Ito ang dahilan kung bakit itong tinawag na CORPSE FLOWER

Nakilala mo na ba ang pinaka malaki at pinaka mabahong bulalak sa buong mundo? Kung hindi pa, tara at ipapakilala ko sa inyo ang kinikilalang Raffflesia, isang corpse flower, na siyang makikita sa Indonesia. Bakit sya tinawag na corpse flower? Well lets find out.

History:

Species of the week: Rafflesia | One Earth

Ayon sa Phys.org. Ang mga Indonesian Conservationist ay nakadiskubre ng isang pinaka malaking specimen o siyang pinaka malaking bulaklak sa buong mundo. Kapag tayo ay nakakarinig ng bulaklak, ang ating unang maiisip ay maganda at mabago ito. Pero ibahin natin ang bulaklak na kanilang nadiskubre dahil kabaligtaran ito ng isang mabango at magandang bulaklak.

Kinilala nga ang isang Rafflesia tuan-mudae, na may laki na 111 centimeters o 3.6 foot sa diameter. Makikita sa bulalak na ito ang malaking butas sa gitna at makikita din dito ang mga white blister na siyang nakalagay sa nakakatakot na petals ng bulaklak.

Pinaniniwalaan na noon ay nakita nga ang isang 107 centimeter na bulaklak na siyang natagpuan sa kagubatan ng West Sumatra. Ayon sa isang Agam Conservation Agency sa Sumatra na si Ade Putra, ang kanilang natagpuan na Rafflesia tuan-mudae, ang pinaka malaking tubo na kanilang na dokumento.

Ayon sa kanilang pag-aaral sa bulakalk, ito ay uusbong at lalaki sa loob ng isang linggo at matapos nito ay unti-unting mamatay at mabubulok ang bulaklak. Ang pangalan ng bulaklak na Rafflesia ay mula sa isang British colonialist na si Sir Stamford Raffles na siyang pinaniniwalaang nakadiskubre ng ganitong klase ng bulaklak noong 1818 sa bansang Indonesia. Ito nga ang siyang nanguna sa Indonesian rainforest expedition team noong panahon na iyon.

Ang ganitog bulaklak ay hindi lamang sa Indonesia matatagpuan ngunit maging sa iba’t ibang lugar ng Southeast Asian countries at maging sa ating sariling bansa ay pinaniniwalaan na makikita dito ang halos 100 centimetre na Raffflesia.

Kung minsan ang bulaklak na ito ay kinikilala din bilang Corpse Flower dahil sa amoy na kanyang inilalabas. Amoy ng sira at nabubulok na karne, dahilan upang maattrack ang mga langaw at iba pang insecto sa bulaklak.

Raffflesia:

The largest flower in the world is a parasite | Harvard Magazine

Ang genus na Raffflesia ay pinaninwilaang nakabilang sa pamilya ng tinatawag na Rafflesiaceae o tawag sa mga bulaklak na silang kakaiba ang laki kung ikukumpara sa ibang mga bulaklak.

Ang Raffflesia ay pinaninwialaang nagtataglay ng 28 species ng parasitic flowering plants na silang makikita sa ilang bahagi ng Asian Rainforest. Ayon sa mga eksperto, kinikilala ang species na Rafflesia arnoldii na siyang naglalabas ng pinaka malaking bulaklak sa sating mundo.Ito rin ang pinaka mabahong bulaklak sa buong mundo.

Ang Rafflesia arnoldii ay isang parasitic plant at makikita ang isang strands ng tissue na makikita naman sa loob ng vines ng host plants. Pinaniniwalaan na halos sampung buwan ang gugugulin upang mapatubo at mapabuka ang bulaklak na ito, ngunit isang linggo o halos ilang araw lamang ang itatagal ng bulaklak na ito.

Bukod sa laki ng bulaklak, makikita din ang siyang malaking pagkakaiba nito sa ibang bulaklak. Sa gitna ng bulaklak ay makikita ang pinak acentral disc na siyang nagtataglay ng maraming spines at ang disc na ito ay napapalibutan ng diaphragm.

Ang sexual organ ng bulaklak ay makikita naman sa ilalim ng disc. Ayon sa mga eksperto, ang bulaklak ay isang unisexual dahil sa maari itong magkaroon ng anthero o styles, o maaring hindi din ito makitaan ng mga bagay na iyon.

Kung ikukumpara pa ito sa ibang mga conventional plants, ang Raffflesia ay walang stems, dahon at wala din itong ugat. Maari lamang itong makita o malamann na tumutubo sa isang lugar dahil sa mga buds na silang tumutubo sa host vine at doon ay tumutubo ang bulaklak.

Ayon sa pag-aaral, ang bulaklak na ito ay isang endoparasite na siyang lumalaki sa loob mismo ng stem ng pinaka host nito na Tetrastigma vines. Ang mga parte nito na parang mga roots ay matatawag namang haustoria ang syang namang kumukuha at sumisipsip sa nutrients na mayroon ang bulaklak.

Kung ang halaman na ito ay lumaki na, maglalabas ito ng buds na siyang matatagpuan at makikita bilang maliliit na bumps na nasa vines nito. Ang buds nito ay lalaki sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan. Bukod pa dito, ang buds ng Raffflesia ay magbubukas lamang tuwing uulan kinagabihan at halos isa o dalawang araw ang kakailanganin upang tuluyan nang bumukas ang bulaklak.

Ang species naman na kinikilalang Raffflesia arnoldii ay mula sa isang miyembro ng Indonesian rainforest expedition team na si Dr. James Arnold, na siyang nagsilbing guide ni Sir Stamford Raffles.

Pinaniniwalaan din na ang mabahong amoy ng bulaklak ang siyang tmutulong sa halaman na magtawag ng mga pollinators na siyang mga langaw. Ang amoy nga na ito ay mas mabaho sa tuwing sasapit ang umaga.

Ayon sa mga mag-aaral, halos 10 hanggang 20 percent lamang na mga buds ang siyang nakakapag develop ng isang bulaklak at hindi din sigurado kung lalaki o babae ang bulaklak na sabay na tumubo. Lumabas din sa pag-aaral na halos mas maraming male Raffflesia ang siyang tumutubo,kumpara sa babaeng Raffflesia. Ito ang pinaniniwalaang dahilan na mabagal at kaunting pagpapadami ng halaman at nang bulaklak.

Dahil sa rare lamang ang bulaklak na ito, halos hindi natin ito makikita dito sa Pilipinas at maging sa ibang parte ng kagubatan sa Southeast Asia. Well, ang masama lamang ay sa tagal ng pagtubo at pagbuka ng bulaklak, halos isang linggo lamang ang kanyang itatagal sa mundo.

Ngunit ayon naman sa mga eksperto, kung ang bulaklak ay nabigyan ng fertilization, maari itong maglabas ng kanilang prutas. Ang bunga nga ng halaman na ito ay inilalarawan bilang bilog na syang 12 hanggang 15 centimeters ang laki. Kung bubuksan naman ang prutas ay makikita na ito ay punong puno ng buto at tanging mga squirrel at mga shrews ang siyang kumakain dito.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/xHNfetb_fcQ

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang presidente ng Pinas na kumalaban kay Hitler

Ang dahilan kung bakit haunted ang Kings Park Psychiatric Center