Ito ang dahilan kung bakit nakakatouch ang Ugoy ng duyan na kanta

Magmula noong ikaw ay bata pa, isang kanta ang palagi mong naririnig.Maaring ang kanta na ito ay ang kinkanta sa iyo ng iyong ina, maaring narinig mo sa radyo,narinig sa commercial at maging sa iba pang mga tugtugan.

Ang kanta na siyang nagbibigay ng ala-ala mula noong tayo ay mga bata at ang tanging takbuhan natin sa tuwing tayo ay may pinoproblema ay ang ating nanay.

Ngunit maraming mga nagtataka kung paano nagsimula ang nakakaiyak na liriko na dala-dala ng kantang ito.

Lucio San Pedro:

lucio san pedro - Google Search | San pedro, Filipino fashion, Pedro

Malamang ay naririnig natin na palaging kumakanta ng tugtugin na ito ay mga babae. Ngunit ang totoo ay isang lalaki ang tunay na nagsulat ng kantang ito.

Ito ay si Lucio San Pedro. Si Luico ay ipinganak noong February 11,1913 at pang-apat sa magkakapatid na anak nila Soledad Diestro at Elpidio San Pedro. Mula sa side ng kanyang ina, pinaniniwalaan na dito nakuha ni Lucio ang kanyang pagkahilig sa pag-gawa ng musika.

Ang pamilya nga ng kanyang ina ay isang kilalang mang-aawit. Ang kanyang lolo na si Rafael Diestro ay siyang nagpakilala kay Lucio sa musika. Ito ay nakatoka sa pagpapatugtog ng organ mula sa isang simbahan, habang ang kaniyang ina ay choir o mang-aawit naman dito.

Pinaniniwalaan na noong bata pa lamang si Lucio, ito ay marunong nang tumugtog ng iba’t ibat mga instrumeno tulad na lamang ng violin, banjo at maging banduria at octavina. Dahil dito, bata pa lamang ay pinalitan na nito ang kanyang lolo mula sa pagpapatugtog ng organ sa kanilang simbahan.

Magmula noon ay pumasok din ito bilang miyembro ng Angono Municipal Symphonic Bandbna pinondohan ng kaniyang ama. Ang pagpasok niya dito ay ang dahilan upang mas mahasa ang kanyang talento sa pagsusulat ng kanta at pag co-cunduct ng orchestra.

Dahil sa kanyang patuloy na pag-angat sa larangan ng musika, ito ay nakapasok bilang iskolar sa University of the Philippines Conservatory of Music. Mula sa pagtuturo ni Antinio Molina na isang nationalist composer, si Lucio ay mas lalo pang gumaling sa larangan ng musika. Habang ito ay nag-aaral ng kolehiyo, nakatanggap ito ng iba’t ibang parangal.

Noong ito ay makapagtapos na sa kolehiyo at dahil na din sa kanyang talento at talino agad itong nakapasok bilang isang guro sa pagkokomposisyon ng kanta sa Centro Escolar University. Bukod sa kanyang pagtuturo sa composition department, ito ay nagsilbing conductor teka, hindi isang nakasabit sa jeep ha ung nangongolekta ng pamasahe, iba un. Ang conductor na tinutukoy ko ay ang nagbibigay ng direksyon sa isang prchestra.

Siya ay naging conductor ng Musical Philippines Philharmonic Orchestra. Taong 1946 noong ang kanyang tone poem na Hope and AMbition ay nanalo ng special prize mula sa isang composition contest. Dahil dito, nakakuha ito ng pagiging scholar mula sa Filipino Youth Orchestra at doon ay nakapag aral ito sa Juilliard School of Music sa New york City noong 1947.

Ngunit kahit na mga taga ibang bansa ang nagtuturo kay Lucio, naisip niya at napagtanto na ang paggawa ng folk music ang siyang mas magpapakilala sa kanya mula sa mga Filipino. Ngunit ayon sa kanyang mentor na si Professor Bernard Wagenaar, mas pinag tuunan lamang ng pansin ni Lucio ang Folk Melody at hindi ang buong folk song.

Ugoy ng Duyan:

Sa Ugoy Ng Duyan: The Inspiration Behind The Lyrics

Ang “Ugoy ng Duyan” ay isang kilalang lullaby o pampatulog ng mga nanay sa tuwing pinapatulog ang kanilang anak. Nagawa niya ito noong 1943. Pinaniniwalaan na ang tono at ang melody na kanyang nagawa ay base sa palaging hinuhuni ng kanyang ina sa tuwing sila ay pinapatulog nito.

Ang kanta nga na ito ay para sa kaniyang ina na siyang nag-papaalala sa pagmamahal na ibinigay ng kanyang ina para sa kanya. Ang kanta din na ito ang siyang nagpapaalala sa kanyang pinagmulan.

Ayon sa Filipinaslibrary, ang kanta na kanyang nagawa ay balak niiyang ipasok sa isang government-sponsored contest sampong taon na ang nakakaraan. Ngunit dahil sa wala itong mahanap na lyricist noong panahon na iyon, ang kanyang kanta ay hindi nalagyan ng mga kataga. Ngunit habang ito ay pauwi sa Pilipinas noong 1948, nakilala nito ang lalaking kinilalang si Levi Celerio.

Si Celerio ay isa sa miyembro ng mga Filipinong musician na umiikot sa mundo at nagtatanghal. Dito ay nilagyan niya ng salita ang melody na nagawa ni Lucio. Ang liriko na nagpapaalala kung paano ang isang bata ay nabuhay at nanatili sa kanyang ina noong baa pa ito.

Dito ay nakilala ang kantang Ugoy ng Duyan o The Sway Of The Baby Hammock. Ang kanta kung saan ito ay nagnanais na maibalik ang mga panahon na kailanman ay hindi na maibabalik pa.

Noong ito ay mailabas at napakinggan ng mga Filipino. Nagaktanggap ito ng maraming papuri at mainit na pagtanggap. Taong 1976 nga noong ito ay ginamit na theme song ng Sakada na isang Philippine social-realist film patungkol sa mga ordeals ng sugar cane farmers sa Negros.

Ang kantan na ito ay ilang ulit nang nagamit sa mga teatro at mga musical mula sa iba’t ibang lugar. Ang dala nito ay luha sa mga taong tagapakinig nito. Kinilala nga ang mga classical singers na sina Aurelio Estanislao at Evelyn Mandac na silang unang nagparinig sa mga tao ng buong kanta.

Mula noon at hanggang ngayon ay iba’t ibang mga singer mula sa Pilipinas ang gumagawa ng kanilang version at itinanghal ang kanta na ito ng halos walang permiso. Taong 1956 naman noong ang kanta ay naging pang apat na parte ng musical peice na ginawa ni Lucio at tinawag itong Suite Pastorale.

Ang musical na nagpapa-alala sa kanyang maganda at romantikong buhay sa kanyang hometown sa Angono,Rizal. Dahil din sa maraming komposisyon at nagawa ni Lucio. Kinilala ito bilang Maestro at tinanghal na National artist noong 1991.

Taong 2002 noong namatay si Lucio mula sa sakit sa puso at maging ang nagsulat ng liriko ng ugoy ng duyan na si Celerio ay namatay naman dahil sa multiple organ failure.

Ito ang kwento at pinagmulan ng nakakaiyak na himig na madalas nating naririnig sa radyo.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/FK9aL2bbOPY

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pilipinas Maharlika Nation

Ang dahilan kung bakit tumatalon ang mga aso sa tulay