon sa ilang balita patungkol sa isinasagawang imbestigasyon, ang mga unang rumesponde sa nangyari ay ilang mga tao, ang mga ito ay inunang apulahin ang apoy na mula sa pagsabog. Ang pagkakaroon ng black box mula sa isang eroplano o helicotper ay napakaimportante kaya’t isa ito sa unang hinanap ng mga imbestegador.

Ayon sa report, ang siyam na sakay nito ay nakita na ngunit ni isa  sa kanila ay walang nakaligtas, isang bagay na ikinaluksa hindi lamang ng mga taga-hanga ni Kobe; ngunit maging ang mga pamilya ng kanyang mga kasama. Nalaman mula sa iba’t ibang source na ang helicopter ay nakita pang paikot-ikot sa himpapawid ng Glendale labing apat na minuto bago ito bumagsak.

Ang piloto nitong si Ara Zobayan ay pinag-aaralan ng mga imbestigador, tinitignan ng mga nito ang mga flight record na nagawa niya mula pa noong nakaraang taon. Lumabas sa imbistigasyon na ang pilotong ito ay nagkaroon na nang halos 8,200 hours flight time, dito pa lamang mapapatunayan na natin na hindi ito newbie sa pagpapalipad, batikan na ito. Pero sympre patuloy pa din ang pag-iimbestiga sa record ng nasabing piloto na ito.

Makalipas ang tatlong araw, mula noong pagbagsak ng helicopter; ang sanhi nito ay patuloy pa din na inaalam. Hindi pa sigurado kung ang dahil ba sa klima ng araw na iyon, na sobra ang hamog sa kalangitan, tinitiganan din ang posibilidad na mayroong sira sa sistema ng eroplano at hindi ito nakita bago pa ito lumipad.

Kobe’s Death Effect:

Ano nga ba ang epekto ng aksidente at pagkamatay ng siyam na pasahero sa buong mundo at mundo ng basketball. Hindi lamang ang mga tao sa America ang nagluluksa sa pagkamatay ng taong ito, maging ang mga mamayan ng China at Italya ay ilan din sa mga bansa na labis na dinamdam ang pagkawala ng isang Kobe Bryant.

Si Kobe ngayon ay kinikilala bilang isang Philanthropist o isang humanitarian na tumutulong sa iba’t ibang bata at iba’t ibang pamilay upang makabangon sa kahirapan. Ang itinayo nilang foundation ng kanyang asawa na kinikilalang ” Kobe and Vanessa Bryant Family Foundation ” ay siyang humahawak sa tinatawag na Mamba Fc na isang youth soccer club. Ang mga ito ay nagbibigay ng libreng paaral para sa mga batang nais na matuto kung paano maging isang leader.

Tumutulong din si Kobe para sa mga tao na dumadanas ng sakit na cancer, at nagbighay ng halos $1 million para sa  National Museum of African American History and Culture.

Ayon sa isang local na psychiatrists, hindi lamang sa loob ng basketball court nagbibigay ng inspirasyon ang taong ito ngunit maging sa iba pang bagay. Mula sa pagiging anak, pagiging asawa, pagiging ama at pagiging isang tunay na tao ng isang Kobe bryant. Ang isang mahalagang laban ng Lakers at Clippers ay hindi itinuloy upang magbigay ng isang pakikiramay sa pagkawala ng mga taong nasawi sa aksidente.

Dahil ang sinasakyan ng mga ito ay isang helicopter, ang aksidente na ito ang naging dahilan upang mas lalong mabigyan ng sapat na atensyon ang mga taong palaging sumasakay sa bagay na ito.

Ayon sa NPR, ang kapahamakan mula sa pagsakay sa isang helicopter ay madalang lamang. Kung titignan ay mas safe itong sakyang kumpara sa isang sasakyan na ginagamit sa lupa. Lumabas na sa loob ng dalawang dekada, kakaunti lamang ang napabalitang naaksidente o muntik nang mamatay nang dahil sa pagsakay sa isang helicopter.

Ngunit noong dumating ang taon ng 2017 hanggang 2018, ang mga kaso at aksidente ay patuloy na pabago-bago. Ayon sa isang lawyer na mula sa isang aviation na si Bob Clifford, ang isang helicopter ay isang magandang bagay at nakakatulong para mapadali ang pagtravel ng isang tao; ngunit kung ito ay pinalipad nang hindi man lamang pinag-aaralan ng mabuti at inobserbahan, maari itong makapag dulot ng isang nakakatakot na resulta.

Hoax Video:

Ayon sa balita, ang tanging footage lamang ng helicopter na sinakyan ni Kobe ay ang paikot-ikot nito sa himpapawid ng Glendale. Ngunit ano itong kumakalat na isang video?

Ayon sa ilang research, ang video na ito kung saan makikita ang mismong pagbagsak at pagsabog ng isang helicopter ay hindi ang sinasakyan nila Kobe. Ang  video ay mula pa noong December taong 2018, na nangyari sa United Arab Emirates. Ito ay isang rescue helicopter na bumagsak malapit sa  world’s largest zipline, at pumatay sa halos apat na kataong sakay nito.

Maririnig din sa background noise ang ilang mga tao na nagsasalita ng Arabian languange. Please wag nyo ng ishare sa facebook feed ang video na alleged crash kuno. Ayan sana nalinawan kayo sa parteng ito.

Prediction about the Tragedy:

Mula noong mangyari ang trahedya na ito, ilang mga Self-proclaim post na nakita at nalaman ang mangyayari sa buhay ni Kobe Bryant. Makikita sa isang Tweet sa isang account na .Noso(@dotNoso) “Kobe is going to end up dying in a helicopter crash”, kung titignan ang date ng kanyang tweet ay makikita na mula pa ito noong November 13 taong 2012.

Let me give you the details first. First, maraming nagsasabi na totoo ang kanyang tweet pero marami ring nagsasabi na pwedeng 3rd party app dahil nga duon sa ilalam ay nakalagay ang carbon 2.5. May mga arguments na imposibleng nuong 2012 pa ito pinost dahil ang carbon 2.5 ay nirelease nuong 2015 lamang. Diba, ang layo ng difference so definitely it’s a hoax. Well hold on mate.

Ayon sa isang tweeter user na si Mike Beasly, hindi mo pwedeng maedit ang posts mo kapag natweet mo na, walang way para payagan ka ng tweeter ditto kahit na mag3rd party app ka pa. And I’ve confirmed it. So lets scratch off the editing part, 100% authentic na ang nakasulat duon ay talagang sinulat nya. Now lets go to the date.

Ang carbon 2.5 ay nirelease nga ng 2015 and yet ang posts ay 2012 so time traveler? Nope not really. Well ganito, halimbawa, gumawa ka ng app inintegrate mo sa tweeter. Sabihin na nating app 1.0. Ngayon ginamit mo ang app nag tweet ka at lilitaw sa baba ang app 1.0  right. So inupdate mo ang app after 10 years, ginawa mong app 99.0 guess what, lahat ng luma mong posts na mayroong app 1.0 ay magiging app 99.0 that’s why lumitaw sa post ni .noso na carbon 2.5 instaead of carbon 2. Something.

Pero bulalord, binago nya lang ang date nung post nya. Sige nga, gawin mo nga, try mo magtweet tapos baguhin mo ang date. Kahit baguhin mo pa ang date at time ng phone mo, hindi yan mababago. Hindi naman sa date at time ng phone mo kumukuha ng date ang twitter.

Isa ding sumisikat na nakakakita ng hinaharap ay ang kinikilalang si Rudy Baldwin na pinaniniwalaan na siya din ang unang nakaalam ng ilang malalang trahedya na nangyayri sa mundo ngayon. Ayon sa Facebook page ng taong ito noong January 3,2020, na nakita niya ang pagkamatay ng isang tao na taga ibang bansa, mababasa sa post na nasabi din nito ang dahilan ng pagkamatay ng taong ito.

Well isa akong skeptic na tao, sa sobrang skeptic ko gusto ko on the spot talaga kung ano ang prinidect duon lang ako maniniwala kas inga prediction diba, so bakit magbibgay ka ng vague information. When we say vague mga boss ito yung tipong open para sa interpretasyon kumbaga open ended question parang pag nagtatanong ka sa tropa mo, ung tipong pre kilala mo ba si ano, ung matangkad, tapos maitim tapos lalaki, eh andaming ganung itsura so sino?

Ganito kasi yan, lets say Hindi ko dinidiscredit si baldwin, kung nappredict nya ung future, then okay. Pero personally, hindi ako naniniwala sa mga open ended predictions lahat kasi pwedeng mangyari at sasabihin na, o nangyari ang prediction ko, unlike duon sa tiwtter post rekta talaga sinabi nya ung eksaktong pangalan at kung ano ang mangyayari, un pag nagawa un, possible pa na maniwala ako. You don’t need to take my word for it. Kung naniniwala kayo sa prediksyon nya then good for you, kung hindi, then okay, lika dito tabi tayo.

Isa din cartoon ang naipalabas noong 2017 na patungkol kay Kobe ang nakagawa ng isang eksena kung paano namatay ang sikat na Basketball player na ito. Makikita sa Chamberlain Heights Cartoon ang pag crash at pagsabog ng sinasakyang helicopter ni Kobe.

This one, okay 2017 or 2016 pa ito pinalabas. Obviously hindi nito napredict ang future. This was a bad joke. Pinalabas ito sa comedy central and we know what comedy central does. 2015 pa lang sumasakay na si kobe sa helicopter, ginawa nila ang sketch na un as a joke dahil nga at this point alam na nila na sumasakay si kobe sa helicopter. So hindi un napredict, wag kayong ano.

Death Conspiracy:

Sa lahat ng pagkakataon, sa tuwing mayroong sikat na sikat na tao ang namamatay sa industriya, hindi nawawala ang haka-haka ng mga tao patungkol sa tunay na dahilan kung bakit sila namatay. Hindi rin nakaligtas dito ang pagkamatay ng sikat na sikat na si Kobe Bryant.

Ayon sa isang 1970’s pop star na si Eric Carmen, Ang pagkamatay ni kobe ay isang paraan upang makalimutan ang isa sa mahalagang usapin ngayon sa bansang America, ang pagpapatalsik kay Trump bilang presidente ng bansang ito. Lets think about this for a second. Ilang araw o linggo lang ba magluluksa ang mga tao? Sabihin na nating 1 buwan, do you think after that nakalimutan na nila ang issue kay trump?

Nariyan pa ang paniniwalang ang pagkamatay  na ito ay naikabit sa nagdaang presidente ng America na si Bill Clinton at sa kanyan asawa na si First Lady Hillary Clinton. Ayon sa paniniwala ito ay parte lamang ng tinatawag na “Clinton Body Count” kung saan pinapapatay ng mag-asawang ito ang mga taong wala nang silbi para sa kanila.

Sa tagal ng panahon ang paniniwalang ito ay nakakabit na sa ilang pagkamatay ng mga sikat na sikat at kilalang tao sa buong mundo. Ngunit hanggang ngayon naman ay hindi ito napapatunayan at walang ebidensya upang isisi nga ito sa kanila.

Syempre hindi mawawala ang grupo ng mga Illuminati. Ayon sa ilan, ang dugo o ang buhay ni Kobe ay isang alay para sa sinasamba ng grupo. Ayon sa paniniwalang ito, ang pag-aalay ng dugo ng isang sikat at minamahal na tao ay nagbibigay sa kanila ng lakas. Sa bawat mamatay na sikat nakakabit na ang illuminati, sa bawat facebook posts at youtube comments makikita mo ang illuminati, puro kayo illuminati eh wala ngang patunay na nag eexists yan sa mga utak nyo lang nabubuhay yan. Yang nakikita nyong illuminati website, hindi yan ang original illuminati, sumakay na lang yan sa band wagon. Ang illuminati ay isang joke na ginawa nuong psychedelic era that is a proven fact at hanggang ngayon naniniwala kayo sa joke. Pambihira naman.

Eto ha iqoqoute ko para naman matauhan ka.

Ayon sa bbc

“psychologists also discovered last year that people with higher levels of education are less likely to believe in conspiracy theories.” And that’s a 2017 posts so 2 taon na nakakalipas nagpapaniwala ka pa rin jan?

Now lets go to murder,

Nariyan ang planadong pagpatay kay Kobe upang manalo ang sariling Team ni Kobe na Lakers at makuha ng kinikilalang matalik na kaibigan na si Lebron James ang kanyang pang-apat na singsing sa NBA. This is shit, literally. Hindi ako maka lebron pero hindi gagawin ni lebron un. Para sa singsing papatay ng tao tapos maiiwan ang pamilya. Mga utak talaga ng mga tao ngayon.

Itong si Rfg_chosen1 may saltik ata sa ulo to eh, sabi ba naman “To me, this looks like a ritual sacrifice in order for the LA Lakers to win their 17th championship, & for LeBron to get his 4th ring. I believe this was also a ritual sacrifice for the 49ers to win the Superbowl.”

Nasa era na tayo kung saan free na ang mga information and yet bumabalik tayo sa renaissance times kung saan tumatawag tayo ng demonyo at nag-aalay ng buhay para ditto.

Anjan din ang mga kaso nya na pinaniniwalaan ng iba na dahilan ng kanyang pagkamatay which again is absurd. Hindi na ako magdedelve in pa sa mga kaso, para sa akin disrespectful na yon basta lets leave it as that.

Misinformation:

Ang ilang conspiracy patungkol sa pagkamatay ni Kobe ay mayroon naman pinagmulan. Tulad na lamang ng paniniwala patungkol sa parte ni Clinton. Makikita sa isang tweet ni Kobe noong January 26 nito lamang taon ang mga katagang “I have information that will lead to the arrest of Hillary Clinton” Kobe Bryant(@kobebryant) ang oras na nakalagay sa tweet ay 1:37pm.

Ayon sa ilang research, walang kinalaman ang kahit sinong Clinton sa pagkamatay ng siyam na taong ito. Ang tweet na ito ay isang gawa-gawa lamang at mapapansin ito kung titgnan ang oras ng pag post. Ang oras ay 1:37Pm, ang pagcrash ng helicopter na sinasakyan ni Kobe ay Around 10am noong January 26,2020.  Ito ay ginawa lamang ng isang taong walang respeto at walang magawa sa buhay. Obviously kapag naggoogle search ka ng “I have information that will lead to the arrest of Hillary Clinton” maraming lalabas na results.

Sa sobrang advance ng ating teknolohiya, lahat ay maari nang magawa sa loob ng Computer.

Para naman sa isang conspiracies patungkol sa mundo ng basketball, ang grupong nagsulat o ang acc na nagpost nito ay isang grupo ng mga conpiracies na nagsusulat at gumagawa ng kanilang sariling paniniwala patungkol sa iba’t ibang bagay. Ang mga bagay na kanilang ginagawa ay kanilang pinopost sa Youtube upang mabasa at mapanuod ng ibang tao.

Ang lahat ng ito ay hango sa mga balita at research na patungkol sa kinikilalang Black mamba ng Basketball Court. Again, kung gusto nyong ifact check at please do, nasa end ng video ang sources na pinagkuhanan namin.

Sa lahat ng nangyari sa buong Enero ng 2020, nawa ay wala nang humabol pa at maging maayos ang pagpasok ng buwan ng Pebrero.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8
Source 9
Source 10
Source 11
Source 12
Source 13
Source 14

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit minsan lumalaki ang buwan?

Bakit mas matangos ang ilong ng nasa malalamig na klima?