Jack the Ripper Rizal Urban Legend

Reading Time: 10 minutes

Mga boss panigurado kilala nyo na ang Jack the ripper. Sa mga hindi pa, isa itong kilalang kilalang serial killer sa distrito ng london nuong 1888 partikular sa lugar ng whitechapel. Tinawag syang Jack the ripper dahil sa isang sulat na nagpapanggap na ito ang pumapatay sa distrito ng white chapel pero nalaman na ito ay isang hoax lamang. Kilala din sya sa tawag na white chapel murderer at leather apron.

Bakit nga ba naiugnay si Dr. jose rizal kay Jack the ripper?

Ito ay sa kadahilanang nuong nagpunta di umano si Rizal sa londo, si jack the ripper ay active at nuong umuwi si rizal sa pilipinas, huminto din ang pagpatay. Kung tutuusin talaga nga namang napakamisteryoso diba mga boss?

Isa pang pagkakapareha ng dalawa ay ang pagkahilig ng mga ito sa babae. Di lingid sa kaalaman nating mga pinoy na isang chick magnet si rizal.

Isa ding pagkakapareho nila ay ang kanilang initials. Jose Rizal at Jack the Ripper. Parehong may initials na J at R.

Katulad ng naunang video kay rizal mga boss, ippresent ko muna ang mga details kung bakit naging isa itong urban legend at sa huli ang ating verdict.

Pagkakapareho:

#1

Si Jose rizal ay isang doktor, isang ophtalmologist habang si jack the ripper naman ay pinaniniwalaang doctor sa kadahilanang tinatanggal nito ang mga laman loob ng kanyang biktima at hindi lang basta sige tanggal, base sa mga biktima nito, merong alam sa mundo ng surgery si jack the ripper.

#2

Si rizal ay isang multi talented at multi lingual. Sa katunayan si rizal ay fluent sa pagsasalita ng english. Habang si Jack the ripper naman ay isang english men. Dahil sa fluency ni rizal, hindi malabong mapagkamalan syang english.

#3

Si rizal ay tumira sa beckett family sa crescenet london habang si Jack the ripper naman ay pumapatay ng mga prostitute sa white chapel london.

#4

Kilala si rizal na lapitin ng chicks at si Jack the ripper naman ay lahat ng biktima nito ay babae.

#5

Si rizal nuong nasa london ay pumunta sa british library para kopyahin ang sucesos de las islas filipinas. Dahil wala pang xerox o photocopy nuong mga panahon na iyon kinailangan nya itong isulat. Habang si Jack the ripper naman ay active tuwing gabi nuong mga panahon na ito. Hindi natin alam kung anong ginagawa ni rizal sa umaga o sa gabi.

#6

Si rizal ay isang freemason habang si Jack the ripper naman ay sinulat ang salitang “juwes” na nalilink din sa freemason.

#7

Si rizal umalis ng london nuong January 1889. Nuong July 1889, si Jack the ripper ay kumitil na naman ng isang buhay.

#8

Ang initial ni jose rizal ay JR at ang initial ni Jack the Ripper ay JR din.

Series of Events

—-February 3 1888:

Rizal:

Dahil sa kontrobersiya ng nobela ni rizal, minabuti ng pamilya nito na lisanin ni  rizal ang pilipinas. Pasikreto itong umalis papuntang hongkong at japan pagkatapos ay lumapag sa Amerika.

Ripper:

No events

—-May 13 to 16 1888:

Rizal:

Si Rizal ay nanatili sa Fifth avenue hotel sa new york city

Ripper:

No events

—-May 16 1888

Nakalikom ng sapat na pera si Rizal para pumunta sa london. Kung saan nakasakay itosa magarbong sasakya ng city of rome.

Ripper:

No events

—May 24 1888

Dumating sya sa liverpool at pumunta sa london. Nananitli si rizal sa no. 37 chalcot crescent kasama ang beckett family.

Ripper:

No events

Unknown Date:

Habang nasa london dito kinopya ni rizal ang libro ni Antonio Morga sa library of british museum.

—June 13 1888,

Sumulat si rizal sa kanyang pamilya at pinarating nito kung nasaan sya.

Ripper:

No events

—-August 31 1888

Rizal:

No events

Ripper:

Nagsimula na ang pagpatay ni jack the ripper. Ang kanyang unang biktima ay si Mary Ann Polly nichols

—September 8 1888

Rizal:

No events

Ripper:

Kinitil ni Jack the ripper ang buhay  ni Annie Chapman bilang pangalawang biktima.

—September 25 1888

Rizal:

No events

Ripper:

Isang post card ang pinadala sa Central News agency na nakapangalang dear boss at nakalagay ang pangalan ni Jack the ripper.

—September 30 1888

Rizal:

No events

Ripper:

Kumuha ng dalawang buhay ng parehong araw si Jack the ripper, ito ay sina Elizabeth stride at catharine eddowes. Ang dalawang bangkay ay kalahating milya ang layo sa bawat isa.

Ang mga salitang ” The Juwes  are the men that will not be blamed for nothing” ay natagpuan sa may pintuan  ng biktimang si Catherine Eddows. Ang salitang Juwes ay naiuugnay sa freemason.

—November 9 1888

Rizal:

No events

Ripper:

Pinatay ni jack ripper ang kanyang huling biktima na si Mary Jane Kelly.

—January 1889

Rizal:

Si rizal ay umalis ng london

Ripper:

No events

—July 1889

Rizal:

No events

Ripper: Matapos ang 9 na buwan ng huling pumatay si Jack the ripper, ang bangkay ni Alice mackenzie ay natagpuan at sinasabing ito daw ay kagagawan ni jack the ripper subalit hindi naniniwala ang mga pulis na si Jack the ripper ang may gaawa nito.

Kung mapapansin ninyo mga boss,  salitan ang events ni Rizal at ni Jack. Si Rizal sumulat ng mga sulat para sa kaibigan nyang si blumentritt nuong nasa london pa ito subalit walang sulat na pinadala si rizal para sa kanyang pamilya o kaibigan simula July 1888 hanggang November 14 1888. Habang si jack the ripper naman ay naging active simula August 31 hanggang November 9 at nakapatay ito ng limang biktima kung saan umaatake ito kapag gabi.

Verdict:

Kung titingnan ninyo mga boss hindi nga malabong si Jack at si Jose ay iisa lamang. Pero ilatag natin ang mga posibleng ebidensya kung bakit malabo na si Jose Rizal at si Jack the ripper ay iisa lang.

#1

Mayroong 4 na primary suspect sa identity ni Jack the ripper, ito ay sina Montague Druitt, Kosminski, isang polish jew, Michael Ostrog, isang russian doctor at James Maybrick. Walang Dr. Jose rizal sa suspetsya ng mga pulis.

#2

Ayon sa timeline, si Jack ay kumitil ng huling biktima na si Alice Mckenzie subalit hindi naniniwala ang mga pulis dito, kung sakali nga na si Jack ang may gawa nito, nuong mga panahon na pinatay si Alice, si Rizal ay wala na sa london.

#3

Ang white chappel murders ay nagsimula na bago pa dumating si rizal, altho hindi ito kaperahas ng pagkakapaslang sa mga nanunang babae, ang 3 pang naunang biktima ay mga babae din. Si Emma smith ay pinagsasaksak nuong April 3 1888, si Martha Tabram naman ay sinasak ng 39 times nuong August 7 at si Mary ann nichols naman ay nuong August 31. Oo nga pala mga boss ang mga nauna ay mga prostitute din.

#4

Malabong malabo na si rizal ang ripper dahil si rizal ay kayumanggi ang kulay ng balat, at ang ripper umaatake lang kapag gabi. Nuong panahon na yon, laganap ang racism, bihirang bihira kang makakakita ng hindi puti na nasa kalsada disoras ng gabi kaya naman kung si rizal ay lumalabas ng gabi para pumatay, malamang dun pa lang nabugbog o napatay na sya dahil sa racism. Isa pa ang whitechapel ay lugar ng mga low class, usong uso dito ang nakawan, holdapan at patayan kaya nga maraming prostitutes.

#5

Alam natin na si Ripper ay active sa whitechappel district at pinaniniwalaan na nakatira lang malapit dito. Habang si Rizal naman ay nananatili sa Chalcot Crescent. Kung ito ay lalakbayan nasa mga isa hanggang dalawang oras ang byahe gamit ang kalesa. Isa pa, walang public transport ng dis oras ng gabi nuong mga panahon na yon.

#6

Karamihan ng pinatay ni jack the ripper ay tinanggalan nya ng lama loob o hindi naman kaya pinaglaruan ang katawan nito. Kaya naman suspetsa ng mga pulis ay may kaalaman sa anatomy at isang surgeon si ripper. Posible din na isa itong butcher o hospital attendant dahil sa mga gawa nito. Habang ang ating dr. Jose rizal naman ay isang opthalmologist. Wala itong kahit anong training sa surgery kaya malabong siya ang guamawa ng mga ito.

#7

Oo parehas silang chick magnet pero magkaiba ang pagkamagnet nilang dalawa. Habang si Jack the ripper ay may pagkamuhi sa mga babae kaya pinapatay ang mga ito, si Dr. Jose rizal naman ay lover boy.

Ayan mga boss, ewan ko na lang kung pagisipan nyo pa si Dr. Jose Rizal. Malabong malabo ang ideya na sya si ripper. Isa pa, isipin nyo na lang kung sila ay iisa, parang ampangit naman ata, tintingnan natin sya bilang bayani tapos mamatay tao pala. Sa mga naguluhan mga boss, welcome ang comment box sa mga katanungan ninyo at sasagutin ko yan. Para naman sa mga magsasabi ng false info mga boss o mali yan, please cite your sources po. Alam kong hindi ako perpekto kaya baka may nakaligtaan akong information.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Gaano kadelikado ang Dark Web?

History of homosexuality – COMPLETED