in ,

Ito ang totoong dahilan bakit nabuo ang halo halo

Isa sa pinaka pinaka kilala at pinaka paboritong pagkain ng mga pinoy sa panahon ng tag-init ay ang tinatawag na Halo-Halo. Ito na nga ang isang pagkain na siyang may yelo at sinasamahan ng ilang mga masasarap na sahog.

Maging ang mga dayuhan na silang pumupunta sa ating lugar ay hinahanap at nais din matikman ang pagkain na ito. Ngunit paano nga ba nagsimula ang paboritong meryenda sa tag-init ng mga Pilipino?

Pre-War Japanese:

The main desert of summer! "HALOHALO Suika" that tastes like and looks like  water melon was released! | MOSHI MOSHI NIPPON | もしもしにっぽん

Habang nagaganap ang malalang labanan ng ilang Pilipino, Americano at mga Hapon sa ating bansa. Mayroong mga Hapon na siyang lumipat sa ating bansa upang masakop at mapangunahan ang ilang bahagi ng ating bansa. Sa kanila ngang pananatili sa ating bansa, mayroon silang mga naiwang pagkain at mga gawain na hanggang ngayon ay ating ginagawa.

Ayon sa The culture trip, ang masarap, malamig at matamis na pagkain na ito ay nagmula pa noong pre-war Japanese Period. Noong panahon na iyon, ang halo-halo ay ipinakilala ng mga Hapon sa Pilipinas. Ayon sa mga historian, ang tawag pa ng mga Hapon dito ay “Mitsumame” o “‘mongo con hielo” at ang “Kakigori” na siyang katulad na katulad ng ating halo-halo.

Ang kinikilalang Mitsumame ng Japan ay isang shave ice na siya namang hinaluan ng monggo beans bilang pinaka main ingredient. Kinilala nga ang mga tinatawag na Nippon immigrants na silang kasama sa Nippon army na manlalaban ng emperyo ng Japan at sila ang nagpakilala nito bilang isang panghimagas. Dito ay naibebenta ito ng mga Hapon sa halagang isang centavo.

Hindi nagtagal, ang mga local ay dinagdagan ito ng iba’t ibang prutas at iba’t ibang mga sahog. Ayon sa isang historian na si Ambeth Ocampo, ang Halo-Halo ay mula sa Japanese sweet treat na Kakigori. Isa itong ice shave dessert na siyang nilalagyan ng condense milk.

Pinaniniwalaan na ang mga Japanese farmers ang siyang nagdala ng Kakigori at ang pagdagdag ng monngo at kulay pulang kidney beans bilang isang refrestment. Di kalaunan ay tinawag nila itong “Mong-ya”.

Pinaniniwalaan na noong panahon na iyon ang mga Pinoy ay nagsisimula pa lamang kumilala at gumawa ng mga ice cream at iba pang pagkain na nilalagyan ng yelo, dahil ang supply ng yelo noong unang panahon ay mahirap kuhanin. Ngunit noong magawa ng mga Americano ang Insular Ice Plant, mas naging madali sa mga Pinoy ang kumuha ng yelo at gumawa ng mga pagkain na kasama nito.

Dahil na din sa pagkahilig ng maraming Pilipino sa Mong-ya, maraming Hapon ang siyang nagtinda at naglako nito sa Metro Manila at noong ang mga ito ay umalis na sa Pilipinas matapos ang World War II. Itinuloy ng mga Pilipino ang pag-gawa at pag-gaya ng pagkain na ito.

Magmula noon ay nadagdagan pa ng iba pang mga sahog ang halo-halo at habang tumatagal ay mas lalo itong sumasarap at sympre nagmamahal din ang presyo. Ang iba nga ay gumagamit pa ng mga sago, mga nata de coco, pinipig, mga minatamis na saging, macapuno, leche plan at maging ice cream sa ibabaw nito.

Matitikman nga sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang iba’t ibang espesyalidad na maaring matikman.

Pinaniniwalaan nga na walang perpektong sahog ang Halo-Halo. Bukod pa dito, ang spelling na Halo-Halo ay pinaniniwalang mali base sa Commission on the Filipino Language at ang tamang salita at spelling ay “Haluhalo”.

Ngayon nga ay makikita mo itong ibinebenta sa isang restaurant, sa isang fast food chain at maging sa mga kanto at mga nadadaanan pag-uwi mo sa iyong bahay. Masarap nga itong kainin sa panahon ng tag-init na tumatama sa ating bansa.

Ito ang pinagmulan ng ating kilala at pinaka paboritong Halo-Halo. Ang katotohanan na hindi man sa atin nagsimula ang kaisipan sa pag-gawa nito, ang mga kakaibang ideya ng mga Pinoy ang siyang nagpasarap pa lalo at nabigyan ng iba’t ibang lasa ang malamig na pagkain na ito. Nagdala man ng malagim na pangyayari ang mga Hapon sa ating bansa, hindi maitatangi na ang ilan sa kanilang kultura at mga kinakain ay na adopt ng mga Pilipino at hanggang nagyon ay atin pa din kinakain at ginagawa.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/8J4_u8BK88w

Report

Written by bulalordyt

What do you think?

Leave a Reply

Alam nyo ba ang iba’t ibang klase ng mangkukulam

Ang presidente ng Pinas na kumalaban kay Hitler